Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Zamia Brecken Wringler

"Zamia..." hinaplos ni Nanay ang kamay ko habang diretso pa rin akong nakatingin kay Al.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa ekspresyon niya ngayon. "Anong ibig mong sabihin Zamia? Nakita mo siya sa panaganip mo?"

Dahan-dahan akong bumaling kay Nanay at tumango. "Subrang naguguluhan na ako 'Nay... dumagdag pa ang mga tanong ngayon sa isip ko."

"You saw me? Zamia..." si Al. Walang emosyon akong tumingin sa gawi niya at yinakap ang sarili ko. "Sabihin mo Zamia... nakita mo ba talaga ako sa ala-ala mo?"

"Hijo... mas mabuting huwag na muna natin siyang pilitin---" pinutol ko ang sasabihin ni Tatay.

"Oo! Nakita kita... noong una may hawak-hawak kang sanggol, nakangiti ka habang karga mo 'yon..." humagulhol ako. "Pangalawa, n-nakaluhod ako sa harapan mo... alam kong ikaw ang lalaking 'yon... anong ibig-sabihin n'on Al?"

Kinuyom ko ang kamao ko. Parang sasabog na ako hindi lang sa lito pati na rin sa sakit! 'Yong mga nakita ko sa panaganip ko parang totoo.

"Oh baka naman..." tumitig ako sa kanila. "Baka... baka nasisiraan na ako ng bait? Hindi kaya nababaliw na ako 'Nay? Kaya kung ano-ano ang nakikita ko?" Pati labi ko ay nanginginig na rin, bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay parang katotohanang sumasampal sa akin.

"Zamia tigilan mo ang pag-iisip ng ganiyan... hindi ka baliw, huwag mong isipin 'yan. Hindi ko man alam ang totoong nararamdaman mo pero nasasaktan rin ako para sa 'yo, kaming mga nakapalibot sa 'yo..." sinapo ko ang noo ko at mabilis na sinabunutan ang sarili.

"Iuwi niyo na ako 'Nay! Pakiramdam ko mas lalo akong masisiraan ng ulo pag nanatili pa ako dito sa hospital!" Sigaw ko at walang tigil na hinahampas ang ulo ko gamit ang aking kamay.

Gusto man nila akong pigilan pero hindi ko sila hinayaan. "Zamia! Tigilan mo 'yan! Hind ka baliw! Kailangan mong manatili rito sa hospital para mas masuri ka ng mga doctor..."

Bumaba ang kamay ko kasabay n'on ang pagtulo ng luha ko. Gusto ko lang naman maalis ang sakit... gusto kong maintindihan ang nangyayari sa akin.

Pero ang hirap... Parang mas malala pa itong nangyayari sa akin ngayon.

"Uuwi na ako... hindi ako nababagay dito 'Nay. Kailangan kong umuwi," akma akong tatayo nang pigilan ako ni Al.

Maingat niyang hinawakan ang braso ko habang umiiling. "Don't do this Zam... you need to be here, uuwi lang tayo kung kailan puwede na. Sa ngayon please... please stay here." Inagaw ko ang braso ko.

"Ano bang alam mo Al!? Wala kang alam! Hindi ko kailangan ang hospital na 'to! Mas gugustohin ko pang mag pagamot sa bahay! Doon mas magiging maayos ako!" Pinilit kong umalis pero malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Nanay, dahilan para matigilan ako.

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Zamia, nakikita ko ang mga paghihirap mo... mula noon at maging ngayon. Mahirap at masakit na nakikita kang nagkakaganyan, hindi rin namin ito ginusto Zamia. Pero ito ang kailangan mo ngayon... kailangan mong manatili dito, anak."

Wala akong magawa kundi ang umiyak.

* * *

Nakatulala lang ako sa puting kisame ng hospital, ngunit ramdam ko pa rin ang titig ni Al sa akin.

Binaling ko ang tingin sa kanya at mukhang nabigla siya sa dahil sa ginawa ko. Matagal akong nakatitig sa mukha niya, inaaral ang bawat detalye.

"Are you hungry?" Panimula niyang tanong.

"Bakit ka pa nandito?" Balik na tanong ko sa kanya. Matagal siyang tumitig sa akin bago umiwas ng tingin.

"Because you're here." Kumunot ang noo ko. At kailan pa siya naging concern sa akin?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Si Brazilla? Kailangan ka niya, bakit ka nandito? Dapat kasama mo siya ngayon... hindi 'yong nandito ka." Tumaas ang boses ko.

"Ganiyan rin ang sinabi niya sa akin Zamia," he sighed.

"Ano?"

"Brazilla wants me to be by your side, she keep pushing me to come here. Dahil kailangan mo raw ako, 'yan ang sinabi niya sa akin." Nagbaba ako ng tingin.

"Pero hindi mo naman kailangang pumunta talaga dito--"

"You sounds like you don't want me here." Tumikhim ako at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Dahil 'yon naman ang totoo Al, ayaw kitang nandito! Ngayon ko lang napansin na hindi pa talaga kita lubusang kilala!" Sumigaw na ako.

Bumalik nanaman sa akin ang mga nangyari.

"Zamia..."

"Tell me Al! Sino ka bang talaga!? Sino ba talaga kayo? Nang dumating kayo sa buhay ko gumulo nanaman ang lahat!" He looked so schoked.

"Zam-"

"Mag sabi ka sa akin ng totoo! What happened is not coincidence right!? Hindi 'yon nagkataon lang... sabihin mo Al!"

Pinilig ko ang ulo ko.

"Nang dumating kayo bumalik sa akin 'yong masalamuot kong nakaraan... nang dumating kayo lahat naging ganito! Naging magulo! Kaya sabihin mo sa akin ang totoo!"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong balikat.

"Calm down please... calm down Zamia, masama sa 'yo--"

"How could I? Sa tuwing nakikita kita gumugulo ang isip ko!" Ilang hampas ang natanggap niya mula sa akin pero hindi siya nag-abalang umilag, parang hinahayaan niya pa ako.

"I'm sorry... I'm sorry... please, calm down." Umiling ako.

"Aminin mo ang totoo!? May koneksyon ka ba sa akin ha, Al!?" Malakas ko siyang tinulak. "Magkakilala na ba tayo dati pa lang!? Tell me the truth!"

"Fuck."

"Tell me Al! Tama ba ako!? Kilala mo ako hindi ba? Kaya kita napanaginipan dahil may koneksiyon ka sa akin!? Ano!?"

"Fuck!" He cursed. "Fuck... you're right! You're right Zamia! We're connected to each other! I know you since then!"

* * *

Gumising ako kinabukasan na kumikirot pa rin ang ulo. After what I heard from Al, I suddenly passed out.

Hindi kinaya ng utak ko ang mga sinabi niya. At maging ngayon ay naguguluhan pa rin ako. But one thing I confirmed... kilala ako ni Al, noon pa man.

Anong relasyon ang meron ako sa kanya? Paanong magkakilala kaming dalawa? Anong totoong pakay niya sa akin?

Malinaw na rin sa akin na hindi nagkataon ang lahat ng mga nangyari.

There's something about Al... at 'yon ang gusto kong malaman.

"Zamia, kumain ka muna," tango lang sinagot ko at nagsimulang kumain.

Wala pa rin naman akong gana hanggang ngayon, but I know na ito ang kailangan ko. Ang maging malakas.

At ayoko na ring makitang nag-aalala sa akin si Nanay at Tatay. Ilang araw ko nang pinapasakit ang ulo nila, kaya gusto kong bumawi.

And Al? Wala siya rito ngayon... mukhang umalis ata.

"Sumasakit pa ba ang ulo mo?" Umiling ako kahit ang totoo ay kumikirot pa rin ito. "Masaya akong nagsimula kana ulit palakasin ang sarili mo." Pinilit kong ngumiti.

"Si Al po ba? Bakit wala siya?" Tanong ko.

Hindi pa ako tapos sa kanya! Marami pa akong gustong i-tanong. 

Saglit niyang pinunasan ang gilid ng labi ko. "Umalis siya kahapon, pero ang bilin niya'y babalik siya ngayong araw. Ano bang nangyari? Narinig kong nawalan ka raw ng malay?"

"Napagod lang po ako... subrang bigat din kasi nang pakiramdam ko at sumasabay ang sakit sa ulo ko." Again I force my self to smiled. "Gumaan naman ngayon... wala na rin akong napanaginipan."

Tinuon ko ang pansin sa pagkaing nasa harapan ko.

"Mabuti kung ganoon Zamia. Sa sabado bibisita si Roxan, marami raw kasi siyang inaasikaso at palagi siyang nauubusan ng oras." Tumango lang ako.

"Dapat magpahinga rin kayo 'Nay... ayos nanaman po ako." Paalala ko sa kanila pero ngumiti lang siya.

"Zamia... mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, alam mo 'yan." Bahagyang kumunot ang noo ko. "Habang nakikita kang ganito... masaya na kami. Kasi alam naming pinapatatag mo ang sarili mo."

"Pinapaiyak mo ako 'Nay... siyempre naman po, kailangan kong maging malakas para sa inyo." Mahigpit akong yumakap sa kanya.

Kailangan kong maging malakas at alamin kung ano ba talaga ang totoo.

* * *

"He doesn't love you Zamia, and that's the truth. You need to accept that fact that he doesn't care anymore. You only have me." Lumingon ako sa kanya at mabilis na pinunasan ang luha ko.

"This is your fault! Kasalanan mo 'yon lahat! How dare you fooled me! I hate you!" Sigaw ko at sinampal siya. Kitang-kita ko ang galit sa mata niya na agad napalitan nang malambot na ekspresyon.

"Fine. Hurt me, hate me, blame me, pero alalahanin mong ako na lang ang meron ka Zamia. Lahat sila tinalikuran ka! But me? I would never do that to you..." tinalikuran ko siya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Let me go! Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat! He needs to know the truth! Paniniwalaan niya ako! At mali ka! Dahil mahal niya ako... alam ko 'yon. Galit lang siya ngayon." I uttered.

Pilit na pinapalakas ang sarili kahit pa maging ako ay nawawalan na rin ng pag-asa.

"You are welcome here Zamia. If ever he will push you away again, bumalik ka sa akin dahil tatanggapin kita." Binitawan niya ako.

"ZAMIA?"

Minulat ko ang mata ko. Panaginip ulit... pero iba nanaman ang nangyari.

Do I slowly regaining my memories?

At sino ang lalaking nakausap ko ro'n? Hindi 'yon si Al... iba rin ang pigura niya at bigo akong maalala 'yon.

"Mommy? Mommy it's me!" Tumingin ako sa gilid at saktong nakita ko si Brazilla, nakangiti ito pero irap ang sinukli ko sa kanya.

"Anong ginagawa niya rito? Bakit mo siya--- Ah!" Daing ko nanaman nang sumakit ang ulo ko.

'Mommy'

'Mommy'

'Mommy'

Paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko. Parang pinipiga ang ulo ko dahil sa sakit.

"Mommy? What happened po? Mommy--"

"Shut up! Don't call me like that!" Sigaw ko na nagpatahimik sa kanya.

May kung anong inis ang namuo sa akin at hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Zamia, you don't need to shout at her---" pinutol ko ang sasabihin ni Al.

"Kung sana hindi mo siya dinala rito! Ah!" Sinabunutan ko na ang sarili ko dahil sa sakit.

Hanggang sa i-abot ni Al sa akin ang gamot ko. Dali-dali ko itong kinuha mula sa kanya.

Nang mahimasmasan ako'y habol-habol ko ang hininga ko. Bumagsak ang katawan ko sa hospital bed.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang hagulhol ni Brazilla.

"Mommy is mad at me..." napatikom ako ng bibig.

Nilayo siya ni Al sa akin at pilit na pinapatahan.

"Hindi ko talaga maintindihan Al... bakit palagi niya akong tinatawag na ganoon? Mas lalong gumugulo ang isip ko!" Sigaw ko, pero sa kaloob ko'y ramdam ko ang guilt.

"Stop crying Braz... she's not mad at you..." pagpapatahan niya sa bata. Umiwas ako ng tingin.

"Mas mabuti pa siguro kung tigilan niyo na lang ako dahil sa tuwing nakikita ko kayo lumalala ang sakit---"

"Stop it Zamia! Just please! She can hear you! Yet she don't understand but she knew if you're mad at her or something!" Sigaw niya.

"Kasalanan ko ba kung bakit dinala mo siya rito!? Alam mo namang ganito ang kalagayan ko ngayon! And why she still keep calling me like that! Hindi ko maintindihan!"

"Are you really that curious, Zamia?" Seryosong saad niya at hinarap ako.

My brow furrows. "Yes! Bakit nga ba, Al!? Simula una pa lang bakit ganoon siya sa akin!? Huwag mo sabihing may koneksyon rin ako sa kanya!?"

"Yes you have Zamia!" Nanlaki ang mata ko.

"A-Anong sabi mo?"

His jaw clenched. "That child... is your daugther!"

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro