Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Zamia Brecken Wringler

"Kailangan mong magpalakas Zamia, masaya akong bumalik na ang ala-ala mo, ngunit ayaw kong mabinat ka." Hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nasa gilid si Mommy at si Nanay Merge naman ay nilapag ang pagkain sa gilid ng kama ko.

"S-Si A-Al po? Nasaan siya?" Nagkatinginan silang dalawa ni Nanay.

"Umalis siya Zamia... gaya nang gusto mong mangyari," si Nanay Merge ang sumagot.

Mas lalong bumigat ang puso ko dahil ro'n. Ang huling pag-uusap namin ay pinaalis ko siya... pinagtabuyan ko.

"Gusto ko po siyang puntahan..." gusto kong mag-sorry dahil sa sinabi ko.

Alam kong nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko. Ngayong bumalik na ang ala-ala ko mas lalo kong naintindihan ang lahat.

I love Al... sadyang pinangungunahan lang ako nang galit.

Sa pag-aakalang nagsinungaling siya sa akin.

I hurt him. Wala siya rito dahil pinaalis ko siya.

"You need to gain more energy Zamia... bago mo harapin ulit sila," pilit na lang akong tumango.

"Ilang oras na po ba akong walang malay?" Nagbaba ng tingin si Mommy.

"Dalawang linggo na Zam... you're 2 weeks unconscious." Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa narinig.

Hindi oras... kundi linggo? Ganoon katagal?

"Hindi po pumunta si Al?"

"Hindi ko muna sila hinayaang bisitahin ka Zamia... pati na rin si Klaus." Huminga ako nang malalim.

Hearing Klaus's name is making me angry. Naalala ko na lahat! Kung paano... kung paano niya ako niloko noon. He made me sign that paper... panloloko 'yon.

I am clueless. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya sinasabing asawa ko siya.

At may kasalanan rin ako dahil hinayaan ko agad ang sarili kong malason ng emosyon at pinagtabuyan si Al.

I wonder... how is he now?

* * *

Isang araw akong nagpahinga sa loob ng kwarto ko. Ngayon lang ako nakababa. Hindi ko pa binanggit kay Mommy ang tungkol sa daddy ni Gizem.

Si Mr. Choi... siya ang kumuha sa akin. Gusto kong intindihin lahat... kung bakit na-involve siya sa gulo namin. Inutusan ba siya ni Gizem? Na pahirapan ako?

Kung ganoon kailangan kong makuha ang opinyon ni Gizem.

"Zamia..." napatigil ako nang marinig ang boses na nanggaling sa likuran ko. Dumausdos ang galit ko nang humarap ako kay Klaus.

"Mabuti nagpakita ka pa Klaus? I thought you're going to hide forever to keep our mere marriage?" Nanlaki ang mata niya.

"Zamia---"

"Yes, I've regain my memories! Bumalik na sa akin ang lahat at kung paano mo ako... paano mo kami niloko!" Sigaw ko.

Yumuko siya at akmang lalapit sa akin ngunit mabilis akong lumayo. "After hiding for so many years... naisipan mo ring bumalik. Now I want to question you, Klaus, bakit mo nagawa sa akin 'yon!?"

"Zamia... I did that because I love you... nagawa ko 'yon dahil gusto kong masiguro na sa akin pa rin ang bagsak mo---"

"You're selfish! Sa tingin mo tatanggapin ko ang rason mong 'yan!? Nang dahil sa ginawa mo, subrang gumulo ang lahat Klaus!"

Hinawakan ko ang ulo ko at mahinang pinisil ito.

"Hindi lang ako ang naghirap... kundi 'yung mga taong nasa paligid ko! Si Al... si Brazilla! Ang anak ko hindi ko nabigyan nang maayos na pamilya!"

Winakli ko ang kamay niya nang abutin nito ang braso ko.

"May pagkakataon ka noon para i-tama ang lahat! Pero anong ginawa mo!? Umalis ka ulit! Nagtago ka ulit! Ganiyan ka ba ka makasarili!?"

Malakas ko siyang tinulak.

"Inagaw mo ang pagkakataon at panahon ko para sana maging masaya at maging buo ang pamilya ko!"

"I'm sorry... I'm so sorry Zam... I'm sorry... I know I was selfish, I am so much fond of you Zam. Minahal kita nang subra kaya ko nagawa 'yon." Umiling ako.

That's a total bullshit.

"Hindi pagmamahal ang ganoon Klaus!"

"I'm so sorry... pero minahal mo ba ako Zamia?" Umangat ang gilid ng labi ko.

At bakit niya tinatanong 'yan ngayon. "What's your point Klaus? Bakit parang binabalik mo sa akin lahat!?"

"I want to know Zamia... kasi ako alam kong minahal kita nang subra, 'yon ang totoo... minahal kita na umabot sa puntong mali na ang paraan nang pagmamahal ko sa 'yo... tanggap kong galit ka. Pero gusto kong malaman kung minahal mo ba ako?"

What a jerk.

Of course I did. He's my first love, after all. I did have so many flings before, but my relationship with him is serious!

"Minahal kita Klaus... but things goes wrong when you suddenly vanished without a trace. You left, you disappeared."

"Kaya ka naghanap ng iba?"

"I moved on! Bakit ba parang pinapamukha mo sa akin na kasalanan ko pa? You're the one who fooled me, babalik ka na lang bigla tapos sasabihin mong kasal ako sa 'yo?"

"Kung hindi ba ako umalis noon Zamia... ibig-sabihin tayo pa ring dalawa? Kung hindi ako nawala noon, ako pa rin ba?" Natikom ang bibig ko.

Kung hindi siya umalis... hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ko. Mas naging masaya ako kay Al, mas naramdaman ko ang totoong pagmamahal sa kanya.

Klaus may be my first love... but Al was my greatest love.

"Klaus I don't know why are you bringing this up, naging masaya ako noon kasama ka. Sa maliit na panahon natutunan kong magmahal, but everything ruined. Remember that you're the first one who broke our promise... Now Klaus... I want annulment... let's have an annulment."

Matagal siyang tumitig sa akin. Nang magsimula siyang lumapit ulit sa pwesto ko'y hindi ako gumalaw.

Umangat ang kamay niya papunta sa mukha ko.

Hinaplos niya ang bawat sulok ng mukha ko, mula sa mga mata, pababa sa aking ilong, hanggang sa labi ko.

Anong ginagawa niya? Yumuko siya saglit at nang muli niyang i-angat ang tingin ay nakita ko na ang iilang butil ng luha sa kanyang mata.

"I'm sorry If I was selfish my love... I'm so sorry if I loved you in a wrong way..." nanatili akong tahimik.

Sa puntong 'to ay dalawang kamay na niya ang nasa mukha ko. Nagulat pa ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.

Mabilis na halik ang ginawad niya sa pisnge ko. Nagulat ako dahil ro'n kaya mabilis ko siyang tinulak, pero muli siyang lumapit sa akin.

"Itatama ko na Zamia... I promised, after all of this I will give you what you want. Gusto ko lang malaman mo na kahit kailan hindi ako magsisisi na minahal kita... kahit pa sa maling paraan."

"Klaus..."

"Zamia, kung maibabalik ko ang panahon, hindi kita iiwan... hindi ako aalis... hindi ako mawawala... but I know that was impossible."

"Klaus,"

"I'm sorry because I hide... I'm sorry because I stole your freedom. Kaya ngayon ibabalik ko na, mahal na mahal kita Zam... mahal na mahal."

"I'm not the one for you Klaus..." I whisphered. He nodded.

"I know my love... but I'm still grateful because I had you once in my life, I will treasure that memory... I will treasure you..." Huminga ako nang malalim.

Walang tigil pa rin sa pagtulo ang luha niya.

"Ang hirap mong pakawalan Zamia... tangina, ang hirap... but I need to, right?"

"You need to, Klaus."

"Then... let's have an annulment, you're now free from me Zamia. I'm so sorry again... I'm so sorry..." hinalikan niya ang noo ko at muli akong tinitigan.

Sinalubong ko ang tingin niya.

"Let's have an annulment."

* * *

Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay nila Al. Naalala ko kung paano ako lumuhod rito noon para makausap siya.

Ang sarap sa pakiramdam na bumalik na ang ala-ala ko. Ngunit sa kabilang banda ay masakit rin.

I tap the doorbell.

"Miss Zamia?" Lumabas ang isang maid.

Ngumiti ako ng tipid.

"Tuloy po kayo." Tango lang ang sagot ko at naglakad papasok sa loob. Maraming nabago sa bahay nila... but the designs is still like before.

"Si Al po?"

"Nasa kwarto niya po Miss Zamia."

"Si B-Brazilla?"

"Tulog na po, pero pwede po kitang samahan sa kwarto niya..." mabilis akong umiling.

"Okay lang po... ayaw kong madisturbo ang tulog niya..." saglit na tinuro nito sa akin ang kwarto ni Al.

Naalala ko naman kung saan pero hinayaan ko na lang siyang dalhin ako sa kwarto ni Al.

"Salamat po." I thanked her. Dahan-dahan kong kinatok ang pinto niya.

Wala akong sagot na nakuha kaya sinubukan kong pahitin ang door knob. Hindi naka-lock!

"A-Al..." I called him.

Nakatalikod siya sa akin. Sinara ko ang pinto at naglakad papalapit sa kanya.

"What are you doing here Zamia?" Napatigil ako. Ang lamig at seryoso ng boses niya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong takbuhin ang distansiya namin at yakapin siya mula sa likuran.

"I'm here for you... isn't it obvious, huh? Al... I remember everything..." sinubsob ko ang mukha sa likod niya.

"I heard about it Zamia... so what are you doing now?" Bumitaw ako at mabilis siyang hinarap.

"Al, aren't you happy about it?" I bit my lower lip. "Okay I understand... I'm sorry if I said, I don't want you... nadala lang ako ng emosyon ko..."

"Okay." Akmang tatalikod siya sa akin nang mabilis kong pinigilan ang kamay niya.

"Why are you like that? I want to say sorry because of what I said. Pero bakit parang gusto mo na akong paalisin?"

"Kasi ayoko nang marinig ang susunod mong sasabihin Zam. I knew already... I saw it." Kumunot ang noo ko.

"What are you talking about?"

Humarap siya sa akin. "Pumunta ako sa inyo kanina... and I saw everything, I knew you're going to choose him---"

"What?"

"Nevermind. How's your feeling? Naalala mo rin ba kung sino ang---"

"For now... can we talk about us Al? Anong nakita mo kanina at bakit hindi mapalagay ang mukha mo?" Did he see me with Klaus?

Nakita niya bang hinalikan ako nito sa pisnge!? But I was also shocked because of that... inakala niya bang pinili ko si Klaus? Then, this is a misunderstanding.

"What about us... hmm? What do you remember about us?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Lahat... lahat-lahat Al... alam kong mali ako noong pinaalis kita at pinagtabuyan, that's why I'm here... Al gusto ko nang matapos ang lahat. Gusto ko nang tapusin 'to."

"Ako rin Zamia. That's why I want to ask, naalala mo ba kung sino ang gumawa sa 'yo nang insidenteng nangyari? Naalala mo ba kung sino ang nagpahirap sa 'yo?" Tumango ako.

"Naalala ko..." mas lalong sumeryoso ang mukha niya.

"Alam na ba ni Tita?" Umiling ako. "What? We should tell her Zam--" mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.

Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta na lang akong tumingkayad at dinampian siya ng halik sa labi.

"If you thought that I was going to choose Klaus... then you're wrong, nag-usap lang kami kanina Al. Sinabi kong gusto ko ng annulment, and he agreed." Nag-iwas siya ng tingin.

"So, what's the kiss for?"

"Nagulat rin ako dahil do'n! I swear... at tsaka tinulak ko naman siya. And he didn't kiss me on my lips, sa pisnge niya ako hinalikan," he smirked.

Mas lumambot na ang ekspresyon niya ngayon.

"Let's end this Zamia... I want to live peacefully." Ngumiti ako. "Papakasalan kita, pagkatapos ng lahat. Sisiguradohin kong papakasalan kita Zam... sa simbahan."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro