CHAPTER 2
Still fighting
Alas dose na pero hindi parin ako makatulog.
Bukas magsisilipat na lahat ng nadagdag sa section namin at patay!
Kung anong iwas mo nga naman sa taong ayaw mong makita doon pa lalong nangungulit ang mapaglarong tadhana.
Kahit na anong gawin kong pwesto sa aking kama ay hindi parin ako makatulog.
Paano kaya kung hindi nalang ako pumasok bukas? Sabihin kong lalagnatin ako for one week?
O kaya namatay yung pusa ko and I'm grieving, I'm in pain, though I hate cats at wala ako 'non.
O kaya walang magbabantay sa bahay namin baka mawala?
O kaya lbm?
O kaya...
Uhg! Ano bang gagawin ko? nakakainis naman kasi e! Dapat hindi ko ginalingan para ako nalang ang nalipat ng ibang section.
Kahit section one hundred pa huwag ko lang makasama at makita yung taong 'yun!
Alam ko na. Sasabihin ko nalang na uuwi si Mommy bukas kaya hindi ako makakapasok. Tama! Ang galing ko talaga!
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naputol ang oplan hindi papasok bukas na pag-iisip ko.
Kaitlyn:
"Bes pumasok ka bukas ha! Kung hindi, ako mismo ang papatay sayo wag ka nang mag-isip ng dahilan para hindi ka makapasok bukas okay?!"
Wow, may pagka madam Auring yata 'tong babaeng 'to! Grabe. Para talaga kaming magkapatid. Lahat ng naiisip ko ay ganun din ang nasa isip niya.
Para kaming may open bluetooth na nag tatransfer ng transparent files na kaming dalawa lang nakaka-alam.
And I'm so lucky to have someone like her.
Ako:
"Actually, lalagnatin ako for one week!"
Kaitlyn:
"Eh kung tuluyan na kaya kita Hailey Harper Thompson?!"
Ako:
"Okay fine! Meet me sa gate! 7am sharp. Sa GATE! Okay?!"-
Ako:
"Fine goodnight! Iloveyou!"
Kaitlyn:
"Iloveyou too Kaitlyn Railey Harris!"-
Ganito kami ka sweet sa isat-isa. Kulang na nga lang ay magpakasal na kaming dalawa eh. Mahal na mahal ko ang taong 'yun.
Kahit na minsan may pagka mahina ang loob, at minsan ay hobby niyang i-down ang sarili niya.
She's been here since elementary palang kami at talaga namang siya ang one great friend ko.
Our parents are good friends too that's why super close our family is super close to each other.
She has a brother, Si kuya Kramer Rein.
And I've got none.
My life is pretty plain and simple. I'm an only child, I grew up alone but thanks to Kaitlyn and her family.
Yung Mom ko kasi since grade four palang ako ay nasa abroad na. Non-stop work sa business niyang isang clothing line sa UK.
Noon ay sobrang malapit kami sa isa't-isa pero ng mag desisyon siyang ipagpatuloy 'yon sa ibang bansa, medyo naging busy na siya. Hindi na kami ganoon kadalas nag-uusap kaya tanging si Nanay Elsa at Tatay Duke nalang ang kasama ko.
Si Nay Elsa at Tatay Duke ay mag-asawa at walang anak. Kaya siguro sobrang dedicated nila sa trabaho tsaka sa pamilya namin.
Matagal na silang nagwowork dito, dalaga palang si manang Elsa ay siya na ang nakasama ni Mommy simula bata palang ito. She's been her second mom since my grandparents passed away.
Siguro ay mas pasaway si Mommy kumpara sa akin dahil hindi na naatupag nila Manang ang pagkakaroon ng anak.
And my Dad...
He left us when I was on Mom's tummy.
Siguro ay ayaw mag patali kaya gano'n. Pero ang balita ko ay may pamilya na siya ngayon at doctor ang asawa niya. But hell I care! Mas okay nga yung wala siya eh! malaya ako. Ayoko rin kasi ng kontrolado ako.
I'm a millennial baby, I need some privacy and leisure time. We need to have fun and live life while we're still young!
We only live once nga hindi ba?
KAITLYN'S POV
7:00 am GATE
Nasaan na kaya yung babaeng 'yun! Mukhang tototohanin niya yung sinabi niya kagabi na aabsent siya ah! Naku wag naman! Wala akong kausap lalo na ngayong may mga bagong classmates kami!
Alam kong malaki ang pinagdadaanan ngayon ng bestfriend ko. Si Caleb, siya at ako ang laging magkakasama for two years tapos ngayon ay back to stranger's kami.
Hindi ko naman siya masisisi eh... Masakit ang ginawa sa kanya ni Caleb.
Alam kong sa bawat tawa niya ay kasabay no'n ang sakit na nararamdaman niya at hindi niya na maitatago sakin 'yun. I can tell if it's a real smile of a fake one. Magkadikit na yata ang aming mga bituka para hindi malaman ang totong nararamdaman ng bawat isa.
Sakin pa ba? Eh we're like super twins!
Alam kong wala akong magagawa ngayon para makalimutan niya si Caleb, pero kung mayroon mang paraan para mangyari 'yon ay gagawin ko.
Basta ang alam ko lang, I'll be her clown. Gusto ko palagi siyang masaya. Gusto kong maibalik ang dating Hailey na masayahin at walang halong pagkukunwari.
"Bes!" Narinig ko ang sigaw ng babaitang si Hailey na pumukaw sa'kin.
"Seven sharp pala ha! Hi Tatay Duke! kumusta ho kayo?" Dungaw ko sa bintana.
"Si manong ang may kasalanan bes! Diba manong?" Sabay kindat ni Hailey kay Tatay Duke.
Akala niya siguro ay hindi ko siya nakita. Tatay Manong at Nanay Manang ang tawag namin ni Hailey sa kanila dahil sila narin ang nakasama niya simula noong bata pa lamang siya. Ang mga ito narin ang nagsisilbing pangalawang mga magulang niya.
"Okay naman hija. O s'ya, ako na ang may sala dahil ang bagal niyang batang yan gumayak... Mag-ingat kayo ha, at mag-aral ng mabuti..." Pangaral ni manong.
Tumango nalang kami ni Hailey bago niya ako binalingan.
"Halika na bes!" Hila niya sa kamay ko.
After the flag ceremony
HAILEY'S POV
Nasa hallway palang ako pero nakikita ko na ang bunbunan ni Caleb! My golly!
Kausap niya yung mga kaibigan niya na classmate ko rin.
Si Drew, Allen at si Jacob. Para nga silang f4 eh. Mga gwapo nga naman kasi talaga sila. Hindi lang yon... Mayayaman, magaganda ang katawan at mababait naman sila. Pero sa unang tingin, kapag hindi mo sila kilala ng lubusan ay tiyak na mayayabangan ka sa mga ito.
Lalo na yang si Jacob? Hay nako, ang presko ng dating niyan na daig pa ang hanging amihan!
"Good morning Miss Padilla..." Bati naming lahat sa babaeng pumasok na nakasuot ng kulay pulang uniform.
"Good morning class! So andito na ba lahat ng new students sa section na 'to? May I call on the three of you to please introduce yourself in front..."
Pagkatapos nang na-unang dalawa ay napako ang tingin ko sa lalaking tamad na tumayo papunta sa harapan ng klase.
"Hi I'm Caleb Andrew Clarke..." Panimula niya.
Grabe, ganito ang unang pagkakakilala ko sakanya.
Yung suplado na astig tignan. Ang gwapo gwapo niya parin pala.
Feeling ko nga mas lalo siyang gumwapo eh...
Really Hailey?
Tsk! Erase! Dapat kamuhian ko ang lalaking yan pero paano?
That feeling when you used to spent hours, days, months, year's together but now?
Stranger's with some memories?
I still remember his laugh...
The silly things he used to tell me just to cheer me up...
The corniest joke he used to crack when I'm sad...
What happened?
Why?
"Hoy matunaw si Caleb!" Bulong na pang-iinis ng katabi kong si Dylan.
"Duh? nakatitig ako sa green board!" Inis ko siyang tinignan.
Nakakainis 'to! Bakit niya ba ako pinapakialaman? Masama bang tignan ang bagong classmates? I mean... Fine!
"Green talaga? Sus kunwari kapa eh! Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Hindi ba'y kayo?" Mahaderang usisa nya.
Paki ba! Eh green naman kasi talaga yun. Bakit ba black board ang tawag doon eh hindi naman 'yon itim!
I rolled my eyes at him!
"Medyo hindi ka naman pala talaga chismoso ano?!" Yun nalang ang tanging nasabi ko at tumalikod na ako sa kanya.
Bwisit na baklang 'to, kailangan niya pa bang ipamukha sa'kin na wala na? Wala na!
Madaling natapos ang mga klase namin at sumunod ang breaktime. Kasama ko si Kaitlyn at ang mga kaibigan namin sa canteen, habang nag-iisip ng kakainin at nakapila.
Narinig kong may tumawag sa'kin kaya napalingon ako sa gawing likuran.
And there I saw Tyler.
Yep! Tyler Mason Rodriguez, ang kababata kong napalayo ng isang dekada sa akin. Pero kahit naman na malayo siya sakin palagi naman kaming nag-uusap gamit ang facebook, twitter, instagram, skype.
"Tyler?!" Gulat kong sigaw at tumakbo pa papalapit sakanya.
"Hailey! kamusta ka na? God! You look beautiful than ever!" Excited na sabi nito habang yakap-yakap ako.
Ugh! Namiss ko to! Kasi naman bakit pa kasi sila nag migrate sa New Zealand.
Bukod kay Kaitlyn ay si Tyler naman ang isa ko pang malapit na kaibigan. Siya ang kapitbahay namin noon at siya lang rin ang tanging nakakalaro ko kapag wala kaming pasok sa eskwela.
Siya rin lang kasi ang nagta-tyagang salihan ako sa mga pang babaeng laro noon. Lalo na ang jackstone!
I already told Kaitlyn about him. Actually, i set them up on a blind date before but Tyler's flight was cancelled. Hindi tuloy sila nagkakilala.
"Maganda naman talaga ako Tyler!" Kumpiyansa sa sariling sabi ko sa kanya at bahagya pang hinampas ang kanyang braso.
Maganda kaya ako, sabi ni Mama...
"I mean, mas lalo kang gumanda!" Paglilinaw niyang sabi.
"Mabuti! Pero teka bakit nakauniform ka ng... Weh? Hindi nga! Wag mong sabihing?" Gulat na sabi ko ng makita kong nakasuot din pala ito ng uniform.
Tumango tango lang siya at pigil rin ang pag ngiti sa kan'yang labi dahil sa reaksiyon ko.
"Oo tama ka! Kakauwi lang namin kahapon at nag transfer na ako dito... Alam kong matutuwa ka pero hindi ko muna sinabi sayo. Gusto kitang I surprise, nasurprise ka nga ba?!" Excited niyang sabi.
"Oo naman Tyler! Ikaw talaga! Miss na miss na nga kita eh!" Mahilig talaga 'to sa element of surprise.
Kahit dati pa. Palibhasa mayaman sila kaya kahit anong gustong gawin sa buhay ay nagagawa nila. Palipat lipat na nga sila ng bansa at school eh. Mga NPA na sila kung tawagin.
No Permanent Address!
Pagkatapos ng maraming usapan at kain ay pumasok na ulit kami sa classroom. Too bad dahil hindi ko siya classmate ngayon.
Sayang talaga.
I introduced Kaitlyn to Tyler... Finally!
Si Kaitlyn na madaldal ay naging pipi habang ipinapakilala ko sila sa isat-isa. Si Tyler naman ay ramdam ko rin ang tuwa dahil sa hindi mapigilang ngiti sa mga labi niya.
And one thing is for sure...
I'll be third wheeling until the end of my high school!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro