Chapter 28
Zamia Brecken Wringler
"Who's the monster Zam? Sino... sino ang gumawa sa 'yo no'n?" Nakauwi na ako galing kina Al. Sinamahan niya pabalik sa bahay.
And here we are, talking about the incident that happened to me.
"Gizem--"
"So it's Gizem?" Pinutol ako ni Al.
"No... Gizem's father, Mr. Choi, hindi ko nakita sa memorya ko na kasama si Gizem, but her father... ito ang nagpahirap sa akin." Muntik nang mabitawan ni Mommy ang hawak niyang baso.
Mabuti na lang at nasa gilid niya si Nanay Merge.
"M-Mr. Choi did that to you?" Tumango ako.
Mas naging seryoso ang pagitan sa amin. "Hindi ko po alam kung bakit siya nakisali sa gulo namin... maiintindihan ko kung galit siya sa akin, dahil nasaktan rin si Gizem sa nangyari."
Hinaplos ni Al ang likuran ko para pakalmahin ako. May isang maid rin na naglapag ng tubig sa harapan ko.
"But that doesn't mean he would go that far..." I whisphered. Tama lang para marinig nila.
"It's because of me..." si Mommy.
Nabaling ang tingin namin sa kanya. What does she mean? Bumuntong-hininga siya bago magsalita ulit.
"Mr. Choi and I were connected to each other even before, he's the son of my father's friend. Noon pa man alam ko nang may galit ito sa akin at sa pamilya ko," Nagulat ako dahil sa kwento ni Mommy. I didn't know that they had such a relationship.
"Bakit naman po galit?"
"He's insecure... lalo na sa akin Zam, but years later naging maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. Hanggang sa ako na ang namahal sa kompanyang iniwan ng lola at lolo mo." Nagpatuloy ito.
"Kinuha ko siyang bussiness partner dahil nakitaan ko ng potensiyal ang kompanya nila, I we will be a good bussiness partners. Akala ko tuloyan na talaga siyang nagbago, but I was wrong. He's still insecure to me! And I found out that he's... he's a gay."
Napasinghap ako.
"Being a gay is not a problem to me. 20 years old kami noong nalaman ko ang tungkol doon, hindi lang pala siya insecure sa yaman na meron ang pamilya ko, insecure siya sa lahat ng meron sa akin! I remember, one time, he tried to stole my jewerlies, he also tried to stole my dresses, and everything. But you know the worst?"
Subrang lakas nang kabog ng puso ko. I didn't expect this revelation! Hindi ko inakalang ganito kalalim ang ugnayan nila sa isa't-isa.
"He tried to stole your dad away from me!" Hindi ko na mapigilang mapatakip sa bibig ko.
"Mommy..."
"Pero nabigo siya dahil doon! He likes your dad before Zam, pero pinakasalan ako ng Daddy mo. After no'n naglaho na lang siya bigla. At noong muli kaming magkita nalaman ko na lang na may anak rin pala siya, it's Gizem." I sighed.
He's a gay... but he had Gizem? Nagka-asawa ba siya ng babae? But I never saw him with a woman... or heard about him having a wife.
"Nag sorry siya sa akin dahil sa mga nangyari sa nakaraan namin. And he even told me about Gizem, bunga raw ito ng one night stand niya sa isang babae, ngunut kinlaro niya rin sa akin na mahal niya ang anak niyang si Gizem... after that we became friends again. Became bussiness partners."
"Kaya siguro noong malaman niyang nasaktan si Gizem dahil sa akin ay subrang nagalit siya... at hindi lang 'yon, galit rin siya sa akin dahil anak mo ako? Ganoon po ba, Mommy?" Mabilis siyang tumango.
"Akala ko nagbago na siya nang tuloyan... I was wrong, binuntong niya sa 'yo ang lahat nang galit niya sa akin noon... And he always mentioned to me how much he loves his daugther, na kahit hindi niya inaasahan ang pagdating nito sa kanya ay mahal na mahal niya pa rin."
"Pinatawad ko siya kasi akala ko nagbago na talaga, naging maganda ang relasyon ng kompanya niya at kompanya natin. I can't believe he fooled me once again, at dinamay ka pa talaga..."
"Doñia Srefa, huwag mo ring pilitin ang sarili mong magkwento, alam kong mahirap sa 'yo ito." Sumingit si Nanay Merge sa amin.
"Mommy, magpahinga ka po muna,"
"Ipapadala ko ang mga tao natin Zam, kailangang mahuli ang lalaking 'yon. He needs to pay for what he did."
"I will also called a police, they will cooperate with us. We also need to plan this Tita, kung magpadalos-dalos tayo ay baka tumakas siya," si Al.
Naalala ko si Gizem. "How about Gizem... totoo kayang siya ang nag-utos sa Daddy niya? I didn't saw her that time, wala siya noong pinapahirapan ako ng Daddy niya."
"We need to consult her, if she's involve with this, then she also needs to pay---"
"I-I don't know..." natigilan kaming lahat. "H-Hindi ko alam na ginawa 'yon ni Daddy..." Si Gizem!
"Gizem?"
"May plano kayong hulihin ang Daddy ko? Too late." Nagtagal ang titig namin sa kanya. "I can't find him. I can't find my dad, I think he already flee out the country."
"What did you say Gizem?" Si Al na mabilis lumapit sa pwesto ni Gizem.
Maging ako ay sumunod na rin.
"Hindi ko alam na ginawa 'yon ni Daddy sa 'yo Zamia... years ago, he saw me suffered, nasaktan ako sa lahat ng mga nangyari... and my Dad is the only one who's there for me." Natahimik kami.
Nagsimulang humikbi si Gizem.
Hindi ko man inaasahan na ganito ang mangyayari ngayon ay hinayaan ko siyang magsalita.
"Nilabas ko ang lahat nang sama ng loob ko... at siya lang 'yung nandoon para makinig sa akin. You're right! I hated you... I hate you so much... dumating nga sa punto na nagbanta ako sa 'yo... but I was just carried away, hindi ko magagawa ang masasamang bagay." Ilang minuto kaming natahimik.
Tanging hikbi lang ni Gizem ang naririnig sa buong paligid. Hanggang si Mommy na mismo ang pumutol nang katahimikan.
"Do you think we well believe you? Like your dad, you can fool us too! Baka nga pinadala ka niya rito!?" My mom shouted.
Hinawakan ko ang braso niya para kumalma siya nang kaunti.
"I know I'm not the person you can easily to trust or believe, but I'm saying the truth! I don't have any idea, hindi ko alam na ginawa niya ang bagay na 'yon." Bumagsak ang tingin ko sa sahig.
It looks like Gizem is sincere with her words.
"We were investigating the case now Gizem, are you willing to cooperate with us?" Sabay na lumingon si Al at si Mommy sa akin.
"Anak, hindi natin mapagkakatiwalaan ang babaeng 'yan! She may crying right now in front of us, but we don't know what is her real intentions." Tumingin si Mommy sa akin na may bahid ng pag-aalala.
Muli kong binalik ang tingin kay Gizem.
"Kung talaga mang niloloko niya tayo ngayon, ako mismo ang magpaparusa sa kanya. Now Gizem, are you willing to cooperate with us?"
Hindi ko lubos na pinagkakatiwalaan si Gizem. Mag-iingat ako sa gagawin naming imbestigasyon, at maaring makatulong si Gizem sa amin kung sakali man.
We need her, lalo na't siya ang pinakamalapit na tao kay Mr. Choi. Kaya kung sakaling tutulong siya sa amin ay mas mapapadali ang imbestigasyon.
"Let me help... then."
* * *
"What the hell are you doing here, Klaus?" Napatingin ako sa pinto ng bahay nang marinig ang boses ni Al.
"Easy, I'm here to help," boses ni Klaus. Tinakbo ko agad ang distansiya mula sa sala papunta sa pinto, at bumungad sa akin si Klaus at Al na parang nagpapatapangan ng tingin.
"Klaus? What are you..." tipid siyang ngumiti sa akin.
"I know that we already talked about us Zamia... hindi naman 'yon ang rason kung bakit ako nandito. I'm here to help about your case." Binaling ko ang tingin kay Al.
Nakasimangot lang siya ngayon at matalim pa rin ang tingin kay Al.
"You need to be sure about that, or else," si Al.
Mainit talaga ang dugo nila sa isa't-isa.
Mabilis na lang akong sumabat. "Let's cooperate for now, can we? Mahalaga ang kasong 'to." Mabuti na lang at mabilis silang kausap.
"Zamia! I'm here also to help!" Napalingon kaming tatlo dahil sa malakas na boses.
Si Analiz!
"Analiz!" Mahigpit siyang yumakap sa akin. "I miss you..." ngayong bumalik na ang ala-ala ko, mas lalong umapaw ang pangungulila ko sa kanila.
Sa mga naging parte ng buhay ko.
"You finally remember me." She whisphered.
"Oo!" Humiwalay kami sa isa't-isa. "Pero ano? Tutulong ka rin?" Mabilis siyang tumango.
"My family is willing to help, and I am more than willing too." Matamis akong ngumiti.
Hindi pa kami tuloyang nakapasok sa loob ng bahay ng may tatlong tao pa ang dumating!
Si Darth! Si Exeriel (ang nakakatandang kapatid ni Al) at higit sa lahat si... si... si...
"Roxan!!!" Malakas na tili ko nang makita ang babae.
Nanlaki ang mata niya nang makita ako at sinalubong ako nang mahigpit na yakap.
"Huhu! Zamia! Miss kita nang subra!" Tumagal ang yakap namin bago tuloyang humiwalay sa isa't-isa.
"Oh, what is this? May kaso ba talagang kailangan asikasuhin, o may parteng nagaganap?" Si Darth.
Inirapan siya ni Roxan. "Manahimik ka na lang!"
"Don't you dare shout at me! Sino ang nagdala sa 'yo rito, aber!?" Inirapan niya rin si Roxan, kaya naman yumuko ang babae na parang tutang pinagalitan ng amo.
"It's better if we go inside." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Al.
"So, sumabay ka kay Darth papunta rito?" Tanong ko kay Roxan.
"Yes, no choice ako 'no! Nagka-utang na loob pa ako sa Darth na 'yon! Uhh! I hate him." Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.
Nang makapasok kami ay dumiretso kami sa may sala.
"Oo nga pala, this is my friend, nakilala ko siya sa halos tatlong taon na wala ako rito sa Manila. This is Roxan," ngumiti si Roxan sa kanila pero nang dumapo ang tingin niya kay Darth ay mabilis siyang umirap.
"Hello I'm Roxan Vrea Hugler, Roxan or Rox, for short." Pakilala niya.
"Klaus,"
"Analiz,"
"Exeriel,"
"You already knew me... I'm Al."
Akmang magsasalita si Darth nang pigilan ito ni Roxan. "Opps! Oo na kilala na kita, hindi mo na kailangang magpakilala."
"What!? Ingrata ka, hindi ako magpapakilala 'no! I just want to say that, I want juice! Assumera!" Mahinang natawa si Klaus at Analiz dahil sa kanilang dalawa.
"Oh, god. Nakahanap ka na nang katapat mo, Darth?" Si Analiz.
"Mukha nga," sumang-ayon si Klaus.
Tumaas naman ang kilay ni Al dahil sa bahagyang pag-imik nito, mabilis ko na lang siyang siniko.
"Whatever." Sabay na ani ni Roxan at Darth.
"Uhmm..." napalingon kaming lahat dahil sa mahinang boses. "I think I need to go now? Babalik na lang ako bukas." Si Gizem.
Walang emosyon ang bakas sa kanyang mukha, at parang matamlay na gulay lang.
"What is she doing here?" Natunugan ko ang taray sa boses ni Analiz.
"Why don't you join us here?" Nagulat rin ako nang magsalita ang nakakatandang kapatid ni Al. Si Exeriel.
Lumipat ang tingin ni Analiz sa lalaki at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
Oo nga pala, I remember, they had something before! Pero mukhang malamig na ang pakikitungo nila sa isa't-isa.
"Join us Gizem." Aniya ko. Mukhang nagulat rin sila sa sinabi ko. "Handa kang i-tama ang pagkakamali mo 'di ba? Handa rin akong tanggapin ka... namin."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro