Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

CALEB'S POV

Kanina nung nakita ko si Hailey na kasama ng mga kaibigan niya ay nainis na naman ako.

Kasi naman puro lalaki na naman yung kasama niya.

Baka mamaya kapag nalasing yung mga yun kung ano pang magawa sakanya.

Pero,

Ang ganda niya.

Sobra.

Ngayon ko nalang ulit siya nakitang ngumiti ng gano'n siguro nga masaya na siya ngayon sa buhay niya.

Masaya na siyang kasama yung Tyler na yun!

Badtrip!

Kaya eto magpapakalasing nalang ako sa pineapple juice!

Sinimulan kong baybayin ang daan palabas ng bahay nila drew. Gusto ko kasing lumanghap ng sariwang hangin.

Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa lugar na 'to.

Maganda ang place nila drew, kahit na matagal na kaming magkakaibigan ay ngayon ko lang napuntahan 'tong sulok na 'to.

Itong sulok na tahimik lang at malayo sa mga tao.

Umupo ako sa pabilog na bench na napapalibutan ng ibat-ibang klase ng bulaklak.

Tahimik na nga sana kaya lang may nakita akong papalapit na babae sakin.

Kahit na hindi ko pa siya maaninag. Alam kong babae siya dahil sa suot nitong dress.

Siguro stalker ko yun!

Gusto ko ngang mapag-isa eh!

Teka...

Si Hailey.

Nilagpasan niya ako at umupo na siya. Halos magkatalikod kami pero kitang kita ko parin siya gamit ang aking peripheral vision.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba talaga ako?!" Tanong ko.

Nagulat pa siya nang nagsalita ako. Magsasalita na sana siya kaso tinitigan niya muna ako na para bang naninigurado kung tao ba ako.

Madilim ang parteng 'yon dahil wala na masyadong ilaw kaya ganoon nakang ang pag sipat niya sa kabuuan mo.

Iniaalis na niya ang tingin niya sa'kin ng siguro'y nakilala na niya ako pero agad na itong humarap sa'kin.

"Anong pinagsasasabi mo? Pwede ba! Hindi mo pag mamay-ari ang lugar na 'to and please! Wala akong balak na sundan ka wag kang feeling!" Bakas sa boses niya ang matinding inis kaya naman nahawa narin ako sa kanya.

"Nauna ako dito kaya malamang nagpapapansin ka lang?" Nakakainis talaga.

Ang tapang tapang nitong babaeng 'to!

"Excuse you! Wag kang feeling ewan! Ang kapal mo! Pwede ba, kaya ako nagpunta dito para mapag-isa. Malay ko bang may demonyo palang naghihintay dito edi sana hindi na ako tumuloy!" Halos namumula ang mukha niya sa galit dahil sa sinabi ko.

"Alam mo ng may tao mapag-isa ka dyan! Aminin mo na!" Demonyo pala ha. Grabe ang tigas ng ulo!

HAILEY'S POV

"Alam mo ng may tao mapag isa ka dyan! Aminin mo na!" Masungit na sabi ni Caleb.

Ewan ko ba naman kung bakit napaka ironic ng buhay.

Kaya nga ako lumabas para makapag isip eh!

Iniiwasan ko na ngang makita ang pagmumukha ng mokong na 'to eh, tapos eto pa ang mangyayari.

Kahit kelan talaga. Ugh, at ang kapal ng mukha niyang tawagin akong papansin ha.

Feeling niya!

Hay. Grabe. Parang kailan lang...

Narinig ko ang malakas na tunog ng bended knees na nagpe-play sa kabuuan ng lugar.

Darlin' I can't explain

Where did we lose our way

Girl it's drivin' me insane

And I know I just need one more chance

To prove my love to you

If you come back to me

I'll guarantee

That I'll never let you go...

Oh come on! Nananadya ba talaga ang tadhana?

Hindi ko na alam ang sasabihin ko pero pakiramdam ko nasasaktan ako.

Nasasaktan ako sa isipin na, ngayon na nga lang kami nagkausap ulit tapos ganito pa yung pakikitungo niya sa'kin.

Kahit kailan ay hindi ako kinausap ng ganito ni Caleb.

Ngayon lang.

Nakakainis.

Parang dati lang, nabalot ako sa pag-iisip at pagbabalik tanaw...

"Babe pa'no pag nag break tayo?kakausapin mo padin ba ako?" Tanong ko sakanya habang nakahilig ako sa balikat niya.

"Oo naman. Syempre siguro kapag nag break tayo, iba na pero you can still talk to me. Kahit na about sa bagong boyfriend mo pa yan. Basta lahat ng bilin ko 'wag na 'wag mong kakalimutan." Seryosong sagot niya at napatingin pa sa mga mata ko.

"We can still be friends." Dag-dag pa nito.

"Teka, sino ba kasing may sabi sa'yong magbe-break tayo?" Sabay yakap at tingin niya ulit sakin. Yung serious look na talaga namang ang pogi niya.

"Malay mo naman, madami kayang pwedeng mangyari no." Naglayo ako ng tingin.

Madami pang pwedeng mangyari pero ayaw kong mangyaring maghiwalay kami.

Hindi ko kaya.

"Basta walang magbebreak. Everything will be alright just stay by my side." He lowered his face and reach for my forehead. He left a sweet kiss that made my heart tremble.

Bumalik ako sa realidad ng ma-isip kong halos nasa tabi ko pa pala si Caleb.

Can we go back to the days our love was strong

Can you tell me how a perfect love goes wrong

Can somebody tell me how to get things back

The way they used to be

Oh God give me a reason

I'm down on bended knee

I'll never walk again until you come back to me

I'm down on bended knees...

Wala ako sa mood na makipag deal sa BS nya kaya naman ay tumayo nalang ako.

Pero habang naglalakad ako pabalik ay hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko.

Ano ba 'to...

Konting kibot lang lahat na ng memories bumabalik. Lahat ng sakit nararamdaman ko ulit.

Bakit ba kasi ang hirap hirap eh.

Bakit ba kasi ako nag mahal ng gano'n kalala?

Bakit ko ba hinayaang mahulog ako sakanya ng sobra?

Bakit ba kasi sobra-sobra yung pagmamahal ko sakanya.

Kaya tuloy ngayon, sobra sobra rin yung sakit.

Can we go back to the days our love was strong

Can you tell me how a perfect love goes wrong

Can somebody tell me how to get things back

The way they used to be

Oh God give me a reason

I'm down on bended knee

I'll never walk again until you come back to me

I'm down on bended knee

Wanna build a new life

Just you and me

Gonna make you my wife

Raise a family..

Tumayo na ako at naglakad ng naglakad.

Kahit saan pa ako dalhin ng mga paa ko ay okay lang.

Kahit saan, basta malayo sa kanya. Malayong malayo kay Caleb.

Sa taong minahal ko.

Sa taong mahal ko parin.

At sa taong kaya akong saktan kahit sa isang simpleng salita lang.

Napadaan ako sa ballroom at nakita ang mga taong walang humpay sa pag sayaw.

I sighed out of frustration. Mabuti pa sila,

Masaya.

Walang problema.

Kailangan ba talagang maging miserable yung gabi ko?

Kailangan ko ba talagang makita siya sa garden para masaktan ako?

Bakit ko ba hinahayaang saktan niya parin ako.

Im so weak.

And i hate being this way.

Hanggang kailan ako magkaka-ganito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro