Chapter 2
Zamia Brecken Wringler
Tahimik lang ako habang nagtatahi ng damit. Lumalalim na ang gabi pero hindi ko magawang antukin, kaya pinagkaka-abalahan ko na lang muna ang paghahabi.
Nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Parang panaginip lang, at hindi inaasahang pangyayari.
Sino ba naman kasing mag-aakala na mangyayari 'yun? My gosh, naloka ako, at the same time hindi ko maiwasang malungkot lalo na't naaalala ko ang mukha nung bata habang umiiyak.
Pakiramdam ko kasalanan ko 'yun at dapat akong sisihin.
Nabigla rin naman masi ako. 'Be her mother?' Hello? Sinong hindi maloloka? May ganoon ba ngayon, bigla kang pupuntahan ng taong hindi mo kilala tapos i-offer sa 'yo ang pagiging ina? Medyo creepy 'yun.
"Nak, pogi n'on ah," napalingon ako nang marinig ang boses ni nanay.
Nandito ako ngayon sa sala habang siya ay kakalabas lang sa kuwarto nila ni tatay.
Binaba ko saglit ang damit. "Po?"
"'Yung kaninang lalaki 'nak, ang pogi, bakit hindi mo tinanggap 'yong offer?" Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Seriously? Pati ba naman ikaw 'nay? Bumuntong-hininga ako sa kawalan.
"Iwan ko 'Nay ah, pero tama ka! Ang pogi nga niya! Tapos ang hottie pa!" Tili ko. Muntik pa akong matusok sa karayom na hawak ko.
"'Di ba? Sabi ko sa 'yo 'Nak! Ang pogi nga n'on! Tapos sinayang mo pa, kung ako 'yon tatanggpin ko agad!" Para kaming bata habang tumitili.
Pero agad rin akong natauhan. "Delikado ka na 'Nay, bakit ko naman po tatanggpin? Eh, hindi ko nga kilala kung sino sila," napanguso ako.
"Pero dapat kinausap mo pa rin nang maayos! Kung naiisip ko na magiging kayo? I'm sure maganda at guwapo ang magiging anak--"
"Hephep! Hooray! Subra na 'yan 'Nay," umiling ako.
"Tama kaya Nanay mo, Zamia! Panigurado ang mga apo namin magagandang bata!" Napangiwi ako nang biglang lumabas rin si Tatay.
"Seryoso 'Tay?"
"Oo. Ang pogi n'on anak, tapos ang dami pang bodyguards? Akalain mo 'yun? Siguradong mayaman ang poging 'yon, isa pa parang kawawa ang bata kanina," nagbaba ako ng tingin. Kawawa nga, pero ano namang magagawa ko?
"Binubugaw niyo ba ako?" May halong biro kong sabi, pero halos umawang ang bibig ko nang sabay silang tumango. Shit. Magulang ko ba talaga 'to?
"Pero wait! Anong sabi mo, ha, Sacho? Pogi 'yung lalaki kanina? Napogian ka?" Mukhang nagulat pa si Nanay. "Huwag mo sabihing pusong babae ka Sacho!?" Nagpipigil lang ako nang tawa habang nakatingin sa kanila.
"Huh? Hindi naman sa ganoon Merge-- Ahh!" Hinayaan ko na lang silang mag sabunotan at pumasok na sa kuwarto ko. May klase pa bukas.
***
"Balita ko pinagkaguluhan kayo kahapon?" Hindi pa man ako nakarating sa classroom kung saan ako na asign ay sinalubong na ako ng isa pang guro, si Mariz.
Mainit-init rin kasi ang balita tungkol sa nangyari kahapon. Maliit lang ang baryo namin, kaya mabilis kumalat ang tsismis.
"No comment." Saad ko na lang na para bang in interview ako. Sumimangot lang si Mariz at tinalikuran na aki.
"Good morning, teacher!" Sinalubong ko sila ng ngiti. Inayos ko sa lamesa ang dala kong bag at dalawang libro.
"Good morning class--"
"Ms. Zamia," naputol ang sasabihin ko nang makitang nandito ang vice principal.
"Oh. Ma'am Peler," tinignan ko ang mga estudyante at mukhang alam naman nila ang kanilang gagawin.
"Good morning Ms. Peler!" Sabay-sabay na bati ng mga ito.
"Thank you everyone. Please sit down." Bumaling siya sa akin. "We have a transferre Ms. Zamia, and your class is not full as far as I know," tumango ako.
"Yes Ma'am. Pero, 'di ba po hindi na tayo tumatanggap ng transferre?"
"Yeah. But it happened. Just keep it that way, mukhang malakas sa Principal ang parent ng bata kaya nakapasok," medyo nagtaka ako dahil doon, pero pinili kong ngumiti. "They're here."
"Mommy! I saw you again!" Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
"B-Brazilla?"
"Yes Mommy! You remembered my name!" Yumakap ito sa akin habang hindi ako makagalaw. Pero mas lalo akong napahinto nang pumasok rin ang pamilyar na lalaki.
"Kuyang hot!?" Anong... ginagawa nila dito?
"Words, Ms. Zamia, children are here," mahinang ani nito habang diretso ang tingin sa akin.
"Anong..." hinila ko siya papalabas. "Anong ibig-sabihin nito?"
"From now on, my daugther will be in your class," napakurap ako.
"Di nga? Bakit naman?"
"Kasi gusto ko." Madiin niyang sabi.
"We? 'Di nga? Baka may gusto ka lang sa akin?" Bumungisngis ako.
"Shut up. I'm not." Umiwas siya ng tingin.
"Sus. Para-paraan ka eh! May gusto ka lang talaga sa akin," ang haba naman ng hair ko, kung ganoon.
Napasapo siya sa noo niya. "Fuck this, kailan ka kaya titino?"
Nagkibit-balikat ako. "Kailan ka kaya aamin na interesado ka talag sa akin?"
"Dream on." Masungit niyang sabi.
"Duh. Binabawi ko na pala ang sinabi ko kahapon! Hindi na matambok ang puwetan mo!" Kumunot ang noo niya.
"What?" Hindi ko siya pinansin at mabilis na tumalikod. "Hey! Hindi pa ako tapos sa 'yo! You'd better hide later, Zamia! I swear!"
"Walang puwet!" Pabalik kong sigaw habang tumatawa kahit gulong-gulo ako sa nangyayari.
"Damn woman! Pagsisihan mo 'to!" Narinig ko ulit.
"Walang puwet!"
***
Diretso lang ang tingin ko kay Brazilla na ngayon ay busy sa kanyang papel. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya lalo na't ambilis ng mga nangyari.
Sino mag-aakalang isa siya sa magiging estudyante ko?
I'm 26 years old, a filipino teacher. I handled grade 1 students. I adore kids so much, siguro isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit ako nag pursue ng education.
"Times up! Pass your papers guys, finished or not." Tumayo ako at nagsimulang magligpit ng gamit.
Papasok na ako sa susunod kong klase.
Isa-isang nagpasa sila sa akin ng mga papel nila. Ang huli ay si Brazilla na nakangiti pa rin sa akin. Kahit titignan ko siya nakikita ko pa rin ang pagiging magka-pareha nila ni Kuyang Hot.
Hindi ko pa pala alam pangalan niya.
"Mommy, see you po mamaya!" Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"Shh... don't call me mommy... we're here at school, just call me 'Teacher' okay?" Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko kaya nakahinga ako nang maluwag.
...
Saktong 4pm nang matapos ko na ang lahat nang gawain ko. Sandali akong nag-inat bago tumayo, nandito pala ako ngayon sa faculty.
"Uy, tara na." Kinalabit ako ni Roxan. "Mukhang may naghihintay sa 'yo sa labas ng gate," kumunot ang noo ko.
Hindi na ako masyadong nagsalita at sumunod na lang sa kanya. At hindi nga siya nagkakamali!
Nandoon nanaman si Kuyang Hot! Karga niya si Brazilla habang ang tingin ay diretso sa akin.
Shit? 'Di ba sabi niya kanina, malalagot raw ako sa kanya? Totohanin niya kaya 'yun? Eh, binibiro ko lang naman siya!
Tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang aking bag at pinulupot ang kamay sa braso ni Roxan.
"Uy... may humarang," bulong niya sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa akin ang dalawang lalaki na siguradong tauhan ng Kuyang Hot.
"May kailangan ho kayo?" Inosente kong tanong.
"Mukha bang wala?" Suplado ani ng isang lalaki dahilan para batukan siya ng kasama niya. Palihim akong umirap. "Gusto kang makausap ni Boss."
"Bakit naman?"
"Aba malay ko 'di ba? Kung alam ko edi sana sinabi ko na sa 'yo," muntik ko nang bugahan ng apoy ang lalaking ito. Para siyang robot kung magsalita!
"Tss! Pilosopo ka! Tabi na nga," nilagpasan ko siya at dumiretso sa puwesto nila Brazilla. Galak ang mukha ng bata nang makita niya ako.
"Mommy's here! Mommy, come with us!" Malungkot akong ngumiti. Bakit kaya palagi niya akong tinatawag na mommy? I mean... nasaan kaya ang totoong nanay niya?
"So, Miss Zamia as far as I remember we have an unfinished bussiness," pakiramdam ko'y nangangatog ang paa ko.
"K-Kanina ba? Joke lang naman 'yun..."
"I'm not into jokes, so I took it seriously," usal niya, seryoso ang mukha.
"Ito naman! Hindi mabiro, para kang others... s-sorry na ha? Okay na? Uwi na ako," tumalikod ako pero hinarangan ako ng mga bodyguards niya. Sinapol ko ng tingin si Roxan pero ang bruha nakikipag-landian do'n sa pilosopo na mukhang robot!
"No way for you to escape," bigo akong lumingon ulit sa kanya.
"Why so serious... nagbibiro nga lang eh! Oo na! Ikaw na matambok ang puwet! Ikaw na pogi na hot at malakas ang dating!" Sunod-sunod na sigaw ko.
Rinig ko ang halakhak ng iilan sa mga tauhan niya. Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na ang pisnge ko.
"Silly woman." Pumasok na si Brazilla sa loob habang magkaharap pa rin kaming dalawa. "Come with us." Dugtong niya, diretso lang ang tingin ko sa kanya.
"Huh? Eh... ayaw, may kailangan pa akong gawin," he tilted his head. Parang sinusuri ang mukha ko. "Oh bakit? Alam ko namang maganda ako. Hulog ka 'no?"
He smirked. "Oo, sa subrang pagka-hulog ko mas pipiliin ko na lang na huwag mo akong saluin," parang na insulto buong buhay ko ro'n ah? Habang siya seryoso pa rin.
"Mayabang!"
"Hindi ka maganda..." ngumisi pa amp! "But you have a big boobs. Nice view." Huling sinabi niya bago sumakay sa Van. Parang bumuhos ang hiya at inis ko dahil do'n!
"Manyak ka!" Sigaw ko. Nabigla pa ako nang lumabas ang ulo niya sa bintana.
"Ako nga minanyak mo, nagreklamo ba ako?" Tumaas ang kilay niya at mas lalo pang lumawak ang ngisi. Hanep!
"Pasalamat ka matambok ang puwet mo! Kundi malilintikan ka sa akin!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro