Chapter 3
Zamia Brecken Wringler
Kanina pa ako pabalik-balik sa salamin at sinusuring mabuti ang mukha ko.
Pakiramdam ko'y nauntog ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi ng lalaking 'yon kanina! 'Hindi ako maganda?' Paano naman nangyari 'yun?
Bulag ata siya sa katotohanan! Halos lahat kaya nang nandito sa amin ay binabati ang gandang meron ako.
Tapos ininsulto lang ako ng hindi ko kilala? Porke' bet ko siya? Sus! Makita ko 'yun bukas uupakan ko-- siyempre joke, as if papayag 'yun.
Bodyguards n'on sandamakmak. Humiga sa kama at tumitig sa kisame.
Ano bang nangyayari? Bakit bigla akong binagsakan ng langit ng dalawang anghel? May pagka-dem*nyo lang 'yung isa. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-proseso sa utak ko ang nangyayari.
Alam kong pinagpala ako dahil dumating bigla sa akin 'yung lalaking may matambok na puwet, sa magazine lang kasi ako nakakakita ng ganoon.
Pero kahit pinagpala ako, hindi ko pa rin maiwasang magtaka. Parang ang daming nangyari tapos biglaan lahat.
Napapaisip ako minsan... anong magiging papel nilang dalawa sa buhay ko?
***
Nilibot ko ang paningin ko. Kararating ko lang sa eskuwelahan at nakakapagtakang hindi ko mahagilap si Kuyang Hot na Many*k.
"May hinahanap ka ba? Kung meron huwag mo nang hanapin." Napatingin ako sa gilid nang magsalita bigla ang lalaking nandoon! Siya 'yung kahapon! Pilosopong-robot!
"Hoy robot, kahapon ka pa ah," inirapan ko siya. "Nasaan pala 'yung amo, mong many*k?"
"Bigyan mo ako ng rason para sagutin ko 'yang tanong mo." Napahawak ako sa noo ko. Aba!? Ang tapang nito ah!
"Pilisopong-robot ka! Diyan ka na nga lang!" Singhal ko.
"Dito lang naman talaga ako, alangan naman sundan kita, ano ka ginto?" Tinaas ko na sa eri ang kamay ko pero pinigilan ko na lang.
"Hmp! Robot!" Tinalikuran ko na siya.
***
"Nasaan ba ang Daddy mo? Mag gagabi na ah?" Nag-aalala kong tanong kay Brazilla. Alas singko na nang hapon pero wala pa rin 'yung daddy niya.
Ayaw niya namang umuwi kahit nandito ang iilan sa tauhan ni Kuyang Hot na Manyak.
"Take me home na lang Mommy..." ngumuso ito kaya mas lalong naging cute ang mukha niya. Wew. I'm too soft for kids.
"Sige." Huli na nang mapagtanto ko kung anong sinabi ko! Parang kusang lumabas 'yon sa bibig ko!
"Yehey!" Hinila na niya ako papalabas bago pa man ako makapagsalita ulit. "We're going home na po!" Humarap nanaman sa akin 'yung pilisopong-robot habang nakataas ang kilay. Ako na lang umiwas, lakas ng amats nito.
Sa buong biyahe namin ay nakasandal lang ang ulo ni Brazilla sa akin.
Hinayaan ko na lang dahil mukhang napagod rin siya. At sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon... hindi ko alam kung taga-saan sila.
Halos umabot ng 30 minutes ang biyahe namin bago kami nakarating. Kahit madilim na ay klarong-klaro ko ang malaking gusali na nasa harapan ko.
Shit. Ang laking bahay naman nito!
"Pumasok na po kayo... umuulan na po." Sambit ng isa pang lalaki at inabot sa akin ang payong. Hinawakan ko ang kamay ni Brazilla at sabay kaming naglakad papasok.
Wala akong chansa para suriin ang paligid dahil lumalakas na ang ulan.
Pero subrang mangha ko pa rin nang makapasok kami sa mismong bahay nila.
Nasa pinto pa lang ay amoy ko na rin ang mabangong pagkain na alam kong nanggaling mismo sa loob. Bigla tuloy akong nagutom.
"Daddy! I'm home and Mommy too!" Nag-echo ang boses ni Brazilla sa buong bahay kaya medyo naagaw niya ang pansin ng iilang maids.
Grabi? Pati maids, subrang dami rin? Ano ba talagang meron sa lalaking 'yun.
"Pasok po Ma'am..." alok sa akin ng isang maid. Tumango ako at sumunod sa kanya.
Sa sofa ako umupo hanggang sa marinig ko ang yapak na nagmula sa hagdan at mukhang pababa na rito.
"You're here..." boses niya pa lang ay alam ko na.
"Obvious po Mr." Inirapan ko siya. Akala niya siguro nakalimutan ko na 'yung kahapon!
"Brazilla, how's your day?" Baling niya sa bata na ngayon ay tinutulongan ng isang maid na hubarin ang kanyang medyas.
"Fine Daddy!" Masiglang ani nito at bumaling sa akin. "Mommy is a good teacher!"
"Really?" Matiim lang akong nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang sando at short dahilan para mas lalong ma-expose ang kanyang muscle!
Shems! 'Yung muscle na dati ay bumakat lang sa casual attire niya, ngayon ay bulgaran ko nang nakikita!
"See. I bet you're har*ssing me on your mind?" Napatikom ako ng bibig. Siguro kung hindi siya nagsalita ay baka na-harass ko na talaga siya.
Pero siyempre may pride tayo. "Hindi 'no! Sino ka ba? Wala ka ngang muscles eh!" Nilaro ko ang sariling daliri at pinakiramdaman siya.
"I doubt that."
"Tss. Mayabang talaga," mabilis akong tumayo. "Ah. Hinatid ko lang dito si Brazilla, pero uuwi na rin ako." Ngumiti ako kay Braz na nakanguso habang nakatingin sa akin.
"It's raining Miss Zamia." Sumilip ako sa bintana. Mukhang malakas nga ang ulan. Pero maski na!
"Ayos lang, uuwi na ako---"
"It's okay Miss Zamia. I won't mind, alam ko namang gusto mo rito dahil napagpapantasyihan mo ako nang subra-subra." Andyan nanaman 'yung ngisi niya.
"Huy! Tumigil ka! Wala na 'no! Nagsawa na ako sa mucle at jan sa puwetan mo!" Sigaw ko.
Mabuti na lang at wala na rito si Brazilla, nasa kusina na.
"I also doubt that Miss Zamia. You're eyeing too much to me, malay ko kung hinuhubaran mo na ako diyan sa isip mo," wah! Hindi ko alam na may side pala siyang ganito ah? Maloko.
"Huy! For your information, wala na akong paki! May puwet ka ngang matambok mayabang ka naman!" Bumalik ako sa sofa.
"Atleast may matambok na puwet pa rin. Favorite part mo ha?" He smirked and walk away.
Aba! Ang yabang talaga! Pero tama siya... hehe.
Wala bang balak tumigil ang ulan? Bakit mas lalo lang itong lumakas? Paano ako uuwi nito? Paniguradong nag-aalala na sa akin sina Nanay at Tatay.
Hindi ko pa naman ugali ang umuwi ng late tapos wala pang paalam. Dead bat ang cellphone ko at hindi ako nagkaroon ng chance para mag charge.
"You can stay here tonight." Malamig at seryosong boses ang narinig ko mula sa aking likuran. "Lumalakas lalo ang ulan, if you really want to go home then it's not safe," mas lalong humaba ang nguso ko.
"Gusto kong umuwi... dahil siguradong mag-aalala sa akin ang magulang ko," nakapamewang kong sabi at humarap sa kanya.
"If you're worried about that, then you don't have to. I contacted them already, Zamia." Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Huh? May number ka nila!?"
"Yes. Your mother gave her number to me, I don't know why." Bumagsak ako sa sofa.
Ito talagang si Nanay! Basta guwapo walang pagdadalawang-isip ibigay ang number niya! Nagmana talaga ako sa kanya!
"Then, you're staying here tonight," ulit niya at tinalikuran ako.
"Uh! Wait! May tanong ako..." habol ko sa kanya.
"What? I'm busy man, I hate wasting my precious time," eh? Sana hindi niya na lang ako kinausap!
"Anong pangalan mo pala? Hindi mo pa nasabi eh..." matagal bago siya sumagot.
"I'll answer that if you're willing to accept my offer." Napakunot ang noo ko.
"Offer?"
"Yes. Remember? I had an offer to you, act like a mother to Brazilla, then I will tell you know my name." Umiwas ako ng tingin.
Lakas ng trip.
Huwag na lang! Sa kanya na lang ang pangalan niya!
"Bakit ba ganyan ang offer mo sa akin? Nasaan ba ang nanay ni Brazilla?" Muling naging seryoso ang mata niya at kita ko rin ang pagkabigo sa mga mata niya.
Mukhang mali ata na binanggit ko ang tungkol ro'n.
"If you're that interested, then accept my offer already," tinaasan niya lang ako ng kilay bago siya maglakad papunta sa taas, pero muli siyang lumingon sa akin. "Just call me, Al, for now." Ayon lang at tuloyan na siyang umalis.
Lumapit naman sa akin si Pilosopong-robot. Mukhang inutusan siya ni 'Al' kuno, kakaibang pangalan. "Sundan mo ako, ihahatid kita sa guest room," nakatitig lang ako sa kanya habang nakataas naman ang dalawang kilay niya.
Infairness sa bodyguard na 'to. Ang lakas rin ng dating, mana sa amo. Hekhek.
"Okay..." marahan kong sabi at sumunod sa kanya. Maingat ang bawat hakbang ko sa hagdan hanggang sa tuloyan kaming makarating sa taas.
"Dito ang guest room, pasok ka." Sumunod lang ako, pinagbuksan niya ako ng pinto pero nagulat rin ako dahil pumasok din siya sa loob.
"Bakit? May kailangan ka?" Takang tanong ko at binaba sa kama ang dala kong bag.
Imbes na sagutin ako ni Pilosopong-robot ay tumitig lang siya sa akin.
Medyo nakaramdam ako ng ilang, dahil sa tingin niya sa akin.
Kalaunan ay unti-unting nawala ang pagiging seryoso ng mukha niya bumagsak rin ang balikat niya at lumamlam ang kanyang mga mata.
"May problema ba?" Tanong ko ulit. Mas lumambot lang ang ekspresyon niya dahilan para mas lalo akong maguluhan.
"Kung alam mo lang Zamia... kung alam mo lang..." kumabog bigla ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Ano bang pinagsasabi niya. "I'm sorry... pasensya na, ngayon pa lang, humihingi na ako nang pasensya." Tumalikod siya sa akin pero mabilis ko siyang hinabol.
"Ano bang pinagsasabi mo, Pilosopong-robot?" Hinawakan niya ang magkabilaan kong braso at mahina akong tinulak papalayo sa kanya.
"Doesn't matter Zam. Ang mahalaga nandito ka." Nakatunganga lang ako sa kawalan at hindi namalayang nakalabas na pala siya.
Anong... may amats ba talaga 'yon? Tsk. Sayang medyo pogi pa naman.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro