Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 37

Hailey POV

"Hija!" Masayang bati sakin ni manang elsa na ngayon ay yakap yakap ako.

Hindi niya nga yata napansin ang mga cake na nasa katawan ko eh. She just hugged me.

"Teka bakit ganyan ang ayos mo anak?" Magsasalita na sana ako ng hawakan na niya ang kamay ko at iginiya papunta sa sofa.

Umalis siya sa harapan ko at pagbalik ay may dalang bowl na may lamang tubig at isang puting bimpo.

Pinunasan niya ang mukha ko.

"Nay nakita ko po si Kelvin kanina. Gusto ko po sana kayong isurprise ng cake pero nabitawan ko 'yon ng makita ko siya." Napangiwing sabi ko.

"Oh yang batang yan ni halos araw-araw pumupunta yan simula ng bumalik ka sa subic. Walang araw na hindi dadaan yan dito sa bahay para hanapin ka." Masayang kwento ni Nanay Elsa.

Parang lalong sumakit ang puso ko sa narinig ko.

"Pero ewan ko isang araw ay hindi na siya nagpunta at naibalita nalang sa akin ni Bea na ikakasal na siya sa nagiisang anak ng mag asawang Flincher." Patuloy na Pagke-kwento ni Manang.

"I--kakasal?!" Gulat na sabi ko. Mukhang nagulat din si Nanay Elsa at napahawak pa sa bibig niya.

"Hindi mo pa ba alam hija? Sa isang buwan ay kasal na nilang dalawa." Natigagal ako sa narinig ko.

Totoo ba to?! Kaya pala hindi man lang niya ako sinundan sa subic. Hindi man lang siya nagpakita sakin. Hindi man lang niya ako hinanap! Napaka duwag niya!

"Nay pagod ho ako sa biyahe pwede po bang sa ibang araw nalang tayo magusap?" Mukha namang naintindihan niya ako kaya naman ay umalis na ako at tinungo ang kwarto ko.

Dumiretso ako sa banyo pagkatapos ay binuksan ang shower. Hindi ko na nahubad pa ang mga damit ko, basta nalang akong tumapat doon at hinayaan ang tubig na dumaloy sa katawan ko. Ang luha sa mga mata ko.

Nanghihina ako. Bakit wala man lang nagsabi sakin?! Oras lang naman ang gusto ko!

"Isang taon Hailey! Hindi mo siya masisisi dahil mas pinili mo si Caleb. Kaya wag kang mag inarte!" Pagalit ng utak ko. Tama nga naman.

Pagkatapos kong maligo ay napagpasyahan kong pumunta doon sa lugar na pinagdalhan sa'kin ni Kelvin dati. Ang lugar kung saan sabay naming pinanuod yung sunset.

Our kind of paradise.

Nang makarating ako doon ay namesmerize parin ako sa ganda at tahimik ng lugar na nakita ko.

Naglakad ako hanggang sa kahoy na pathway bago tinanggal ang magkabilang sapatos ko. Umupo ako sa dulo nito at ibinaba ang mga paa ko sa tubig.

Sinandal ko rin ang ulo ko sa railings ng kahoy na 'yon habang nakatingala sa langit.

Bakit ba nalulungkot ako?

Kasalanan ko din naman kung bakit wala na sakin si Kelvin at kung bakit siya ikakasal. "Ang hilig mo kasing magmaganda." Ughh! Ipinilig ko ang ulo ko at pinagmasdan ulit ang sunset. Bago tuluyang humiga roon.

Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang sariwang hangin sa lugar. Ang hanging parang niyayakap ako at sinasabing wag ng magisip ng kung ano-ano. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

Lumipas ang mga oras ng makarinig ako ng mga yabag na alam kong papunta sa direksyon ko. Madilim na rin ang paligid ng imulat ko ang mga mata ko. Tanging ang malaking bilog na buwan nalang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Nakatulog pala ako. Patay. Hindi ko pa naman dala ang cellphone ko.

Tumayo na ako at isinuot ang aking doll shoes na nakatabi sa akin kasabay ng paglakad palabas sa mala paraisong lugar na 'yon.

Biglang umihip ang malakas na hangin na dahilan para mapayakap nalang ako sa sarili ko.

Bakit ba kasi hindi ko dinala yung phone ko para nakapag alarm man lang ako at may flashlight ako papalabas sa lugar na 'to.

Habang naglalakad ay muli kong narinig ang papalapit na mga yabag kaya naman halos patakbo na akong naglakad.

Lakad, takbo.

Kahit mag kanda tisod na nga ako ay hindi parin ako humihinto sa mabilis na paglalakad.

Pano kung may mga wolf pala dito? O kaya anaconda? O kaya naman si big foot? Or worst maligno? God! Wag naman sana!

Tumakbo na ako! Hindi ko na kaya ang mga negatibong pumapasok sa isip ko jusmiyo!

"Ahhh!" Sigaw ko ng may mabangga akong isang bulto.

Alam kong lalaki ito dahil sa laki ng katawan at taas niya.

O worst tikbalang!

Parehas kaming napa upo sa lupa.

Pero natutumba ba ang tikbalang?

"Wag kang lalapit! Binabalaan kita!" Matapang na sabi ko kahit pa kinakabahan na ako.

Itinukod ko ang magkabilang kamay ko sa lupa at tumayo nang muli. Nakita ko rin siyang tumayo pero hindi ko parin makita ang mukha niya dahil madilim na ang paligid.

Does he even have a face? I felt shivers down my spine!

Nagsimula na ulit akong tumakbo papalayo rito pero natisod ako at nadapa ulit.

"Hey! Stop!" Patakbo siyang lumapit sakin.

Nakahinga ako ng maluwag ng magsalita siya. Yung amoy niya, kilala ko yung pabangong yun.

Bago pa man ako makapag-isip ay naramdaman ko nalang ang marahan  niyang pagbuhat sa'kin papalabas ng gubat na 'yon.

Hindi na ako nakapalag pa dahil sa kirot ng mga tuhod ko. Naramdaman ko rin ang likidong dumaloy dito dahil sa pagkakatumba ko.

Paglabas namin ay saka ko lang nalaman na tama nga ang hinala ko.

"Kelvin?" Nakatingin lang siya ng diretso sa daan at hindi man lang niya ako tinignan kahit na isang sulyap lang.

Galit ba siya sakin?

Isinakay niya ako sa back seat ng kotse niya. Back seat? Bakit hindi sa harapan? Ayaw niya ba akong katabi?! Pinunit niya ang laylayan ng puting damit niya at itinali 'yon sa mga sugat ko pero tahimik niya lang na ginawa 'yon.

"Kelvin kaya ko naman mag isang umuwi." Lalabas na sana niya ako sa pinto ng sasakyan ng marinig kong magsalita ang isang boses sa loob nito.

"No Hailey. Ihahatid kana namin." Oh great!

Tama nga naman syempre kasama niya yung babaeng papakasalan niya. Bakit ba kasi ako nag tanga tangahan at napatid sa ugat na yun! Simula ng bumalik ako dito ay naging lampa na ako.

Napako ako sa back seat ng sasakyan niya. Isinara na niya ang pinto bago pumunta sa driver's seat.

"I'm Tyra Flincher." Nakangiting pagpapakilala niya sa'kin sabay lahad ng kanang kamay.

"H-hailey.." Inabot ko ang kamay niya at hindi na muling nagsalita pa.

Tahimik lang ako sa buong byahe namin pabalik ng kabihasnan habang silang dalawa ang masayang nagke-kwentuhan.

Masaya ako para kay Kelvin dahil alam kong masaya na siya ngayon sa piling ng Herederang Flincher.

Maganda si Tyra at mukhang mabait. Galing rin ito sa kilalang pamilya sa lugar kaya kahit papaano ay panatag ang loob kong siya ang mapapang-asawa ng lalaking pinakamamahal ko.

Huminto ang kotse ni Kelvin sa harapan ng bahay namin. Nakita ko si manang na lumabas ng gate at sinalubong ako.

"Hailey! Saan ka ba nagpunta hija! Kanina pa ako nag-aalala sa'yo mabuti nalang at natawagan ko agad si Kelvin." Tumingin ako sa direksyon niya na ngayon ay nakatayo sa likod ko.

Parang ang dami niyang gustong sabihin sa'kin na hindi niya masabi.

"Manang kailangan pong magamot ang mga sugat ni Hailey bago maimpeksyon." Sabay tingin niya sa tuhod ko na dumudugo parin.

'Yun lang pala ang gusto niyang sabihin. Lalapit na sana siya at hahawakan ako pero lumakad ako palayo sa kanya.

"Kaya ko na. Salamat Kelvin. Naghihintay na sa'yo ang Fiancé mo." Diniinan ko yung salitang fiancé para mas dama niya.

Nag-iba naman ang aura niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Pumasok na ako sa loob at sila nalang ni manang ang nag-usap.

Maya maya pa ay nakita ko na siyang umalis na pero bakit ganito?

"Bakit feeling mo ba susundan ka niya at gagamutin yang sugat mo?!" Singit ng kontrabidang utak ko.

Masakit pala talagang makita ang taong mahal mo na nawala ng dahil sa'yo. Masakit makitang may kasama siyang iba.

Mahal mo? Matatawag bang pagmamahal yung iniwan mo siya?

For fucks sake! Hindi lang naman ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari ah!

Maya maya pa ay pumasok na si manang at ginamot ang mga sugat ko.
Pagkatapos niya ay pumunta na ako sa kwarto ko para humiga.

Masakit ang tuhod ko pero mas masakit yata ang nasa loob ng dibdib ko.

Mas malalim pa nga 'to sa sugat ko eh.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng telepono ko sa ilalim ng unan ko.

Tita Catherine calling...

Oo nga pala, bukas pala ay babalik na ulit ako sa subic. Kahit mahigit isang taon na ang lumipas ay hindi parin naibabalik ang memorya ni Caleb. Pero nilinaw ko na sa kaniya na wala ng kami at tinutulungan ko nalang siyang maibalik ang mga memorya niya. Pagkatapos ay saka ko aayusin ang buhay ko.

Hindi ko naman kasi akalain na ganito katagal ang aabutin ng pagtulong ko sa kaniya. Pero ramdam kong malapit na ang paggaling nito.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa na gumaling siya.

Pero kahit naman na gumaling siya ay wala na akong babalikan pa.

Nakakatawang isipin na ako parin ang talo.

Ako parin ang naiwang mag-isa.

I smiled bitterly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro