Chapter 10
Zamia Brecken Wringler
Bakit ganoon? Bakit... bakit subrang labo ng paningin ko? Bakit hindi ko maramdaman ang mga paa ko? Bakit hindi ko marinig ang sarili kong boses?
Bakit blangko ang utak ko? Bakit wala akong maalala? Anong lugar ito? Nasaan ako? Ano ako? Sino ako?
Mga tanong ba pilit bumabagabag sa utak ko.
Mga tanong na hindi ko magawang sagutin, dahil maging ako ay walang alam sa kung anong nangyayari sa akin. Kirot mula sa aking ulo ang tanging naramdaman ko.
Gusto kong tumayo pero hindi ko kaya, gusto kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa.
"Doc! Gising na po ang pasyente!" Even my hearing was so vivid. Oo at naririnig ko siya pero hindi ko gaanong klaro ang boses niya.
Pakiramdam ko tuloy abnormal ang katawan ko...
"Miss? Can you hear me?" Wala akong naging sagot pero bahagyang gumalaw ang ulo ko. "She's conscious. Miss? Can you tell me, how much is this?" Pinakita niya sa akin ang daliri niya... pero malabo ang paningin ko.
'Hindi ko alam...' iyan ang gusto kong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko magawang bumigkas ng kahit isang salita man lang.
"Kailangan natin siyang dalhin sa x-ray, maraming pasa ang katawan niya." I heard. "How about her identity? Her family?"
My identity... who I am?
My family... do I have one?
***
"Zamia? Zamia?" Mabilis akong bumango mula sa pagkakahiga at lumayo sa kanila.
Dalawa silang nandito... isang babae at lalaki na may katandaan na
Isang linggo pa lang nang magising ako. Ang sabi ng doctor sa akin ay na-aksidente raw ako at sinugod dito sa hospital.
But then again... I don't remember anything. At ngayong araw may bigla na lang may pumunta dito.
"H-Huwag kayong lumapit..." and yes. Nagawa ko na ring magsalita at luminaw na ang paningin ko.
But the pain is still there, in my head, in my arms, my back, my foot.
"Zamia? Anong nangyari sa 'yo? Zamia..." I saw the woman crying. Gusto niyang lumapit sa akin pero umaayaw ako.
Sino sila?
"Zamia..."
"No! Please no! D-Don't hurt me... please! No!" I cried out loud. Nakakatakot akong dumampi ang kamay niya sa akin dahil pakiramdam ko sasaktan niya ako.
May kung ano sa kalooban ko ang natatakot at nangangamba.
"Jusko... anong nangyari sa 'yo..."
"She's experiencing deep trauma. Maybe before the accident she's been through a lot." Nakatulala lang ako sa kisame habang kausap ng doctor ang babae kanina.
"Babalik pa ba ang memorya niya?"
Dahan-dahan akong bumaling sa kanila.
Babalik pa ba ang memorya ko?
"Ako ang Nanay mo Zamia... at siya naman ang Tatay mo, alam kong mahirap at nahihirapan ka. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka nag-iisa." Hindi ko na siya tinulak nang tangka niyang lumapit sa akin.
Inaamin kong nakaramdam ako nang galak dahil sa yakap niya. Her hug is so much familiar.
"I have a f-family..." I murmured.
Akala ko wala... akala ko nag-iisa na lang ako.
"Oo Zamia... pamilya mo kami... Zamia ang pangalan mo, at kami ang mga magulang mo." Binigay niya sa akin ang maliit na box.
Pinasadahan ko iyon ng tingin. Alanganin akong buksan iyon pero pinili ko pa ring gawin.
And then I saw some documents there, ito ang nagpapatunay na ako nga si Zamia.
May iba't-ibang Id's, may mga litrato ko noong bata pa ako.
At doon... doon ko sinimulang maging malakas ulit. Dahil alam kong may pamilya ako.
Hindi ko man nabawi ang buong ala-ala ko, pinili ko pa ring magpatuloy at gumawa nang panibagong memorya kasama sila... ang magulang ko.
***
-PRESENT-
"Hindi naging madali 'yong pinagdaanan ko... pero naniniwala akong sila nga ang tunay kong magulang. Dahil ang iilan sa memorya ko ay bumalik, 'yon nga lang memorya ko 'yon noong bata pa ako." I smiled.
I didn't expect this. Na-kuwento ko pa talaga ang tungkol sa mga nangyari sa akin.
At kay Al pa talaga!
"I don't know why... pero ngayon lang ulit sumakit ang ulo ko nang ganito... I've been experiencing pain before, pero hindi ganito kalala..." Bumuntong-hininga ako. "Palagi ko nang dala ang gamot ko dahil sa mga posibilidad na atakehin ulit ako... at nangyari nga."
"Enough. You need to rest Zamia."
"Inaamin kong natatakot ako... natatakot ako Al! Paano kung bumalik 'yong nangyari? Paano kung lumala 'yung sakit sa ulo ko? Paano kung hindi na mawala?" He held my hands.
Nanginginig pa pala ito at hindi ko man lang namalayan. Pinunasan niya rin ang mukha ko dahil sakop na ito ng luha.
"Stop thinking like that Zamia... you need to calm down okay?" Yumuko ako.
"P-Paano Al? Pangalawang beses na ito... sunod-sunod pa. Subrang sakit at wala akong maramdaman kundi takot. Aminado akong natatakot ako..."
"I'm here. Lay on me Zamia, sasamahan kitang labanan 'yan." Bumigat nanaman ang pakiramdam ko.
Panic. Nagpapanic ako ngayon. At hindi ko maiwasan.
"You don't understand Al... paano kung magtuloy-tuloy 'di ba? Paano kung--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya.
He leaned me a kiss in the lips! "I told you I'm here."
***
Malalim na ang gabi pero heto at nakatanaw lang ako sa labas. Nandito ako sa balkonahe ng kuwarto at si Brazilla naman ay mahimbing na ang tulog.
Hinayaan kong dumampi ang malamig na hangin sa katawan ko. Naalala ko nanaman ang nangyari noon... that was the hard time I experienced.
Mahirap pa rin kahit nakalabas na ako ng hospital noon. Every night I had the same nightmare.
Umiiyak ako at nag mamakaawa, but once I woke up, hindi ko na maalala ang kabuoan ng panaginip ko.
Tho, I force my self to remember everything. But the doctor warned me, it's not good to force my self, baka tuloyan lang mawala ang memorya ko.
It was hard... may mga oras na tulala lang ako, minsan naman ay umiiyak sa sulok, at minsan sinasaktan ang sarili. I was like that before.
But thankfully, I healed my self. Sa ilang buwan kong pagtitiis ay unti-unti akong naging maayos. I learnt to smile, to talk, to bond, to explore.
Sa tulong na rin nila Nanay sa akin, hindi nila ako hinayaang mag-isa. They were there, when I am in the lowest of all the lowest in my life.
And afted those years... Masaya ako. Tinanggap ko na lang na hindi na mababalik pa ang ala-ala ko.
At ngayon na nararamdaman ko nanaman ang kaparehong sakit ay natatakot ako. Nangangamba.
Kasi ayoko nang bumalik ulit 'yon.
Malalim na hininga ang pinakawalan ko at bumalik na sa kama. Kusang umangat rin ang kamay ko papunta sa labi ko.
Oo nga pala! Hinalikan niya ako kanina! Pagkatapos kong kumalma ay tsaka lang siya lumabas ng kuwarto.
Pero hindi ko maintidihan at mas lalong hindi ko ma-proseso kung bakit niya ginawa 'yon! Nabigla ako kaya lang wala akong magawa dahil parang nanlamig pati kalamnan ko sa ginawa niya.
Paano ko 'yon haharapin bukas?
***
"Ma'am handa na po ang breakfast. Bilin sa akin ni Mr. Al na simula ngayon ako na po ang magluluto. At hindi ka na raw po puwedeng gumawa ng mga mabibigat na gawain." Magalang na salubong sa akin ni Manang Teressa.
Tipid akong ngumiti. "N-Nasaan po ba siya?" Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko mahagilap.
"Nasa opisina niya po. Huwag raw siya disturbohin." Pinasadahan ko ng tingin ang direksyon papunta sa opisina niya.
Hindi kaya nagtatago 'yon sa akin?
"Brazilla, kain na tayo! Sabayan niyo na rin po kami Manang Teressa." Baling ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Huwag na po. Mauna na po kayong kumain, nakahanda na lahat." Tumango na lang ako at sabay kaming pumunta ni Brazilla sa dining.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat ulit ako sa kuwarto para maligo.
Tanghali na nang bumaba ulit ako. Nasa sala si Brazilla, as usual dala-dala ang kanyang sketch pad.
Subrang hilig niya talagang mag drawing.
Hindi pa man ako nakakarating sa sala nang makasalubong ko si Al. Tatalikod pa sana siya pero tinaasan ko siya ng kilay. Iwas na iwas sa akin ah? Mailap yata?
"Al... kamusta?" Tinapik ko ang balikat niya.
"What are you doing? Get off your hands Zamia." Umiling ako at hinarap siya.
"Iniiwasan mo ba ako, Al?" Nakapamewang akong humarap sa kanya. "May nagawa ka ba, kaya umiiwas ka?" Pilit kong hinuhuli ang tingin niya.
"Stop spitting nonsense Miss Zamia." Tinaasan ko siya ng kilay.
Miss Zamia? Wow.
"Pormal mo naman Mr. Al, halatang may iniiwasan ka nga 'no?" Akmang lalagpasan niya ako nang humarang ako sa dadaanan niya dahilan para mapaatras siya.
Humakbang pa ako ulit, habang todo atras rin siya, hanggang sa maramdaman na niya ang pader sa likuran niya.
"Wala ka nang kawala Mr. Al, korner na kita." Nginisian ko siya. "So... bakit mo ginawa 'yon?"
"Are you threatening me right now?" Aniya nang hindi man lang ako dinapuan ng tingin.
Mahina akong tumawa. "Hindi naman Mr. Al. Nag-uusap lang tayo, importane kaya 'to."
"I'm busy Zamia. So, move away,"
"Bakit mo ako hinalikan?" Tumiim ang bagang niya kasabay n'on ang pamumula ng kanyang tenga.
May allergy ba 'to?
"I was just trying to calm you down, Zamia." He reasoned out.
"Ay ganoon? Pakiramdam ko hindi! Nag take advantage ka!" Nanlaki ang mata niya at mabilis na inalis ang kamay kong nakapatong sa batok niya.
"That's crazy. Nag pa-panic ka kagabi that's why I did that, at effective naman dahil huminahon ka. Or maybe you like that kiss?" Umawang ang bibig ko.
"Hoy! Kapal ng apdo mo! Tsansing ka lang eh!" Sigaw ko sa kanya.
"I'm not Zamia." He exclaimed.
"Sus! Tsansing ka!"
"I said I'm not. You like that too." Umiling ako.
"Pervert!" Tinakpan niya ang bibig ko.
"What the hell?"
"Tsa...n...sing ka!" Kinagat ko ang kamay niya at mabilis na lumayo sa kanya.
"Uh... so this is also your favorite, huh? Biting? I think you're the one who's, tsansing here Zamia!"
"Hoy! Hindi kaya! Huwag mo akong baliktarin! Self defense lang ang ginawa ko dahil tinakpan mo ang bibig ko!" Para na kaming tangang nagbubulyawan dito.
"Self defense? As if." He smirked, mabilis siyang tumalikod pagkatapos n'on.
Pero dahil hindi ako satisfied, hinabol ko siya at sinipa ang paa niya dahilan para muntikan na siyang matalisod.
Malakas akong tumawa. "Bagay nga sa 'yo!" Nang lumingon siya sa akin ay pulang-pula na ang mukha niya.
"ZAMIA!!!!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro