
Universe 7: Unfinished Canvas
ZEN
I'm standing outside Rozend's house. Sa harap ng bahay nina Elaine. Nanlalamig ang mga kamay ko. I fiddle with my fingers and I can't help but sweat. The memories are haunting me and Elaine's memories and sweet smiles are once again seeping inside my head. Suddenly I'm filled with longing and grief.
Dahil natalo ako sa paghahanap sa constellation ni Hercules, kailangan kong pumunta sa bahay nina Rozend. Rozend asked me to check his paintings and after that, we will buy the things we need for the Painting workshop.
Nakatitig lang ako sa harap ng puting pintuan. I took a deep breath. Maybe it's now time to face reality and accept that Elaine is already gone and will never be coming back. I have to say goodbye to her now and move on from grief and despair. I want to properly bid her farewell and I hope she's now in a much better place.
Sa kabila ng pag-aalinlangan, nagawa kong pindutin ang doorbell.
May narinig akong kaluskos mula sa loob at nagmamadaling yabag. A pretty girl opened the door for me and I figured that she's Rozend's sister due to their resemblance. She smiled at me and opened the door widely.
"Ikaw ang kaibigan ni Kuya? 'Yong nakatira sa kabilang bahay?" she asked with a curious look in her caramel innocent eyes.
Medyo namula ang mukha ko dahil sa tanong niya. Medyo weird lang talaga kapag may nagtatanong sa 'kin kung kaibigan ko si Rozend. I'm not really a close friend. It's just weeks since we've met. Alright. Maybe we're really already friends.
Maybe friendship isn't about how long you've known each other. Maybe it just happens and then you just both clicked like a perfect fit.
Tumango ako. "Ako nga pala si Zen," pakilala ko.
Sumenyas siya sa 'kin na pumasok na ako sa loob ng bahay. "I'm Shanty," she said. "Tawagin ko lang si Kuya. Wait lang. Upo ka muna." Umakyat sa hagdan si Shanty at dumiretso sa dating silid ni Elaine.
Bumungad sa 'kin ang pamilyar na ayos ng bahay nina Elaine nang ilibot ko ang paningin sa loob. Wala silang binago at ginalaw sa gamit. Siguro dahil nirerentahan lang nila ang bahay. Wala sa sariling umupo ako sa kulay gray na sofa. Napansin ko pa ang mga inspirational quotes stickers na ikinabit namin ni Elaine sa puting pader ng sala nila noon.
Positive vibes only.
Dream.
No excuses.
Laugh as much as you breathe.
Love as long as you live.
Stay Strong.
Be fearless.
Wala sa sariling napangiti ako. Elaine has always been the strong one. Mas matibay siya kaysa sa 'kin. She's always the one who's encouraging, adventurous and seeking. Hinihiling ko na lang ngayon na sana maipasa niya sa 'kin ang ugali niya. I want to live like she did when she's still alive. And I envy her for always being the brave one.
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Bumaling ang tingin ko kina Shanty at Rozend.
Ngumiti sa 'kin si Rozend habang suot niya ang putting t-shirt at itim na shorts at tsinelas na pambahay. Magulo pa ang buhok niya na tila kababangon lang sa kama. It's already ten in the morning and it makes me wonder why he looks like he just woke up. I noticed that Shanty casts him a worried glance.
"Zen," tawag niya sa 'kin. "Sorry. I overslept." He said with an apologetic and shy smile.
"No worries," saad ko. He's the one who set the time though. Am I too punctual? Baka sabihin niya excited ako masyado na pumunta rito.
"I'll prepare some snacks," Shanty volunteered with a light smile.
"Thanks, Shant," nakangiting saad ni Rozen at marahan pang ginulo ang mahabang buhok ng kapatid niya na ikinasimangot ni Shanty.
"Kuya naman eh! Ang hirap kayang magsuklay!" reklamo ni Shanty at nagmamadaling lumayo sa Kuya niya. Tumakbo siya sa kusina. Malakas lang na tumawa si Rozend habang sinusundan ng tingin ang kapatid. Nang bumaling siya sa 'kin, sumenyas siya na sumunod ako sa kanya. Nakasimangot na sumunod ako sa silid niya. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob ng silid ni Elaine.
Tumambad sa 'kin ang pamilyar na silid. Walang binago si Rozend. Only the bed's white bedsheet is the only difference. The room is still painted by colorful skies and the inspirational words are still intact in the ceiling. His bed is neat and clean. Napansin ko lang ang gitara niya na nakapatong sa gilid, sa tabi ng built-in cabinet.
"This was Elaine's room," saad ko nang makapasok ako sa silid. Nostalgia suddenly hits me.
"I see. Her love for art was overflowing. That's why I choose this room," nakangiting komento ni Rozend.
"Kung buhay pa siya, magkakasundo kayo," mahinang saad ko. I scanned the walls. Ang tanging nawala lang ay ang mga litrato ni Elaine. Pero nandito pa rin ang mga libro niya. May balak pa kaya silang bumalik? Sabagay, hindi naman nila ipinagbili ang bahay.
"Are you still sad?" tanong niya sa 'kin. Kumportableng umupo siya sa gilid ng kama. Nagtatanong ang mga mata na tumingala siya sa 'kin.
"A little. But I'm feeling better now. I manage to enter her room without trembling and crying. I will definitely move on soon," mahinang sagot ko.
Ngumiti siya sa 'kin nang matipid at tumango na tila sinasabi niyang naiintindihan niya ang nararamdaman ko. And I just like how light his aura is. He always understands and I wonder what made him this soft, patient and understanding.
Napansin ko ang mga canvas sa isang sulok ng silid. Itinuro ko ito. "Is this yours?" Salubong ang kilay na tiningnan ko si Rozend.
He shyly smiled at me and nodded. "Uhm."
I walked towards the easel and I noticed the unfinished canvas stuck in there. It's the beautiful sea together with the sunset and the sky touched with different shades of orange and pink colors. But the sea and sun is not yet completed. I also notice the blank space between the sand and the sea. It makes me wonder what he wants to put in there. I wonder what he actually wants to paint. What is he thinking while painting this thing? What is he looking for to finish it?
Napansin ko na tuyo na ang pinta sa painting. I mean this painting is already abandoned for a long time now like the unfinished canvases in my room.
"Bakit hindi mo tapusin 'to?" wala sa sariling tanong ko.
"Ah. That one. I want to see the real thing before I finish it," he answered softly.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit? Wala bang malapit na beach sa dati ninyong tirahan?" Lumapit ako sa ilang nakarolyong canvas at isa-isang binuklat ang mga ito. Halos lahat ay nasimulan na pero wala pa siyang natatapos na kahit ano. And I wonder why. Bakit hindi niya tapusin ang pagpipinta sa mga ito?
"Uhm. We've been to the beach but I never watched the sunset in that place. My only reference are the videos online," he answered with honesty. "Oo nga pala. May alam ka bang malapit na beach kung saan ko makikita ang sunset?"
I turned to him with an amused look. "Huwag mong sabihing isasama mo ako sa pagpunta roon?"
He smiled playfully at me. "I can only count on you. Can you drive?"
Sumimangot ako. At gagawin pa akong driver? Ibinalik ko ang mga canvas sa isang lalagyan. "I have a student license."
"Me too. And I noticed that Ford pickup in your garage."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hey! You really plan to go to the beach?" I usually go on adventures with Elaine in that Ford pickup but that was only after I got my license.
"Bring me there," he pleads matching his puppy eyes look.
Bumuntong-hininga ako. I hope he can finish the canvas so maybe I can take him. "You have to drive then."
"Sure. Malayo ba? I can't drive for too long though. You have to back me up," he said with an apologetic smile.
I rolled my eyes. "Nirarayuma ka na ba, Lolo? Alright. I'm usually the driver anyway," sagot ko.
His eyes twinkle. I can clearly see his excitement on the plans we made.
"Hindi ngayon 'no! Maligo ka na para mabili na natin ang mga gagamitin natin sa workshop!" saad ko. Naglakad na ako palabas sa silid niya. "Hihintayin na lang kita sa baba." Ngumiti siya sa 'kin at tumango. He even thanked me softly that my ears faintly catch. I smiled but he didn't notice.
Nang bumalik ako sa sala, may nakapatong ng biscuit at juice sa maliit na table sa harap ng sofa. Ngumiti sa 'kin si Shanty. "May lakad ba kayo?" interesadong tanong niya. "Kain ka muna ng snacks." Inalok niya sa 'kin ang biscuit na hindi ko na tinanggihan. She is wearing a headband with a small ribbon now. Siguro para mahirapan na si Rozend na guluhin ang buhok niya.
"Mamimili kami ng gamit para sa workshop," sagot ko.
"Mabuti na lang may makakasama na siya sa workshop. Hindi na siya mahihirapang humanap ng kaibigan," saad ni Shanty.
"Making friends won't be hard for him. He's good with people," komento ko.
Ngumiti sa 'kin nang matipid si Shanty. "Yeah. He's always the friendly one. He will surely enjoy this summer."
"Nasaan pala ang Mama mo? Kayo lang dalawa ang natitira sa bahay?" tanong ko.
"May trabaho si Papa. Si Mama naman, namamalengke," sagot niya.
"Ilang taon ka na?" Kumagat ako sa biscuit na hawak ko.
"Fourteen. Sa Serenity Arts University ka na ba papasok? Related sa painting ang kukunin mong course?"
"Pinag-iisipan ko pa. Depende sa magiging outcome ng Summer Camp kung itutuloy ko o hindi," sagot ko. Hanggang ngayon hindi pa ako sigurado pero sana nga makapagdesisyon na ako kapag natapos ang Summer Camp. "Si Rozend ba?"
Her smile suddenly faltered a little. "Uhm. Hindi ko alam e. Pero sa tingin ko, gusto niyang pumasok sa Serenity."
Ipinagpatuloy ko na ang pagkain habang nakikipagkwentuhan kay Shanty at uminom ako ng juice. Ilang minuto lang ay bumaba na si Rozend na medyo basa pa ang buhok at suot na ang kanyang itim na t-shirt, ripped jeans at sneakers. Nakasukbit sa likod niya ang itim at maliit na backpack na tila wala namang laman.
"Tara na, Zen!" saad ni Rozend. Kumuha siya ng biscuit sa plato pero masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Shanty. Kakagat na sana siya sa biscuit pero natigilan siya nang mapasulyap siya sa kapatid niya.
"Kuya, kumain ka muna bago ka umalis," she said with an angry look.
Napakamot si Rozend sa ulo at ipinagpatuloy na ang pagkagat sa biscuit. "Okay, Shant. Pumapangit ka kapag galit ka," pang-aasar niya habang naglalakad patungo sa dining table nila upang kumain.
"By the way, Ate Zen, huwag mo palang hayaang malipasan ng gutom si Kuya Rozend," paalala niya sa 'kin.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko.
"Baka magka-ulcer?" sagot niya at tumayo siya upang kumuha ng isang libro sa isang bookshelf.
"Sige," kibit-balikat na sagot ko. Malaki na si Rozend pero nakakatuwa na sobrang protective sa kanya ng kapatid niya.
Nang matapos kumain at magsepilyo si Rozend, umalis na kami.
"You have an overprotective sister," puna ko.
"Yeah. She's the best," nakangiting pagsang-ayon ni Rozend. "Wala naman siyang kakaibang sinabi sa 'yo?"
"Sabi niya huwag ka raw magpalipas ng gutom," sagot ko.
Marahang tumango si Rozend. "She's treating me like a kid."
Tumango ako. I agree.
Naglakad kami patungo sa bilihan ng mga art materials na malapit lang sa Serenity Arts University. We buy different types of brushes and paints according to the list given to us when we enrolled. Bumili rin ako ng isang malaking drawing pad, painting cloth, erasers, lapis at turpentine. We already have our easels and palettes at home so we don't need to buy these things. We also buy some clean rags. We already have some used newspaper at home so we can also use that to clean our brushes.
Si Rozend ang nagdala ng mga pinamili namin.
"So when are we going to the beach?" excited na tanong niya sa 'kin. He's grinning widely. We're walking in the plaza now. May mga asong malayang tumatakbo sa dinadaanan namin. There are some ice cream vendors giving ice cream to some adorable kids. May ilang batang bumibili ng mga lobo.
"Next weekend," sagot ko. Lumapit ako sa nagtitinda ng cotton candy at bumili ako ng isang stick. Nakangiting tinanggap ko ito mula sa magtitinda at binayadan. Tiningnan ko nang masama si Rozend nang kumurot siya sa cotton candy na binili ko at isinubo 'yon. Mas nauna pa siyang kumain kaysa sa 'kin.
"Bumili ka ng sa 'yo," nakasimangot na reklamo ko.
"It's better to share," nakangising saad niya.
I rolled my eyes. Sinimulan ko ng kumain dahil baka siya pa ang makaubos sa binili kong cotton candy. We wander around the plaza. Napansin kong masayang pinagmamasdan ni Rozend ang mga tao at mga aso't pusang naglalaro at namamasyal sa plaza.
"I envy them," mahinang saad ni Rozend.
"Who?"
"Everyone here," he answered.
"Why?"
"Because they're living," sagot niya.
Sumimangot ako. "You don't know who's actually living among them. Some people are just faking it but they're actually dead inside," kontra ko sa sinabi niya. Because I'm not really living. I'm just existing. What does it mean to actually live anyway? How can you say that you are really living?
He turned to me with a big smile. "And you're changing." His eyes are bright and are relieved.
"Ha? Ano'ng bago sa 'kin?" Salubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"You're opening up now – letting me know your thoughts without being cautious anymore," he answered with satisfaction.
Inirapan ko siya at tinalikudan. "Tara na! Umuwi na tayo!" pagsusungit ko. I'm unconsciously opening up because I know he will never consider me weird. And if I'm being weird, I'm sure for him it's a good kind of weird. Kahit ano'ng sabihin ko, alam kong tatanggapin niya. And I know he will never judge me.
I'm comfortable around him. Because he's the kind of weird I need to be okay. He's the sun that can burn down the darkness inside me. He's the light that can pull me out from the deep abyss of despair and grief.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro