
CHAPTER 1
Hailey Harper Thompson
"Hailey! Gising na. Ilang araw ka ng nakakulong diyan sa kwarto mo... Pakiusap naman Hija. Lumabas kana at pagagalitan na talaga ako ng Mommy mo..." Nagising ako sa pambubulabog ni Nanay Elsa.
Ang ingay nya talaga kahit kelan, pero mahal na mahal ko 'yan. She's like my second Mom ever since my Mom worked overseas.
"Opo Manang tatayo na po..." Nasabi ko nalang.
Pero ang totoo ay ayaw kong kumilos.
Para bang ang sama sama ng pakiramdam ko.
Para bang tuwing gumagalaw ako ang sakit sakit. Buong katawan ko nararamdaman 'yung sakit nang puso ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted.
'Yung pakiramdam na parang ibinagsak sayo ang lahat ng planeta.
'Yung bang feeling mo ikaw na 'yung pinaka malas, masama, mataba at pinakapangit na tao sa mundo. Dahil 'yung isang taong pinakamamahal mo. Na binigyan mo ng sobra sobrang pagmamahal ay hindi kana gusto?
Na iniwan kana.
Na ayaw na sayo.
Na hindi na muling babalik pa.
Sabi nila "Ang dami daming lalaki dyan! cheer up! Bata ka pa marami pang darating sa buhay mo."
'Yun na nga e! Ang dami dami nga nila pero ang isang taong ginusto mong makasama habang buhay, ayaw ka.
'Yung minsan ka nalang magmahal, nawala pa.
'Yung feeling na, kahit na comedy 'yung pinapanuod mo umiiyak ka.
'Yung feeling mo, okay kana tapos narinig mo lang 'yung pusong bato naalala mo na naman siya.
'Yung feeling na, sinabi mo sa sarili mo na kaya mong wala siya, pero araw araw mo namang tinitignan ang facebook niya.
'Yung naiisip mo palang na may mahal na siyang iba, feeling mo tinuturukan ka na ng lethal injection.
At ang pinaka masakit sa lahat,
'Yung naiisip mo 'yung mga bagay na ginagawa niya sayo dati, sa iba na niya ginagawa.
'Yung dati sobrang sweet nyo, ngayon back to strangers.
Strangers with some memories.
Ang sakit sakit lang.
Gusto ko ng mamatay.
"Sige na Hija. Halika na't mahuhuli kana sa klase mo tanghali na. Alalahanin mo at lunes na ngayon. Ilang araw ka ng liban sa klase. Ano bang nangyayari sayong bata ka?" Putol ni manang sa pagdadrama ko.
Manang... I sighed.
Sinulyapan ko ang aking alarm clock. Alas sais palang naman ng umaga. Saktong oras lang ng gising ko. Itong si Manang talaga. Palagi niya nalang akong ginigising na daig pa ang orasan ko. She even have a snooze button, dahil kapag hindi pa ako bumabangon ay kakatukin niya ulit ang kwarto ko.
Is that a sign of aging? But she aged already.
Wala sa sariling napangiti nalang ako sa isiping may isang tao paring nagtatiyaga sa'kin at mahal na mahal ako.
Napukol ang tingin ko ng tumunog na ang aking alarm. Right, ngayon palang ako dapat bumangon!
It's Monday. Simula na naman ng hell week ko kahit na hindi pa naman exam. I don't know how it all started. When did I feel this excruciating pain inside me, the pain that never goes away. It's endless...
Pakiramdam ko'y nakahinto ang oras. Nakahinto sa oras na nasasaktan ako. Pinilit kong bumangon sa kama at umupo sa gilid nito.
kailangan kong maging masaya at sisimulan ko na 'yon ngayon. Ayaw ko namang buong linggong maging malungkot! it's not my personality.
Madali akong kumilos at tinungo ang banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis naman at kumain. Matapos 'yon ay bumalik na ulit ako sa kwarto para ayusin naman ang mga gamit ko sa eskwela.
"Ano bang problema Hailey? Bakit hindi kana yata sinusundo ni Caleb?" Kuryosong tanong ni Manang habang inaayos ang higaan ko.
"Busy lang po siguro... Pero okay lang ho ako, Nay. Huwag na po kayong mag alala sa'kin. Aalis na ho ako. Pakisabi nalang ho kay Tay Duke na ready na ko in five minutes." Pagsisinungaling ko at pag iiba ng topic.
Gustohin ko mang umiyak at yakapin siya ay hindi ko pwedeng gawin, lalo na ngayon. Tama na. Wala rin namang maidudulot na maganda kapag malaman nilang hiwalay na kami ni Caleb.
Ayokong nang mag alala pa sila sa'kin. I can take care of myself. Kaya ko na...
Ayoko na munang magbanggit ng kahit ano man. Maybe when the right time comes. Siguro naman malalaman din nila 'yon sa mga susunod na araw.
Tamang tama naman na tumawag sa'kin si Kaitlyn ng matapos kong ilagay ang natitirang notebook sa bag ko.
"Hoy bes! Ano na? papasok ka na ba? Halos isang linggo na tayong hindi nagkikita ah! Anong meron?" Tanong niyang pasigaw sa kabilang linya.
"Aw! Ano ka ba naman? Kailangan mo ba talagang sumigaw? Papasok na nga ako eh... Don't worry, I'm still alive! Mumultuhin naman kita kapag namatay ako e!" Pabiro kong sagot.
"Ay pu! Shut up! Cge na. See you later! Bye!" Narinig ko na ang mahabang beep sa tandang pinatay na nito ang tawag.
Natatawa ako habang kinukuha lahat ng mga gamit ko at pagkatapos ay umalis na.
Pagdating ko sa school ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Para akong naliligaw.
Hindi ko naman first time sa school na 'to pero bakit ba ganito, Wala ako sa sarili ko.
Isa lang ang tanging laman ng utak ko, si Caleb.
Si Caleb Andrew Clarke.
Ang aking dakilang EX.
Napatulala ako sa isang sulok ng school ground habang naglalakad at nagbabalik tanaw sa mga nangyari ng gabing 'yon...
"Ano totoo bang naging kayo ni Mel ha?!" Sabi ko sakanya habang patuloy ang pagdaloy ng mga masasaganang luha sa mga mata ko.
Ni hindi ko na nga sya maaninag dahil sa mala-falls na tumutulo dito.
Kung baga sa kalsada ay nasa zero visibility na ang mga mata ako.
Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga oras na 'yon.
Gusto kong pumunta sa tuktok ng eiffel tower at tumalon!
"Sino bang nagsabi sa'yo niyan? Hindi totoo yan! Ano kaba? bakit kaba naniniwala sa mga sabi sabi?!" Sagot nya.
Nakakainis lang, bakit kailangan niya pang magsinungaling sa'kin.
We've been together for two years and we started it so good.
Bakit ganito lang igaganti niya sakin? hindi naman ako nag kulang. Kung tutuusin nga ay sobra pa nga e!
"Huwag mo nga akong ginagawang bobo Caleb! Hindi ako manhid, hindi ako bingi at mas lalong hindi ako tanga!" Galit na galit kong sabi.
Sino ba namang hindi maniniwala sa taong nagsabi sa'kin na naging sila ni Mel kung ang mismong boyfriend nito mismo ang nagsabi sa'kin?
Bakit ba kasi nauso 'yung mga linta? Kakapit nalang sa may karelasyon na, tapos hindi pa nakuntento sa isa. Ang kati kati!
"Kung ayaw mong maniwala mas mabuti pa sigurong maghiwalay nalang tayo." Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko akalaing masasabi niya 'yon sa'kin.
"Ikaw pang may ganang magsabi sakin nyan? Then fine!" Sabi ko at dali dali ng umalis sa harapan niya.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng mga oras na 'yun e.
Basta ang alam ko ay sumakay lang ako ng sumakay.
Akala ko nga makakapunta na ako ng Tugegarao no'n sa sobrang dami ng sinakyan ko.
Nawala ang pagbabalik tanaw ko ng mabunggo ako ng isang bulto na dahilan para malaglag ang mga gamit ko sa sahig.
Malapit na sana ako sa classroom ng mabunggo ako ng mokong na 'to.
Lakas ng basag trip! Nawala tuloy ako sa pagmumunimuni ko.
"I'm sorry!" Sabi ko nalang habang pinupulot lahat ng gamit kong nalaglag.
"Ano ka ba?! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Galit na singhal nito sa'kin.
Wait? What? Kilala ko yung boses na yun.
Iniangat ko ang mukha ko at doon ay tuluyan ko na siyang nakita.
"C-Caleb?" Gulat na sambit ko.
Pagkatapos naming maghiwalay ng araw na 'yon ay ngayon ko lang siya nalapitan ulit ng ganito. Sumasakit ang puso ko sa kaba. Para akong sinasapak ng paulit ulit sa bilis ng pintig ng puso ko.
"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Bakit ba wala ka sa sarili mo! Sa susunod nga mag ingat ka." Pagkatapos sabihin 'yon ay iniwan na ako nito.
Kinuha ko nalang ang lahat ng gamit ko at mabilis na pumasok sa classroom.
Gustong gusto ko siyang sapakin sa totoo lang. Pero diba nga pala ngayon dapat ay start na nang happiness ko.
Wala sanang lungkot pero nakabangga pa ako ng demonyo. Hay!
Paano ka nga naman makakapag move-on kung palagi mo siyang makikita sa campus na 'to?
Kaya ayaw ko ng pumasok eh! Ayoko narin namang lumipat ng school dahil last year na. Sayang naman.
Naupo na ako sa tabi ni Kaitlyn. Walang proper proper sit sa'ming dalawa.
"Oh ayusin mo nga yang mukha mo. Anong nangyari sayo? Bakit para kang binagsakan ng langit, lupa, impyerno?'' Tanong niya na may halong pag aalala.
"Guess who I bumped today! That devil!" Kwento ko na gigil na gigil parin.
"Devil? Teka nga si Georgine na naman ba? yung baklang feeling maganda na mukhang palaka?" Speaking of devils. Ibang klaseng demonyo naman 'yon.
"No. Si ano!" Inis na sabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang kalituhan.
"Si?" Naguguluhang tanong niya.
"C-caleb." Bulong ko sa kanya.
"Ay naku! Hayaan mo na nga 'yun. Huwag ka ng maging bitter diyan. Teka nga pala balita ko ay maglilipat na ng section ngayong mid year. Mamaya ilalabas yung exam natin last week. Ready ka na ba? Baka magkahiwalay na tayo." Sabi nya habang naka sad face.
Nagkalumbaba pa ito at talagang pinaramdam sa'kin ang lungkot niya.
Oo nga pala tuwing kalagitnaan ng pasukan ay may exam ang lahat ng studyante at kung sino ang bumaba at tumaas on their previous exam ay malilipat sa ibang section.
May ganun pang patakaran. Hay basta ako, ayokong mahiwalay kay Kaitlyn tsaka nasa room na 'to ang lahat ng mga kaibigan ko kaya sana'y walang bumaba samin.
Natahimik ang buong klase ng dumating ang aming dalagang adviser. Nag-ayos narin kami ni Kaitlyn at tumayo para batiin ito.
"Good morning Miss Padilla." Bati naming lahat.
Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko na para bang may nagtatambol ng malakas at paulit-ulit.
"Good morning class heto na ang results ng exam niyo last week. Sana'y walang mabawas sa section na 'to. So here." At isa isa niya ng binasa ang resulta.
Dalawa lang naman samin ang nataggal sa'min at may tatlo namang nadagdag.
"Shelly Perez, Miguel Dji Cruz, Caleb Andrew Clarke." Malumanay na usal nito.
"Ano?!" Napasigaw pa si Kaitlyn sa narinig niya at pati ang mga classmates namin ay nagsimula ng magbulungan.
"Hala teh? Ikaw ang EX?" pabulong kong sabi kay Kaitlyn.
"OMG si Clarke!" Malanding hiyaw naman ni Monica.
"Yes!" Sabi naman ni Drew. Isa sa barkada ni Caleb.
At doon nagsimulang gumunaw ng tuluyan ang mundo ko.
Paano na 'to?
Anyone help me!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro