Chapter 23
Zamia Brecken Wringler
"A-Anong sabi mo?" Bahagya akong lumapit sa kanya, ilang hakbang pa lang ang nagawa ko nang hawakan ni Al ang kamay ko.
"Zam, who is he?" Lumipat ang tingin ko kay Klaus.
"I'm her husband." Mabilis kong inagaw kay Al ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pwesto ni Klaus.
"Ano ba Klaus! What are you saying!" Bakas sa boses ko ang inis.
What happened to him, really? Bakit niya sinasabing asawa niya ako!? Is he crazy? Hindi naging maganda ang nakaraan naming dalawa, but I can't imagine that he will did this.
"It's true Zam, you're married to me, the moment you sign that paper, you're already mine, I marked you mine." Kumunot ang noo ko.
I can't understand this man!
"Zamia." Tinig ni Al. "What's the meaning of this?" Umiling ako.
"A-Al... h-huwag kang maniwala sa kanya! He's lying, Klaus bawiin mo 'yang sinabi mo!" Niyugyog ko ang balikat niya. "Stop lying!"
"I'm not Zamia... we promised to each other right? Babalik ako sa 'yo... at babalik ka sa akin..." puno nang hinanakit ang boses niya, pero hindi ako naapektuhan dahil doon.
Magsasalita na sana ako pero bumagsak na si Klaus sa sahig. Al punched him!
"Fuck off." Mariin niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.
Tumayo si Klaus at pinunasan ang gilid ng kanyang labi, bago muling humarap sa akin. Nilipat niya ang tingin kay Al at tinapon sa pwesto nito ang isang envelope.
What was that?
"Marriage Certificate. Proof that Zamia and I were married, happy now?" Tumaas ang boses ni Klaus at hinila ang kabilang kamay ko.
Tumagal ang titig ni Al doon na para bang hindi siya makapaniwala sa nakita. Habang napuno naman nang kaba ang buong sistema ko.
Marriage Certificate!? What the hell!? I never married to him!
Binitawan ni Al ang hawak niya at tumingin sa akin gamit ang hindi makapaniwalang reaksyon.
Umiling ulit ako.
"A-Al..."
"You lied to me? All this time, Zamia?" He aksed with a serious tone.
Parang 'yong dati lang, noong una naming pagkikita, he's cold gaze is melting me.
"No! Al... I never---"
"Fuck. You're married to someone, and yet you... Fuck!" Umawang ang bibig ko nang bitawan niya ang kamay ko at naglakad papunta sa kotse niya.
"No! Al! Please! Ano ba bitawan mo ako, Klaus!" Gusto kong sundan si Al ngunit masyadong mahigpit ang hawak ni Klaus sa akin. Hanggang sa makaalis ang kotse niya'y wala akong nagawa. "No..."
"Zamia... please, stop it." Buong lakas kong inagaw sa kanya ang kamay ko.
"What was that Klaus! Anong sinasabi mong kasal ako sa 'yo!?" Sigaw ko, pinulot ko ang envelope na pinakita niya kay Al kanina... it was... a Marriage Certificate!
My name was written on it along with Klaus's name! Ano 'to? Bakit may ganito? Is this fake?
"If you're thinking that is fake, will it's not Zam. Remember that day... you came into my condo, I let you signed something... it's an marriage contract Zam..." Nanlaki ang mata ko.
I realized it. Naalala ko!
"My friend help me for that. Good thing you didn't bother to read it, you signed it immediately... ginawa ko 'yon para sa ating dalawa..." dumapo ang kamay ko sa pisnge niya.
"Are you dumb!? Para sa ating dalawa!? Ginawa mo 'yon para sa sarili mo! You crazy!" Hinampas ko ang dibdib niya.
"Zamia, we promised to each other! Babalikan natin ang isa't-isa, pero bakit nawala lang ako may iba ka na!?" Dumaloy ang sakit sa boses niya dahilan para umatras ako.
"Yes we promised Klaus. But you're the first one who broke that promise! You suddenly vanished without a trace! Ano sa tingin mo ang iisipin ko, huh!?"
Pinahid ko ang luha sa pisnge ko.
"Nawala ka Klaus, bigla kang nawala, walang paalam, walang salita, wala lahat! Kaya naisip ko n'on na pinili mo talagang lumayo sa akin! So I decided to moved on!"
"Lumayo ako para sa ating dalawa Zamia... ayokong ma-distract ka ng dahil sa akin, I disappeared but that doesn't mean I broke our promise." Umiling ako.
"So, this is my fault now? It's been 2 years Klaus! Nakamove-on na ako, masaya ako, pero anong ginawa mo!? At bakit ganyan? Marriage? Tangina!" Tumalikod ako sa kanya pero mabilis niya akong nahawakan.
"Please Zamia... don't go, wala ng magagawa ang lalaking 'yon! You're married to me! You're mine!" Tinulak ko ulit siya pero nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan.
Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas siya.
"Klaus! Ano... ba!" Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko na mas lalong kinagalit ko. Inapakan ko ang paanan niya dahilan nang pag-atras niya. "Walanghiya ka!"
"Z-Zamia... I-I'm sorry---" Sinampal ko ulit siya at pinunasan ang labi ko. "I didn't mean to... I'm sorry---"
"Walanghiya ka Klaus! Fuck you!" Tinalikuran ko siya, at akma nang aalis nang mapansin ko ang maliit na bagay na nasa sahig.
The ring! Pinulot ko iyon at mabilis na umalis doon.
* * *
5 days.
Limang araw ko nang hindi nakikita si Al, I tried to call him, pero naka-off ang phone niya, pumunta ako sa kanila pero hindi ko siya naabutan.
I hurt him. Nasaktan siya dahil sa nalaman at nakita niya, pero hindi ko rin 'yon alam. Pati ako ay nabigla sa mga nangyari.
At ngayon nandito ulit ako sa kanila. Nagbabakasakali na makita ko siya. At hindi ako nabigo, I saw him. Nang magtama ang tingin namin ay mabilis siyang umiwas.
"Al! Please talk to me... Al!" Sigaw ko at malakas na hinampas ang kanilang gate. "Please, Al..." Pagsusumamo ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sa pwesto ko at binuksan ang malaking gate nila. "Al..." mahigpit ko siyang niyakap at hinayaan ang sarili kong umiyak. "Please believe me..."
"Stop this Zamia, you already have your husband! Why are you doing this!?"
"Let me explain---"
"You fooled me, niloko mo ako, what do you expect me to do? Leave Zamia. I don't want to see you again."
Patuloy lang umagos ang luha ko habang nakatingin sa kanya.
"Al, hindi ko rin alam... maniwala ka sa akin, wala akong alam--"
"Stop this Zamia, umuwi ka na." Umiling ako.
At this point, I slowly kneel down. Nakakatawa, right? This is not me... hindi ako kailan man lumuhod sa kung sino, I'm not this low, but for this man I am willing to do this.
The brat, spoiled, bitch, troublemaker, selfish, ruthless, Zamia Brecken Wringler is kneeling in front of a man.
I did. I kneeled down.
"What are you doing?" His voice made me shiver. I didn't look at his face I just continue crying while I'm on my knees. "Stand up."
"I'm sorry... I didn't know... please believe me!" Mas lalong lumakas ang hagulhol ko.
The rain started to run on my body but I didn't give an attention to it.
"Tumayo ka riyan, walang magagawa ang pagluhod mo! You fooled me! Nagtiwala ako sa 'yo!" Umiling ako.
"Hindi kita kailan man niloko! I told you I don't know what happened... ngayon ko lang din nalaman! Pakinggan mo naman ako!" Instead of listening to me, he push me away.
Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa may tuhod niya.
"Leave this place, Zamia. We're done. After what happened I realize that you're a liar. A liar that I can't keep anymore, because keeping you is making me miserable!"
Bumagsak ako sa putikan habang tinatanaw siyang talikuran ako. "No... No! Don't do this to me... hear me out!" Sumirado na ang gate nila pero nanatili akong nakaluhod doon.
"Zamia Brecken Wringler? Kneeling in front of our house?" Pinunasan ko ang luha ko nang sumulpot ang kapatid ni Al, si Exeriel Rad.
Walang reaksyon ang kanyang mukha.
"Leave already, hindi makapasok ang sasakyan ko."
"Exeriel, I want to talk to your brother---"
"Go. Leave." He cut me off. This man, most heartless!
Wala na akong nagawa kundi ang umalis doon. Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Uh, Zamia. We're not for rebounds okay? At mas lalong hindi namin deserve maging kabit. You get my point right? Stop cheating." Umawang ang bibig ko.
Cheating? I'm not! Wala akong alam! And Al is not my kabit!
I will sue you Klaus! This is all his fault!
* * *
2 days after.
"Zamia!" Malakas na sigaw ni Mommy. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa mukha ko. "Open this!" Sigaw niya pa ulit at pilit na binubuksan ang pinto.
Dahan-dahan akong tumayo para mabuksan iyon.
"M-Mom..." she looked at me angrily.
"What you've done, you brat!" Napaatras ako dahil sa laki ng boses niya. "You're married to that man, Klaus!? All this time akala ko tuloyan mo nang kinalimutan ang lalaking 'yon! But what is this, huh!?"
"Mom... I did, kinalimutan ko na nga siya, hindi ko din po alam na---" she slapped me, dahilan para maputol ang sasabihin ko.
"You always dissapoint me. Nagpakasal ka sa lalaking 'yon ng sekreto, tapos ginamit mo si Al para hindi kayo mahuling dalawa ng lalaking 'yon! Talagang dinamay mo pa si Al!"
"Mommy hindi po! Hindi ko ginamit si Al! I love him!" I defended my self.
Umiling lang siya at dissapointed akong tinignan, pagkatapos ay tumalikod siya sa akin.
Unti-unti akong bumagsak sa sahig habang walang tigil na umiiyak. Bakit hindi sila naniniwala sa akin? Bakit ayaw nila akong paniwalaan? What about my side? What about my explanation?
.
Nakatanaw ako ngayon sa condo ni Klaus. May bagong unit siya dito sa Manila. Gusto ko siyang makita, I want to put an end of this.
"Zamia." He called me. Walang emosyon akong humarap sa kanya. "You're here." Ngumiti siya.
"Annulment. You said, we're married right? Then I want annulment. I will talk to our lawyer---"
"No, we're not. Zamia, alam kong nabigla kita, but we can try again... please be with me again," iniwas ko ang kamay ko sa kanya.
"Don't you dare touch me!" I shouted.
"Pinagtabuyan ka na niya 'di ba? What are you going to do now Zam?" Umiling ako.
"Nasaktan ko siya, kaya natural lang ang naging reaksyon niya." Tinaasan ko siya ng kilay.
"He doesn't love you Zamia, and that's the truth. You need to accept that fact that he doesn't care anymore. You only have me." Lumingon ako sa kanya at mabilis na pinunasan ang luha ko.
"This is your fault! Kasalanan mo 'yon lahat! How dare you fooled me! I hate you!" Sigaw ko at sinampal siya.
Kitang-kita ko ang galit sa mata niya na agad napalitan nang malambot na ekspresyon.
"Fine. Hurt me, hate me, blame me, pero alalahanin mong ako na lang ang meron ka Zamia. Lahat sila tinalikuran ka! But me? I would never do that to you..." umiling ako at tumalikod pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.
"Let me go! Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat! He needs to know the truth! Paniniwalaan niya ako! At mali ka! Dahil mahal niya ako... alam ko 'yon. Galit lang siya ngayon." I uttered. Pilit na pinapalakas ang sarili kahit pa maging ako ay nawawalan na rin ng pag-asa.
"You are welcome here Zamia. If ever he will push you away again, bumalik ka sa akin dahil tatanggapin kita." Binitawan niya ako.
"Hindi ako kailan man babalik sa 'yo Klaus."
.
1 month. After 1 month ngayon lang ulit ako nagkaroon nang lakas ng loob para harapin si Al.
I want to reached out to him, gusto ko siyang makausap. Gusto kong magpaliwanag.
"Al..." sinalubong ko ang pagdating ng kanyang sasakyan. Malalim na ang gabi at kaninang hapon pa akong naghihintay sa kanya, akala ko hindi siya uuwi sa kanila, but he's here now. "Al, please talk to me..."
"I already cut off my relationship to you Zamia, why are you here now?" Malamig pa rin ang boses niya.
"I don't know abour that marriage Al. Klaus, fooled me, alam kong nasaktan ka dahil do'n pero nagsasabi ako ng totoo. Never kitang niloko..."
"Gusto kong ayusin ang buhay ko Zamia, sana ganoon na rin ang gawin mo. You shouldn't be here. Umalis ka na," yumakap ako sa kanya mula sa likuran at sinubsob ang mukha ko sa kanyang likod.
"Then, what about our baby, Al?" Naramdaman kong natigilan siya. "Al, I'm pregnant, with our baby."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro