Chapter 14
Zamia Brecken Wringler
"That child... is your daugther!" Nanlamig ako sa puwesto ko. Para akong binuhusan ng baldi-balding yelo dahil sa narinig ko.
"Anong... binibiro mo ba ako Al?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Umigting ang kanyang panga at mabilis na umiwas ng tingin.
"Do I have time to joke around Zamia? That's the truth... Brazilla is your daugther." Peke akong tumawa.
"Tigil-tigilan mo ako Al! Ano bang kasinungalingan 'yang pinagsasabi mo!? Ang hirap-hirap na ng mga nangyari sa akin, dadagdagan mo pa!?"
Nilipat ko ang tingin kay Braz na ngayon ay umiiyak pa rin.
"I only told you the truth Zamia. I know it's hard for you but I think it's time for you to know the truth." Madilim pa rin ang mukha niya halatang nagpipigil lang siya.
"Stop this Al! Hindi ako tanga! Huwag kang magsinungaling sa akin! Paano mo nasasabing anak ko siya? Ha? Akala ko ako 'yong nababaliw rito, pero mukhang ikaw 'yon!" Malalim akong bumuntong-hininga.
Bumukas naman ang pinto at niluwa doon sila Nanay na halatang nag-aalala nang makapasok sila sa loob.
"Anong nangyari? Al? Zamia?" Lumapit sa akin si Nanay kaya pinunasan ko ang luha ko.
"Ang lalaking 'to 'Nay. Pakiramdam ko siya 'yong baliw sa aming dalawa! Kung ano-anong kalokohan ang sinabi niya sa akin!" Pagsumbong ko.
Lumipat ang nagtatanong na tingin ni Nanay kay Al.
"I told her Tita. About Brazilla... I told her the truth." Pag-amin niya.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Nanay kaya nagsalubong ang kilay ko.
"B-Bakit mo sinabi sa kanya?" Rinig kong sabi ni Nanay habang kay Al ang kanyang atensyon.
"I think she needs to know the whole truth Tita. Her memories is slowly coming back, if we trigger it more maybe it can help her to regain her memories." Umurong ang dila ko.
Ano bang pinag-uusapan nila? At bakit parang iba ang reaksyon ni Nanay sa sinabi ko? Naniniwala ba siya sa sinasabi ni Al?
"Nay, ano bang ibig-sabihin niya? Kanina lang ay sinabi niya sa akin na anak ko raw si Brazilla!" Agaw ko sa pansin niya.
Nang humarap siya sa akin ay kita ko ang paglandas ng luha sa pisnge niya. Kumalabog ang puso ko.
"Zamia... n-nagsasabi siya ng totoo. A-Anak mo si Brazilla," tila nasupalpal ako sa sinabi nito.
Nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.
"A-Ano?"
"Zamia... alam kong magulo, pero mukhang tama si Al, kailangan mong malaman ang katotohanan... katotohanan na hindi namin nasabi sa 'yo noon." Namamanhid ang kamay ko.
Gustong-gusto kong sampalin ang sarili ko dahil baka panaginip lang ito.
"Ano bang... ang sabi mo patay na ang totoong nanay niya!? Sinabi mo 'yon sa akin Al! Noong tinanong kita, ang sabi mo patay na! Tapos ito?" Bumaba ang tingin ko kay Brazilla.
"That was a lie! I lied! We lied! And you're right Zamia, what happened is not a coincidence! It was all planned! Simula noong magkita tayo sa may tabi ng palengke... doon nagsimula ang plano." Napahawak ako sa ulo ko.
"N-No... why... bakit mo ako nililito..."
"3 years Zamia! 3 years naming pinag-isipan ang lahat, kung paano kami magsisimula, kung paano namin patatakbuhin ang plano, at kung paano namin tatapusin. Tatlong taon ka naming hinayaang mawala sa 'min... tatlong taon kaming nagtiis na hindi sabihin sa 'yo ang totoo."
"Ang gulo... wala akong maintindihan!" Sigaw ko.
"Wala kang maiintindihan hanggat hindi bumabalik ang buong memorya mo. But this one thing I wanted to tell you, Brazilla... is our daugther Zamia."
Humagulhol na ako dahil sa subrang bigat ng puso ko.
"B-Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Pilit na tanong ko.
"Dahil hindi mo kaya noon." Umangat muli ang tingin ko kay Al. "Hindi mo lang maalala pero Zamia noong gumising ka mula sa aksidente, nandoon kami... pero natakot ka sa akin, natakot ka sa amin, wala kang ibang ginawa kundi ang sumigaw." Kinagat ko ang labi ko.
"Pinayohan kami ng doctor na mas mabuting huwag na muna naming pilitin na makaalala ka... kumakalma ka lang pag kausap muna sila..." baling niya kina Nanay at Tatay na ngayon ay umiiyak na rin.
"M-May anak ako..." mas lalong lumakas ang hagulhol ko. "Plano lang ang lahat simula sa una? 'Yong pakikipag-usap mo sa akin... plano lang 'yon..." he nodded.
"I'm sorry... we did that for you Zam, I know it's hard to believe, pero iyon ang totoo." I was stunned to say anything.
Naubusan bigla ako ng salita. Diretso lang ang tingin ko kay Brazilla.
"So if Brazilla was really my daughter..." I murmured. "Then you are my husband, Al? Ganoon ba?" He smiled.
Bumagsak ang balikat ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.
"You will understand everything once you remember what happened in the past Zam." Hinarap niya ako. "You also need to remember what happened before you got into accident."
"Bakit? Hindi niyo ba alam ang nangyari sa akin Al?" Bahagya siyang yumuko.
"We don't know what happened to you Zam. Bigla ka na lang nawala, you suddenly vanished, isang buwan bago namin malaman na nasa isang hospital ka."
Kumirot nanaman ang ulo ko.
"Patay na... hindi na humihinga." Boses mula sa aking likuran. My sight was so blur, hindi ko alam kung nasaan ako.
"Siguradohin mo. Ang bilis sa atin ay kailangang patay na talaga ang babaeng 'yan."
"Huwag ka mag-alala. Sigurado na 'yan."
"Nahanda mo na ba nang maayos itong kotse? Ang break natanggal mo na?" Isang boses galing naman sa isa pang lalaki.
"Oo, inayos ko na simula kahapon..." they started to walk away until I can't head their footsteps anymore.
Nang i-angat ko ang tingin ko'y napagtanto kong nasa isang kotse ako.
At mas lalo akong nagulat nang makitang umaandar ito papunta sa bangin.
I wanted to scream but I can't. I wanted to go out but the door was locked.
Hindi rin gumagana ang break, and seconds later naramdaman ko na ang pagkahulog ng sasakyan sa bangin.
Kasabay n'on ang pagdilim ng lahat.
Nabalik ako sa wesyo nang tapikin ni Nanay ang balikat ko. "M-May naalala ka ba?"
Pumikit ako at tumango. "Gumising ako na nasa loob ng isang sasakyan... at 'yong sasakyan na 'yon nahulog sa bangin..."
"Huwag mo masyadong pilitin ang sarili mo Zam... you need to rest. This is so much for you to take," napahilamos ako sa mukha ko.
"B-Brazilla..." I called her.
Mabilis siyang nagtago sa likuran ni Al na para bang natatakot sa akin.
Kumirot ang puso ko dahil do'n. Alam kong kasalanan ko rin dahil sinigawan ko siya kanina... hinayaan kong madala ako nang emosyon ko.
But I know that it's my fault, dapat hindi ko siya dinamay.
"Y-You're mad at me Mommy..." she whisphered. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Pulang-pula ang mata niya dahil sa kakaiyak habang pilit pa ring nagtatago sa likuran ni Al.
"She's not Brazilla... puntahan mo siya," kumbinse ni Al sa kanya pero nanatili siyang nakatayo doon.
"Brazilla... No... hindi ko sinasadya, sorry... please c-come to me Brazilla..." sa puntong 'to ay dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin.
Nang tuloyan niyang marating ang puwesto ko'y hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya... ang maliit niyang mukha... ang inosente niyang mukha.
How can't I recognized? Ang ibang postura ng kanyang mukha ay nanggaling sa akin...
Hinaplos ko iyon habang tumutulo ang luha ko.
A-Anak ko siya... a-anak ko ang batang 'to!
"I'm sorry... sorry..." Mahigpit ko siyang niyakap kasabay nang hagulhol ko. "Pasensya na kung sumigaw ako... hindi ako galit, I'm sorry." Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.
"Mommy..." parehas kaming umiiyak ngayon habang nakayakap sa isa't-isa.
Kaya pala... kaya pala noong una ko pa lang siyang nakita naramdaman ko na agad na may kakaiba sa kanya.
Sa tuwing nalulungkot siya, nakakaramdam rin ako nang lungkot.
Subrang gaan nang pakiramdam ko... ito pala ang dahilan.
May anak ako...
* * *
"Ano 'to Al?" Tanong ko nang i-abot niya sa akin ang isang maliit na box.
"Open it Zam." Maingat ko itong binuksan para hindi magising si Brazilla na ngayon ay natutulog katabi ko.
Hindi na siya humiwalay ulit sa akin kanina hanggang sa makatulog siya.
Nagkasya naman kami sa hospital bed.
Tuloyan ko nang binuksan ang kahon, una kong nakita ang isang Photo Album Book.
Tinignan ko pa ulit si Al bago 'yon buklatin.
Bumungad sa akin ang litrato ng isang sanggol, sa taas nito ay may nakalagay na 'Our Princess Brazilla' tukoy ko na agad na si Braz nga ang sanggol na nasa litrato.
Sa sumunod na pahina ay litrato ko... habang karga-karga si Brazilla.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang sariling humagulhol.
This is really me!
Sa sumunod na pahina ay litrato naman ni Al... ito 'yong nakita ko sa panaginip ko! Nakangiti siya sa litrato habang karga-karga si Brazilla!
"You took that photo Braz." He said. "That's my first picture with Brazilla and you took that."
Iyak lang ako nang iyak sa bawat litratong nakikita ko. Ito ang nagpapatunay na talagang anak ko si Brazilla...
Muli ay hinarap ko si Al. Pumasok na rin sila Nanay na may dala-dalang prutas.
"May kailangan pa ba akong malaman Al? 'Nay? 'Tay?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. "May hindi pa ba ako alam?"
"Sabihin na natin sa kanya, Hijo." Si Tatay.
"There's something you also need to know Zam..." si Al naman ang nagsalita.
Mapakla akong ngumiti.
So may kailangan pa pala akong malaman?
"At ano naman 'yon?"
"Y-You're not their daugther Zam." Napalunok ako. Habang siya at nakatingin kina Nanay. "Hindi sila ang tunay mong magulang Zamia."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro