Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Zamia Brecken Wringler

"R-Robot..." tawag ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya habang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko.

"Yes it's me. I heard the news that's why I came here." Paliwanag niya. "How are you Zamia?"

"A-Ayos lang naman... ikaw ba? Ilang linggo na rin simula nang huli nating pagkikita," aniya ko.

Naalala kong hindi pala maganda ang nangyari noong magkahiwalay kami sa Isla.

Ayoko na ring pag-usapan pa 'yon kahit pa gusto kong malaman kung bakit siya nagsinungaling.

"Ikaw kamusta ka?" Balik kong tanong sa kanya. He seems fine but I want to hear it from him.

"I'm okay, so... your memories?" Umiling ako.

Alam kong gusto niyang i-tanong kung bumalik na ba.

"Hindi pa buo." Sagot ko. "Oh... aminin mo Robot, kasali ka sa plano nila 'di ba? Hindi ka basta bodyguard lang? Tama?"

He nodded. "Yes," Kung hindi talaga siya isang bodyguard, ano ang koneksyon niya sa akin? Kaibigan ko rin ba siya noon?

'Yan ang gusto kong i-tanong sa kanya.

"Robot---"

"I need to go Zam. I don't want them to see me, pumunta talaga ako dito para kamustahin ka, and I'm happy that you looked fine. Babalik ako Zamia, babalikan kita." Ginulo niya ang buhok ko at tinalikuran na ako.

"May problema ba? Bakit nagmamadali ka? Ayaw mo bang pumasok muna sa loob?" Nag-iwas siya ng tingin.

"I'm not allowed. Your mother will sue me out. I just sneak in here, hindi talaga ako puwedeng pumasok dito sa Villa ninyo, humanap lang ako ng paraan." Kumunot ang noo ko.

Hindi siya pwede dito? Bakit naman?

"I don't have time Zam, baka hinahanap ka na rin nila. You should go back, I'm leaving." Ngumiti siya ulit.

"K-Klaus!" Pag-tawag ko ulit sa kanya. Kita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. "Sa susunod na magkita tayo sabihin mo sa akin kung sino at ano ka talaga sa buhay ko!" Dagdag ko.

"You knew my name... it's good to hear that. And yes Zamia, I'll introduce my self to you, soon." Pagkatapos n'on ay tuloyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Lady Zamia? May kausap ka po ba?" Napaigtad ako nang biglang nagsalita ang isang maid sa likuran ko.

"Wala naman po... s-sarili ko lang." Pagsisinungaling ko at bumalik na sa loob ng Mansyon.

Nadagdagan tuloy ang iniisip ko dahil sa nangyari, paanong hindi puwede pumasok si Robot dito?

"Hello po, nasaan po ang kwarto ng Don Casio?" Tanong ko sa nurse ni Daddy.

Gusto ko sana siyang bisitahin. Sumunod sa ako sa kanya hanggang sa tumigil kami sa isang pinto.

"Nasa loob po siya, pero huwag kang mag-alala hindi naman siya natutulog, hindi ka makakadisturbo." Tumango ako at tipid siyang nginitian.

Kinuha ko rin sa kanya ang dala-dala niyang maligamgam na tubig, magpupunas kasi dapat siya kay Daddy pero ako na lang muna ang gagawa.

Nang makapasok ako'y nakita ko siyang nakaupo lang sa kama niya habang ang tingin ay nasa malaking TV sa harapan niya.

Napansin niya sigurong pumasok ako kaya bumaling sa akin ang tingin niya.

Bahagyang bumuka ang bibig niya pero walang lumalabas na salita doon.

"Hello po..." Bati ko at naglakad papalapit sa kanya. Nakangiti na siya ngayon, mukhang hindi niya pa inasahan ang pagpunta ko rito. "Puwede po bang tumabi?" Ngumiti siya.

Dali-dali akong umupo sa kama at tumabi sa kanya. Kinuha ko rin ang kamay niya at nagsimulang punasan iyon.

"Kamusta ka na po? Pasensya na kung ngayon lang ako bumalik... pasensya na rin kung hanggang ngayon wala pa rin akong maalala..." mapait akong ngumiti.

"Z... a... m..." ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko.

"Huwag mo pong pilitin ang sarili mo, alam kong magiging maayos ka rin. Sabay po tayo," mahina akong tumawa. "Hihintayin ko po ang araw na maging maayos ang lahat."

"Z... a... m..." pilit niyang binabanggit ang pangalan ko habang tumutulo ang luha niya.

Nahawa ata ako dahil naramdaman ko na ring umiiyak ako.

"Opo ako nga po si Zam..." malalim na hininga ang pinakawalan ko. "Magpahinga ka po muna Daddy." Nagpaalam ako sa kanya pagkatapos ko siyang kausapin.

Pumalit na rin ang nurse kaya kampanti akong maiiwan siya doon sa kuwarto niya.

Bumaba ulit ako para sana uminom ng tubig sa kusina pero may pumigil sa akin.

"So, you're really alive." Ani ng babaeng nasa harapan ko. Sinipat niya ang kabuoan ko hanggang sa nagtama ang tingin naming dalawa.

Sino naman siya? Ka-edad ko lang din siguro dahil sa itsura niya.

Matangkad, slim, maputi at medyo chinita. Mas lalo siyang naging elegante tignan dahil sa suot niya. At higit sa lahat, maganda.

"Uhm... magkakilala na ba tayo dati?" Tumaas ang kilay niya bago naglakad papalapit sa akin.

"You can't remember anything... now I understand."

"Gizem." Malamig na boses ang umagaw sa pansin naming dalawa. Si Al! Matalim ang tingin niya sa babae hanggang sa makalapit siya sa akin at tinago ako sa likuran niya.

May problema ba?

"Al, I just found out that she's back. So I went here to visit, and she doesn't remember me." Sumilip ako para makita ang babae.

Gizem... pamilyar ulit. Narinig ko na ata dati. At bakit nama ako tinatago ni Al sa likuran niya? Anong akala niya sa akin bata?

"Sino siya Al?" Tanong ko mukhang narinig iyon ng babae dahil mahina siyang tumawa.

"I'm Gizem Alora Choi." Pakilala niya sa akin. "And I'm Al's ex-girlfriend."

Ex-girlfriend? Tumingin ako kay Al na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Ah... don't get the wrong idea Zamia, it's right that I am Al's ex-girlfriend, but that's not the reason why I am here."

Hindi ako nagsalita, umalis rin ako sa likuran ni Al at hinarap ang babae.

"Bukod sa ex-girlfriend ako ni Al, magkasosyo rin sa business ang family natin. I'm with my dad." Nakatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at niluwa ang isang lalaki.

Ito na siguro ang daddy niya.

"Daddy!" Agad siyang lumapit sa lalaki, sakto namang kabababa lang ni Mommy galing sa taas.

"Mr. Choi?" Si Mommy ang unang kumausap sa kanya.

"Mrs. Wringler, we're sorry for a sudden visit. Gusto lang naming kamustahin si Lady Zamia, laman siya ng news ngayon." Nakatingin lang ako sa kanila.

"Yeah. I already paid a person to stop the media, my daugther needs a privacy." Sagot naman ni Mommy. "Anyway, Zamia, this is Mr. Choi, one of our bussiness partner."

Lumapit ako sa kanya. "Hello po." Inabot niya sa akin ang kamay niya na mabilis ko namang tinanggap.

"She changed... I thought she's going to yell at me, like before." Mahina silang tumawa habang clueless naman ako sa gilid.

"Hintayin nating bumalik ang memorya niya, I'm sure her attitude will be like that again." Tumawa ulit sila.

Maya-maya pa'y nauna silang maglakad papunta sa may likurang bahagi ng Mansyon kung nasaan ang pool area, naiwan kaming tatlo dito.

"You were unseen for 3 years, nasa hospital ka ba sa tatlong taon na 'yon?" Sumimsim siya ng juice na hinanda ng maid.

"Hindi naman... ahm---"

"Why do you want to know that Gizem?" Sumabat si Al. Masama pa rin ang timpla ng mukha niya kaya pati ako ay natigilan.

"Nagtanong lang naman ako Al, why are you so over protective---"

"Why not? Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo? You were the last person who talked to Zamia before she goes missing!" Nanlaki ang mata ko.

"Anong ibig mong sabihin Al?" Kumalma siya nang hawakan ko ang braso niya.

"I'm sorry... You shouldn't hear that, baka makaapekto sa 'yo." Tinaasan ko siya ng kilay bago ako lumingon kay Gizem.

Siya ang huling taong nakausap ko bago ako mawala?

"What are you talking about Al! Yes I am the last person she talked to... but..." umiwas siya ng tingin sa akin nang maramdamang nakatitig ako sa kanya. "But that doesn't mean I am the culprit." She look terrified, nagmumukha tuloy siyang takot.

"I didn't say that you're the culprit Gizem, sinasabi ko lang na ikaw ang huling kausap niya noong araw na 'yon." Al fired back.

"Pero parang pinaparating mo na ako..." habang tumatagal ang titig ko sa kanya unti-unting sumasakit ang ulo ko.

"Zam? What's wrong?" Winakli ko ang kamay ni Al at mabilis na tumayo para lapitan si Gizem.

"W-Why? Why are you looking me like that!?" Tumayo na rin siya at hinarap ako, nakataas ang kilay niya habang nakaawang ang bibig.

"Give me your hand." Madiing sabi ko na mas lalong nagpataas sa kilay niya.

"And why would I do that?" Giit niya. Naramdaman ko nang nasa likuran ko si Al pero nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako pinipigilan.

"Ipakita mo sa akin ang kamay mo kung ayaw mong sampalin kita!" Sigaw ko at halatang nagulat siya doon.

Maging ako ay nagulat dahil sa sinabi ko! Saan nanggagaling 'yon?

"Are you kiddin---" hindi ko na siya pinatapos at mabilis na hinila ang kamay niya. Tinignan ko ang likurang bahagi nito. May tattoo doon... tattoo na subrang pamilyar sa akin.

"Zam?" Si Al.

"Ano ba!" Inagaw niya mula sa akin ang kamay niya. "Your still a bitch like you are before." Hindi ko siya pinansin dahil nasa kamay niya ang paningin ko.

May tattoo doon na katulad nang nakita ko sa panaginip ko! Doon sa taong nagpahirap sa akin! Malakas na kumalabog ang puso ko.

"Zam... I'm taking you to your room." Bulong ni Al sa akin at inalalayang akong maglakad.

Hindi ko inalis ang tingin kay Gizem na ngayon ay tinatakpan ang tattoo sa kamay niya. Hindi kaya... siya?

* * *

Kinabukasan ay matagal akong bumangon dahil mabigat ang pakiramdam ko. Nabalik lang ako sa wesyo nang may kumatok at nang bumukas iyon ay si Al ang nakita ko.

"Hindi ka bumaba para kumain..." he looked so worried. Tipid akong ngumiti at tinignan ang tray na dala niya, may laman iyong pagkain.

"Salamat," aniya ko.

Akala ko lalabas na siya pero lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Sumakit ang ulo mo kahapon, may naalala ka ba? What do you think about Gizem?" Nagbaba ako ng tingin.

Hindi pa ako sigurado kung siya ba talaga iyon pero dahil sa tattoo na nakita ko medyo lumakas ang kutob ko.

Pero ayoko pa ring sabihin muna ang tungkol doon, hindi pa sigurado.

"S-Sumakit lang naman... pero walang ala-ala ko ang bumalik." Sagot ko at nagsimulang kumain. "Si Brazilla?"

"In our house, may klase siya ngayon..." muntik na akong mabilaukan dahil sa narinig.

"O-Our house?" Hindi mapaniwalang tanong ko.

"Yes Zam, our house. If everything will go right, iuuwi na kita kasama ko." Hindi pa ako naka-recover sa narinig ko nang bigla niya nanaman akong hinalikan sa gilid ng labi ko!

This time hindi ko na mapigilang matapon ang kinakain ko na dumiretso sa mukha niya.

"S-Sorry! Ikaw kasi! Namimigla ka!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinunasan ang mukha niya.

Pero imbes na sagutin ako'y pinigilan niya ang kamay ko at mabilis akong ginawaran nang malalim na halik.

"Lady Zamia? May bisita po kayo sa baba." Tinulak ko siya nang may kumatok sa pinto

"A-Ah oo! Susunod ako!" Sagot ko at kumalma nang marinig ang yapak nito papaalis.

Hindi ko tuloy magawang lingonin si Al na ngayon ay nasa likuran ko.

"May bisita ka? Is it Analiz?" May halong kuryosidad sa boses niya.

Ang kalmado ah? Parang hindi ako hinalikan ngayon lang!

"Bababa na ako." Awkward akong ngumiti at naglakad palabas. Inakala kong si Analiz ang bubungad sa akin pero...

"Robot?" Malawak ang ngiti niya nang makita ako. Wala rin akong nagawa nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Yeah, it's me again..." Bulong niya.

"Klaus!" Malakas na sigaw ni Al, muntik pa akong mapatalon sa gulat. "What the hell are you doing here? You're not allowed to come here." Salubong ang kilay niya at seryoso ang mukha.

"Tita allow me Al, that's why I'm here." Humiwalay si Robot sa akin at hinarap si Al.

"Tita did?" Hindi makapaniwalang sabi ni Al.

"Yes. And also I think it's the right time." Robot smirked.

"Anong ibig mong sabihin Robot?" Ngumiti siya sa akin.

"You haven't told her Al?" Ano bang pinagsasabi nila?

"Shut up, Klaus." Sa ngayon mas lalong sumeryoso ang boses ni Al, madilim ang mukha niya habang nakatingin kay Robot.

"Shut up? Ikaw ang tumahimik Al! You know that between us, I am the one who's legal."

"Robot ano bang sinasabi mo?" Sumabat na ako sa kanila.

"Karapatan niyang malaman ang totoo, at karapatan kong sabihin 'yon sa kanya." Sabi niya pa ulit sa mariin na boses.

"Ano ba? Diretsohin niyo ako.."

"I am your husband Zamia." Nanlamig ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

"W-What? Al anong sinasabi niya?" Baling ko kay Al pero umiwas lang siya ng tingin sa akin at nakita ko ring dumaan ang sakit sa mata niya.

Anong... bakit hindi niya tinanggi?

"Al?" Wala akong nakuhang sagot.

"You're confused right? Who am I really in your life..." Bumaling ako kay Klaus. Seryoso na rin siya ngayon. "I am your husband, Zamia."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro