Chapter 15
Zamia Brecken Wringler
"A-Ano?" Matagal akong tumitig sa kanya habang dahan-dahan kong binaling ang pansin kina Nanay at Tatay. Umiiyak lang sila sa gilid. "Anong ibig niyang sabihin Nay? Tay?"
"They're not your parents Zamia... Nagsinungaling kami simula sa una pa lang," he started to explain. Bumigat ang pakiramdam ko.
"Wala akong maintindihan Al..." it was almost a whisphered. "Kung hindi sila ang totoong magulang ko, sino? Nasaan?"
Nagkatinginan muna sila ni Nanay bago siya bumaling sa akin ulit. "Your real parents is in Manila, Zam. They're patiently waiting for you to comeback."
"Ang gulo... paanong nangyari 'yon? Sila ang magulang ko Al! Alam ko 'yon dahil una pa lang magaan na ang loob ko sa kanila!" I shout out of frustration.
"I know Zamia. Magaan ang loob mo sa kanila dahil halos sila na rin ang nagpalaki sa 'yo noon pa man," kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Hindi ko sila magulang pero sila ang nagpalaki sa akin? Ano ba talaga!?" He sighed.
"I'll try to explain everything to you, so please just calm down. Baka sumakit nanaman ang ulo mo," saglit akong kumalma.
"Go on Al. Ipaliwanag mo sa akin dahil wala akong maintindihan kahit isa sa mga sinabi mo." Nilagay ko muna sa gilid ang box na binigay niya sa akin kanina.
"When you got into accident 3 years ago, you also forgot your memories." Panimula niya. "We tried so hard para makausap ka n'ong nalaman naming nasa isang hospital ka, pati ang totoo mong magulang ay pumunta sa hospital para makita ka Zam."
He cleared his throat.
"But you pushed us away, sa tuwing nakikita mo kami palagi kang sumisigaw, nagwawala, at bakas sa 'yo ang takot."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Tita Merge and Tito Sencho, is not your parents." Baling niya kay Nanay at Tatay.
"Ako ang yaya mo simula noong bata ka pa lang Zamia. Dahil sa pagiging busy ng parents mo, palaging tayo ang magkasama dalawa. Ipinagkitiwala ka sa akin ng Mommy at Daddy mo noon pa man." Nagsalita si Nanay.
"Y-Yaya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya.
"Oo Zamia, personal yaya mo ako at totoong magkalapit tayo sa isa't-isa. Tinuring mo akong para mo na ring pangalawang nanay at ganoon rin ako sa 'yo. Tinuring kitang parang anak ko na rin." Maingat ko lang hinilot ang ulo ko.
Si Al naman ang nagsalita. "Dahil malapit ka sa kanya noon pa man, hindi maipagkakaila na mas magaan ang loob mo sa kanya Zam. Gaya ng sinabi ko... halos siya na rin ang nagpalaki sa 'yo, kaya noong na-aksidente ka at na-trauma, sa kanya ka lang naging malambot dahil malapit ang puso mo sa kanya." Mahabang ani Al.
Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.
"Malapit rin ang loob mo kay Tito Sencho dahil personal driver mo rin siya noon. At siya rin ang tumayong tatay mo sa mga panahong wala ang Mommy at Daddy mo sa inyo."
"Kung hindi sila ang totoo kong magulang ibig-sabihin nagpapanggap lang silang mag-asawa?" Yumuko si Al bago tumango.
"Kinausap ng totoong Mommy mo sila Tita Merge, nakiusap ito na tumulong sa malaking plano namin."
Plano... una pa lang plano na talaga ang lahat.
Noong nagpakilala sila sa akin bilang mga magulang ko parte iyon ng plano? Nakakabaliw naman 'to... subrang gulo.
"N-Nasaan ang mga magulang ko kung ganoon?" Pinunasan ko ang mukha ko.
"Nasa Manila sila Zamia, at hinihintay ka nila. Your parents also suffered because of what happened. Nang malaman nilang na-aksidente ka at walang maalala, na-stroke ang Daddy mo. He can't move, talk, or do anything for the past 3 years. Ang Mommy mo ang nag-aalaga sa kanya, but despite of that, they also wanted to see you again. Masakit sa kanila ang ginawa mong pagtaboy noon, pero pinilit nilang tanggapin dahil alam nilang wala kang maalala."
"I'm sorry Hija kung nagsinungaling kami. Ginawa lang namin ang mga hakbang na sa tingin nami'y makakatulong hindi lang para kay Doñia Srefa at Don Casio, para na rin sa 'yo." Si Nanay.
Doñia Srefa... Don Casio? It sounds familiar, parang ilang ulit ko na iyong narinig.
"Your Mother wants to meet you, kaya sinabi ko sa 'yo noong nakaraan na pupunta tayong Manila, pero hindi natuloy dahil sa nangyari... Zamia, maraming naghihintay sa 'yo sa Manila, maraming nag-aabang sa pagbabalik mo."
Bumuntong-hininga ako at pilit na pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi nila.
"What am I really... subrang gulo pala ng buhay ko. Sino ba talaga ako, Al? Pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko," hagulhol ko.
"You are Zamia Brecken Wringler... and you are not just an ordinary woman Zam." Hinaplos niya ang kamay ko. "The Empire has been waiting for you."
E-Empire?
"It's my graduation, Mommy! Pati ba naman 'yon hindi mo magawang daluhan!?"
Kaharap ko ngayon si Mommy habang abala siya sa pagtitipa ng mga gamit niya.
"We have an emergency, Zam. And besides Merge will be there for you, hindi ka naman mag-iisa." Parang tinusok ang puso ko dahil sa sinabi niya.
I get it that they are busy, but for god's s*ke! Graduation ko 'yon, an special day for me.
Pero hindi nila magawang daluhan.
"You always said that to me, Mom. Bakit ba kasi mas inuuna niyo 'yang trabaho ninyo!? How about me? I've been craving for attention for almos 15 years!" Tumigil siya sa pagliligpit ng gamit at hinarap ako.
"We're dong this for you Zamia! Our Empire is in need. Kailangan naming pagtuonan 'yon nang pansin, kung hindi ay babagsak ang lahat ng kompanya natin! This is for your future!"
Well as always.
Ganyan naman ang palagi nilang sinasabi sa akin. For my future... but do I really have a future when my present is already sucking me down?
Ever since I was kid I am already far away from them.
Si Daddy na palaging nasa ibang bansa para panatilihing maayos ang branch namin doon at si Mommy na mas worried pa sa Empire kaysa sarili niyang anak.
They are both busy with their own priorities.
Saan ako lulugar kung ganoon? Kahit bawat birthday ko wala sila, nagdedeposit lang sila sa credit card ko ng pera.
But money isn't importante for me. Attention and love is what I need, pero mas naramdaman ko pa ang pagmamahal at kalinga ng isang ina sa ibang tao.
Yaya Merge. The only one who consider my feelings.
"I don't know Mom, you're always like that. Importante pa ba ako sa inyo?" I cried.
My mom is a fierce woman. At ayaw na ayaw niyang nakikita akong umiiyak dahil kahinaan raw iyon sa pamilya namin.
Kaya imbes na maawa siya sa akin ay mukhang naiinis pa siya nang makitang umiiyak ako.
"Stop your tears Zamia! You're too weak and overacting! Balang araw maiintindihan mo kung bakit namin ginagawa ito. The Empire will be inherit to you once you're capable of handling it. Ikaw ang mamumuno sa lahat ng kompanyang meron tayo, sa lahat ng ari-arian at sa emperyong binuo ng lolo mo! Remember that Zamia!" Padabog niya akong tinalikuran.
"Do you even love me Mom? I can't feel it."
My words stop her.
"I do love you Zamia... kaya ko ito ginagawa, kaya namin ito ginagawa, gusto kong pumunta sa graduation mo but things for now is not easy. So please be a good girl, hija."
I turn around to face her.
Malungkot na ang mga mata niya ngayon. Halata na rin ang pagod sa mukha niya.
"Mommy if you really want to be there, gagawa ka nang paraan. Gusto ko lang naman makita ka sa mahalagang araw na 'yon Mom. I'm a top students, I want you to be proud of me... I'm the Valedictorian and I want you to see my achievements. Gusto kong kayo ni Daddy ang mag suot sa akin ng medalya ko..." lumakas ang hagulhol ko.
I thought studying so much is the key for them to pay an attention to me.
Inaakala kong sa paraang ganoon ay mapansin naman nila ako.
Siguro nga para sa akin ang ginagawa nila.
Pero iba pa rin sa pakiramdam 'yong makasama at maramdaman ko sila sa paligid ko.
"You and dad were always rude to me. Noong birthday ko hindi kayo nagpakita, binigyan niyo nga ako ng pera but I don't need it! Your warmth is what I want... ang sakit n'on para sa akin Mom. Why can't you see it? Why daddy can't see it?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong pisnge. Pinahid niya rin ang luha sa pisnge ko at hinalikan ako sa noo.
"Wringler doesn't cry... Zamia, keep that in mind. Hindi tayo ang klase ng taong mahina ang loob! Ayusin mo ang sarili mo, stop being a crybaby. We worked hard for you, that's it. If you can't see that, then just stick with it. You are Zamia Brecken Wringler, the only Heiress of Wringler Empire. Always remember that the weak ones is the lowest."
After that she turned her back on me.
Lumabas siya ng kuwarto at naiwan ako doon.
Muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.
That time I already understand that I will never be my parents priority. Simula noong araw na 'yon lumayo na ang loob ko sa kanila.
At simula noong araw na 'yon hindi ko na hinayaang maging mahina ang sarili ko... I am Zamia Brecken Wringler after all.
"Naalala ko..." Bulong ko. Agad na lumapit si Al sa akin at hinawakan ang panga ko, marahan niyang inangat ang mukha ko.
"You remember your parents?" I nodded. Malinaw sa akin ang nakita ko... malinaw na malinaw.
At himala dahil wala akong maramdamang kirot sa ulo ko.
Am I really regaining my memories?
"Listen Zamia... tommorow we will have a flight to Manila. We will meet your parents, at doon ka magpapatuloy sa pagpapagamot mo." Tumango ako kahit hindi ko pa sigurado kung kaya ko bang makita ang totoong magulang ko.
"Sa tingin mo ba babalik pa sa akin ang lahat ng ala-ala ko," wala sa sariling tanong ko. Hinaplos ni Nanay ang balikat ko.
"Magtiwala ka lang hija," I can't help it but to hug her. Kahit nalaman ko na ang totoo hindi maiitatanging naging mabuti silang magulang para sa akin.
"Zamia, you can do it. I know you will, at isa pa kailangang managot ng taong gumawa sa 'yo nang kasamaan. I don't let that person to roam everywhere without paying the truma they caused to you."
He leaned a kiss on my forehead.
"I did promised to you before that I will protect you no matter what. But I failed, hindi ko nagawang protektahan ka, and I don't want history repeat itself. This time I won't dissapoint you. I will protect you."
Tipid akong ngumiti.
Maybe this is the time to fight for my self too. I do have many questions that I want to be answered.
"Sasama ako sa Manila, Al. I want to meet my real parents."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro