Chapter 11
Zamia Brecken Wringler
"This is what you want right? I'm giving it to you, so just prepare everything." Sinundan ko ng tingin si Al.
Nakatalikod na siya sa akin. Sinabi niya kanina na babalik na kami sa lugar namin. Gusto niya raw patunayan na nagsasabi siya ng totoo.
'Yon nga lang pagkatapos kong bisitahin sina Nanay ay sasama rin ako sa kanila pabalik sa Manila. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at nagsimulang i-handa ang mga gamit ko.
Sinama ko na rin pati mga gamit ni Brazilla.
Alas nuwebe pa lang nang umaga at mamayang tanghali kami aalis para hindi gabihin.
Tatawagan ko sana si Roxan para sabihin sa kanyang pabalik na ako, pero pinili kong huwag na lang. Mas mabuti kong surprise ang biglaang balik ko.
Miss ko na rin si Nanay at Tatay. Kahit naman maganda ang lugar na 'to, hindi ko maikakaila na mas gusto kong makita ang magulang ko.
"Brazilla. We're going home later, ililigpit ko na itong mga gamit mo ha?" Isang tango ang natanggap ko.
"Aalis ka na ulit Mommy?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya kahit pa nakangiti ito.
Umiling ako. "No... babalik lang tayo doon pero hindi kita iiwan. Promise." Mahina kong pinisil ang ilong niya. "Don't worry, Braz."
"Okay Mommy!"
Tumulong na rin si Manang Teressa sa pagligpit ng mga gamit namin.
Aabutin kami ng limang oras bago makarating kaya hinayaan ko na munang magpahinga ang sarili ko.
Shocked pa ako kanina nang malaman kong pag-aari rin pala ni Al ang chopper na sinasakyan namin ngayon.
Gaano ba kayaman ang lalaking 'to? Well, kung titignan ko pa lang siya masasabi ko na talagang mayaman, he's aura screams expensive.
But I didn't expect that he's wholesome.
"You're bothering me Zamia." Nabalik ako sa wesyo nang magsalita siya. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. "What was that? Are you having a day dream?"
Umirap ako. "Hindi 'no. Parang tinignan ko lang ang kabuoan ng mukha mo, ayon lang naman." Palusot ko.
"Tigilan mo 'yan. Hindi ko pa nakalimutan ang ginawa mo kahapon," napaismid ako.
Sinipa ko pala siya... pagkatapos n'on hinabol niya pa ako pero umakto akong sumasakit ang ulo kaya ayon... wala siyang nagawa.
"Al..." agaw ko sa atensyon niya.
"What?"
"Wala ka bang balak mag girlfriend?" Mukhang hindi niya inasahan ang tanong ko dahil kumunot ang noo niya.
"That's too personal... why? Are you willing to volunteer?" He smirked.
"Bakit papayag ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Siyempre hindi tayo papatalo, dapat matibay ang loob natin.
"Tss. Stop teasing me," nako weak naman pala 'to.
Hindi na lang ako umimik hanggang sa maramdaman ko nang nilamon ako nang antok.
* * *
"Na? Tay?" Kumatok ako sa pinto. Ilang segundo lang ay bumukas 'yon at bumungad sa akin si Nanay.
"Oh? Anak? Bakit umuwi ka?" Ngumiti ako nang mapakla. Grabi 'nay ah? Bakit parang ayaw mo pa atang pauwiin ako?
"Surpise Nay! Nakauwi na nga po ako," nagmano ako at humalik sa pisnge niya. Ganoon rin ang ginawa ko kay Tatay.
"Andito ka na? Wala pang tatlong buwan ah? Tumakas ka ba? Bakit ka tumakas? Nako bumalik ka doon Zamia." Pati rin ata si Tatay ay hindi makapaniwalang nandito ako.
Parang binubugaw pa nila ako 'no?
"Grabi, hindi na po ba ako welcome dito?" Sinapo ko ang dibdib ko na para bang nasasaktan.
"Siyempre naman welcome pa! Nagbibiro lang eh." Yumakap sa akin si Nanay at hinalikan ako sa noo.
Dumapo ang tingin ko sa karaokeng nasa loob ng bahay. Totoo ngang may karaoke na dito?
"Ah, binili 'yan no'ng pogi," ani Nanay at lumapit sa kung saan ito nakapuwesto.
Napailing na lang ako at pumasok sa kuwarto ko. Dumiretso pala sila Al sa kanila pero pupunta daw sila dito bukas. Binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama.
Sa makalawa naman kami luluwas ng Manila at kailangan ko pang mag-paalam kina Nanay.
* * *
"Nako! Nag-abala ka pa talaga hijo!" Sapo-sapo ko ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Dahil sa subrang ingay nila sa labas nagising ako!
Paano ba naman halos lahat ng kapit-bahay namin nandito sa labas dahil nagdala nang sandamakmak na pagkain itong si Al. Wala naman fiesta pero dahil sa nangyayari ngayon parang meron!
"Hoy Zamia! Mag hilamos ka ro'n! Hindi ka ba nahihiya? Kaharap mo itong si pogi," umirap ako at tinignan si Al mula ulo hanggang paa.
Ang dugyot ko nga siguro kung itatabi ako sa kanya. Pumasok na lang ulit ako sa loob at ginawa ang aking morning routine.
"Zamia! Bakit ka pa umuwi, huh? Akala ko tuloyan kanang nabaliw sa kapogian niya," turo niya kay Al na ngayon ay kausap sina Nanay.
"Katulad ka lang din nila! Ayaw mo bang nandito ako! Binubugaw niyo talaga ako!" Asik ko.
"Hindi mabiro! I miss you!" Pinunasan ko ang pisnge ko dahil pinaulanan niya ito ng halik.
Imbes na pansinin siya'y bumaling ang tingin ko sa isang kotse na tumigil sa tapat namin.
Shez... sino ang anghel na 'to? Panibago nanaman? Nakatitig lang ako sa lalaking lumabas mula sa kotse.
"Shit. Totoo ba 'tong nakikita ko Zamia?" Tinapik ako ni Roxan pero hindi ko rin magawang tumingin sa kanya.
"Hi? Can I ask?" Oh mahabagin... anong meron sa akin at lapitin ako ng mga anghel?
"Yes, you can take me, Sir," si Roxan ang humarang sa akin.
"No... It's okay to take me too." Sabat ko sa kanya pero ayaw papatalo.
"'Wag siya, taken na 'yan. Ako I'm free," sumimangot ako at binalik ang tingin sa lalaki. Malakas ang dating at may katangkaran.
Mukhang bago lang dito dahil ngayon ko lang napansin ang mukha niya.
"What can I do for you?" Hinaplos ni malanding Roxan ang braso nito pero mabilis na inalis 'yon ng lalaki.
"O to the M to the G! Don't touch me! Do not! Kaderder ka!" Pareho kaming napanganga nang tumakbo ito papalapit kay... AL!?
"Anong..."
"Kuya! Why so many flirt in here? It's so ew! It's so yuck!" Mas lalong umawang ang bibig ko.
B-Beki?
Nakatitig lang ako sa lalaki o sabihin na nating --- beke, na ngayon ay kausap si Al. Nilingon ko rin si Roxan na nasa tabi ko at mukhang hindi niya rin na ge-gets ang nangyayari.
Sino ba ang lalaking 'to? At bakit magkakilala sila ni Al?
"Grasya na sana... kaso..." bulong ni Roxan habang matiim nakatitig sa lalaki. Tinapik ko ang balikat niya.
"Rest in peace. You know, marami pang oras, makakahanap ka rin..." yumakap siya sa akin.
Para kaming mga baliw dito sa gilid habang ang iba naming kapit-bahay ay busy sa pakikipag-usap sa isa't-isa.
"Sa tingin mo rin? Gawin ko kaya straight 'yan?" Ngumisi ako at binatokan siya.
"Gago, baka sabunutan ka niyan? Mukhang may pagka-warfreak," umiling ako bago humakbang papalapit sa puwesto ni Al.
"Saan ka pupunta?" Sumunod na rin siya sa akin.
Bahagya kaming tumigil sa tapad ni Al na mukhang hindi napansin ang presensya namin.
"So, what are you doing here, Darth?" Si Al, kausap 'yong lalaki.
"Hello? I'm here for vacation Kuya, can't you see?" Umirap ito dahilan para mas lalong ngumuso si Roxan.
Babaeng-babae ang galaw.
"You followed me here for vacation? Go back to Manila, Darth."
"What? No! I'm staying here... and will you stop calling me by that name? Ang lalaki niyan! Omy!" Pare-pareha kaming napaigtad nang humarap ito sa puwesto namin.
Tinaasan niya kami ng kilay, lalo na no'ng lumipat ang tingin niya kay Roxan. Agad niyang tinakpan ang braso niya na para bang pinoprotektahan ito.
"Look who's here? Flirt na babae!" Turo niya kay Roxan habang ako ay pinipigilan ang sariling tumawa.
"Malay ko ba! At tsaka huwag mo akong tinuturo! Puputulan kita ng daliri!" Ayaw rin paawat ng kaibigan ko ah?
"Oh really? Don't try me! Mas malaki pa rin ang muscle ko sa 'yo! Kung sabunutan kaya kita! Pervert!" Hindi ko na mapigilang tumawa.
"W-Wow? P-Pervert? Pigilan mo ako Zamia makakalbo ko 'to!" Napakamot na lang ako sa batok ko.
"You're so loud Darth. I'll book a flight for you, babalik ka ng Manila." Sumingit si Al kaya lumipat ang tingin ko sa kanya.
Ngayon ko lang napansin ang pagkakapareha nilang dalawa. May asol na mata rin si Darth at hindi nagkakalayo ang itsura nila ni Al.
Magkapatid sila!?
"Ayoko ko, Kuya. Let me stay here, nandito ka naman... Magtitiis ako kahit may bruhang flirt rito," baling niya kay Roxan at ako naman ay tinignan niya mula ulo hanggang paa, bago ngumiwi.
Umiwas na lang ako ng tingin.
"Tito Dary!" Sabay kaming lumingon nang marinig ang sigaw ni Brazilla.
Tumatakbo ito papalapit sa amin.
"My little princess! I miss you!" Umatras kami ng kaunti. "Grabi! Alam mo bang may balak akong sumunod sa inyo sa Ĺi Isla? Kaso 'yong isang chopper natin nagkaproblema." Kuwento nito habang karga-karga si Brazilla.
"Kapatid mo Al?" Agaw ko sa pansin niya.
"Yeah. My younger brother," tumango ako at nilingon si Roxan. Naalala ko noon sinabi niyang i-reto ko raw siya pag may kapatid si Al, kaso ngayon meron nga... pero pusong babae rin.
"Ayos lang ako Zamia... malayo 'to sa bituka." Mahina lang akong tumawa.
"So, I want to introduce my self formally. I am Darth Jerster but as you can see, I would like being called by my nickname 'Dary'." Inabot niya sa akin ang kamay niya, mabilis ko itong tinanggap.
"Zamia Wringler..." tumango siya. At nang bumaling siya kay Roxan ay tinaasan niya lang ito ng kilay. "Ah, bestfriend ko, si Roxan... Roxan Vrea Hugler."
"K."
* * *
"So bale sa susunod na linggo na lang matutuloy ang alis natin?" Kausap ko ngayon si Al.
Ang sabi niya'y made-delay ang flight namin papunta sa Manila dahil nagkaroon siya ng emergency dito.
At isa rin sa dahilan ay nandito ang kapatid niya at mukhang walang balak na bumalik sa Manila, kaya hahayaan niya na lang daw.
Ayos lang din naman sa akin para mas makasama ko rin sila Nanay. After kong malaman na kapatid 'yon ni Al parang nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa kanya.
Akala ko talaga noon nag-iisa na lang sa buhay ang lalaking 'to.
"Pumunta ka sa bahay bukas, is that okay?" I nodded. Walang kaso 'yon sa akin, hindi pa naman natatapos ang tatlong buwan na trabaho ko.
"Sure. Peace na pala tayo... napatunayan mo na ang sarili mo sa akin." Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang maalala si Robot.
Asan na kaya siya ngayon? Sa kanilang dalawa ni Al siya 'yong nagsinungaling sa akin... pero hindi naman ako nagtatanim nang galit.
"I'm going home now, with Brazilla and my brother. Ipapasundo kita bukas,"
"Okay--" naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko.
Kagaya ng naramdaman ko noong nakaraang araw, bumalik nanaman ito ngayon.
"Ah!" Daing ko habang mariing nakapikit. Patagal nang patagal ay mas lalong lumala ang sakit na nararamdaman ko.
Hanggang sa mawalan ako nang lakas... ramdam ko na ang pagbagsak sa lupa ngunit bago 'yon ay ramdam kong sinalo niya ako.
Gusto kong sabihin sa kanya na kunin ang gamot ko... but it's too late.
Tuloyang pumikit ang mata ko... tuloyan akong nilamon ng kadiliman.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro