Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

CHAPTER 3: MEET THE KINGS

Dextera's POV

Days had passed and it's Friday. I'm on my way to Crest University, sakay ako ng motorbike ko papunta doon. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa pagmamaneho dahil hindi naman ganoon kalayo ang university sa bahay ko. Nang makarating ako sa parking lot ng school pinark ko na kaagad ang motorbike ko. Paalis na sana ako ng biglang mag -vibrate ang cellphone ko. 

An email from Underground Palace appeared, it says that on July 09, 2021 at exactly 9:00 in the evening there will be a battle between the chosen fighters. It is called the Underground Battle. If you're not strong and brave enough you shouldn't enter the Underground Palace. 

When I saw the email, I smirk. I'm damn excited. I cannot wait any longer. I just hope that the fight will be interesting because if not... I'm going to kill the chosen fighters. 

Fast forward...

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin may biglang tumawag sa'kin.

"Dex!" tawag ni Davina sa'kin. Yeah, it's Davina who called me. My one and only best friend.

"Did you received an email?" she asked.

"Yeah," bored na sagot ko. 

"Tss. Let's meet after our last subject." utos niya. 

How dare her to order me what to do? Oh, I remember it. She's my best friend. Sheeesh. 

I nodded as a response. 

Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagkatapos ng tatlong minuto nakarating na kami sa classroom namin. Dirediretso kaming naglakad papunta sa upuan namin. Alangan namang mag slow-mo pa kami habang naglalakad tss.

Maagang natapos ang klase namin dahil may meeting pa daw ang mga professors. Kaya napaisip ako kung ano na naman ang binabalak ni tanda? Anyway, saka ko na lang muna 'yon iisipin pupuntahan ko pa si Davina sa tagpuan namin.


Davina's POV

Nandito ako ngayon sa may abandonadong building wala masyadong nagagawing mga estudyante dito sa kadahilanan na may namamalagi daw dito na mga kaluluwang hindi matahimik. Totoo kaya 'yon? Aish. Hinihintay ko nga pala si Dex na makarating dito. Nako, I'm pretty sure na late na naman 'yon, lagi naman. May narinig akong sumisipol-sipol patungo sa kinaroroonan ko. Hindi na ako nag-abalang alamin kung sino 'yon dahil kilala ko na rin naman. 

"What took you so long to get here, huh?" agad na bungad ko kay Dex. "You're late again." masungit na dugtong ko atsaka inirapan siya. 

Don't worry di naman niya ako papatayin...sasakalin pwede pa. Biro lang.

"For your damn information, isang minuto lang akong na-late. Kung maka-react ka dyan wagas, tss." poker face na sabi niya. 

"Tss." tanging lumabas sa bibig ko bago niya ako hinagisan ng dagger niya. 

Mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko ito gamit lamang ang dalawang daliri ko. Pagkasalo ko agad ko rin itong hinagis sa kaniya na nasalo rin naman niya. Mabuti na lang at nasalo ko ang dagger niya dahil kung hindi ko 'yon nasalo nakabulagta na ako dito. May lason kasi ang dagger niya, nakakamatay pa man din. Wala pa ring kupas ang reflexes niya, kasing bilis pa rin ng dati or should I say na mas nag-improved ang galaw niya.

"Any update about them? Did you find anyone of them?" seryosong tanong niya.

"Don't ask me about an update, Dex." seryosong sagot ko. "I know that you already found them...or should I say we already found each other." nakangising dugtong ko kasabay ng pagtama ng dagger ni Dex sa litratong nasa harapan namin. 

"Tss. I'm just asking. Malay ko bang may alam kana rin pala." sarkastikong sambit niya habang papalapit sa litratong nasa harapan namin at dahan-dahang kinuha ang dagger niya na nakatarak doon.

"I'm not Davina Williams for nothing." nakangising sabi ko.

"Whatever." she said before she left me. 

I sighed. 

She's really my best friend.


*****

Hamilton's Mansion

Nagpapahinga ako ngayon habang hinihintay na mag-9:00 PM para maghanda sa gaganaping underground battle mamaya nang may biglang bumusina sa labas ng bahay ko. Sino na namang lapastangan ang bubusina sa labas ng bahay ko sa ganitong oras? 

Bumaba ako para puntahan ang bwisit na nambubulabog sa pagpapahinga ko. May pinindot ako sa wristwatch ko para mag open ang gate.

"What took you so long, Venom?" iritang tanong ni Death.

Si Death lang pala. Sa bagay siya lang naman ang may lakas ng loob na bumusina sa labas ng bahay ko.

"What brings you here?" bored na tanong ko.

"Tatanungin lang sana kita kung sasabay ka?" she asked habang inaayos ang suot niyang leather jacket.

I nodded. "Just give me 10 minutes." utos ko. 

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. After 10 minutes natapos na rin akong mag-ayos at ihanda ang dapat na ihanda. I'm wearing a black jeans, black leather jacket, black boots, and black lipstick. Also, I cannot forget the most important thing when entering the Underground Palace– my mask. It's a color black mask. It has a gold dagger design. Even though, I know how to use different weapons dagger will be always my number one favorite.

Bago ako bumaba kinuha ko muna ang susi ng motorbike ko. Pagkarating ko sa parking lot agad akong umangkas sa motorbike ko at pinaandar iyon palabas ng gate.

"Let's go" Death said, 

I just nod at her.

Atsaka ulit pinaandar ang motorbike ko.


Davina's POV

Underground Palace 

Nang makarating kami sa labas ng Underground Palace marami-rami na rin ang mga tao ang bumungad sa amin. Nandito mga pala kami sa pinakasulok kaya hindi kami napapansin ng mga taong napapadaan o pumapasok sa loob.

 Ang Underground Palace ay isang tagong lugar kung saan ginaganap ang battle round o kung tawagin ay ang Underground Battle. Iba't-ibang organisasyon ang mayroon dito sa Underground Palace ngunit hindi ko na sila iisa-isahin pa. Kasabay ng pagdating namin ay ang pagdating din ng walong sasakyan. Kilala ko na kung sino ang mga taong nasa loob ng mga sasakyan na 'yan. They are the 'kings' of Underground Palace kuno. How did I know? Secret. It's for me to know, it's for you to find out.

Nauna silang pumasok sa amin. Samantalang sa likod naman kami dumaan ni Venom para walang makapansin sa amin. Nang makapasok kami ay dumoble ang mga taong bumungad sa'min. May mga naghihiyawan, nag-aaway sa gilid ng stadium. Samantalang yung iba nama'y nagpupustahan kung sino ang mananalo mamaya at higit sa lahat kung sino ang uuwing wala ng buhay. Lagi namang ganito, lalo na kapag underground battle ang pinag-uusapan. 

Sumapit na ang nakatakdang oras kaya magsisimula na rin ang laban ng mga  mapipiling personalidad nagmula sa iba't-ibang organisasyon. Excited na rin akong mapanood ang laban sa bawat grupo. Sana naman hindi maging boring ang laban nila dahil nakasisiguro akong may hindi makakapaghintay dito at bigla na lang sumali sa laban ng mapipiling grupo. Hindi ko sinasabing si Venom 'yon pero malay ninyo siya talaga. 

Hindi na ako makapaghintay na makaharap ang mga kings. Kating-kati na ang mga palad ko na mamarkahan ang isa sa kanila o kung pwede nga lang lahat sila pero masyado akong mapagbigay kaya sa kanila na lang yung iba.

"Are you ready?" sigaw ng m.c na nasa gitnang bahagi ng stadium. Naghiwayan naman ang mga tao sa loob ng Underground Palace ngunit mas naghiyawan pa ang mga tao ng mapunta ang ilaw sa mga 'kings' kuno.

Napa-iling na lang ako. 



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro