Chapter 24
Zamia Brecken Wringler
Hinawakan niya ang kamay ko at inalis iyon mula sa pagkakayakap ko sa kanya. He looked at me with full of questions.
"Y-You're what?" Napayuko ako.
"I'm pregnant... kung talagang ayaw mo na sa akin at ayaw mo akong pakinggan, then, atleast you know about our baby. G-Gusto kong malaman mo..."
Matagal siyang nakatitig sa hanggang sa nagsimula siyang lumapit sa akin. Ipagtatabuyan niya pa rin ba ako?
'Yon ang nasa isip ko. Pero mali ako, mahigpit niya akong niyakap. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha niya sa aking balikat.
Mas lalong nadurog ang puso ko dahil doon. He's crying... right know.
"Let's go inside." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong maglalad papasok sa kanila.
Nakita ko si Exeriel sa sala na ngayo'y nakataas ang kilay habang nasa amin ang tingin.
Hindi naman siya pinansin ni Al at dire-diretso lang hanggang sa marating namin ang kwarto niya.
Umupo ako sa may couch at pinanood siyang mag hubad ng suot niyang coat.
Tumikhim ako bago magsalita. "Klaus is my ex-boyfriend," panimula ko.
"2 years ago since we broke up, he suddenly vanished... noong unang nakita natin siya sa parking lot, that was also the first time that I saw him after 2 years."
Saglit akong tumigil at pinunasan ang luha ko.
"I don't know about that marriage Al. He fooled me before, malaki rin kasi ang tiwala ko sa kanya noon kaya hindi ko inakalang magagawa niya ang ganoon." Umupo siya sa tabi ko.
"Do you still love him?" Mabilis akong umiling.
"I already moved on, Al. That was years ago, at bakit naman kita sasagutin kung mahal ko pa pala siya?" He nodded.
Siya ang nagpunas ng luha ko, bumaba rin ang tingin niya sa tiyan ko. It's true that I am pregnant, sa mga nakaraang linggo at araw, palagi na lang akong nahihilo.
I also vomit 4 times, doon ako nagsimulang manghinala. I confirmed it yesterday, bumili ako ng tatlong pregnancy test and all positive.
"Nagsasabi ako ng totoo... Please believe me." Sumandal ako sa dibdib niya.
"I'm sorry..." he whisphered.
Hinaplos niya ang buhok ko at pinaulanan iyon ng halik.
"I was shocked at the same time I was hurt Zam. My heart almost stop when I heard that you already had a husband... I'm sorry..." hindi ako sumagot at nanatiling nakasandal sa kanya. "When did you know about your pregnancy?"
"Y-Yesterday... walang nakakaalam bukod sa 'yo Al. I was too scared to tell my parents, gusto kong sabihin sa kanila pero gusto ko ring sa 'yo ko muna sabihin." I explain.
"I wanted to marry you..." tinignan ko ang kamay ko.
Suot-suot ko ang singsing na ibibigay niya sana sa akin noong araw na tinanong niya ako about marriage.
"We will have an annulment Al. Sisiguradohin ko, after that let's get married..." bulong ko.
"Damn, yes... I let's get married..." malawak akong ngumiti. "I'm sorry, please forgive me. I let my emotions explode, I didn't think about how are you feeling... forgive me Zam, fuck, I love you so much... I'm so sorry..." we cried on each others shoulder.
I slept well that night. I found the warmth that I needed on Al, he's always my home... sa kanya ako babalik at babalik.
* * *
"Our lawyers were ready Zamia," Mommy said.
Nandito kami ngayon sa dining, together with Daddy and Al.
"That bastard, is cra*zy. Tama talaga ang desisyon kong paghiwalayin kayo noon, look what he's capable of." May galit na sa kanyang boses ngayon.
"Zamia, sweetheart, don't stress yourself too much. You need to rest, let us take care of your annulment." Si Daddy na may pag-aalala sa kanyang mukha.
"T-Thankyou, Mom and Dad... I'm sorry for this mess I created." Pinisil ni Al ang kamay kong nasa ilalim ng mesa.
"I'm willing to marry her after we solve this problem, Tita, Tito..." Ngumiti lang si Mommy at tinapik ang balikat ni Al.
Naiwan kaming dalawa rito sa dining. We will file an annulment, sa ayaw at sa gusto ni Klaus, I don't know what happened to him.
The Klaus that I know is one of a kind man... Hindi pa rin ako makapaniwalang kaya niyang gawin ang ganoong bagay.
"You're thinking too much. Magpahinga ka na Zam... magpahinga na muna kayo..." Aniya at hinaplos ang tiyan ko. "I will protect you, I promise..." he kissed me on my forehead.
"I love you, Al. Thankyou for believing me."
I really hope that things will go right. I hope Klaus, will end all of this.
* * *
Nakatanaw lang ako sa garden habang hinihintay ang tawag nila Al. Pumirma na ako ng annulment paper, kailangan na lang ang pirma ni Klaus para matapos na ang lahat.
Hindi ko maiwasang mangiti, lalo na't naiisip ko na ang pwedeng mangyari kung sakaling matapos na ang lahat ng ito.
Al will marry me.
May anak kaming dalawa, probably we will going to have a happy family. Nagalit man si Mommy at Daddy noong nalaman nilang buntis ako, they still support us. Masaya rin ako dahil doon.
I want to marry Al too... kung noon hindi ko inakalang mahuhulog ako sa kanya nang ganito, pwes ngayon alam ko na... Al is my greatest love. He will ever be.
Nabalik lamang ako sa wesyo nang tumunog ang cellphone ko. It's Al! Mabilis ko iyong sinagot.
"Al... tapos na ba? Napirmahan na niya?" Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya mula sa kabilang linya.
["He's gone Zamia... he's not here on his condo."] Natigilan ako dahil sa narinig.
That day... Klaus suddenly vanished again. The annulment was not successful.
* * *
5 years later...
"Milk, Brazilla, later na mag juice." Pinisil ko ang pisnge niya at nilagay ang gatas sa gilid ng kanyang plato.
"Mommy, I want juice po..."
"Malamig ang juice Brazilla, subrang aga pa para mag juice, later okay? Magbabaon ka na lang," ngumiti ito at mabilis na tumango.
Tinanggal ko na ang suot na apron at pinanood siyang kumain.
Ang bilis lumipas ng panahon. Limang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat ng iyon.
And yes... Klaus didn't show up, all of those years. Pinahanap na namin siya't lahat-lahat pero wala kaming nakita.
Hindi ko alam kung nasaan siya nagtatago, he didn't contact me, the annulment was not successful. Kaya hanggang ngayon... kasal pa rin ako sa kanya.
'Yon rin ang dahilan kung bakit hindi masyadong maganda sa pagitan namin ni Al.
I mean we're okay, wala namang problema, maayos kami bilang magulang ni Brazilla, pero hindi ko na masasabing kami pa rin.
The fact tha I am still married to Klaus is a burden to my relationship with Al. Hindi namin nagagawang magsaya sapagkat alam naming dalawa na nakatali ako sa iba.
I wonder if Al still love me. Tho, araw-araw kaming nagkikita dahil sinusundo niya si Brazilla at hinahatid sa eskuwela.
"Daddy!" Gaya ngayon. Nandito ulit siya para sunduin ang anak namin. Brazilla is 5 years old now. Our little angel.
"Hi, good morning. How's your sleep?" Pinanood ko lang silang mag-usap.
"Al, kumain ka na ba? You can eat here..." Ngumiti siya sa akin at muling binaling ang tingin kay Brazilla.
"Mauna kana sa sasakyan, susunod ako," sabi niya kay Brazilla, mabilis naman itong sumang-ayon. Saglit na humalik si Braz sa aking pisnge at naunang lumabas. "Zamia..." Ngumiti ako.
"Hindi ka pa kumain?"
"Actually, tapos na. Pero gusto ko pang kumain ulit, lalo na dahil luto mo," yumuko ako at pinigilan ang sariling ngumiti.
"Stop joking around. Kumain ka muna," nakatitig lang ako sa kanya.
Noong hindi natuloy ang annulment, masyado kaming dumistansya ni Al sa isa't-isa. Binibisita niya naman ako noon, lalo na pag may check-up ako, pero kahit kailan hindi na kami nag-usap tungkol sa amin.
Para lang kaming nagpapakamagulang kay Brazilla pero hanggang doon na lang. Hindi naman kami naghiwalay o ano, pero sa sitwasyon namin ay para na lang kaming magkaibigan.
Ganoon ang epekto ng mga nangyari. Dahil sa katotohanang kasal pa rin ako kay Klaus hanggang ngayon, hindi namin magawang mapanatag.
"I'd like to Zam, but we really need to go. Kailangan ako sa opisina, and Braz have a class." Tumango lang ako. "I'm going... ihahatid ko siya dito mamaya."
"Sige, s-salamat Al." Ngumiti lang siya at naglakad na papalabas.
Nandito pa rin kami sa bahay ni Brazilla, sila Mommy at Daddy naman ay nasa ibang bansa, they have to take care of our company's.
Hindi kami nakatira sa iisang bahay ni Al, pero gaya ng sabi ko palagi siyang pumupunta rito sa amin.
Kakagraduate ko lang ng College, naghahanda na lang ako para sa bar exam. I pursue education.
For now, umaasa na lang talaga ako na sana... sana magpakita na si Klaus, at sana huwag na siyang magpaka-selfish.
Too close but too far, ganiyan ang sitwasyon namin ni Al. Malapit nga kami sa isa't-isa pero parang ang layo pa rin, pakiramdam ko'y si Brazilla na lang ang dahilan kung bakit kami may koneksyon sa isa't-isa.
* * *
"Naparami ata ang luto mo ngayon, hija?" Si Manang Merge. Nandito lang ako sa kusina at nagluluto.
"Pupuntahan ko si Al sa opisina niya, Manang, kay magdadala na rin ako para may tanghalian siya." Ngumiti ito at tukso akong tinignan. "It's just a 'thank you' for him, Manang." I clear my self.
"Wala naman akong sinasabing iba, hija... pero sa ginagawa mo para kayong mag-asawa." Bahagyang uminit ang pisnge ko dahil sa sinabi niya.
Pero sa kabilang banda ay malungkot ako.
Kailan ko kaya matatawag ang sarili kong asawa ni Al?
Hanggang ngayon suot-suot ko pa rin ang engagement ring na bigay niya noon. Hindi ko kailan man tinanggal. It's symbolize our love, ito na lang ang natitira sa akin.
Inayos ko na lang ang sarili ko at nagsimulang mag-ayos ng mga tupperware na paglalagyan ko ng pagkain. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para maligo at magbihis, I put a little make-up on my face.
May sarili akon kotse kaya hindi na ako nahirapang makasakay. Ilang minuto ang inabot ko hanggang sa marating ko ang building nila.
Al is the director of their family's company, habang si Exeriel naman na nakakatanda niyang kapatid ang CEO, Darth is not interested with business.
Dumiretso ako sa loob, some employee greeted me. Tipid na ngiti lang ang sinusukli ko sa kanila dahil hindi naman ako masyadong nakikipag-interact.
Pinindot ko na ang 20th floor sa elevator. Subrang lakas nang kabog ng puso ko habang papalapit ako sa floor kung nasaan ang opisina ni Al, parang anytime lalabas ang puso ko.
But I need to stay calm. Ibibigay ko lang naman itong niluto ko sa kanya, 'yon lang! No pressure, Zamia. You can do this.
Nang tumunog ang elevator ay taas noo akong naglakad papalabas at dumiretso sa direksyon kung saan ang office ni Al. Wala masyadong empleyado dito, siguro bumaba na ang iba para mag lunch, kaya naman tahimik ang paligid.
Ngumiti ako habang papalapit sa opisina ni Al. But my smile faded.
Awtomatiko akong natigilan dahil sa nakita... pakiramdam ko'y tinusok ang puso ko ng ilang karayom, habang binubuhusan ako nang malamig na tubig, uminit ang mata ko kasabay nang pagbigat ng aking pakiramdam.
Al is with Gizem. But the more painful is, I saw them kissing.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro