Chapter 25
Zamia Brecken Wringler
Mabilis akong tumalikod habang ang isa kong kamay ay nasa aking dibdib. Nahihirapan akong huminga nang maayos pero pinilit ko ang sariling umalis doon.
Dahil hindi pa available ang elevator ay sa hagdan na lamang ako dumaan. Wala na akong pakialam kong hingalin ako o kung ano pa man, gusto ko lang makaalis dito.
Nasa 10th floor ako nang hindi ko na talaga makayanan pa, habol-habol ko ang hininga ko at nagtungo sa elevator, mabuti na lang at nakasakay agad ako.
Tulala lang ako sa loob habang hawak-hawak ang dala ko sanang pagkain para sa kanya. I felt useless, I felt empty, again.
"Zamia!" Nag-angat lamang ako ng tingin nang marinig ang boses ni Darth. Pilit akong ngumiti. "You visit, Al? And what's that?" Maarte niyang tanong habang tinuturo ang dala ko.
Inabot ko 'yon sa kanya. "Sa 'yo na lang Darth, masarap naman 'yan." Tanging sabi ko lang at nilagpasan siya.
Halos takbohin ko na ang distansiya ng kotse ko, at nang makapasok ako sa loob ay tsaka lang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
What do I expect? Things between me and Al is not the same anymore. I still love him until now, but him? I think I already had the answer... he don't love me anymore.
Napapaisip tuloy ako. Hindi kaya bumalik lang si Al sa akin dahil alam niyang buntis ako noon? Kung sakaling hindi ako buntis ay siguradong hindi niya ako pinapansin noon.
Mapait akong ngumiti habang pinapaandar ang sasakyan ko. Sa subrang pagkawala ko sa sarili ay hindi ko namalayang muntik na pala akong bumangga sa malaking truck.
"Ano ba, Miss, may plano kang magpakamatay? Huwag kang mandamay ng iba!" Sigaw n'ong driver.
"P-Pasensya na po..." nahihiyang aniya ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Umuwi ako nang bigo dahil sa nangyari. Pagpasok ko sa kwarto ay binagsak ko ang katawan sa kama. Nagsimula ulit umiyak.
Now, it's already clear for me, kaya lang bumalik si Al sa akin dahil alam niyang may anak kaming dalawa. Aside that, wala ng ibang rason.
Noon pa man tuloyan na talaga siyang nawala sa akin... hindi ko lang namalayan. Pero ang sakit pa rin 'e. Ang sakit ng makitang may kahalikan siyang iba, and worst is his ex.
The closure that I needed is now clear.
Tinatanong ko sa sarili ko, kami pa ba ni Al? Masaya pa ba talaga kami? May pag-asa pa bang bumalik sa dati? Marami pa akong tanong sa isip ko... but now I already knew the answer... hindi na kami babalik sa dati.
Brazilla is the reason, why I have a connection to Al. Kung wala si Braz ay paniguradong wala na rin si Al.
Nagpahatid ako ng wine sa aking kwarto at doon ay nagsimulang uminom. Nasa sulok lang ako at walang tigil na umiiyak.
My Al is not into me anymore, I guess.
* * *
Umaalon na ang paningin ko dahil sa nainom ko kanina, I don't know where I am heading to, pero nang makita ang Village na pinasukan ko'y natukoy ko agad na papunta ako ngayon kina Gizem.
Nang makita ang bahay nila ay agad kong pinark ang sasakyan ko at lumabas doon.
I don't even know what I am doing. Parang binabalot ako ng wine na nainom ko. I tap the doorbell 3 times, hanggang sa lumabas ang isang maid.
"I want to talk to Gizem..." pinasadahan ako ng tingin ng babae bago tumango.
"Pasok raw po kayo Ma'am..." ani ng maid at pinagbuksan ako ng gate. Wala na akong panahon igala ang paningin ko sa kabuoan ng kanilang bahay dahil gusto ko na agad matapos ang gagawin ko.
"Nasa loob po si Ma'am Gizem," tumango lang ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang iilang bookshelf na nasa loob at sandamakmak na libro.
Library I guess.
"Zamia... What are you doing here?" Bumaling ang tingin ko sa kanya. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at diretso ang tingin sa akin.
"You win Gizem, happy?" I said with full of sarcasm.
"What are you talking about?" Tumayo siya at hinarap ako.
"Ilang taon nga kayong magkarelasyon noon ni Al?" Halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko.
Tumikhim siya. "5 years. Why are you asking?"
5 years... kinagat ko ang pang-ibabang labi. Anong laban ng limang taon nila noon, sa limang buwan namin ni Al noon?
"Uh... well I'm here to day that I am going to surrender him to you, maybe you're right, Al just used me before to get over you... ngayon ko lang na realize." Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"What are you..."
"Siguro nga mahal ka pa niya Gizem, kailangan niya lang talagang panindigan ako noon, kung hindi ako nabuntis ay baka bumalik na siya sa 'yo..." Huminga ako nang malalim at pinahid ang luha ko.
"He loves me..." Hindi makapaniwalang bulong niya.
Hindi naman siguro sila maghahalikan 'di ba kung hindi nila mahal ang isa't-isa.
"Take care of him, then. He's the father of my daugther, pero hanggang doon na lang 'yon... so don't waste this opportunity to you. Hahayaan ko na sa 'yo si Al dahil mahal mo naman siya, right? And he does the same... he loves you..." more than he loves me.
Oh, minahal ba talaga ako?
Tumalikod na ako sa kanya. Bawat hakbang ko ay siya ring pagpatak ng luha galing sa mata ko.
Is this the meaning of 'paubaya' huh? Ang sakit palang gumising sa katotohanan na hindi ka na mahal ng taong mahal mo... at hindi ka sigurado kung minahal ka ba talaga.
I love Al... but he doesn't feel the same way. So I'm letting him go. I'm surrendering him to the girl she loves.
* * *
"Lady Zamia, nasa baba po si Sir Al." Saglit na dumapo ang tingin ko sa pintuan bago binalik ang tingin sa librong binabasa ko.
"Okay. Sabihin mo na lang, busy ako at hindi ako makakababa." Aniya ko.
Sa halos dalawang linggo ay 'yon palagi ang ginagawa ko sa tuwing sinusundo ni Al si Brazilla, hindi ako nagpapakita sa kanya.
Mas mabuting ignorahin ko na lang si Al hanggang sa masanay ako. At kung kaya ko nang harapin siya ng wala na akong nararamdaman ay mas mabuti, sa ngayon mas kampanti ako sa ginagawa ko.
Hapon nang magkaroon ako ng oras para bumaba saglit at kumuha ng juice sa kusina.
Pero agad rin akong natigilan nang makita ang pamilyar na pigura.
"Zamia." He called me. Pinilit kong umakto nang maayos at dumiretso sa kusina. "Maaga natapos ang klase ni Braz ngayong araw, that's why I'm here also, hinatid ko siya." Tumango ako at nagsalin ng juice sa baso.
"How are you? I've heard that you're focusing on your review, malapit na ang bar exam?"
Tumango ako. "Oo, kailangan, e. At ayos lang naman ako. Salamat sa paghatid kay Braz."
"Why are you always say 'thankyou'? It's my response to take her home, you don't need to thank me." Pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanya at lumabas ng kusina. "Zamia, I have something to tell you..."
Naglakbay ang kaba sa sistema ko. What is he going to say? Sasabihin na ba niyang hindi niya na talaga ako mahal?
"Marami pa akong ginagawa Al." Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Kung 'yon rin lang ang sasabihin niya sa akin, pwes ayoko nang marinig!
Alam ko naman na hindi niya ako mahal.
* * *
Isang linggo ulit ang nakalipas. Ganoon pa rin ang ginagawa ko, ignoring him as I can.
Ngayon ay papalabas ako mula sa grocery store, si Manang Merge sana ang gagawa nito pero ang presenta ako. Wala rin kasi akong magawa pagkatapos ng review ko kanina.
Nilagay ko sa likod ng kotse ang mga pinamili ko at nagsimulang magmaneho. Dumidilim na ang paligid dahil pasado alas syete na ng gabi.
I was peacefully driving when I saw someone is chasing me. Na distract agad ako lalo na nang makitang humarang ang sasakyan nito sa dinadaanan ko, and I saw Al coming out on that car.
Lumapit siya sa kotse ko at kinatok ang salamin. Hindi ako nakagalaw lalo na nang makitang nagsimula nang umulan at paniguradong mababasa si Al dahil nasa labas siya.
He knock again. "Zamia, let's talk, please..." nakita ko ang paggalaw ng labi niya habang kinakatok ang salamin ko.
Ano bang ginagawa niya!? Nababasa na siya ng ulan! At bakit niya ako sinunda!?
Pilit ko na ngang nilalayo ang sarili ko pero bakit ganito ang ginagawa niya? Bakit ginugulo niya ako!?
"Open this please... mag-usap tayo, Zam..." hindi ko man narinig ang sinabi niya naintindihan ko pa rin ang ibig-sabihin nito. Inis kong binuksan ang kotse ko at hinarap siya.
Maging ako ay nabasa na rin ng ulan.
"Are you crazy!? Anong ginagawa mo? Umuulan!" Sigaw ko. Hinuli niya ang kamay ko.
"We have a problem right? What is it, Zam? Bakit hindi mo ako kinakausap? Bakit... bakit lumalayo ka sa akin?" Nadurog nanaman ang puso ko.
"Al ano ba... hinayaan ko na kayong dalawa! Pinalaya na kita... bakit kailangan mo pa akong guluhin!"
"What are you talking about, Zam..." hinaplos niya ang pisnge ko pero winakli ko ang kamay niya.
"I saw it... that day, nakita ko kayong dalawa! You're kissing each other! Well, naiintindihan ko naman na siya talaga ang mahal mo---"
"Ikaw ang mahal ko, Zam." Kinuyom ko ang kamao ko. What is this now!? "We're not kissing each other, she kissed me Zam and I didn't kiss her back..." mahinahon niyang sabi. "Gusto kong aminin 'yon sa 'yo pero hindi mo ako hinahayaang magsalita, you always ignore me..."
"S-Stop lying... alam ko naman na si Brazilla lang ang dahilan kung bakit ka bumalik sa akin noon---"
"Bumalik ako sa 'yo dahil mahal kita!" Bumagsak ang luha sa mata ko dahil sa sinabi niya. "Zamia... I love you so much, is that the reason why you ignore me? Alam mo bang halos mabaliw na ako kakaisip kung anong nangyari at biglang ganoon ka sa akin, huh?"
"U-Uuwi na ako..."
"That day Gizem went to my office, gusto niyang makausap ako at magpaalam sa akin dahil ang sabi niya titigil na siya, but she suddenly kissed me Zam, believe me or not I pushed her right away. I didn't kiss her back, things happened too fast, humingi siya ng sorry dahil sa ginawa niya, but I'm still angry with that kaya banned siya ngayon sa kompanya." Tila nabunutan ako nang tinik dahil doon.
Did I judged him too fast?
"You didn't love me anymore... Al," umiling siya.
"I fucing love you Zamia! You doesn't know how much I crave for you, I want to marry you but how can I?"
Nagpatuloy ang luha ko.
"I saw Gizem the other day, sa isang restaurant, and she said kinausap mo siya... perhaps, you surrender me to her, huh? That hurts Zam, bakit mo ako pinapamigay... hmm?" Hinila niya ako at mabilis na niyakap.
"Al... y-you love me? You still do?"
"Of course I do Zam... bakit mo iniisip na hindi kita mahal?" Sumubsob siya sa aking leeg.
Habang kagat-kagat ko ang labi ko, hindi ko alam kung anong i re-react ko.
"I love you... fuck... I love you so much Zamia..." tila nahulog ang puso ko nang lumuhod siya sa harapan ko.
Wala pa ring tigil ang ulan at parehas na kaming basang-basa.
"Al... what are you doing..."
"Let's get married here... even if it's not legal, atleast we keep this for ourselves... no rings, no gowns or suit, no visitors, no priest, just our hearts... just the two of us," umawang ang bibig ko dahil doon.
Ngunit hindi ko maitatanggi ang ginhawang naramdaman ko. I got it all wrong, Al loves me!
"Now I'm asking you Zamia Brecken Wringler... do you take me as your husband?"
Humagulhol na ako habang tumatango.
"I-I do... I do!" Tumayo siya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
Malalim akong huminga bago magsalita.
"Then you, Ather Lavien Vaulghin... do you take me as your w-wife?"
"A millions I do! I do... I do... Zamia." Ngumiti ako hanggang sa maramdaman ko na ang malambot na labi niya sa akin.
We shared our promise to each other that day... in the middle of the rain, we took each other... sa araw na 'yon muling nagkaisa ang puso naming dalawa.
Hindi man makatotohanan ang kasalang naganap, pero iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro