Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Zamia Brecken Wringler

Nagising ako nang maramdaman ang malamig na tubig na dumaloy mula sa ulo hanggang sa umabot ito sa mukha ko.

I could feel the pain on my head, nang hawakan ko ang gilid ng ulo ko'y humapdi ito, at nang tignan ko ang kamay ko'y may dugo doon.

"It hurts?" A vivid voice coming from nowhere. Dumaloy ang kaba at takot sa sistema ko, yinakap ko ang tuhod ko at tinago ang kamay kong nanginginig.

"P-Please stop this... parang awa mo na... ang sakit-sakit..." I begged. Kahit pa hindi ko alam kung nakatingin ba ito sa akin.

"Huli na para magmakaawa..." I heard a footsteps, papalapit ito sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

I cried. "No! Pakawalan mo ako! I promise I won't tell anything! Kakalimutan ko ito! Hindi ako magsusumbong! Just please... please let me free!"

"Continue that. I'd love seeing you miserable, dahil iyan ang nababagay sa mga katulad mo! Ikaw dapat ang naghihirap ng ganiyan!" Tinakpan ko ang tenga ko.

The laugh that coming from that person is like a poison to me.

"Why are you doing this to me? Anong ginawa ko sa 'yo!?" My anger burst as soon as my tears.

Subrang sakit ng buong katawan ko, ang ulo kong parang mabibiyak.

"Sa akin wala! Pero sa taong kilala ko meron! And I'm returning the favor to you! Now claim it Zamia! Claim it and feel it!" Isang malakas na hampas mula sa latigong hawak niya ang tumama sa likuran ko.

"AHHH!!!" Malakas na sigaw ko nang dumampi ito sa likuran ko. Hindi pa ito nakontento at muli ay hinampas niya ito sa akin.

Why? Why are they doing this to me? Hindi ko maintidihan... it hurts so bad, wala akong magawa kundi ang tiisin.

"Latigo is not exciting anymore... should we try this?" Isang malaking kahoy ang kinuha niya sa gilid at pinakita sa akin.

Malakas na kumalabog ang puso ko.

"No please... don't... parang awa mo na! I can't take it anymore... pakawalan mo ako maawa ka! They won't hear anything from me! Pinapangako ko 'yan! Walang makakaalam nito... I will not tell anyone, please let me live." Lumuhod ako sa harapan niya kahit subra-subra ang panghihina ng tuhod ko.

"Let you live? I just want to inform you, that all people who's into my hands didn't get the chance to survive. Lahat ng taong dumadaan sa akin... sinisigurado kong hindi na mabubuhay pa. That means, you... you will never get the chance to live."

Seconds ago naramdaman ko na ang malakas na hampas ng kahoy sa likuran ko. Parang nabalian ako ng buto dahil doon.

Dahil sa subrang panghihina ay bumagsak ako. At ngayon kitang-kita ko ang kamay nitong may hawak na kahoy, nakaangat sa ere at handa ng ihampas sa mukha ko.

"NO! NO!"

"ZAMIA!?"

"ZAMIA!?"

Napabalikwas ako nang bangon habang habol-habol ang hininga ko. Tagaktak ang pawis ko at walang tigil na umaagos ang luha sa mata ko.

That nightmare... again.

"Zamia?" Si Nanay ang bumungad sa akin. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya at pinupunasan ang pisnge ko.

"'N-Nay... b-bakit? Bumalik nanaman! Bumalik nanaman ang ganoong panaginip ko!" Nakasabunot ako sa sarili ko at pilit ako nitong pinipigilan.

"Zamia... Zamia..."

"Nakakatakot.... 'yong kaba ko bumalik nanaman. Ngayon mas malinaw ang panaginip ko, hindi ko man nakita ang taong 'yon pero klarong-klaro ko kung paano ako... paano ako pinahirapan."

Pumiyok ang boses ko.

"Bakit ganoon!? Pinili kong ibaon ang lahat sa limot! Kahit subrang na cu-curious na ako sa nangyari pinili ko pa ring kalimutan at ayusin ang sarili ko!"

Lumapit na rin sa akin si Tatay at hinaplos ang likuran ko. Pero hindi sapat 'yon para kumalma ako.

"Subrang hirap... subrang sakit... bakit sa lahat ng memorya ko 'yon ang palaging bumabalik sa akin? Kinalimutan ko na 'yon eh..."

My nightmare is starting again. Ganoon rin ang palaging laman ng panaginip ko noon.

Kaya walang gabi na hindi ako umiiyak... minsan ay pinili kong huwag matulog dahil alam kong iyon ang bubungad sa akin sa tuwing ipipikit ko ang mata ko.

"Zamia... we're here," umangat ang tingin ko kay Al. Nandito rin pala siya, at sa gilid naman ay si Roxan na halatang nag-aalala rin sa akin.

I can't help it but to cry.

Bakit ngayong inaayos ko na ang buhay ko tsaka ako binabalikan ng bangongot na 'yon? Bakit ngayong sinisimulan ko nang i-ahon ang sarili ko mukhang malulugmok nanaman ulit ako?

Ayoko na ulit danasin ang hirap... parang ikakamat*y ko.

* * *

"Zamia? Kumain ka muna..." Nakatulala lang ako sa kawalan. Dinala pala nila ako sa hospital, at ang sabi ng doctor kailangan ko munang manatili dito.

"Mamaya Roxan. Wala pa akong gana..." totoo namang wala talaga akong ganang kumain.

Nakatatak lang sa akin ang bangungot ko.

"Zamia you need to eat. You need to gain more energy," si Al at Roxan ang naiwan dito, nagpaalam sila Nanay na uuwi muna para kumuha ng gamit ko.

"Si Brazilla?" Pag-iiba ko sa usapan.

"She's with Darth. You don't have to worry, sa ngayon kailangan mong magpalakas." Nag-iwas ako ng tingin.

Nang akmang lalapit siya sa akin ay bahagya akong umusog, kita ko ang gulat sa mata niya dahil sa ginawa ko.

Nilabanan ko ang titig niya. Sinuri ko ang mukha niya at hindi ko man lang nagawang kumurap.

"Zamia..." Pag-tawag niya sa akin ngunit seryoso lang ang tingin ko sa kanya.

Dahil may bigla akong naalala... may ibang parte pa akong napanaginipan, hindi ko alam kung nangyari ba 'yon... o gawa-gawa lang ng isip ko.

Pero sa panaginip kong 'yon nakita ko si Al! Magulo, oo subrang naguguluhan rin ako... pero totoong nakita ko si Al sa panaganip ko.

At ang mas lalong nakakagulat ay may dala-dala siyang sanggol... nakangiti siya habang karga niya ang isang sanggol.

Ang gusto kong i-tanong ay bakit?

Bakit parang parte iyong ng ala-ala ko?

* * *

"Is there something wrong Zamia? Tell me? May masakit ba sa 'yo?" Bumagsak ang tingin ko sa baba. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Al pero hindi ko siya sinagot.

Bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Bakit ba 'to nangyayari sa akin ngayon? Kung kailan pa talaga ako naging maayos tsaka babalik?

I choosed to live a normal life despite of what happened. Kahit pa pakiramdam ko may kulang sa buhay ko dahil sa mga ala-alang bigo akong maibalik sa akin.

I became a funny person... ang tingin nila sa akin, jolly, cheerful, makulit, masiyahan, but they didn't know that I was just forcing my self.

Pinilit ko ang sarili kong maging aliw, dahil umaasa ako na tuloyan ko nang makalimutan ang bangungot na 'yon.

Pinili kong maging masaya... magpasaya... but there's a time really that I felt empty. Nasa sulok lang ako... umiiyak... malungkot... I'm helpless sometimes.

And after that, pipilitin ko ulit ang sarili kong ngumiti.

Ngayong bumalik nanaman sa akin ang mga pangyayari noon... nauungkat na rin ang mga katanungan sa isip ko.

Sino ang taong nagpahirap sa akin? Ano ang motibo niya? Sino ang pinaglalaban niya? At bakit kailangang... ganoon pa ang abutin ko?

That person doesn't know how much trauma I earn. Kahit malabo ang ala-ala ko at hindi buo, ramdam ko 'yong sakit at hinagpis.

Isa pang gumugulo sa akin ngayon... ay ang pigura ni Al sa panaginip ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naginip ako ng ganoon.

* * *

"What are you doing?" His voice made me shiver. I didn't look at his face I just continue crying while I'm on my knees. "Stand up."

"I'm sorry... I didn't know... please believe me!" Mas lalong lumakas ang hagulhol ko.

The rain started to run on my body but I didn't give an attention to it.

"Tumayo ka riyan, walang magagawa ang pagluhod mo! You fooled me! Nagtiwala ako sa 'yo!" Umiling ako.

"Hindi kita kailan man niloko! I told you I don't know what happened... ngayon ko lang din nalaman! Pakinggan mo naman ako!" Instead of listening to me, he push me away.

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa may tuhod niya.

"Leave this place, Zamia. We're done. After what happened I realize that you're a liar. A liar that I can't keep anymore, because keeping you is making me miserable!"

Bumagsak ako sa putikan habang tinatanaw siyang talikuran ako. "No... No! Don't do this to me... hear me out!"

"ZAMIA! WAKE UP! IT'S JUST A NIGHTMARE! ZAMIA!"

Muli't-muli... nanaginip nanaman ako.

But that was different! Ibang scenario iyon! Subrang lakas nang kabog ng puso ko habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Binangungot ka nanamn Zamia... ganoon pa rin ba?" Hinawakan ni Nanay ang magkabilaan kong pisnge. Mabilis akong umiling na siyang pinagtataka niya.

"Iba ho... iba ho ang napanaginipan ko. Pero hindi ko matukoy kung anong nangyari sa panaginip ko... Ang naalala ko lang ay umiiyak ako at lumuhulod sa lalaking..." bumagal ang pag-hinga ko.

"Zamia... huwag mo na ipagpatuloy, uminom ka na muna ng gamot. Huwag mong pilitin ang sarili mo," dahan-dahan kong inabot ang gamot na binigay ni Nanay sa akin.

I stared at the man who's standing in front of me. Bakas rin sa mukha niya ang pag-aalala.

"We should transfer her in a bigger hospital, mas mabuting ma-monitor siya nang maayos..." Al said. Kausap niya si Nanay.

Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. As long as I stared at him... as long as I heard his voice. I suddenly realize...

Ang boses niya... ay kagaya ng boses na narinig ko sa aking panaginip.

"Zamia?" Mabilis akong lumayo sa kanya nang lumapit siya sa akin.

"Zamia may problema ba?" Si Nanay na hahawakan sana ako pero mabilis akong umilag.

Diretso lang ang tingin ko kay Al habang unti-unting naramdaman ang kirot sa ulo ko.

"Please tell me... what's wrong Zamia?"

"Huwag kang lumapit Al..." pigil ko sa kanya.

"Damn... are you hurt or something? Tell me Zamia para alam ko kung saan ang masakit sa 'yo... tell me! What's wrong?" Malalim na hininga ang pinakawalan ko.

"What's wrong with you Al." Matigas na sabi ko dahilan para pare-pareho silang matigilan.

"What..." Winakli ko ang kamay niya.

"BAKIT... BAKIT NASA ALA-ALA KITA!? BAKIT NAKIKITA KITA SA PANAGINIP KO!?" I shout. "SINO... KA BA TALAGA!?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro