Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 | Cancelled



    "Monique kamusta dyan?" Bungad ko ng tumawag si Monique, narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.

"Ayos lang, pero hindi parin ako makakapunta dyan" saad nito, napatango naman ako kahit hindi nya ako kita.

"Ikaw? Ayos kalang ba dyan? Nasa isnag suite ka daw dyan sa Hotel. Naging mabait ba sayo si Andrues?" Sunod-sunod na tanong nito, pero ako? Nasa suite? Ehh nasa lugar nga ako ni Xazirus—

"Ha? Ayos lang. Oo mabait naman sya" sagot ko dito, naalala ko tuloy yung mga nagawa nya, yung pagpapatuloy na sa akin dito, nung kumulog at kumidlat at nung lunch kahapon.

"Mabuti naman, sigee talk to you later may bisita ako eh! Love you Kellah!" Huling sabi nito bago nya pinatay ang tawag. Napaupo naman ulit ako sa kama.

Naalala ko na may appointment pala kami ni Monique sa isang Spa ngayon, what if pumunta nalang ako? Kahit ako nalang? Sayang kasi, saka bayad na kasi yun.

Nag ayos ako, simpleng pants at blue croptop shirt bagoo dollshoes. Kinuha konarin ang isa kong shoulder bag para lagyanan ng wallet, cellphone ko.

Magpapaalam sana ako kay Xazirus pero wala naman sya, I mean wala akong naabutan sa Kusina, Salas at kahit sa kwarto nya. Kumatok ako pero walang sumagot, kaya nagiwan nalang ako ng isang note.

Aalis lang ako saglit, thank you ulit.
                -Kellah

Pagkatapos ay sinara ko ang pinto, tinungo ko ang groundfloor, duon nalang wala naman akong korse para sa parking lot magtungo 'e.

Base sa map nitong isla, medyo may kalapitan lang Spa na pupuntahan ko sa Hotel ni Xazirus kaya maglalakad nalang ako.

Medyo may karamihan narin ang tao sa oras na ito, hapon na kasi saka makulimlim ang langit.

"MAG SI UWI NA KAYO! UTOS NI MAYOR!" Nagulat naman ako ng may dumaang kotse bago may lalaking nagsasabi ng ganyan, paulit-ulit. Pati ang mga tao ay nagtataka, pati rin naman ako.

"Umuwi na kayo!" Saad ulit, hindi naman ako makapagpasya kung tutuloy pa ako sa Spa o babalik na sa hotel. Pero sa huli ay napagpasyahan ko na bumalik nalng sa Hotel.

Paliko na sana ako ng may humila sa akin, sisigaw na sana ako kaso niyakap ako ng humila sa akin!

"I'm glad your safe" boses yun ng humila at ngayon nakayakap sa akin, boses yun ni—

"Xazirus?" Biglang taeag ko dito, humiwalay naman ito sa yakap.

"Akala ko nawala ka, saan kaba pupunta? Bakit hindi ka nagpaalam?" Alalang tanong nito.

"Nagiwan ako ng note sa ref, dyan sana sa Spa" sagot ko dito, tumango naman ito.

"May Spa area sa Hotel. Let's go home, pinagbabawal na lumabas ngayon" seryosong saad nito. Kahit nagtataka ay sumunod narin ako sakanya sa Kotse.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro