Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Zamia Brecken Wringler

"Al!" Bahagyang gumaan ang loob ko nang lumapit sa puwesto namin ang isang babae, she's familliar!

Oh... the Gizem girl. Naalala ko pa siya.

"Al, can you spare a time for me? Please... let's talk," umirap na lang ako sa kawalan at dahan-dahang naglakad papalayo doon.

Mabuti na lang din at dumating ang babaeng 'yon kaya naman malaya akong makakaalis. May balak pa atang tutohanin ni Al ang sinabi ko.

"What happened? You failed? Is that for sure?" Sinalubong ako ni Analiz habang dumiretso naman ako sa table namin at uminom ng wine.

Muntikan na 'yon! I didn't know he will approved like that, tapos hindi pa siya mabiro. But really, that man is dangerous.

"Bet mo ba siya?" Umiling ako at pinagkrus ang braso ko.

"Never."

* * *

"What happened?" Bagsak balikat akong umupo sa damuhan. Nasa University ako ngayon kung saan ako nag-aaral, at kanina lang ay may nakaaway nanaman ako.

Well, it's not my fault. Masyadong inggitera ang babaeng 'yon. Paniguradong uusok sa galit si Mommy pag nakita niya ang galos sa braso ko.

"Leave me alone." Singhag ko kay Al nang lumapit siya sa puwesto ko.  He's also studying here, 3rd year college, habang 1st year naman ako.

"Huwag kang malikot." Hinila niya ang pulsohan ko at pinasadahan ng tingin ang braso kong puno nang galos dahil kinalmot ng babae kanina.

"Ano ba, I'm fine. Umalis ka na lang, I want to be alone." Awat ko sa kanya pero ayaw makinig.

It's been 3 months since noong encounter namin sa bar.

Wala naman siyang sinabi tungkol doon, pero ramdam ko ang awtoridad ng tingin niya sa akin.

"Stay here. Babalik agad ako." Tinalikuran niya ako habang nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya pa'y bumalik rin agad siya na may dalang first aid kit. Nakatitig lang ako doon hanggang sa makalapit siya sa akin.

"You don't really have to do that," bulong ko.

Pero wala namang nagawa ang panlalaban ko. Ginamot niya pa rin 'yon, pumait pa ang timpla ng mukha ko nang makita ang alcohol.

"M-Mahapdi 'yan..." aniya ko.

"Ang lakas mong makipag-away takot ka naman pala sa alcohol?" He mocked.

Umirap ako at kinagat ang labi ko nang idampi niya na ang cotton sa braso ko.

I felt relief nang hindi ko masyadong naramdaman ang hapdi. Maingat kasi ang pagdampi niya n'on. Pagkatapos niyang gamutin iyon ay tumayo rin siya.

Hindi ko alam kong magpapasalamat ba ako... but I don't really do 'thankyou's'. Babayaran ko na lang siya.

"How much you want? I de-deposit ko na lang sa bank account mo kasi wala akong cash ngayon." Hindi siya sumagot.

"I have money, so I don't need yours." Suplado niyang sagot at tinalikuran na ako.

Mabilis ko siyang hinabol at binato sa kanya ang bag ko. Tumama iyon sa likuran niya.

"Fuck." He hissed.

"How dare you reject my offer!? Pambayad ko 'yon!" Sigaw ko.

"Thankyou is enough Zamia." Ilang ulit akong napakurap, ito ang kauna-unahang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. "Kung hindi mo kayang sabihin ang salitang 'yon, then you owe me one." Magkaka-utang na loob pa ako!?

Inutusan ko ba siyang gamutin ako!?

"Fine. Thankyou." Humina ang boses ko nang sabihin 'yon.

"I can't hear Zamia. What did you say?" He smirked.

Mariin akong pumikit.

"I said thank you!" Pag mulat ko sa mata ko'y nakita ko na siyang naglalakad papalayo habang dala-dala ang bag ko! "Hey! My bag! That's expensive, limited edition pa 'yan!" Hinabol ko siya.

"Sumabay ka na sa akin." Saad niya nang makalapit ako sa kanya. "Ihahatid kita sa inyo." At this point hindi ko magawang sumagot.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng kanyang sasakyan.

Seriously? He will drive me home?

"Sa may highway mo lang ako ibaba, I don't want my Mom to see us." Paalala ko sa kanya. "Hey, I said ibaba mo ako sa highway!" Angal ko nang makitang pumasok siya sa Villa namin.

"What now? Ano naman 'di ba kung makita tayo ng Mommy mo? Hinatid lang naman kita." Napabuntong-hininga ako.

I'm sure Mommy will get the wrong idea! Baka sabihin niya nanamang boyfriend ko si Al!

Wrong timing pa dahil nang makarating kami sa tapat ng gate ay kababa lang din ni Mommy sa kotse niya! Dumiretso agad ang tingin niya sa direksyon namin. Problema nanaman 'to!

"Hi, Ma'am hinatid ko lang po si Zamia." Ang lakas pa talaga nang loob niyang kausapin ang mommy ko!

"You are, Ather Lavien Vaulghin right?" Si Mommy.

"Yes Ma'am, it's an honour that you knew my name." He said with so much respect.

"Do you want to go inside? Oh, I shouldn't ask that, kailangan mo talagang pumasok sa loob." Bumaling si Mommy sa akin. "Bring your boyfriend inside Zamia." Ngumiti siya sa akin bago tumalikod.

Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman boyfriend si Al. Pero ang mas kinabigla ko ay ayos lang sa kanya na hinatid ako nito!

Akala ko magagalit nanaman siya sa akin, but what did just happened!? Inaya niya pa talagang pumasok?

"Aren't you going to escort your boyfriend Zamia?" Lumingon ako kay Al, nakangisi ang gago!

"Shut up!" Naglakad na ako papasok at dumiretso sa kwarto ko. Bahala na ang maid na mag asikaso sa kanya.

Nagbihis ako at tinanggal ang make-up sa mukha ko bago ako lumabas ulit sa kwarto ko.

Nang makababa ako ay rinig na rinig ko ang tawanan ni Mommy at Al sa may sala! At kailan pa natutong makipag-tawanan si Mommy?

"Zamia, you're here. Your boyfriend is such a gentleman, you choose the right one. Better than your first..." pinutol niya ang sasabihin pero alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.

"Stop bragging him Mom, kinalimutan ko na po siya." I casually said before I turn my gaze on Al.

"Yes hija, sorry for that. But really, I like this man for you. Maiwan ko muna kayo." Hinintay kong makaalis si Mommy bago ko siya harapin.

"Bakit hindi mo tinanggi na boyfriend kita?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"You didn't deny also, Zamia." Frustrated akong umupo kaharap niya. "Paano na 'yan? Your mother voted for me."

"Ano nanamang pinagsasabi mo?" Ismid ko.

"I'm going to court you now Zamia, since I have an approval from your mother."

* * *

Many things happened too fast, 'yung iba hindi mo na napapansin na nangyayari na pala. Just like this, my situation right now.

Hawak-hawak ang bouquet na iniwan ni Al sa locker ko. Kanina ko pa ito tinititigan dahil hindi maproseso sa utak ko ang mga ginagawa niya.

1 week ago when he said he wants to court me. Akala ko binibiro niya lang ako! Pero halos 1 week na rin akong nakakatanggap ng bulaklak mula sa kanya!

It was cringe, but my heart say otherwise. Ni hindi ko namalayang nakangiti na pala ako, kung hindi lang ako nilapitan ni Analiz.

"Wow? Flowers again?" I bit my lower lip to stop my self from smiling. "For real I didn't expect him to do things like that, he's cold and dangerous. Pero ano 'to? Flowers, huh?"

"You're right. Maybe, he's too soft for me?" I joked. Ngumiwi lang siya sa akin. "Let's go? Nandiyan na sa labas si Manong Sacho, susunduin niya ako, sabay ka sa akin?"

"Nope. My driver is going to pick me up too." She said.

Sabay na lang kaming naglakad papalabas nang biglang humarang sa amin ang isang babae.

"You're not just a bitch, malandi ka rin pala!" As far as I know, she's  Gizem.

"What is your problem?" Si Analiz ang humarap sa kanya.

"Bakit ka nakikisali? Get your butt out of this kung ayaw mong---" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dumapo na ang kamay ni Analiz sa pisnge niya.

"Craazy motherfucker." Analiz cursed, sasampalin niya pa sana ulit pero pinigilan ko ang kamay niya at ako naman ang sumampal kay Gizem.

"Delusional bitch." I murmured. Napuno nang bulongan ang paligid dahil sa nangyari, may ibang nagulat, tumatawa, at masama ang tingin sa amin. "You called me 'malandi?' Why? Anong ginawa ko sayong bruha ka?"

She wiped her tears. Masyadong crybaby. "Al. He's mine, why are you stealing him from me!" I stopped when she said that. Al is hers? "I heard you're flirting with him? Then, I'm telling you this now, stop that already, Al is my ex-boyfriend but that doesn't mean he's not mine anymore, sisiguradohin kong babalik siya sa akin! Kaya puwede bang tigilan mo na siya!" 

"The hell? Ex-boyfriend mo na siya but you acted like a crazy girlfriend here? You know what, don't blame Zamia for this, your so called 'ex-boyfriend' is the one who's making a move to Zamia! Nililigawan niya ang kaibigan ko, so back off, bitch." Si Analiz na mabilis hinila ang kamay ko papaalis doon.

Nang makarating kami sa gate ay tsaka lamang ako kumalma.

"Ex na nga umaarte pa ring girlfriend. You okay?" Simpleng tango lang sagot ko.

Hanggang sa makarating ako sa bahay ay wala akong gana. Dumiretso lang ako sa kwarto ko.

* * *

The next day is still the same, may bulaklak ulit sa locker ko pero dumiretso iyon sa basurahan. Wala na akong pake kung malaman niyang tinapon ko lang ang bulaklak na bigay niya.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang ginawa ko.

"Zamia." Natigilan ako dahil sa malalim niyang boses sa likuran ko. Nandito ako ngayon sa library, walang magawa kaya nagpapalipas ng oras. "Let's talk Zam. You've been ignoring me."

"Can you shut your mouth? Nasa library tayo." Hinawakan niya ang kamay ko na mabilis ko namang binawi. "Stop!" Napayuko ako dahil ang ibang nandito ay napatingin sa amin.

Pati ang librarian na ngayo'y nakataas ang kilay sa akin. Inis akong naglakad palabas doon, I could hear his footsteps following me.

"Do we have a problem, Zamia?" Humarap ako sa kanya na bakas ang galit at inis sa mukha.

"What do you want from me Al? Tigilan mo na ako! Stop bothering me already, stop bringing flowers for me, stop all of this! You're wasting your time! Doon ka na sa ex mo!" Kinagat ko ang labi ko.

"Ex? Gizem? Did she..."

"Yes! Siya nga, it look like that girl isn't over on you yet. Doon ka na, total ex mo na---"

"Let's have a date, Zam. Where do you want?" He cut me off.

"Don't change the topic---"

"We already broke up Zam. Almost 3 years. Why do you want to talk about her, hmm? I get it that you're jealous, but you don't have too. I'm all yours."

Shit! Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa!

Natamimi lang ako dahil sa sinabi niya. I can't believe this, parang unti-unting nawawala ang galit na nararamdaman ko!

"I-I'm not jealous... w-what are you talking about." Iniwas ko ang tingin sa kanya at inunahan siyang maglakad.

"You say so." I heard his mocking tone. "I love you, Zamia. I really do."

* * *

"Happy 5th monthsarry!" Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Ramdam ko din ang ilang beses niyang paghalik sa aking noo.

Pinagsikop niya ang kamay naming dalawa at sabay na naglakad papunta sa parking lot ng University.

"Happy 5th monthsarry." Bati niya sa akin at binigay ang isang Boquet ng Tulips. "Thank you for giving me a chance Zam, I love you." Ngumiti ako at inabot ang bouquet.

"I love you too Al! You're worth it for that chance that I'd give you. Hindi ako magsisisi, thank you for all your love and effort, I love you more!" Tumingkayad ako para mahalikan siya sa labi.

It's just a smack kiss. Nang humiwalay ako sa kanya ay tumama ang tingin ko sa pamilyar na lalaking nasa harapan namin.

What the hell?

Anong ginagawa niya dito? After all those years na nawala siya, ngayon ko lang siya nakita ulit.

"So, it's really true that you already have someone?" He said with a serious tone.

"K-Klaus?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro