Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Harold

Adrian's POV

Isang linggo na ang lumipas magmula noong magpunta kami sa Camp site para mag celebrate ng 5th year anniversary namin. Dalawang buwan na rin ang dumaan magmula noong makahanap si Missy ng trabaho sa isang BPO company bilang isang customer service representative.

Pinaliwanag niya naman sa akin ang dahilan kung bakit siya naghanap kaagad ng trabaho at tumigil na rin sa pag-aaral. Gusto niya raw makatulong sa gastusin at sa pagpasok niya sa BPO ang nakikita niyang solusyon para doon. Ang usapan naming dalawa, babalik pa rin siya sa pag-aaral pero sa ngayon ay mag-iipon lang muna ng panggastos naming dalawa. Lalo pa at wala naman kaming ibang maaasahan kung hindi ang sarili lang din namin.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng apartment. Kakatapos ko lang kasi mamalengke at bitbit ko sa magkabilaang kamay ang dalawang paper bag. Nang makarating na ako ng bahay ay nilapag ko na kaagad sa mesa ang mga gulay na pinamili ko. Off ko ngayon sa Morning Cafe kaya naisipan kong ipagluto si Missy ng paborito niyang ulam na sinigang na manok.

Nang tingnan ko ang oras ay nasa alas onse na pala ng tanghali, oras din ng uwian ni Missy kaya sakto lang ang preparasyon ko para pag-uwi niya ay luto na at nakahain ang paborito niyang ulam. Habang hinahanda ko ang mga kakailanganin, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa may bulsa kaya kaagad ko itong tiningnan. Napangiti ako nang mabasa ang chat niya.

[Hal, pauwi na ako.]

[Mag-iingat ka, hal. May gwapong nakaabang dito sa bahay pag-uwi mo.]

Mas lalo akong napangiti pagkatapos kong pindutin ang send button. 

[I just realized, off mo nga pala today. Do you want to go somewhere, hal?]

[Hindi na, hal. Next time na lang kapag pareho tayong naka rest day. May pasok ka kasi mamaya kaya hindi pwede.]

Gustuhin ko man siyang ayain na gumala sa labas, hindi rin pwede dahil may pasok nga siya mamaya. Ayaw ko namang magdahilan siya ng kung anu-ano sa team leader niya para lang di pumasok. Mas okay na itong pagkauwi niya, may madadatnan siyang masarap na pagkaing gawa ko mismo.

Pagkatapos kong ipripara ang lahat ng kailangan ay nagsimula na ako magluto. Sinimulan ko ito sa paggisa ng bawang, sibuyas at luya. Sinunod ko na rin kaagad ang kamatis at ilang minuto lang ay nilagay ko na rin ang isang kilong manok. Sinunod ko na rin ang paglagay ng isang litrong tubig at nilagyan ko ito ng kaonting patis at ang pampaasim.

Nang kumulo na ito ay kumuha ako ng isang kutsara at saka sumandok ng kaonting sabaw para tikman kung sakto na ba ang lasa nito. Mayamaya lang ay nangasim ang mukha ko nang malasahan ito.

"Sakto! Tiyak magugustuhan 'to ni Missy." sambit ko sa sarili saka nagpatuloy lang sa pagluluto.

---------*****----------

HINDI ko mapigilan ang saya nang makita ko ang chat niya sa akin na malapit na raw siya. Excited akong lumapit sa pintuan at doon ko siya hinintay.

Isang malapad na ngiti ang bumungad sa kanya nang buksan na niya ang pintuan. Kita ko rin naman kaagad na medyo pagod siya sa byahe kaya kinuha ko na kaagad ang sling bag niyang kulay green at saka inalalayan papasok sa loob ng bahay.

"Kumusta byahe?" tanong ko kaagad nang makapasok na siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at saka niyakap sa tagiliran niya.

"Sobrang traffic, hal! Nakaka-stress!" reklamo niya.

"Hindi ka pa ba sanay sa traffic, hal?" natatawang sambit ko.

"Ewan ko ba. I can't get used to it. Wait, what's that smell? Don't tell me—" magrereklamo pa lang sana siya ulit pero nakuha niya ang atensiyon ng amoy ng niluto ko.

"Yup! Your favorite!"

"OMG, hal!"

Matapos niyang banggitin 'yun ay kaagad siyang tumakbo sa kusina at saka hinanap ang naamoy niyang luto ko. Sumunod naman ako sa kanya.

"I knew it! You didn't tell me na nagluto ka pala, hal."

"Well, surprise!" natatawa ko pa ring sambit. Hindi ko maitago ang tuwa dahil sa naging reaksyon niya. Sobrang paborito niya talaga ang sinigang na manok noon pa man kaya balewala na sa akin ngayon yung pagod na naramdaman ko kanina habang nagluluto. Ang mahalaga ay masaya siya. Kita ko sa mukha niya ang pagkatakam.

"Upo ka na hal, ako na ang bahala."

Sumunod naman kaagad siya sa sinabi ko at nagsandok rin ako kaagad ng pagkain niya. Sinabay ko na rin ang sa akin at sabay kaming kumain dalawa. Tiniis ko talaga ang gutom dahil gusto ko siyang makasabay sa pagkain.

"Kumusta ka naman sa trabaho mo?" tanong ko habang kumakain na kaming dalawa.

"Nakaka-overwhelm yung process pero kaya naman. My teammates are kind too, tinuturuan rin talaga nila ako kapag may time na nalilito ako."

Tinitigan ko lang siya habang busy siya sa pagkain ng buto ng manok. "Mabuti naman kung ganun. Basta kapag nagkaproblema, sabihan mo lang ako, ah? Wala akong masyadong alam sa bpo pero kapag kailangan mo ng makakausap andito lang ako."

Tumigil siya sa pagkain at napatingin sa akin saka ngumiti. "Of course, hal. Thank you."

"Thank you lang?" pagtatampo ko. Sumimangot pa ako sa kanya. Mayamaya lang ay tumayo siya at lumapit sa akin. Mabilis niya akong hinalikan sa labi.

"Thank you, hal. Ang sarap ng pagkain. Kuhang-kuha mo talaga ang pagiging maasim ng sinigang na gusto ko." gigil nitong sambit.

Pagkatapos ay bumalik na rin siya sa upuan niya na katapat lang ng pwesto ko, at nagpatuloy na rin sa pagkain.

Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang patuloy lang sa pagkain.

Wala naman kaming masyadong napag-usapan habang kumakain maliban sa naging araw niya sa trabaho. Nabanggit niya sa akin na kahit papaano ay mayroon na siyang nakakausap at nakakabiruan.

"Pero ayaw ko masyadong ma-attach sa kanila, hal. Ang sabi kasi, change is constant. Once na makapasa kami sa nesting, madi-distribute kami to different teams." Pag-e-explain nito kahit hindi ko naman masyadong maintindihan ang mga terms na ginagamit niya. Hinayaan ko na lang siya magkwento at nakinig lang ako.

"Depende naman sa tao yun hal kung gusto nilang ma-attach o hindi. May iba pa rin namang paraan para makausap mo ang taong iyon kahit magkaiba na kayo ng team. Pero nasa sa iyo pa rin naman yun, hal. Kung saan ka magiging masaya, doon ako."

Ngumiti lang siya sa akin habang kagat-kagat ang kutsara niya na kakatapos lang higupin ang sabaw ng sinigang.

---------*****----------

INASIKASO ko ang lahat ng kakailanganin ni Missy papasok sa trabaho para pagkagising niya ay maliligo na lang siya, hindi na niya kailangang kumilos pa masyado.

Pumasok ako sa kwarto noong narinig kong nag alarm ang phone niya. Pagkatingin ko sa kanya, balot na balot pa rin ito ng kumot at tila hindi natitinag sa ingay ng kanyang alarm. Napapailing na lang akong lumapit sa pwesto niya at pinatay ang alarm.

"Hal, gising na at mag-aasikaso ka pa." dahan-dahan ko siyang ginigising, sakto lang para hindi gaanong mabigla. Hinalikan ko ang kanyang noo at saka hinawi ang buhok na humaharang sa maganda niyang mukha.

"Hmm."

"Hal, baka ma-late ka po, gumising ka na d'yan."

"Five minutes more, hal. Antok pa ako."

Napapailing akong muli dahil sa narinig. "O sige, balikan kita mamaya after five minutes, ah. Bumangon ka na pagkatapos."

Hindi ko na siya narinig na sumagot pa kaya tumayo na rin ako. Lalabas na sana ako sa kwarto nang biglang tumunog ang phone niya. Pagkatingin ko ay parang may natanggap siyang message. Na-curious naman ako kaya tiningnan ko muna ito saglit pero nagtaka ako sa nakita.

Harold Escudero sent you a message.

Harold? Parang wala naman akong natatandaang kaibigan ni Missy na Harold ang pangalan?

Dahil na-curious ako lalo ay binuksan ko ang message na 'yun. Mas lalo lang nangunot ang noo ko nang makita ko ang mensahe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro