Chapter 19
Zamia Brecken Wringler
"Don't you forget? I am only 17 Analiz! Next month pa ang 18th birthday ko, lucky you, because you're 18 now." I sighed.
"I almost forgot! But does it matter Zamia? Para ka namang hindi 17! Your face is matured, we can fool the guard." Pamimilit niya pa, I step out in the classroom.
"But Mommy? Pag nalaman niyang pupunta tayo ng bar hindi lang ako ang malalagot, pati na rin ikaw." Umiling ako at inayos ang suot kong skirt.
Nilabas ko rin ang shades at sinuot 'yon. Other students we're looking at me but I just give them a IDGAF look.
"Zamia? Are you free tonight?" Napatigil ako nang lumapit sa amin si Klaus.
He's my fling! Or kind of manliligaw, he's also a grade 12 student nakilala ko siya a couple of months ago.
"No we're not Klaus, one of our friend is celebrating her birthday. Pupunta kaming BGC" Si Analiz ang sumagot.
Busy rin ito sa pag-aayos nang kanyang make-up.
"What? Analiz... I didn't agree on it." Pagtatama ko sa kanya pero inirapan niya ako.
"Whatever, bakit ka ba natatakot kay Tita Srefa? This is not the first time na nag rebelde ka! Don't tell me nagpapakabait ka na? Hindi ko paniniwalaan if ever. At tsaka hindi naman nila malalaman dahil wala naman sila dito sa pilipinas." Well she's right.
Palagi namang busy sina Mom and Dad, kaya hindi nila alam ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko.
Wala siguro silang pakialam, I mean wala talaga silang pakialam. They're busy on their own, so am I. I'm busy with my life too.
"Uh... I'm sorry Klaus, but Analiz is right we have to attend that party." He looked amused.
He's matured and gentlemen, but he have a serious gaze minsan nagmumukha siyang badboy lalo na pag magulo ang buhok niya.
"You're only 17 Zam, hindi ka puwede sa club." I flipped my hair.
"I'm capable of it. Kung hindi sila makuha sa itsura ko, then I used money instead." Kinaway ko ang black card na pag-aari ni Daddy.
Kinuha ko ito noong nakaraang linggo, mukhang hindi niya napansin dahil wala naman siyang sinabi o reklamo.
"Omg! Black card! How did you..." tinakpan ko ang bibig ni Analiz gamit ang daliri ko.
"So? Let's go?" Mabilis na tumango si Analiz at pinulupot ang kamay niya sa braso ko.
Analiz is my close friend, since we're Junior Highschool. Malapit rin siya kina Mommy at Daddy dahil magkakilala ang parents namin.
And also Analiz is the only friend that approved by my parents. Sa tuwing kasama ko si Analiz ay mas hinahayaan nila ako.
"Wait, ihahatid ko na kayo. I'm going there too. Hindi puwedeng pabayaan na lang kita doon, and look Zamia, I'm not tolerating this. Ayoko lang na mag desisyon para sa 'yo, kaya babantayan na lang kita."
Si Klaus na mabilis kinuha ang bag ko at siya ang nagdala n'on.
"Wow, he never failed to amaze me... kayo na ba?" Analiz asked, I licked my lower lip.
"Maybe soon." Sagot ko at mahinang tumawa.
Napahawak ako sa ulo ko... may naalala akong tungkol kay Klaus? Pero hindi 'yon ang importante ngayon.
Gusto kong maintindihan ang sinabi niya dahil kaunti na lang mabibiyak na ang ulo ko sa subrang kuryosidad.
"Anong ibig mong sabihin Klaus? Al is my husband..." tumingin ako kay Al na ngayon ay nakayuko na.
"'Yan ba ang sinabi niya sa 'yo? Then he lied! Tanungin mo siya Zamia, asked him the truth." Nanginginig ang labi ko nang bumaling ako kay Al.
"Al? Totoo ba ang sinabi niya? Hindi ko maintindihan... nalilito ako!" Unti-unti niyang inangat ang tingin niya sa akin.
"Yes it's true Zamia. He's your husband... I'm not... Fuck... I'm not your husband Zam, it's him." Umawang ang bibig ko.
"Paanong..." napahawak ako sa ulo ko. "May anak tayo 'di ba Si Brazilla!? Paanong naging asawa ko si Klaus?"
"Because he's your other man, Zam." Si Klaus sa malungkot na boses.
Tila nabunutan ako nang tinik.
My other man? I cheated? Ganoon ba!?
"No that's not it! Stop manipulating us Klaus! Ikaw nga ang asawa niya but she loves me! Asawa mo lang siya sa papel!"
Huli na nang maramdaman kong bumagsak ako sa sahig habang patuloy na umaagos ang luha ko.
"I cheated? Nagloko ako, ganoon ba!?" Sigaw ko.
Mabilis akong hinawakan ni Al pero winakli ko ang kamay niya.
"No... Zam, he may be your husband but you don't love him. Ako 'yong mahal mo that's why we have a daugther... maiintindihan mo ang lahat pag bumalik ang alaala mo..." umiling ako.
That's not valid reason... Nagloko ako kung ganooon? May asawa ako pero nagkaroon ako ng anak sa iba?
May ibang lalaki ako... and Al is that man! He's not my husband!
"Zamia..." lumapit na rin rin si Klaus sa akin. "You are married to me... That's the truth."
"Stop all of you!" Pare-pareho lang kaming natigilan dahil sa sigaw ni Mommy, nagmadali itong pumunta sa puwesto ko at inalalayan akong tumayo.
"Tita..."
"Umalis kayong dalawa! Leave my house now!" Nakayuko lang ako. "Merge call our doctor."
"Tita I'm sorry for this... but Zamia needs to know the truth, I'm her husband--"
"In paper Klaus, fuck off. You don't own her heart." Putol ni Al sa kanya.
"Lumabas na kayo bago pa ako mag tawag ng guard." Madiing sabi ni Mommy at tuloyan na akong dinala sa kuwarto ko.
"Hija... parating na ang doctor," si Nanay Merge.
Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Magiging maayos rin ang lahat Zamia, kung naguguluhan ka dahil sa mga nalaman mo paniguradong maiintindihan mo ang lahat pag bumalik na ang ala-ala mo." Wala akong naging sagot.
"She's right, everything will be fine." Si Mommy.
Mas lalo tuloy akong umiyak dahil sa sitwasyon namin ngayon. Nakakagalak na may dalawa akong Ina na andito para sa akin.
Dahil sa totoo lang subrang gulo nang isip ko. Subrang nalilito na ako sa mga nangyayari tapos dumagdag nanaman ito...
"Rest hija, we will wake up you once the doctor is here."
.
"Sumasakit pa ba nang subra ang ulo mo? Just like before?" Umiling ako.
"Kumikirot po doc, but gladly hindi katulad noon. Kadalasan sumasakit siya pag subrang dami ko nang gumugulo sa akin," paliwanag ko.
"I get it. Don't force yourself too much it can trigger you more. Mas mabuting hayaan mo lang na maalala mo ang mga nangyari, because I'm sure on this days you will get back your memories." Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko bago humarap kina Mommy.
Nagpaalam din akong bumaba para magpahangin. Hindi pa rin maproseso sa utak ko ang mga nangyari at sinabi nila sa akin.
"Here we go, so you knew already?" Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses.
"Gizem." Anong ginagawa niya dito?
"Glad you remember me, akala ko makakalimutan mo na agad ako."
Hindi ako sumagot at inalis sa kanya ang tingin.
"How does it feels Zamia? Ang malaman na isa ka pa lang makasalanang babae? Akalain mong may asawa ka na pala noon pero nagawa mong pumatol sa iba." Natigilan ako.
At some point... tama siya.
Paano nga ba nangyaring, may asawa na ako pero pumatol pa rin ako sa iba? Maybe I was really a bitch before and I am also capable of those things.
"You hit with Al even if you have a husband, how poor you are. Inakala ko pa naman na isa kang eleganteng babae, but you got me wrong." Ramdam ko na ang presensya niya sa gilid ko.
"Wala akong panahon sa 'yo. Kung pwede layuan mo ako." Tanging sabi ko, rinig ko ang mahina niyang tawa.
"Masakit bang masampal nang katotohanan? Well you deserve that, hindi mo alam kung saan ka dapat lumulugar." Sumeryoso ang boses niya. "Kung hindi mo sana nilandi noon si Al, bumalik na dapat siya sa akin. But you're a freak."
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sampalin siya. "Sinabi kong layuan mo ako 'di ba!?"
"Zamia." Sabay kaming lumingon nang marinig ang boses ni Al.
Si Gizem naman ay hawak-hawak pa rin ang pisnge niyang sinampal ko.
"Al..." Si Gizem.
"What are you doing here, Gizem?" Bumuntong-hininga ako. Akala ko pinaalis na siya? Bakit nandito pa rin siya? "I'm asking you what are you doing here?"
"I visited her---"
"Bullshit. You came here to insult her, right?"
"Po-protektahan mo pa rin siya? Sinabi ko lang naman ang totoo Al, kabit ka lang ng babaeng 'yan bakit parang proud ka pa--- Ahh!"
Pati ako nagulat nang biglaan niyang i-tapon ang isang vase dahilan para mabasag ito at lumikha nang ingay.
"Leave Gizem, habang nagtitimpi pa ako, dahil pag naubos ang pasensya ko sa 'yo baka makalimutan kong babae ka." Ma-awtoridad nitong sabi.
Gizem looked scared, nagmadali itong tumakbo papaalis kaya kaming dalawa na lang ang natira dito.
"Zamia..." nang bumaling siya sa akin ay malambot na ang ekspresyon niya.
"A-Anong ginagawa mo dito? 'Di ba pinaalis ka na?" Umiling siya.
"I told you, aalis lang ako dito pag kasama na kita. You're still here kaya hindi ako aalis." Nag-iwas ako ng tingin.
"Al... you're not my husband, bakit mo sinabi noon na asawa kita?" Sa wakas ay natanong ko rin.
"We maid a promise to each other Zamia. Hindi man tayo nangako sa harap ng altar pero nangako tayo sa sarili natin. Pinanghahawakan ko 'yon." Lumungkot ang ekspresyon niya.
"Ang gulo pa rin Al, hindi ikaw ang lalaking pinakasalan ko kaya paano mo nasasabing mahal nga kita?" Nagulat siya dahil sa sinabi ko.
"Hindi mo lang maalala ang lahat Zam, that's why you're confuse."
"Ayoko munang makita ka..." It was almost a whisphered. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. "I want Brazilla... but you... I don't want you."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro