18 | Donuts
Hindi na kami nagkita pa ulit ni Xazarius ng matapos akong makainom ng tubig sa kusina nya, wala narin kasi sya sa sala siguro pumunta na sa silid nya.
Nang makapasok sa kwarto ay agad kong tinungo ang hand carry ko na bag at binuksan ang laptop ko.
Isa ito sa pass time ko, ang magtype ng kung ano sa laptop ko. I have this own website na kung saan sinusulat ko ang nararamdaman ko tuwing gusto ko, Blog. Pero in this nagtatago ako sa isang username. I used Sol, that means Sun. Kaya ko ito napili ay dahil naalala ko palagi si Papa dito.
I was about to write my third paragraph ng may kumatok.
"Kellah? Are you awake" pagsasalita ng kumatok, si Xazarius nga.
"Yes! Wait" saad ko at agad na bumangon para pagbuksan sya ng pinto.
Bumungad sa akin ang naka plain white polo na si Xazarius, nakapony parim ang may kahabaan nyang puting buhok at kita parin ang piercing nya. Ang gwapo nya ngayon— araw-araw naman ata.
"I bought you snacks, baka kasi gusto mo. May aattendan akong meeting mamaya so i cant accompany you for the mean time" saad nito. Inabot nito sa akin ang isang box ng donut. May isa rin itong inabot na plastic bag, pagtingin ko ay milktea yun.
"Hala! Thank you, pero pano ka?" Ngumiti lang ito sa akin. Ano meaning ng ngiti?
"Im fine" saad nito.
"Ill go now" saad nito at tumalikod na.
"Wait! Nainom ka ba ng coffee? Hot or cold? Umm Creamy or nah?" Sunod sunod na tanong ko dito, lumingon naman ito sa akin.
"I drink any kind of coffee" saad nito bago tumalikod at naglakad na papunta sa kabilang kwarto, dito pala ang opisina nya?
Ako naman ay nagpunta sa kusina nya para ipagtimpla sya ng kape, dala dala ko rin yung box ng donut. 6 yung laman nito kaya hati nalang siguro kami, alangan naman kasing kainin ko lang lahat.
With cream ang ginawa kong kape, inilagay ko sa tray ang kape at ang donut na nakaready na para kainin ny. Meeting yun at for sure pagtapos nun at mauuhaw sya or magugutom so why not bring him this.
"Xazarius?" Tawag ko dito sabay katok ng dalawang beses. Agad din namang bumuks ang pinto, si Xazarius ang nagbukas.
"Ah ano, eh ano" biglang nawala ang balak kong sabihin, nahiya ako na parang ewan.
"Hmm?" Pagtatanong nito, nakatingin na ito ngayon sa tray na dala ko.
"Ano! Hindi naman ako matakaw I mean hindi ko kaya ubusin kaya dinalhan na kita at kape sana, baka magutom ka eh" sagot ko dito sabay tulak sakanya ng tray na hawak ko.
"Thank you for this" saad nito ng nakangiti at inabot na ang tray.
"Sige, balik na ako dun! Hehe" pagpapaalam ko sabay talikod na at lakad papunta sa silid ko. Ni hindi na ako lumingon pa kasi feeling ko namumula ako, pero bakit nga ba ako namumula?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro