Chapter 16
Zamia Brecken Wringler
"Ano bang ginagawa nila Al?" Nakatunganga kong tanong sa kanya. Kakababa ko lang galing sa sasakyan niya at nandito kami sa bahay.
Pinayagan akong lumabas ng doctor dahil mamayang tanghali ang flight namin.
Nag desisyon akong dalawin muna itong bahay bago kami tuloyang umalis mamaya, kaso bumungad sa amin si Roxan at Darth na nagsasabunutan sa may tapat ng bahay.
"I don't know also, Zam." Maging siya ay nakaawang ang bibig habang diretso ang tingin sa dalawa na walang tigil na nagbabangayan.
Ni hindi nila napansing nakatingin kami sa kanila.
"Ilusyonada kang bakla ka! Wala ka pa ring pekpek kahit anong sabihin mo!" Sigaw ni Roxan at mas lalong diniinan ang pagkakasabunot kay Darth.
"Ah talaga ba? Kesya naman sa 'to may kepay pero hindi nadidiligan! Pakshet ka rin Roxan! Flirt!" Hinilot ko ang noo ko bago tumikhim dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.
"Z-Zamia..." si Roxan ang unang bumitaw at tumakbo papalapit sa akin. "N-Nakalabas ka na ng hospital!?" Inismiran ko siya.
"Obvious ba ha, Roxan? At ano 'yan... para kayong pulubi sa kalsada. Ang gugulo ng buhok niyo." Umirap si Roxan kay Darth at bumulong sa akin.
"Bruha 'yang si Darth, naiinis ako! Masyado siyang annoying, muntik ko nang kalbuhin 'yan, eh." Umiling ako at naglakad papasok sa loob ng bahay.
"Do you think I can't hear you? Pabebe gurl ka! I hate you so much talaga! Kuya I told you, nakakainis ang girl na 'yan!" Si Darth naman na ngayon ay nakalapit na kay Al.
"Bear it. It's your choice to come here right?" Bumaling si Al sa akin at ngumiti.
Nag-iwas naman agad ako ng tingin at dumiretso sa kuwarto ko.
"Aalis ka n-na? Iiwan mo na ako Zamia!?" Kaunti na lang ay maluluha na si Roxan habang nakatingin sa akin.
"Babalik ako dito pag naayos ko na ang dapat na at kailangan kong ayusin Roxan. Kung alam mo lang... subrang gulo ng buhay ko." Sumimangot ako at nagsimulang ilagay sa maleta ang mga gamit ko.
"Kung puwede lang akong sumama! Hmp!" Tinapik ko ang balikat niya.
"Magkikita pa tayo ulit Roxan... pangako 'yan."
* * *
"Are you feeling well? Hindi ba masakit ang ulo mo?" Umiling lang ako at binaling ang atensyon kay Brazilla.
Nandito na kami ngayon sa airport at papasok na sa eroplano. Kasama namin sila Nanay at Tatay, pati na rin ang kapatid ni Al.
"Tama nga ba talaga ang desisyon kong ito, Al?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko maiwasang mangamba eh... ang sabi mo maraming nag-aabang sa akin sa Manila, hindi kaya sila madi-dissapoint pag nalaman nilang wala akong maalala?"
Bahagya akong umigtad nang hapitin niya ang bewang ko.
"They will not Zamia." Bulong niya sa akin.
Ramdam ko pa ang hininga niya sa may leeg ko kaya humiwalay rin ako agad.
"O-Okay."
Aabutin nang ilang oras ang flight bago kami makarating. Nakatulog na si Brazilla na ngayon ay katabi ko.
Habang ako ay hindi man lang dinadalaw nang antok. After knowing all of those revelations, parang napunuan 'yong mga kulang na nararamdaman ko.
Nagagalak ang puso ko dahil kahit hindi ko pa nababalik ang buong ala-ala ko may mga kaunting detalye pa rin akong nalaman tungkol sa sarili ko.
Sa kabilang banda naman ay nalulungkot ako... kasi may mga nalaman rin akong kasinungalingan na akala ko'y totoo. But I force my self to understand.
Nagawa lang nila 'yon para sa akin.
After hours of flight nakarating agad kami. Si Darth ang nakahawak ngayon kay Brazilla dahil tinutulongan ko sila Nanay na dalhin ang bagahe namin.
Nasa labas na raw ang susundo sa amin pero nang tuloyan kaming makalabas ay dumadagsang reporter ang sumalubong sa amin.
Gulat akong napatingin doon habang si Al ay hindi rin inasahan ang nangyayari.
"She's here!"
"Zamia Brecken Wringler is really alive!"
"Totoo ngang buhay ito!"
Mahigpit na hinawakan ni Al ang kamay ko. "Fuck. Bakit may mga reporters sa labas? Media is really something. We don't have a choice Zam, just don't let go of my hands." Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
"Miss Zamia Wringler? Ano pong nangyari at bigla kang nawala?"
"Totoo po bang na sangkot ka raw sa isang aksidente?"
"The Heiress of Wringler's is finally back! How's your feeling Miss Zamia?"
"3 years ago when you suddenly vanished, what happened Miss Wringler?"
Todo yuko lang ako dahil hindi ko inaakalang dudumugin kami nang ganoon.
Mabuti na lang at may iilang kalalakihan ang humarang sa mga reporters.
Pagkatapos nang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng isang malaking Van.
Sinakay nila Nanay doon ang bagahe namin at nasa loob na rin sila Darth at Brazilla.
"Are you okay?" Si Al.
Tumango lang ako at binitawan ang kamay niya.
"Bakit ang daming reporters doon Al?" Pinahid ko ang kaunting pawis na namuo sa noo ko.
"That's normal tho, at ngayon kalat na kalat na sa buong media ang pagbalik ng nag-iisang tagapagmana ng isang napakalaking kompanya." Si Darth ang sumagot habang pinapakita niya sa akin ang ipod niya.
Nang tignan ko ito'y nakita ko ang isang article na may litrato ko at sa taas nito ay may nakalagay 'Zamia Brecken Wringler the Heiress of Wringler Empire is finally back?'
Ilang ulit akong napakurap. Pati talaga 'yon lumabas sa balita?
"That's why I said Zamia... you're not an ordinary woman."
.
Tahimik lang ang biyahe namin, hindi na rin ako nagsalita pa nang makasakay ako sa Van. Nasa laban lang din ang tingin ko.
Bawat lugar na nadadaanan namin ay napakapamilyar sa akin. Siguro patunay lang 'yon na dito nga ako lumaki.
"We're here Zam." Napalunok ako bago ibaling ang tingin kay Al. Parang umurong ang paa ko at kasabay n'on ang pagkabog ng puso ko.
Matagal akong nakatitig sa pinto ng kotse bago tuloyang lumabas. Inalalayan ako ni Al.
Bumungad agad sa akin ang malaking gusali at sa gitna nito ay isa ring malaking gate. Ngunit kahit na ganoon ay kitang-kita pa rin mula sa kinatatayuan ko ang napakalaking bahay na nasa loob.
Humawak agad ako sa braso ni Al nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko...
"You're not okay..." aniya pero mabilis akong umiling.
"No... ayos lang, nawala na 'yung kirot sa ulo ko." Ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako.
"Are you sure?" I nod. "Then, let's go inside... they're waiting." Pinagbuksan kami ng isang bodyguard, sumunod lang ako kay Al habang pinapalibot ang tingin ko sa paligid.
Luluwa ata ang mata ko dahil sa subrang mangha. Malawak ang paligid, may fountain sa magkabilaang gilid at sari-saring bulaklak na nakapalibot rito.
Sa kabilang banda naman ay ang parking lot halos sampung kotse ang naroon hindi pa kasali ang apat na Van na nasa tabi nito.
Subrang elegante ng disensyo ng bahay kahit ang sa harapan pa lang ang nakikita ko.
"Lady Zamia..." bumalik lang ang atensyon ko sa harap nang salubongin kami nang halos anim na maid at sabay-sabay na nag-bow sa harapan ko.
Masasabi kong maid ang mga ito dahil sa suot nilang uniforme.
"Sir Al, naghihintay po sa loob ang Doñia Srefa at Don Sacio." Pagsasalita ng isa at hindi man lang tinaas ang ulo niya.
Pakiramdam ko tuloy napakataas ko dahil sa ginagawa nila. Hindi ako sanay sa tratong ganito.
Binuksan nila ang pinto para sa amin, mas lalo pang umawang ang bibig ko nang makita ang napakarami pang maid na ngayon ay nakayuko sa bawat gilid namin.
"A-Ang dami nila..." mahinang bulong ko.
Pinisil lang ni Al ang kamay ko.
"Tita Srefa..." nasa likuran lang ako ni Al habang kaharap niya ang isang babae... siya na ba?
"Hijo..." boses nito.
"Zamia, she's your real mother..." si Al na ngayon ay dinadala ako sa harap ng babae.
Hindi natanggal ang tingin ko rito, namumuo ang luha sa mata niya habang diretso ang tingin sa akin. Ilang sandali lang ay tumakbo na ito papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Nakatingin lang ako sa kawalan at hindi magawang yakapin siya pabalik.
"My daugther... you're back. My daugther is here..." hinaplos nito ang buhok ko habang nakayakap pa rin sa akin. "Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito Zamia, I missed you so much my princess..." ang hagulhol niya ang dahilan nang unti-unti kong pagyakap sa kanya pabalik.
"M-Mommy..." bulong ko sapat lamang para marinig niya.
Mas lalong humigpit ang yakap nito sa akin.
"Oh god... after 3 years I heared it again. Finally... my Zamia is back. We've been waiting for you anak... kami ng daddy mo."
Unti-unti siyang humiwalay sa akin at nilingon ang puwesto ng isang lalaking ngayon ay nakaupo lamang sa wheelchair pero umiiyak din ito habang nakatingin sa akin.
Para nanaman tinusok ang puso ko nang makita ang kalagayan nito.
Hanggang sa namalayan ko na lang na naglalakad ako papalapit sa kanya.
"He's your father Zamia... at alam kong matagal na rin siyang nangungulila sa 'yo... matagal kaming nangulila." Mapait akong ngumiti at yumakap sa kanya.
"Z-Za... mi..." I know he's trying to called my name but it was too hard for him. Tama si Al, hindi niya magawang gumalaw.
"D-Daddy..."
I felt so relieved while saying those words. 'Yung mabigat na dala-dala ko sa puso ko ay parang kumawala.
"Zamia..." pagtawag sa akin ni Mommy. "I knew that your memories is still vivid, but I just want to say sorry... I'm sorry anak, you've been through a lot because of us." Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa pisnge niya.
"G-Gusto ko po sanang magpahinga," pag-iiba ko sa usapan. Masyadong mabigat sa ulo ko ang mga nangyayari ngayon, if ever baka sumakit ulit ang ulo ko.
"She needs to rest Tita, dinumog kami ng mga reporters kanina. I will escort her to here room," sumang-ayon ito at mabilis na tumawag ng katulong para kunin ang mga gamit namin.
"Yeah... you should rest. Let's talk again if you're felling well." Tinapik niya ang balikat ko.
Wala akong naging sagot at hinayaan lang si Al na ihatid ako sa kuwarto ko 'kuno'.
"Si Brazilla?" Tanong ko nang kami na lang dalawa.
"She's asleep, nasa guestroom." Tumango ako at tumigil nang makitang nasa harap na kami ng isang malaking pinto. "This is your room Zam."
Tipid akong ngumiti. Nang buksan niya iyon ay sinalubong kami nang malinis at maayos na kabuoan ng kwarto.
This felt familiar also...
May malaking kama sa gitna at sa ibabaw nito ang malaking picture frame... at ako 'yung nasa litrato.
"Do you remember this room?" Sinara niya ang pinto at hinarap ako.
"Hindi masyado pero pamilyar..." aniya ko.
"You can rest Zam. If you want something you can ask me, alalay mo muna ako sa ngayon." Hilaw siyang ngumiti.
Ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon para titigan nang malapitan ang mukha niya.
Kitang-kita ko ang pagod sa mata niya, alam kong wala siyang masyadong tulog at pahinga nitong mga nakaraang araw dahil sa akin.
"Sa tingin ko mas kailangan mo nang pahinga, Al." Lumawak ang ngiti niya bago hapitin ang bewang ko.
"My pahinga is right here in front of me." He whisphered cheerfully. "I've been also waiting for you Zam, I always missed you."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro