Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Zamia Brecken Wringler

"Lady Zamia?" Katok mula sa pinto ang narinig ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko bago tumayo para buksan ito.

Bumungad sa akin ang isang maid.

"Nakahanda na po ang pagkain sa baba."

"O-Oh... okay, s-salamat." Aniya ko, mukhang nagulat pa siya dahil sa inasal ko. "Susunod po ako, mag-aayos lang saglit." Ngumiti ako at dumiretso sa Cr kwarto.

Nakakapanibago lang... subrang nakakapanibago, hindi ko inakalang ganitong buhay pala ang naghihintay dito sa akin sa Manila.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko'y naglakad na ako pababa. Sinamahan pa ako ng isa pang maid hanggang sa marating ko ang dining.

"Zamia," Tumayo si Mommy at sinalubong ako nang yakap. Hindi agad ako nakareact sa ginawa niya pero kalaunan ay ngumiti lang ako.

"Mommy! Good morning!" Sumunod naman ay si Brazilla na sinalubong rin ako nang yakap.

Ngayon pansin ko nang halos sila ay nandito na pala sa harap ng malaking mesa at mukhang ako na lang ang kanilang hinihintay.

"How's your feeling, hija?" Mommy asked with so much confusion on her eyes.

Tumikhim ako bago magsalita. "O-Okay naman po... maayos po ako," totoo rin naman.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko simula nang magpahinga ako.

"She... changed so much," hindi makapaniwalang aniya. Wala naman akong maintindihan pero ngumiti pa rin ako.

"ZAMIA!?" Halos matigilan kaming lahat dahil sa malakas na sigaw na nanggagaling sa kung saan.

Nang lumingon ako'y nakita ko ang isang babae na gulat habang nakatingin sa akin. Para siyang ka-edad ko lang.

"Z-Zamia!? Oh my! Zamia bestfriend ko! You're back... it's really you! I've been waiting for you! Hindi ako napagod sa paghihintay sa 'yo 'cuz I know that your going to balik! And I'm right!" Para akong mauubusan nang hininga habang yakap-yakap niya ako.

"She can't breath, Analiz." Sa wakas ay sinabi rin ni Al, mukhang napansin niyang nahihirapan ako sa sitwasyon.

"I'm sorry! Na miss lang kita!" Hindi pa ito nakontento at hinalikan ang pisnge ko. Pagkatapos ay tinitigan ang mukha ko. "Ikaw nga talaga... I thought fake balita lang 'yong nakita ko!"

"Analiz, hija," pag-agaw ni Mommy sa atensyon niya.

Nang humiwalay siya sa akin ay tsaka lang ako nakahinga nang maluwag.

"Tita, I'm sorry if biglaan ang pagpunta ko here, I was surprised by the news! And you know that I have been waiting for my dearest bestfriend." Lumapit naman siya kay Mommy at nakipag-beso.

Huminga ako nang malalim bago magsalita. "S-Sino siya?" Natigilan silang lahat dahil do'n.

"W-What? You can't remember me?" May halong lungkot at gulat sa mata niya habang nakatingin sa akin.

"She have an amnesia Analiz." Si Al ang sumagot. "But you can still introduce yourself to her." Lumapit ulit sa akin ang babae.

"Zamia, I am your bestfriend, Analiz Welsia Haragon... your only bestfriend." Dahan-dahan akong tumango at mabilis na tumayo para harapin siya.

"Nice to meet you... pasensya na kung hindi kita maalala A-Analiz, pero nararamdaman kong pamilyar ka nga sa akin." Saglit akong nag bow sa kanya at inabot ang kamay ko.

Umawang pa ang bibig niya, gulat na gulat. "Omg! What happened to you? Did you just bow at me? Ang isang Zamia nag-bow sa akin? Really? Did you see that Tita?"

May mali ba sa ginawa ko? Nag bigay lang naman ako ng respeto. Pero mukhang bago sa kanila ang ginawa ko at hindi nila inaasahan. "May problema ba? M-Mali ba 'yung ginawa ko?"

"Yes! I mean... nakakapanibago Zamia, you're not like that. You never bow to everyone, you never talk to everyone the way you talk just now. In shortcut you are a BITCH Zamia, pero parang sinapian ka ng anghel..."

B-Bitch? A-Ako?

"Hija, let's eat first. I bet my daugther is hungry, sumabay ka na rin sa amin." Umupo ulit ako sa upuan ko which is katabi ko si Al at sa kabilang upuan ay si Brazilla.

Nandito rin si Nanay Merge at Tatay Sacho, pati na rin ang... Daddy ko.

Nakatitig lang siya sa akin. "Good morning, Daddy." Bati ko sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa labi niya at sa totoo lang parang hinaplos ang puso ko dahil doon.

May nurse sa gilid niya at siya ang nagpapakain kay Daddy.

Bumalik lang ang atensyon ko sa pagkain nang lagyan ni Al ng kanin ang plato ko. Subrang dami nga palang nakahain sa mesa, parang hindi namin 'to mauubos.

"Eat up Zam. You need energy," si Al na sinalinan rin ng juice ang baso ko.

"Thankyou."

* * *

"But really huh, you changed a lot Zamia. Hindi naman ganiyan ang attitude mo before, you are always rude to everyone, mabilis kang magalit at mainis." Nandito na kami ngayon sa sala at kausap ko si Analiz.

"Ganoon ba talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo! Kaya nga nagulat ako sa inasal mo eh. And if you don't believe me try to asked Al or Tita Srefa, I'm sure ganoon din ang sasabihin nila." Dagdag niya pa.

"You are a spoiled brat Zamia, what you want is what you get. Hindi mo man maalala but before, we did a lot of things together! I am your friend when we were Highschool, you get closer to me when we were in Senior High, and then I became your bestfriend in college!" Galak na galak na sabi niya.

Kahit wala akong maalala tungkol sa kanya napaka-consitent niya pa ring magkwento sa akin.

"And I was so devastated after I found out what happened to you. I wanted to visit you in the hospital, but your Mom told me 'not'." At this point naging malungkot ang boses niya. "Miss na miss kita, Zamia."

Nakakaloka, mas marami pa siyang alam tungkol sa pagkatao ko kaysa sa akin.

"Stop kissing her Analiz," natigil lang kami nang magsalita si Al nakataas ang kilay nito.

"What? You! Paepal ka talaga! It's normal because I missed her!" Palaban rin pala ang isang 'to halatang ayaw papatalo.

"You kissed her multiple times, ako nga isang beses lang siyang nahalikan after 3 years---" hinampas ko ang balikat niya.

"Shut up! Tsansing ka n'on!" Tinakpan ko ang bibig ko.

"O! M! You're tsansing naman pala!"

"No I'm not... tss. Just stop kissing her!"

* * *

"We talked to our family doctor, Zam. They will be monitoring you starting tommorow. That means you don't need to confine in the hospital." Ngumiti ako bago tumango.

Pinaliwanag nila sa akin na hindi ko na kailangang magpa-confine pa sa hospital dahil doctor na mismo ang pupunta dito para suriin ako.

As long as hindi naman sumasakit ang ulo ko wala kaming dapat ipagalala. Nararamdaman ko naman na medyo umayos ang pakiramdam ko.

Kahit biglaan ang nangyari nagawa kong tanggapin ang lahat.

"K-Kamusta nga po pala kayo? Narinig ko mula kay Al na tinaboy ko kayo noon, it's too late but I wanted to say sorry..." Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at umiling.

"You don't have to say sorry, wala kang kasalanan. You lost your memory, you have a deep trauma, we can't blame you for that Zam." Ginantihan ko siya nang ngiti.

Nandito kami ngayon sa sala ng Mansyon kasama si Al. Umalis na kanina lang si Analiz dahil may shooting pa raw siya. She's a famous model!

"Can you tell me hija if you remember something about those people who attacked you before?" Nawala ang ngiti sa labi ko.

"Naalala ko po kung paano sinaktan at pinahirapan... pero hindi ko po nakita ang mukha nila, I don't even know if it is a girl or a boy... malabo." Sagot ko.

"I get it. Tatlong taon na naming pina-imbestigahan ang kaso mo Zam, and I admit that it's not easy. Maybe those people who hurt you is also a powerful. But don't worry, hindi kami titigil... I will never surrender until they taste the hell." She said with a fierce tone.

Nakaka-intimidate ang itsura niya, gayon pa man parang sanay ang mga mata kong makita ang ganoong emosyon.

"M-May ipapakita nga po pala ako." Matabang akong ngumiti at dahan-dahang tumalikod sa kanila.

Tinanggal ko ang zipper nang suot kong dress at bahagyang pinakita sa kanila ang likuran ko.

Umamba pa nang iwas ng tingin si Al pero nang makita niya ang likuran ko'y agad siyang natigilan.

"W-What..." si Mommy, bakas sa boses niya ang gulat.

Pinakit ko lang sa kanila ang mga peklat na nasa likuran ko. Hindi lang isang peklat ang nandoon, kundi marami.

Binalik ko sa ayos ang suot ko at muling umupo sa sofa. Hinarap ko muna si Al.

"Hindi mo 'to nakita noong naligo ako doon sa isla... may suot-suot kasi akong tela n'on na nakapantay sa kulay ng balat ko... ganoon rin ang paraan ko para hindi lantaran ang peklat ko." Malungkot kong sabi.

Walang nakapagsalita sa kanila, pero umiiyak si Mommy ngayon.

"This is our fault... I'm so sorry Zam, kung sana naprotektahan ka namin hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. You've suffered a lot... I'm so sorry, you don't deserve that." Umusog ako para makalapit sa kanya.

Mahina kong hinaplos ang likuran niya. Nang lingonin ko ang pwesto ni Al ay wala na siya roon.

"Hindi ko man po naalala lahat, pero alam kong hindi niyo rin ginusto ang nangyari sa akin. Kaya huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo." Yumakap siya sa akin at ganoon rin ako sa kanya.

"They will pay Zamia... justice will be serve, I will make sure." 'Yon rin ang gusto ko.

Kung noon hinayaan ko na lang at piniling ibaon sa limot, puwes iba na ngayon.

Hindi ko na rin hahayaang makawala ang taong naging dahilan kung bakit gumulo ang buhay ko.

"This may hard for you to understand Zam. But don't worry, once you regain your memories I will also explain everything to you."

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam siyang pupuntahan muna si Daddy na ngayon ay nasa kuwarto nila.

Bumalik rin ang tingin ko sa puwesto ni Al kanina at naalalang lumabas pala siya. Naglakad ako papalabas at nilibot ang paningin ko.

And here is it... nakatayo siya sa may malaking puno at nakatalikod mula sa akin.

Bumagal ang hakbang ko hanggang sa marating ko ang puwesto niya.

"Al..." tawag ko sa kanya.

"Zam? What are you doing here? Pumasok kana sa loob, you better rest don't stress yourself." Aniya nang hindi ako nililingon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"C'mon, I'm fine---" hindi ko na siya pinatapos at mabilis siyang hinarap.

"A-Al..." He's crying!

"Damn..." napalunok ako at hindi alam ang gagawin, inangat ko na lang ang kamay ko at pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge niya.

"Umiiyak ka ba dahil sa nakita mo?" Tukoy ko sa peklat na nasa likuran ko.

Yumuko lang siya kaya bumaba ang tingin ko sa kamao niya, dumudugo iyon!

"Al, anong nangyari dito!?"

"It's okay..." imbes na pagtuonan iyon nang pansin ay mahigpit niya akong niyakap. "I'm sorry... I'm sorry, I'm sorry," he sobbed at my neck.

Ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

"I'm sorry I failed to protect you,"  yumakap ako sa kanya pabalik. "You're right, I was sad at the same time I am angry because of what I saw. Dahil sa mga peklat na nakita ko, napatunayan kong subra ang paghihirap na dinanas mo... but you know what hurt the most? 'Yung wala akong nagawa noong panahong naghihirap ka."

Pakiramdam ko'y pinaulanan ng karayom ang puso ko!

Subrang bigat nang pakiramdam ko lalo na ngayong nakita kong umiiyak siya.

This is far away from Al that I've known! Ibang-iba ito sa ugali niya noong una ko siyang nakita. He was cold at intimidating, but know he's crying in front of me.

At nasasaktan ako dahil do'n.

"Don't blame yourself, wala sa inyo ang may kasalanan sa nangyari sa akin..." lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

"Fuck, I missed this. I miss you so much Zam, I will wait for you. Hihintayin ko ang araw na makakaalala kang muli."

* * *

"Lady Zamia, paniguradong magagalit ang Doñia Srefa pag nalaman niya ito." Kanina pa ako kinukulit ng isa sa mga maid.

Tinulongan ko lang naman sila sa pagdidilig ng mga halaman dahil wala akong magawa, pero maging sila ay napaka-protective!

"Baka mabinat ka po," napailing na lang ako at binalik sa kanila ang hose.

"Maglalakad-lakad na lang muna ako doon." Paalam ko sa kanila.

Aliw na aliw lang ako habang pinagmamasda ang samu't-saring mga bulaklak na nandito.

Pumitas pa ako ng isa para ilagay sana sa gilid ng tenga ko pero nabigla ako nang may kumuha n'on mula sa kamay ko at siya ang naglagay sa may tenga ko.

"You look beautiful." He murmured.

Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Pinasadahan ko siya ng tingin habang inaayos niya ang iilang hibla ng buhok ko.

Nang bumaba ang tingin niya sa akin ay ngumiti siya.

"How are you?" He asked.

"R-Robot..."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro