Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: Confrontation

Adrian's POV

HINDI ako mapakali. Pasado alas otso na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Missy. Kanina pa ako panay tawag at chat sa kaniya pero wala akong natanggap ni isang reply man lang.

Dahil sa inis at frustration ko kanina ay mas pinili ko na lang ang umuwi imbes na komprontahin si Missy dahil sa ginawa niya. Baka may rason siya kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa akin, bagay na hindi naman niya madalas ginagawa. Ang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot pero heto ako ngayon, naghihintay lang sa kaniya at sa paliwanag niya.

Bakit magkasama sila nung lalakeng iyon? Bakit hawak niya ang bag ng Girlfriend ko? Bakit balisa at hindi siya mapakali noong tanungin ko kung pauwi na siya? Ano ang tinatago mo sa akin, Missy?

Napahinto ako kakalakad sa loob ng bahay nang marinig kong nagbukas ang pintuan. Nagmadali akong pumunta roon at nakita ko si Missy, tila wala sa sariling naglalakad papasok. Tulala lang siya at halata mong medyo namamaga ang kaniyang mga mata.

"Saan ka galing? Anong oras na, ah?" bungad ko sa kaniya. Isang katahimikan ang sumagot sa akin. "Sa pagkakaalam ko alas onse lang ng tanghali ang end of shift mo pero alas otso na nang gabi."

Tumingin siya sa mata ko pero wala pang isang segundo ay napaiwas siya ng tingin palayo.

"Kinakausap kita, Missy. Saan ka galing?"

"I told you earlier, I rendered an OT." Walang-ganang sagot niya. Napantig naman ang tainga ko sa narinig.

Huh! Paninindigan niya talaga ang kasinungalingan niya?

"OT? 11am to 8pm, OT?" singhal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko na siya ng boses.

"Please, hal, pagod ako. Bukas na lang, pwede?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa inis at kagat-labing napatingala habang nakapamewang. Pambihira!

Hindi pa man ako nakakasagot ay dumaan na siya sa harapan ko at naglakad papuntang kwarto. Napasabunot ako sa sariling buhok sa inis at mayamaya lang ay sinundan ko siya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" makahulugang tanong ko sa kanya. Baka kasi may nakakalimutan siyang i-kwento sa akin. Kung ano'ng meron at magkasama silang dalawa kanina nung Harold na yun.

Inilapag niya ang dalang bag sa kama at kasunod 'nun ay ang paghiga niya. Nakita kong pumikit siya ng mga mata nang hindi man lang pinapansin ang tanong ko.

"Missy, kinakausap kita. Ano ba'ng nangyayari? Hindi ka naman ganito, ah?"

"Adrian, pwede ba?!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Missy. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa pagkabigla.

"Sinabi ko na sa 'yo, pagod ako. Will you please stop even just for now? Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm not in a mood right now kaya 'wag mo akong simulan."

Natahimik ako. Ano'ng ibig niyang sabihin doon? Saan siya naguguluhan? Eh, ako nga ang naguguluhan sa nangyayari dahil sa nakita kanina.

Napabuntonghininga ako. Mayamaya lang ay napagdesisyunan kong umalis ng kwarto at tumambay na lamang sa sala. Walang mangyayari kung ganitong parehong mainit ang ulo naming dalawa. Kakausapin ko na lang siya tungkol sa nakita ko kanina kapag kalmado na siya at ang sarili ko.
Hindi ako basta-basta nagagalit sa kaniya. Pero iba ang kutob ko dahil sa nakita kanina. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano hanggat hindi ko mismo naririnig sa kaniya ang totoo.

---------*****----------

MAHIMBING na natutulog si Missy ngayon samantalang balisa pa rin ako at hindi mapakali. Hindi na kasi siya lumabas pa at 'nung tingnan ko ito sa loob ng kwarto ay natutulog na pala.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hindi ganitong Missy ang pagkakakilala ko sa kaniya. May mga araw na hindi kami nagkakaintindihan kahit sa simpleng bagay lang pero naaayos rin naman kaagad. Kung minsan ay siya pa nga ang nakikipagbati sa akin. Kapag naman nagkagalit kami, hindi namin hinahayaan na makakatulog kami sa gabi nang may sama ng loob. Pero sa nakikita ko ngayon, ang payapa niyang natutulog samantalang halos magsigawan na kaming dalawa kanina.

Okay naman kami noong mga nakaraang araw pero bakit bigla siyang naging ganito?

Lalabas na sana ako ng kwarto pero biglang tumunog ang cellphone niya. Noong una ay hindi ko pinansin iyon pero nasundan pa ng pangalawa hanggang sa pang-apat na magkasunod na tunog. Kunot-noo akong lumapit sa isang maliit na mesa na katabi lang ng kama kung saan nakapatong ang phone niya at kaagad kong tiningnan iyon.

Mas lalong nangunot ang noo ko at napapataas ang kanang kilay nang ma-realized na may password na ito.

Kailan pa siya naglagay ng password?

Mas lalong lumakas ang kaba at pagdududang nararamdaman ko. Ano ba talaga ang tinatago mo sa akin, Missy?

Sinubukan kong buksan iyon. Nag-isip ako ng pwedeng maging password niya na may six digits. Sinubukan ko ang birthday naming dalawa at maging ang anniversary namin pero lahat 'yun ay mali. Sinubukan ko rin ang default na one to six pero mali pa rin hanggang sa sinukuan ko na lamang iyon. Hindi kasi kita sa notification bar niya ang kung sino at ano ang laman ng message, sinadya yatang itago iyon. Ilalapag ko na sana ang phone niya pero kaagad itong nagvibrate at nakita kong may tumatawag na numero lang. Napatitig ako sa numerong tumatawag. Mag-ala una na ng madaling araw, bakit may tumatawag pa sa kaniya ng ganitong oras?

Dahil sa kuryusidad ko ay sinagot ko ang tawag. Pero nagkamali yata ako sa naging desisyun ko.

[Missy?]

Boses ng isang lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.

[Missy, gising ka pa ba? Missy about what happened—]

[Sino 'to?]

Napatingin ulit ako sa numerong tumatawag nang hindi ko siya marinig na magsalita. Noong ma-realize na nasa kabilang linya pa rin siya ay binalik ko sa tainga ang phone ni Missy.

[Girlfriend 'to ni Missy. Sino ka ba at bakit ka tumatawag sa kaniya ng ganitong oras?]

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at medyo napataas na ng boses dahil sa pagka-irita. Mayamaya lang ay narinig ko na ang dial tone. Pinatayan niya ako!
Pamilyar ang boses ng lalaking iyon. Hindi kaya—

"Missy," dahan-dahan ko siyang niyuyogyog para gisingin. Pagkamulat na pagkamulat ng kaniyang mga mata ay napatingin siya kaagad sa hawak ko at mabilis niyang hinablot iyon sa akin.

"Bakit mo hawak 'to?" tanong niya habang tinatago sa likuran ang phone niya.

"Ako dapat ang magtatanong sa 'yo. Ano'ng meron at may password na 'yang phone mo at bakit parang may tinatago ka sa akin?"

Tiningnan ko siya sa mga mata pero nag-iwas lang ito. "Tapatin mo nga ako, hal. May tinatago ka ba sa akin?"

"A-Anong tinatago? W-wala!"

Tumayo siya at lumabas ng kwarto kaya sumunod ako sa kaniya.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling nang ganiyan, Missy?"

Hindi niya ako pinapansin at dire-diretso lang sa kusina. Kinuha niya ang isang pitsel na naglalaman ng tubig at inabot at baso na kaagad niya ring nilagyan ng laman iyon.

"Si Harold ba?" napatigil siya sa pag-inom nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon. Ramdam ko ang paggalaw ng panga ko dahil sa naiisip. Mayamaya lang ay humarap siya sa akin.

"Kanina pa kita hinihintay na magsabi sa akin ng totoo, hal. Binibigyan kita ng pagkakataon na depensahan ang sarili mo pero wala akong natatanggap na kahit na anong paliwanag galing sa 'yo. Iniisip ko baka ginugulo ka lang niya o kung ano man, pero mukhang nagkakamali yata ako." mahabang litantiya ko.

Nakita kong napainom siya ng dalawang basong tubig na magkasunod at hindi makatingin sa akin nang diretso.

"What are you talking about?"

Napasinghal ako nang sa wakas ay harapin niya ako. "Talaga ba, Missy? Hanggang ngayon ba magde-deny ka pa rin? Okay, sige. Kung wala kang tinatago sa akin, bakit late ka na umuwi?"

Umirap siya. "I told you already, pinag-OT kami. Isama mo pa 'yung pagiging traffic kaya mas natagalan ang uwi ko."

I smirked. Naramdaman kong unti-unti nang tumulo ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilang 'wag lumabas. Parang tinutusok ng kung anong matulis na bagay ang dibdib ko at kumikirot ito.

"Sinungaling." Napairap siyang muli sa depensa ko. "Nakita ko kayo kanina 'nung Harold na 'yun."

Mas lalo akong naluha nang makita ko ang gulat na gulat niyang mukha. Makikita sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa naririnig. "Bitbit niya ang bag mo noong palabas na kayo ng building ninyo. Tinawagan kita, ang sabi mo nasa locker room ka at pinag-OT kayo pero ang totoo, kasama mo ang kumag na 'yun at nasa labas kayo."

"Hal—"

"Alam mo kung ano ang masakit? Yung nagawa mong magsinungaling kanina pero hanggang ngayon ay pinaninindigan mo pa rin 'yang kasinungalingan mo."

"Hal, let me explain—"

Lalapit sana siya sa akin pero kaagad ko itong pinigilan. "Explain? Sige nga, anong kasinungalingan na naman ba ang sasabihin mo sa akin?"

Natahimik siya. "Akala mo ba hindi ko napapansin? Masyado ka nang busy, ni hindi na nga kita nakakausap nang maayos. Tapos malaman-laman ko may kausap ka na pa lang iba? Ano ba ang nagawa ko at sinasaktan mo ako nang ganito?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ako at mas lalong lumakas ang hagulgol. Napahawak ako sa malapit na upuan dahil sa biglang panghihina ng mga tuhod ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro