Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

CALEB'S POV

Breaktime na nun ng nakita kong may kayakap si Hailey.

Ewan ko kung bakit pero parang may sumipang kung ano sa dibdib ko.

Kasalanan ko naman bakit naging ganito kami eh.

I know, masama ako. Totoo na nag cheat ako. Pero yun lang yun I regret every single thing I did.

Isang buwan na simula ng naghiwalay kami pero I still care for her.

I, the Caleb Andrew Clarke na bunso sa Clarke clan ay nagawang saktan ang isang babae.

I am just like my Dad and I hate being just like him.

Why can't I just be like Kuya Calvin or Cyrus?

Pero sabi nga nila, kung ano ang puno ay siya ring bunga!

My Dad have his own company. He's rich, but due to long distance relationship dahil palagi siyang nasa abroad, ayun nakahanap ng ibang babae.

Pero my Mom is the legal wife and still.

I have two other siblings sa new family ng Dad ko.

One guy and a girl, the youngest. Pero kahit na ganun yung nangyari, minsan ako at si kuya Calvin ay bumibisita sa mga ito. But not Cyrus, because until now our other siblings just reminded him of how dad cheated.

Ako kahit naman anong galit yung nararamdaman ko dahil pinagpalit niya kami sa iba, hindi naman na maibabalik yung dati. Basta all is well.

Wag niya lang sasabihan ng hindi maganda ang Mom ko because she's our everything.

Si Mama ay hindi na nagtatrabaho dahil pensyonada siya. May edad narin ito kaya nasa bahay lang ito or pa-travel travel sa ibang lugar.

I guess dapat lang naman 'yun sa title na legal wife. Tumutulong din siya sa business ni kuya Cyrus and Calvin.

But back to Hailey thing...

Isang buwan palang naman kaming hiwalay at aaminin kong mahal ko parin siya.

Kaya lang kasi ang tigas ng ulo niya.

Hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko.

Ayokong nakikipag barkada siya lalo na dun sa mga friends niya. Lalaki pa naman halos lahat ang mga 'yun.

Gusto ko, sa'kin lang yung oras niya.

Gusto ko, kaming dalawa lang palagi ang magkasama.

Kaso mas pinipili pa niya minsan yung barkada niya kesa sakin.

Noong kami pa, laging quality time. Like mas okay yung date sa bahay lang namin.

We always watched movies for six hours or even longer.

Naalala ko noong first year namin ay nauso ang plants vs. zombies. Nag-aaway pa nga kami kasi palagi siyang nang-gigigil sa pag click ng sun flowers.

I'm just concerned dahil baka mabutas kasi ang laptop ko.

Pero teka, bakit ganun?

Isang buwan pa lang pero parang ganun ganun nalang kung yakapin niya yung lalaking yun! Nakakainis!

Ang bilis niya naman yatang mag move-on!

Tama nga sila masaya na siya ngayon.

Alam kong kasalanan ko naman ang lahat ng nangyari kung bakit kami naghiwalay.

But I tried to win her back kaso sabi niya may gusto na siyang iba.

Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin.

Nagpakabait ako. Iniwan ko din yung mga gala at lahat para sa kanya. Lahat ng bilin niya ginawa ko.

Yun nga lang hindi ko alam bakit ko pinatulan si Mel. Trip lang naman yun. Hindi ko naman alam na makakarating sakanya. It was just a dare. A very stupid one!

Napabuntong hininga ako sa mga pumapasok sa isip ko.

Life must go on, Move on.

"Caleb 'yun ba yung ipinalit sayo ni Hailey? May itchura naman pala eh. okay na din." Pang aalaska sa'kin ni Jacob.

Nangaasar pa 'tong mokong na to. hindi ko na nga pinansin, napansin pa!

"Bro lahat naman may itchura eh, kahit tae." Sagot ko pero hindi ko pinahalatang naiirita ako.

Tumawa pa ako ng bahagya para hindi ako maging obvious na apektado.

Simula nang naghiwalay kami ni Hailey back to normal na ang lahat.

Ganun nanaman routine ko. Eat, barkada sleep, repeat.

Alam ko close ng mga friends ko si Hailey, lalo na si Allen. Siya din kasi yung pinaka buddy ko.

Lalo na at classmate nila si Hailey.

Ako nga lang napahiwalay sa kanila eh. Ewan ko ba naman kasi kung bakit hindi ako nagreview ng mga panahong kasagsagan ng exam.

Narinig ko nalang ang matinis na tunog ng bell na nagpabalik sa katinuan ko.

HAILEY'S POV

Bagong araw nanaman! Kahit papaano ay nakakalimutan ko na rin si Caleb.

Weh?! Singit ng utak ko.

Ugh! Joke lang ewan ko. Pero medyo mas okay na ako ngayon.

"I'll just love him from a far!" Bulong ko.

"Iha ano nanamang iniisip mo diyan at may pa a far a far ka pang nasasambit. Sino si afar?" Takang-takang tanong ni manang Elsa.

Kaya naman ay napatawa nalang ako ng malakas sa sinabi niyang 'yon.

"Ay ewan ko ba sa mga kabataan ngayon at kung ano-ano ang naiisip! Oh sige na at naghihintay na ang Tatay Duke mo. male-late ka nanaman." Sabi niya.

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Ang swerte ko parin no? May nag ta-tyagang alagaan ako lalo na't hindi ko pa sila kaano-ano.

"Thank you sa lahat Nay ha! iloveyou aalis na ho ako." Sabay halik ko sa cheeks niya pero hinila niya yung kamay ko pabalik bago nagsalita.

"Naglalambing ka ngayon ha. Wag ka ng magmumukmok anak at nag-aalala ako sayo ng sobra. Dapat ganyan ka lang palagi. Dapat palagi kang masaya. Eh halos isang buwan na kitang napapansing matamlay eh. O siya sige na at mag-ingat ka ha!" Pangaral niya.

Nginitian ko nalang si Nanay Elsa at lumabas na ng bahay para puntahan naman si Tatay Duke.

Halos patakbo kong baybayin ang hallway ng skwelahan namin.

Nako! late na ako. Paano ba to patay!Math pa naman ngayon at yung terror na teacher na akala mo nag memenopause sa sungit yung first class ko.

Nakakaasar naman, bakit ba kasi ang aga ng banggaan sa hi-way!

Patakbo kong tinungo yung classroom namin. Pagpasok ko ng silid ay nakahinga ako ng maluwag.

Salamat naman at nauna padin ako sa terror na teacher namin.

Ang gugulo ng mga taong 'to parang club sa ingay eh! Parang hindi classroom yung napasukan ko.

"Bes!" Narinig ko ang malakas na pag tawag sa'kin ni Kaitlyn.

"Oh?" Lumapit ako sa kanya sabay upo sa tabi niya.

"Wala naman, birthday kasi ni Drew mamaya. Isama daw kita sabi niya. Hindi na kasi siya papasok mamaya." Pagke-kwento nito.

"Oo nga pala. Pero pag-iisipan ko." For sure, nandun si Caleb.

Baka sabihin niya na namang gustong gusto ko namang makita siya hello?!

Ako pa ba? Hayyyy okay.

Medyo.

"Hala pa chicks pa siya oh?! Nakakainis ka halika na!" Pangungulit ni Kaitlyn.

"Oo na nga!" Alam ko namang hindi titigil to sa kaka pangulit eh! Kaya pumayag na rin ako.

Natapos na ang buong araw at sakto namang friday ngayon. Walang pasok bukas, walang ring homework kaya kahit anong oras ay pwede akong magpa late.

Nakarating na kami sa bahay nila Drew. Maaga kasing natapos ang klase namin kaya maaga rin kaming nakapunta rito.

Papasok palang kami nila Kaitlyn, Tyler kasama sila Dodge, Patricia, Parker, Jules, Savannah, Aiden, Logan, Gabriel and Luke. Yeah halos lahat ng friends ko ay lalaki.

Ayoko kasing mag deal sa kaartehan ng mga kababaihan ngayon. Mas okay na yung mga guys ang ksama ko.

Nakita ko si Caleb na nakatingin sa direksyon ko. Tumingin ako sa likod ko pero wala naman akong nakitang tao.

Siguro nga sa akin siya nakatingin. Pero bakit naman?

Sobrang ganda ko ba ngayong gabing 'to kaya ganun nalang yung pag titig niya?

Oh lasing na siya?

Hindi. Hindi nga pala siya umiinom ng alak so malamang nalasing siya sa juice!

Tama sa juice!

"Happy birthday Drew!" Masayang bati ko sabay yakap at abot ng gift ko sa kanya.

"Thank you Hailey! Buti naman at pumunta ka, i wasn't able to tell you personally kasi late na tsaka wala na din akong contact number mo eh." Pagpapaliwanag niya.

Totoo naman yun. Simula kasi ng nag break kami ni Caleb ay nagpalit na rin ako ng number at hindi ko na sila tinetext pa.

In-unfriend ko pa nga sila sa facebook eh pero friends na kami ngayon.

Kanina lang actually.

Umupo na kaming mga bagong dating sa isang malaking table at nagsimula na ang program.

Madaming mga bisita ni Drew.

Madami ring gift tapos ang laki laki ng place nila. Hindi ko mapigilan ang magandahan sa lugar nila.

Bahay ba talaga nila to? O hotel? Ang laki kasi eh parang kapag dito ka tumira ay hindi na kayo magkikita-kita.

Habang nagpa-party yung iba ay naisipan kong tumayo at mag ikot-ikot muna.

May nakita kasi akong garden kanina pagpasok namin. Hindi naman ako ganoon ka fan ng mga flowers pero favorite ko ang roses.

Ewan ko ba it's a girl thing lang siguro.

Nakaka suffocate din kasi ang dami ng tao.

May nakita akong tao na umupo sa dapat na uupuan ko.

Epal naman eh!

Pero naglakad padin ako papalapit sa bench pagkatapos lagpasan ang taong nakaupo.

Magkatalikod naman kami eh.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro