Chapter 20
Zamia Brecken Wringler
8 years ago.
"Why do you like me even if other people hate me, Klaus?" Tanong ko sa kanya.
It's my 18th birthday and he's invited, siya rin ang last dance ko.
"Because I'm not the other people Zamia. Anong pake ko kung ayaw ng iba sa 'yo, I saw the other version of you, that others didn't see. You may a heartless and a bit ruthless woman, but you have a pure heart."
Tinago ko ang maliit na ngiti sa labi ko.
That's when I felt that I am already falling for him.
Klaus is the man who understands me, kung ang ibang lalaki ay pinaglalaruan at nilalait ako dahil sa ugali ko, then Klaus is different.
He never look at me with a worse in his eyes.
I can see his good intention on me, at hindi ko mapipigilan ang sarili ko kung mahulog man ako sa kanya.
"Happy birthday." He whisphered.
Naramdaman ko na lang na may nilagay sa leeg ko.
It's a necklace, with my name on it.
"Please remember me whenever you see this," he added and offer his hands to me for a dance.
Kanina ay malungkot ako dahil hindi dumating sila Mommy at Daddy sa debut ko, pero ngayon ay gumaan na ang loob ko.
"Thankyou, Klaus. I want you to be my boyfriend." Bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko at kalaunan ay matamis na ngumiti.
"We're official. That's it." Tumango ako at niyakap siya pabalik.
And there is it.
Klaus Harther Medrios became my boyfriend.
But that's not the end of it.
* * *
"I'm Gizem, a big fan of yours." Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nasa harapan ko.
Kakatapos lang last class ko at absent ngayon si Analiz dahil may lagnat.
And then suddenly this girl approached me. "Okay." Suplada kong sagot at hindi tinanggap ang kamay niya. Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Are you going home now?" She smiled.
Pero hindi ko ramdam ang ngiti niya, it seems plastic. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako kinakausap.
"Isn't it obvious?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya bahagya siyang yumuko. "What do you want from me? Lahat ng taong lumalapit sa akin ay may kanya-kanyang rason, ang iba, gustong sumama at makipag-kaibigan sa akin para makaagaw rin ng atensyon ng iba, may iba naman na palihim akong sinisiraan, at may ibang gusto akong higitan kaya nila ako kinikilala. Ikaw, saang kategorya ka nabibilang?"
Umatras siya nang humakbang ako papalapit sa kanya.
"What a bitch. Mabuti nga't kinausap kita eh, I understand now why they hate you, spoiled brat." I raised my middle finger on her.
"I don't need your cheap opinion." Nilagpasan ko siya.
Gizem... huh? Pangalan pa lang hindi ko na gusto.
"You have a long face, what happened?" Sinalubong ako nang yakap ni Klaus, his warmth is like my resting place.
Kumakalma lang ako sa tuwing kasama siya.
"Some cheap girl bothered me, but it's okay now. Alam mo naman hindi ako masyadong nagbibigay nang atensyon sa kanila." Suhestiyon ko.
"Stop fighting with them Zam, sinasabi ko 'to hindi para pangunahan ka. Ayoko lang na pinapatulan mo sila dahil baka anong magawa ko sa kanila pag nasaktan ka." Uminit ang pisnge ko dahil doon.
Inalalayan niya na akong pumasok sa kotse niya.
I am Zamia Brecken Wringler an 18 years old bitch (like what they said) and I have a lovely boyfriend!
My parents doesn't know about our relationship, hindi ko rin alam kung may pakialam sila pag nalaman nila ang tungkol sa amin.
It's been 1 month since we're official in relationship. We have a healthy bond, Klaus has been very supportive to me.
Maliban lang sa pakikipag-away ko sa iba, doon siya masyadong hindi sumasangayon.
"Dito na lang ako, baka makita ka ni Manong Sacho." Sa may bandang highway lang ako bumaba, gustohin ko mang i-hatid niya ako hanggang sa bahay pero nag-iingat ako dahil baka makita kami ni Mommy.
"You sure?" Tumango ako at tinanggal ang seatbelt ko. "Then, be safe. Text mo 'ko." Hinalikan niya ako sa pisnge bago ako lumabas sa kotse niya.
Hindi pa siya umalis hanggang sa hindi ako mapasok sa Villa namin.
.
"Hija, ano nanamang ginawa mo? Umuwi ang Mommy mo galit na galit." Salubong ni Manang Merge sa akin. "Pumunta ka raw sa kwarto niya." Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
Nakabukas ang kuwarto nila Mommy kaya hindi na ako kumatok pa. Nang makapasok ako sa loob ay isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.
"You brat! Ano nanamang ginawa mo!?" Nakahawak lang ako sa pisnge kong ngayon ay humahapdi. "What's all of this, huh? Kailan ka pa natutong mag boyfriend!?" Tinapon niya sa akin ang mga litrato ko kasama si Klaus.
May isang litrato kung saan gumala kami sa mall at kasama ko si Klaus doon. May isa ring nasa amusement park kami habang magkahawak ang kamay.
"Mommy..." hindi niya ako pinatapos dahil isang sampal nanaman ang natanggap ko.
"You've changed a lot! Nag boyfriend ka na nga hindi pa abot ang expectations ko! That boy doesn't deserve you! His family, his status in life, does not fit on us." Sumama ang timpla ng mukha ko.
"I changed? Binago niyo ako! Kasalanan niyo kung bakit ako nagka-ganito! And don't involve Klaus here! Huwag mo siyang maliitin Mommy! I choose him not because of money, or fame, I choose him because he made me feel that I'm not alone, he made me feel that even if I am like this he still love me!" Habol-habol ko ang hininga ko.
"Natuto ka nang sumagot ngayon? I don't care about your reasons!" Sigaw niya pabalil. "Break up with that guy. Don't you dare fight with me Zamia, hiwalayan mo ang lalaking 'yon kung ayaw mong masira ang buhay niya."
* * *
"Tamlay mo? May nangyari ba?" Si Analiz nang pumasok ako sa classroom. Dumiretso ako sa upuan ko at binagsak ang ulo sa lamesa. "The hell? What's the problem ba?"
"I need to break up with him." Sagot ko dahilan para matigilan siya.
Halatang nagulat dahil sa sinabi ko.
"Mommy found out our relationship. And she said she will sue Klaus, ayoko namang mangyari 'yon."
"Gosh. Tita is really a scary woman! Parang isang buwan pa lang kayo ni Klaus maghihiwalay na agad kayo... but it's your choice, it's final na ba? You will break up with him?"
"Kakausapin ko siya mamaya. Ayokong biglain siya, sana lang maintidihan niya ang gagawin ko." Bumuntong-hininga ako at umayos nang upo dahil dumating na ang amin prof.
.
"Kanina ka pa tahimik Zam? May nakaaway ka nanaman?" Nandito kami ni Klaus sa isang mamahaling restaurant.
Dinala niya ako rito dahil gusto niyang mag date kaming dalawa. Pinagbigyan ko... this may be the last.
"Klaus... Mommy found out, she said hiwalayan kita." Nawala ang ngiti sa labi niya at lumungkot ang mukha.
Binaba niya rin ang table knife at tinidor na hawak niya.
"Break up... susundin mo ba ang sinabi niya?" Yumuko ako. Nahihirapan din ako dahil hindi ko ito gusto, Klaus has been good to me.
Pero ayoko namang mag paka-selfish, pag pinatuloy namin ang relasyon naming dalawa sigurado akong tutohanin ni Mommy ang sinabi niya.
If I am a ruthless, then my Mom is the most ruthless. Lahat nang gusto niyang gawin ay magagawa niya, kahit pa sirain ang buhay ni Klaus ay kaya niya ring gawin.
At ayoko nang ganoon. Ayokong maging dahilan sa pagkasira ng buhay niya.
"Hindi ko gusto Klaus... but I have to. I am under control by my parents, pag sinuway ko sila ikaw ang mag su-suffer." Maingat siyang tumango.
Kumirot naman ang puso ko dahil doon. Ang bilis niya naman kasing sumang-ayon.
I mean nakikipag-hiwalay nga ako pero ganoon na lang ba ang reaksyon niya? Parang ang bilis niya ring mag let go.
"I understand." He said without looking at me.
* * *
"Sana tinawagan mo ako Klaus, kung hindi sinabi ni Analiz sa akin hindi ko malalaman." Nandito ako ngayon sa condo niya dahil nalaman kong may lagnat siya.
Narinig ko lang mula kay Analiz ang kalagayan niya.
"Hindi ka na dapat nag-abala pang pumunta dito Zam." Inirapan ko siya.
"As if hindi ako mag-aalala. I've been waiting for you to text me! I know we broke up, but can't you consider me as your friend?" Ngumiti siya at hinila ang kamay ko.
"I don't want to be your friend. To be honest, I was hurt Zam, I don't want to break up with you. But I need to respect you and your parents, naiintindihan ko sila Zam kung bakit strict sila sa 'yo. Kaya tinatanggap ko na lang din na hindi pa tayo puwede ngayon."
Napatikom ako ng bibig.
"But that doesn't mean na hahayaan ko na lang na ganoon... maghiwalay tayo sa ngayon pero mangako tayong balang araw babalik tayo sa isa't-isa."
Sumilay ang ngiti sa labi ko. "Are you sure about that? Maghihintay ka ba?" Tumango siya at pinisil ang kamay ko.
"Knock, knock? Klaus may papipirmahan lang akong-- Ooppss! May bisita ka pala." Napatayo ako nang biglang pumasok ang isang lalaki sa kwarto niya.
Sa pagkakaalala ko'y kabigan siya ni Klaus.
"The fuck Rome? Pumasok ka na lang bigla," tumawa lang 'yong kaibigan niya at inabot sa kanya ang isang envelope. "May kailangan ka pa lang pirmahan, excuse letter mo 'to dahil ilang araw kang absent. Dapat nga parent or guardian mo ang pumirma nito eh."
"I have a guardian." Sabay tingin ni Klaus sa akin. "Can you sign that for me?" Tumango lang ako at pinirmahan iyon bago ibalik sa kaibigan niya.
"I have to go Klaus, hahanapin ako sa amin. Goodbye, goodnight."
I didn't expect that it was the last time I will see him. One day, Klaus suddenly vanished.
* * *
"Stop drinking already Zam! Pag ikaw nalasing nang subra malalagot tayo," nakatulala lang ako sa kawalan habang pilit na kinakalimutan ang lahat.
Bigla na lang nawala si Klaus, ang sabi ng iba'y lumipat ito sa ibang bansa at doon na nag aral.
Ang hindi ko maintidihan ay kung bakit bigla siyang nang iwan? He made a promised to me, pero hindi niya pala kayang panindigan. Kaya naman tinatak ko na sa sarili kong mag momove-on na ako.
Ayokong umasa sa wala, mas mabuting ayusin ko na lang ang sarili ko kaysa isipin pa siya.
I need to remove Klaus in my life, gaya nang ginawa niya sa akin.
"Fine, sasayaw na lang muna ako!" Aniya ko kay Analiza at pumunta sa dance floor.
That's my routine every weekends.
Hanggang sa lumipas ang isang taon. Masasabi kong nagawa ko ngang mag move-on.
Ni hindi ko namalayan na maayos na pala ako, I live my life as I should.
"Shit ang pogi talaga ni Ather kahit kailan!" Analiz giggled while looking at the man who's in the other table.
Ather Lavien... he's famous too, lalo na ang pamilya niya dahil sa malalaking kompanya at ari-arian na meron sila. Karamihan tinatawag siyang Al.
"Pogi ba 'yan? Mukhang hindi naman..." tutol ko.
Mabilis siyang lumayo sa akin.
"Pa-check mo kaya eyes mo? Or maybe you're just pretending na hindi ka napopogian sa kanya?" Umismid ako at mabilis na tumayo.
"I'll hit on him. Sa tingin mo makukuha ko siya?" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Sure ka jan?" Tumango ako at nagsimulang maglakad papalapit sa puwesto nito. "Pag nagawa mo bibilhin ko 'yong favorite mong Chanel bag!" I winked at Analiz bago ko harapin si Al.
"Hi, do you want to have a one night stand with me?" Napaatras ako dahil sa malamig na postura ng mukha niya.
He's cold asf.
"What the fuck." Bulong nang kasama niya habang siya ay tila walang narinig.
Akala ko hindi na siya magsasalita pa pero biglang... "Sure. Where do you want? If you're in hurry we can do it on my car." Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
"Haha, I'm just joking..."
"I don't accept jokes, now lead the way. Nasa parking lot ang kotse ko."
"H-Ha? It's just a j-joke--"
"Walk, woman."
Shit. Bakit naman sumabay! Anong gagawin ko!? Tatakbo ba!? Ayoko na!
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro