Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Just One Chance

Missy's POV

[SABAY na tayo, freenie.]

I was preparing myself when I received a chat message from Fatima. Kahapon pa siya excited para sa araw na ito.

I looked at myself in front of the mirror. I was wearing a simple floral yellow dress, and sunglasses on my head, and decided to bring a summer hat na hawak-hawak ko.

[Sure! I'm on my way na.]

I can't hide my happiness when I step out of the house. Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad. Today is the day. Papunta na kami sa Pansol para sa Team Building namin. It's our chance to interact with the whole span.

Apat na oras din ang byahe namin bago nakarating sa Pansol. Bakas sa mukha naming dalawa ni Fatima nang makarating na kami sa loob ng venue. I can see others already swimming, yung iba naman ay busy sa pag-ihaw ng isda at ng iba pang ulam na ihahain mamaya, yung iba ay busy rin sa paglagay ng decorations sa isang malaking white board na nasa mini stage. I can't help myself but amuse on the scenery. Nakita ko rin kaagad ang Team Leader namin na kasama sa iisang table ang iba pa namin ka-teammates. Excited kaming pareho ni Fatima na lumapit.

"Tara na't maligo!" hyper na sigaw ni Fatima.

"Kakarating niyo nga lang, pwede pahinga muna?" pagbasag ng Isay, isa sa ka-teammate namin. Nag make-face lang si Fatima sa kanya. Sanay na ang dalawang 'yan sa pagbabardagulan.

"Where's the CR? I think I need to change muna." Paalam ko sa kanila. Tinuro naman nila ang daan kaya kaagad akong dumiretso ng lakad.

On my way ay nakasalubong ko si Harold. I tried to avoid by looking down while walking, pero talagang makulit ang lalaking ito. Hinarangan niya ang daraanan ko dahilan para mabunggo ako sa dibdib niya.

I can smell the freshness in his scent. Kaagad akong lumayo sa kanya at sinubukang magpatuloy sa paglalakad habang nakayuko pa rin pero hinarangan niya na naman ako.

"Excuse me," mahinahong sambit ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Why are you avoiding me, Missy?"

Sinubukan kong dumiretso ng lakad pero kahit saan ako magpunta, hinaharangan niya. Dahil sa inis ay napatingin na ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na naka polo siyang kulay asul, nakatanggal ang dalawang butones kaya kita kaagad ang itaas na parte ng kanyang dibdib. Umiwas ako ng tingin. I tried to compose myself.

"I need to change, coach."

"Is it because of my confession?" he asked at hindi man lang pinakinggan ang sinabi ko.

This time ay tinitigan ko na siya sa kanyang mga mata. At first, na-awkward pa ako but I have to face him once and for all.

"I'm not sure if I was not able to make myself clear. But let me tell you this one last time, coach." I paused for a second. "I love Adrian. So please, stop it already."

I can see the pain in his eyes.

"What's wrong with me? I will love you more than what Adrian can give, I promise."

He hold my hands. Napaigtad ako pero mas lalo niya itong hinigpitan ng hawak.

"I will make you mine, Missy." He said in a serious tone. I don't know what to react. He's too persistent. Ayaw niya akong tantanan.

"What do I need to do para tigilan mo na ako?" medyo iritable kong tanong sa kanya.

"Can't you just give me a chance?"

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Kinilabutan naman ako sa ginawa niya kaya kaagad kong inalis ang kanyang mga kamay.

"Just give me a chance, Missy. Be mine for a day. I will make you happy even for just a day and if I fail, then I will stop." He smiled at me. I can see the sincerity in his dark brown eyes.

Napabuntonghininga ako. Ang kulit!

"Fine. One day. And please, don't you ever dare to bother me or Adrian again after this day. Ayaw kong makarating sa kanya ito. As much as possible I want to keep our relationship safe and strong."

I raised a brow nang hindi ko siya narinig magsalita. Noong mapansin niya iyon ay kaagad siyang tumango. Kita sa mukha niya ang saya. Mayamaya lang ay tuluyan na akong umalis na harapan niya at pumasok na sa CR para magpalit ng damit.

Ano ba itong pinasok mo, Missy?

---------*****----------

NAKAUPO lang ako sa gilid ng swimming pool, nakababad ang mga paa sa tubig at nakangiting nakatingin sa mga ka-teammate na masayang naglalaro sa pool. Para silang mga bata na nakawala sa lungga.

Bandang alas tres na ng hapon, medyo may katirikan ang araw pero hindi iyon pinapansin ng mga kasama ko at masaya lang silang naglalaro. Mayamaya lang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Kahit hindi ko lingunin kung sino iyon ay may idea na kaagad ako. Sino pa nga ba ang panay lapit nang lapit sa akin kahit tinataboy ko?

"Bakit ayaw mo sumama sa kanila?" kaagad niyang tanong. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

"Mamaya," maiksing sagot ko sa kanya.

"Here." I can see through my peripheral vision na may inaabot siyang baso. Nang tingnan ko iyon para kumpirmahin ay nakita kong isa nga itong basong puno ng inumin na kung hindi ako nagkakamali, pineapple flavor. Napansin niya sigurong nakatunganga lang ako habang nakatingin sa basong inaabot niya kaya mas nilapit niya pa iyon sa akin. Kinuha ko na lamang ang baso. After all, makulit ang isang ito at hindi ako lulubayan hanggat hindi ko kinukuha ang juice na binibigay niya.

Halos kalahating oras din kaming nakaupo sa pwestong iyon. Kung anu-ano ang mga kinukwento niya sa akin. Nagkunwari na lang ako na nakikinig pero ang totoo ay hindi naman ako interesado sa kwento ng buhay niya. Pinapakisamahan ko na lang siya dahil sa napag-usapan naming dalawa kanina.

Just this one, self. Palipasin mo lang ang araw na ito at kinabukasan panigurado ay lulubayan ka na ng lalaking ito.

Nang makaramdam na ako ng pangangalay sa bandang puwetan ay napagdesisyunan kong tumayo na pero dahil sa ka-engotan ko ay na-out balance ako dahilan para mahulog ako sa pool. Marunong naman akong lumangoy kahit papaano pero dahil sa bilis ng pangyayari, pakiramdam ko ay nalulunod ako.

Narinig ko pang napahiyaw ang ilan na naroon at nakita ko naman si Harold na tumalon sa tubig at lumapit para sagipin ako. Mayamaya lang ay inalalayan niya akong makakapit sa may semento kung saan ako naka-upo kanina.

Habol-hininga ang ginawa ko dahil sa nangyari. Ang lakas ng kabig ng dibdib ko.

"Ayos ka lang?"

Hindi ko namalayan na nakaahon na pala siya at inaalalayan ako ng kamay niya para makaahon na rin ako. Hindi na ako nag-inarte pa at inabot iyon at nang makaahon ay kaagad akong napayakap sa sarili dahil sa lamig.

Mabilis na lumapit sa pwesto namin si Fatima at kaagad na inabot ang dala niyang tuwalya. Naunahan naman ako ni Harold na kunin 'yun at pinalibot niya sa katawan ko.

"S-Salamat."

Ramdam ko ang panginginig ng sariling labi.

"Sa susunod mag-iingat ka," panenermon nito. Bakas sa boses at mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko na lamang siya pinansin at saka dumiretso na sa may bench kung saan nakalapag ang bag na dala ko. Nakasunod naman sa akin si Harold.

Nakakainis! Balak ko sana mamayang gabi na maligo, eh. Kung bakit ba kasi biglang nanlambot ang mga paa ko at na-out balance. Tsk.

Hinanap ko sa bag ang isang pares ng damit at shorts saka dumiretso ng banyo nang hindi man lang kinakausap si Harold. Pagkabalik ko ay wala na siya sa may upuan. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

Saan na siya?

Marahan akong napapikit. Bakit ko ba siya hinahanap?

"Freenie! Kumusta?"

Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala nang lapitan ako. Ngumiti lang ako sa kanya.

"I'm okay now. Thanks by the way," usal ko saka inabot ang tuwalyang binigay niya kanina. Mayamaya lang ay ngumisi siya nang nakakaloko.

"What's with the smile?"

"Ikaw ha, dumada-moves ka kay Coach Harold, ah!"

Muntikan na akong masamid dahil sa narinig at nanlalaking mga matang napatingin sa kanya.

"Seriously?" I said in disbelief. "Talaga ba, Fatima? Ako, dumadamoves kay Harold?"

"See? First name basis na kayo ngayon, oh!" pang-aasar pa niya.

"Malamang! Wala naman tayo sa office, e. We can be workmate at the office but we can be friends outside the premisis, remember?"

'Yun kasi ang motto ng batch namin na tinuro ni Trainer Sidd. Kapag nasa loob kami ng opisina, act professional. Pero kapag nasa labas na kami, pwedeng namin silang i-address sa pangalan nila kung gusto namin. Kaagad siyang napaisip sa sinabi ko saka unti-unting tumatango.

"Kung sa bagay," komento pa niya. "Pero kahit na, hindi yun ang topic dito, frennie. Tungkol ito doon sa masinsinan ninyong pag-uusap ni Coach–I mean, Harold, sa may pool. May something na ba? Ikaw ha, hindi ka nagsasabi sa akin."

Umiwas ako sa mga kiliti niya. "Kilabutan ka nga! Anong something pinagsasabi mo d'yan? Walang ganun. May Adrian na ako, remember?"

I raised a brow, in case she forgot. Inirapan niya lang ako.

"No offense pero kasi mas hashtag-HaSsy shipper kasi ako, eh."

Napailing na lang ako dahil sa naririnig. Pambihira!

Nagpalaro lang ng kung anu-anong laro ang Operation's Manager namin kaya maririnig sa buong resort ang ingay at tawanan ng lahat. Bandang alas siete na ng gabi nang mag-anunsiyo ang isa sa mga TL na siyang emcee rin ng event. Nakatayo siya sa mini-stage at may hawak na microphone. Oras na para kumain ng sabay-sabay ang lahat. Tamang-tama at nagugutom na rin ako.

I scanned the food in the table. Marami at halu-halong pagkain ang nakikita ko. Boodle fight ang naisipang pakulo ng management dahil mas masarap daw kapag ganun. May nakikita akong adobong manok, pritong manok at isda. May seafoods din akong nakikita kagaya na lamang ng hipon at alimango. Bigla akong natakam. Si OM ang nag lead ng prayer at nang matapos ay kanya-kanya nang kain ang lahat. Bago ako kumain ay nagpunta muna ako sa bench at kinuha ang phone kong nasa loob lang ng bag. Kaagad kong tsineck ang account ni Adrian.

[I miss you, hal.]

[Ingat ka sa pag-uwi ha?]

[Enjoy ka lang d'yan]

[I love you! <3]

Napangiti ako sa sunod-sunod na chat sa akin ni Adrian.

[I miss you too, hal. Behave ka lang d'yan, okay?]

[We just played random games. Sa ngayon, kakain na kami. Update ako later, hal. I love you! <3]

Pinatay ko muna ang data at akmang tatalikod na sana para bumalik sa pwesto ko kanina nang makasalubong ko si Harold. Muntikan na naman akong mapasubsob sa dibdib niya buti na lang ay naagapan ko.

Bahagyang dumapo ang paningin ko sa katawan niya. Wala itong suot na damit at kitang-kita ang matipuno niyang katawan na para bang laging laman ng gym. Agaw-pansin rin ang abs niyang parang nang-aakit na hawakan ang mga ito.

Wait. What?

Napaiwas ako ng tingin dahil sa naiisip. Pakiramdam ko nag-init bigla ang mukha at tainga ko. Aalis na sana ako sa harapan niya pero hinarangan na naman niya ako.

Ang hilig niya talagang harangan ang daanan ko. Nakakainis!

"Are you okay? Parang namumutla ka," sambit niya saka dinampian ng palad ang noo ko. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Napayuko ako.

Hindi ko alam pero mas lalo akong nakaramdam ng init nang lapitan pa niya ako.

"Gutom na ako." Ang tanging nasabi ko na lang bago umalis sa harapan niya.

I can't deny the fact na may maipagmamayabang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro