7. LOSE
7:
LOSE
Malakas ang ihip ng hangin. Mabuti na lang at makapal ngayon ang suot ko. Pero ang suot kong summer hat ay tinangay ng hangin. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan na lamang iyon ng tingin hanggang sa bumagsak iyon sa lupa.
Ngunit ang pagtingin ko sa aking summer hat ay unti-unting nalipat sa lalaking lumuhod para kunin iyon. Nagawa niya pa iyong pagpagan bago tuluyang tumayo at titigan ako sa mga mata.
Hindi pa siya gumagawa ng hakbang para lapitan ako pero sobrang bilis na kaagad ng tibok ng puso ko. Na tila ba kilala siya neto.
Pareho lang naming pinagmamasdan ang isa‘t isa. Tila sinusuri kung pareho bang may nagbago sa aming dalawa. Ang mga tingin niyang tila inaalisa bawat parte ng mukha ko. Ang mga mata niyang nagsasabing nangungulila siya sa presensiya ko.
Peke akong umubo at ako na mismo ang nagsimulang maglakad papunta sa gawi niya. Mukhang natauhan naman na siya kaya nagsimula na rin siyang maglakad papasalubong sa akin. Huminto lang kami pareho nang kaunti na lang ang distansiya naming dalawa. Nanatiling magkahinang ang mga mata naming inabot niya sa akin ang summer hat ko.
“It‘s been one week since the last I saw you.”
Dahil sa sinabi niya ay nagising ako sa katotohanan na iniiwasan ko nga pala siya. Kaya paunti-unti ay umatras ako patalikod saka iniwasan ang tingin niya.
“Free ka ba this Sunday?”
Kaagad ko siyang nilingon dahil sa tinanong niya kahit ang totoo ay dapat hindi ko na ginagawa ang bagay na ‘yon.
“Why?”
Nagkibit-balikat naman siya. “Because I want to treat you for a lunch.”
“Hindi pa naman ako namumulubi. So you don‘t have to treat me.”
“Ang sungit,” mahina lang ang pagkakasabi niya no‘n pero abot pa rin sa pandinig ko. Nang dahil do‘n ay napahalukipkip ako.
Balak ko na sana siyang talikuran nang bigla ay mahuli niya ang kamay ko. Pagtingin ko sa kan‘ya ay seryoso na ang mukha niya. Wala ng mababakas na kalokohan sa hitsura niya ngayon.
“Iniiwasan mo ba talaga ako?”
Napabuntong-hininga naman ako saka mabilis na inalis ang kamay niya sa braso ko. “Alam mo na ang magiging sagot diyan.”
Totoong iniiwasan ko si Kyler. Hindi lang siya, pero pati na rin ang lahat. I‘ll just show up to them if ever man na may hindi magandang mangyayari sa kanila. Ayoko na ring humadlang pa sa kanila si Isabelle lalo na‘t hindi naman ako parte ng kuwentong ito. Dahil hindi ito ang totoo kong mundo.
“Dahil ba kay Isabelle? O dahil sinabi kong interesado ako sa ‘yo, Lare?”
“Both. And one more thing, dahil ayoko rin sa ‘yo.”
“Anong ayaw mo sa akin? Para mabago ko.” Tila nagsusumamo na ngayon ang kan‘yang mga mata. Sinubukan niya ulit na hawakan ako pero mabilis akong lumayo.
“Wala kang dapat baguhin pa, Kyler. Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayoko sa ’yo, Kyler? Pakiusap, tumigil ka na. Sumuko ka na.”
“Hindi ako titigil dahil lang sa ayaw mo sa akin. Pero gusto ko pa ring malaman ang dahilan kung bakit ayaw mo sa akin.”
Matapang kong inangat ang ulo ko at sinalubong ang mga mata niya. “Dahil gwapo ka!”
Wala na akong maisip na idahilan kung hindi ayon na lang. Kung kinakailanganan kong magsinungaling, gagawin ko.
Napatigil siya dahil sa sinabi ko. Hindi niya siguro akalaing iyon ang isasagot ko.
“Dahil lang sa gwapo ako? Iyon na ang rason mo, Lare? Ano naman kung gwapo ako? Wala na bang karapatan akong magustuhan mo?”
“Wala,” pinilit ko ang sariling ‘wag magpakita ng kahit anong emosyon. “Dahil pare-pareho lang kayong mga manloloko.”
His face become blank. His jaw even clenched. “How can you say that, Lare? You judge me easily. Ni hindi mo pa nga siguro nagiging boyfriend ang lahat ng 'gwapong' sinasabi mo? Kaya paano mo nasabing lahat ng gwapo ay manloloko? At wala kang basehan para masabing isa ako sa kanila, Lare.”
“Hindi ko na kailangan pang maging jowa ang lahat ng gwapo sa mundo. Tama ng paulit-ulit akong niloko ng mga kabaro mo.
A deep and long sighed escaped from his mouth. “Hindi mo na kailangan pang magpalusot pa, Lare. P‘wede mo naman akong diretsahin na hindi mo talaga ako gusto. Pero kahit ano pang dahilan mo, mananatili ang nararamdaman ko sa ’yo at hindi ‘yon mababago dahil lang sa pagsabi mo neto sa ‘kin.” He said then finally turned his back at me.
May nais pa sana akong sabihin nang malalaki na ang hakbang niyang iniwan ako at nilisan ang lugar na ‘to. Wala na akong nagawa pa at muli na lang isinuot ang summer hat ko. Marami pa akong dapat gawin ngayon kaya kailangan ko munang alisin sa isipan ko ang mga isiping ito.
Sandali lang akong bumalik sa bahay na gawa sa puno ng accacia, kinuha mula ro‘n ang basket na pinaglagyan ko ng mga pagkain saka na ako naglakad muli at tinahak ang daan patungo sa binabalak ko talagang puntahan kanina pa.
Nandito ako para tuluyang ilayo ang sarili sa kanila. At pati na rin ang tulungan ang mga taong kumupkop sa akin. Kaunting lakad lang ay narating ko na rin ang taniman ng mga mais kung saan ay mukhang kanina pa nagtatrabaho ang mag-asawang Tasyang at Juan. Nang pareho silang lumingon sa gawi ko ay itinaas ko ang aking kamay saka bahagyang iwinagayway ito.
Sinenyas ko gamit ang isa kong daliri na sa ilalim ng manga ang tuloy ko na kaagad naman nilang naintindihan. Bahagya lamang silang ngumiti pareho saka na ulit nagpatuloy sa ginagawa nila, samantalang ako ay naglakad na papalapit sa puno ng mangga. Nang makarating do‘n ay saka ko inilapag sa buhangin ang malinis na tela kung saan ito ang magsisilbi naming upuan.
Ipinatong ko ro‘n ang hawak kong basket saka inilabas mula sa basket ang mga pagkain na niluto ko kanina. Ang adobong sitaw na paborito ni Lolo Juan at ang paksiw na palaging nire-request na iluto ko kay Lola Tasyang.
Simula nang last encounter namin ni Isabelle ay sinubukan ko pa siyang kausapin pero makailang beses niya rin akong pinagtabuyan. Kumalat tuloy sa Baryo Street ang isyu na mang-aagaw ako ng boyfriend kaya wala akong pamimilian kung hindi ang tuluyang lumayo sa kanila.
Gustuhin ko mang bumalik na sa mundo ko ay hindi ko magawa dahil ang tanging daan lang para makabalik ako ay ang halik ni Kyler. Na alam ko sa sarili ko na hindi ko na muling gagawin.
Pansamantalang naglaho sa isip ko ang mga bagay na iyon nang makita kong naglalakad na papalapit sa puwesto ko ang mag-asawa. Napangiti na lang ako nang makitang pinupunasan ni Lola Tasyang ang mukha ni Lolo Juan na ngayon ay pawis na pawis na, gamit ang sarili netong bimpo.
Nang maupo na sila sa harap ko ay binigyan ko sila ng tig-isang plato. Wala akong dalang fork or even spoon dahil sanay ang mag-asawa na nagkakamay lang. Nakakadala naman talaga ang tanawin kapag gano‘n kang kakain. Lalo na‘t presko sa taniman ng mag-asawa.
“Adobong sitaw para kay Lolo Juan at sinigang naman ang para kay Lola Tasyang,” pagpresenta ko sa mga niluto.
“Mukhang mapaparami nanaman ang kain ko neto, hija. Sigurado akong masarap nanaman ang luto mo,” komento ni Lolo Juan.
“Ang sabi ko naman kasi sa ‘yo ay ampunin ka na lang namin, Red. Bakit kasi ayaw mong manatili sa bahay namin? Nakakalungkot lang na ikaw lang ang tanging itinuring naming anak pero aalis ka rin naman,” madamdaming naging pahayag ni Lola Tasyang.
Naging open naman kasi ako sa kanilang dalawa. Lalo na‘t alam ko sa sarili na kaunting panahon na lang ang mailalagi ko sa kuwentong ito. Kaunting hintay na lang at nasa ending na ako ng story ng TTOH. Maisip ko pa lang iyon ay nasasaktan na ako.
Nakita ko naman ang paghagod ni Lolo Juan sa likod ng asawa. “Mas‘yado na tayong matanda para pa mag-drama. Magpasalamat na lang tayo na dumating sa buhay natin si Red, mahal. Pinapahirapan mo naman ang bata niyan. Mas malulungkot ako kung mananatili siya sa tabi nating gayong kailangan niya talagang umalis.”
Maya-maya pa ay inabot ni Lola Tasyang ang kamay ko. At sa simpleng bagay na iyon ay tila sinasakal ang puso ko lalo na sa tanawin ngayon sa harapan ko. Nakangiti si Lola pero hindi abot hanggang tenga niya. Mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
“Basta palagi kang mag-iingat, Red. Gawin mo ang palagi kong habilin sa ‘yo. Hanapin mo ang taong handang alagaan at mahalin ka. ‘Wag kang magdalawang-isip na ipaglaban ang nararamdaman mo sa kan‘ya kung alam mo sa sarili mo na sa kan‘ya ka sasaya.”
“I will keep that in my mind, Lola.”
Pagkagaling sa supermarket para bumili ng stocks ng kakainin namin nila Lolo Juan at Lola Tasya, nag-stop over muna ako sa isang coffee shop. Ito palang ang pangalawang beses ko na napadpad dito.
Unang beses ko na punta rito, halos wala ng mauupuan dahil sa dami ng customers nila. At nang matikman ko ang dessert pati na rin ang coffee nila ay nalaman ko na kaagad kung bakit. Sobrang sarap naman kasi talaga ng coffee na ino-offer nila. ‘Yong tipong sunod-sunod kang mapapainom dahil para itong nakaka-addict na ayaw mo nang tigilan. Nakadalawa nga akong order no‘n. At nagawa ko pang mag-take out.
Kaagad tumunog ang chime senyales na may bagong pasok at ako iyon. Mas‘yadong abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa, kaya wala ni isang customer ang napalingon sa akin. Maganda na rin iyon dahil ayaw ko namang makaagaw ng pansin.
Napangiti ako nang makitang wala pang nakaupo sa paborito kong spot.
Malapit na ako sa puwestong iyon nang may bigla na lang bumangga sa akin, sa gilid ko. Dahil sa gulat ay napaharap ako sa gawi niya, ngunit mali pala ang naging hakbang ko. Dahil naramdaman ko na lang ang pagbuhos ng malamig na inumin sa damit ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat at hindi mainit na kape ang natapon sa akin.
“Shit!” bigla ay naiusal ko. “Wala ka bang mata?” Hindi ko na inabala pa ang sarili kong tingnan kung sino ang taong nasa harapan ko. Naka-focus kasi ako ngayon sa pagtanggal ng mantsa sa damit ko pero imbes na maalis ay lalo lamang iyong nagkalat sa damit ko.
“Ang sungit. Meron ka ba ngayon?”
Nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses na iyon. Para makumpira kung siya nga ay inangat ko ang ulo ko para lang makita ang bakas ng pagka-amuse sa mukha niya dahil sa pagtataray ko. Itinaas ko naman ang kilay ko para matago ang katotohanang sobrang miss na miss ko talaga ang taong ito.
Pigil ko lang ang sarili kong yakapin siya nang magpunta siya sa bahay nila Lola Tasyang. At ngayon ay tila may tumutulak sa akin na gawin ang bagay na iyon, malakas lang talaga ang pagko-control ko sa sarili.
“Malapit lang ang tinutuluyan ko rito. Kaya kesa sa manlagkit ka riyan, sumama ka na lang sa akin para makapagpalit ka,” suhestiyon niya.
Wala akong mapamimilian lalo na‘t wala naman akong dalawang extra na damit. Nakita ko pa ang pagguhit ng ngiting tagumpay sa labi niya bago siya tuluyang tumalikod at nauna na sa paglalakad.
Kyler really true to his words. Ilang hakbang nga lang ang layo ng tinutuluyan niya sa coffee shop na iyon. Pati nga ang bitbit kong grocery bags ay siya na rin ang nagdala.
Nanatili lang ako sa labas ng maliit niyang apartment kahit nang mabuksan niya na ang pinto at tuluyang makapasok sa loob. Nagtataka marahil siya dahil wala siyang narinig na sumunod sa kan‘ya kaya nilingon niya ang gawi ko at pinagtaasan ako ng kilay. “Hindi ka ba papasok?”
Napahugot na lang ako ng buntong hininga bago pikit-matang sumunod papasok sa kan‘ya. Namilog na lang ang aking mga mata nang bigla ay lumapit siya sa akin, hawak pa rin sa isa niyang kamay ang mga grocery bag. Napapikit ako dahil akala ko ay may balak siyang halikan ako, pero narinig ko na lang ang pagsara niya sa pinto. Dahil do‘n ay naimulat ko bigla ang mga mata ko para lang makitang nakangisi na siya ngayon.
“Akala mo ba ay hahalikan kita?”
“Hindi noh!” mabilis kong sagot. Medyo napataas pa ang boses ko kaya mas halatang nagsisinungaling at guilty ako.
“Sabi mo e,” kibit-balikat niyang sagot saka na tumalikod.
Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero mabilis siyang lumingon muli sa akin at dinampian ng halik ang pisngi ko saka kumaripas ng takbo. Napatulala pa ako ng ilang segundo bago naiinis na sinundan siya.
Pero pagpasok ko sa kusina ng apartment niya ay patay malisya lang siya na para bang walang ginawa. Matapos niyang mailapag sa counter top ang mga pinamili ko ay do‘n palang siya humarap sa akin. Pinagkrus ko naman ang dalawa kong braso sa may bandang dibdib ko saka siya pinagtaasan ng kilay.
“Damit lang ang kailangan ko kaya ako sumama sa ‘yo rito, Ky. Hindi ako magtatagal.”
“Pwede kitang timplahan ng kape. Tutal at hindi natuloy ang balak mo kanina sa coffee shop.”
Pinaikot ko naman ang mga mata ko. Wala na akong oras na makipagtalo pa sa kan‘ya lalo na‘t habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang panlalagkit ng katawan ko.
“Baka sakaling pag-isipan ko kapag pinahiram mo na ako ng damit.”
Napangiti naman siya sa isinagot ko. “Sumunod ka sa akin.”
Bahagya pa akong lumayo para mabigyan siya ng espasyo nang maglakad na siya papalabas ng kitchen. Maliit lang kasi ang espasyo ng pintuan at ayokong mas‘yadong magdikit ang katawan namin. Baka hindi na ako makapagpigil pa at tuluyan ko na siyang talunin at yakapin nang mahigpit.
Dahil nga maliit lang itong apartment na inuopahan ni Kyler, kaunting lakad lang at narating na kaagad namin ang isang mahoganeng pintuan. Malinis at organized na kuwarto ang bumungad sa mata ko nang buksan niya ang pinto.
May maliit na shelf kung saan nakalagay ang iilang libro niya. May nakita pa akong makapal na dictionary do‘n. Study table na nakatapat sa bintana na sarado. Isang maliit na kama na kasya ang isang tao at ang malaking drawer.
“Pumili ka na lang ng damit na kakasya sa ‘yo,” bigla ay nagsalita siya saka itinuro ang drawer na iyon. “Maiwan na kita. At..” sinadya niyang ibitin ang sinasabi. Hinintay muna niyang tumingin ako muli pabalik sa kan‘ya bago siya ulit nagsalita. “Ipagtitimpla na rin kita ng kape para hindi ka na maka-hindi pa sa alok ko.”
“Ikaw bahala,” pagkibit ko ng balikat kahit na ang totoo, sa likod ng isip ko ay gusto ko ng mapangiti dahil sa kakulitan niya.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng kuwarto ay saka palang ako lumapit sa drawer niya at isa-isa iyong binuksan. Bigla ko na lang naisara ang isang drawer dahil lalagyan pala iyon ng mga underwear at boxer niya.
“Gosh! Ang init! Wala man lang bang electricfan dito?” pagkausap ko sa aking sarili saka pinaypayan ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay biglang uminit ang pisngi ko.
Pasalamat na lang ako nang pagbukas ko sa sunod na drawer ay lagayan na iyon ng kan‘yang mga t-shirt. Kinuha ko ang isa at hindi ko pa man nailalapit sa ilong ko ay amoy ko na ang natural na bango niyon. Alam kong wala siyang gamit na fabric conditioner. Dahil ibang-iba ang amoy niyon.
Napalingon pa ako sa pinto dahil baka bigla siyang pumasok. Para makasigurado ay ni-lock ko pa ang pinto bago tuluyang amuyin ang t-shirt, napakabango talaga no‘n.
Nang makapili sa mga shirt niya ay kaagad ko na rin iyong isinuot. Mas‘yado iyong malaki kaya napilitan akong ituck-in na lang sa suot kong maong skirt.
Nang makapagpalit na ay lumabas na rin ako sa kuwarto niya. Mahirap na at baka lalo lang akong ma-tempt na amoy-amuyin ang mga damit niya. Baka madamay ko pa ang boxers pati underwear niya. ‘Wag naman sana.
Dala ang blouse kong amoy kape na ay naglakad akong muli pabalik sa kitchen. Do‘n ko napagmasdan na nakatalikod si Kyler. Suot neto ang kulay pulang apron at abala sa pagluluto. Nang maramdaman niya marahil ang presensiya ko ay saka palang siya humarap sa akin. Kaagad dumako ang tingin niya sa suot kong damit niya.
“My shirt looks good on you,” komento niya na napangiti pa bago nabaling ang tingin niya sa blouse kong hawak ko pa rin. “Oh! Sorry about your blouse. Ako na ang bahala riyan.” Naglakad na siya papalapit sa gawi ko saka kinuha mula sa akin ang blouse ko. “Ikaw na muna ang bahala sa niluluto ko, habang dina-dryer ko ‘tong damit mo.”
Magpi-prisenta na sana ako na ako na lang ang bahala sa damit ko, pero wala na akong nagawa pa nang tuluyan na siyang umalis ng kitchen at mukhang naglakad na papuntang likod-bahay.
Samantalang ako naman ay naging abala na sa pagluluto. Inuna kong sinalang ang fried rice. Matapos ko iyong maluto ay isinunod ko naman ang hotdog, egg then ako na rin ang nagtimpla ng kape para sa aming dalawa.
Saktong pagkatapos ko ay siya namang balik niya sa kitchen. Napapikit pa siya nang masamyo ang bango ng niluto ko.
Pakiramdam ko ay awkward pa rin ako na magkasama kami sa iisang bahay siguro dahil na rin iniiwasan ko siya ay ilang minutong naging tahimik lamang kaming dalawa na kumakain. Tanging pagtunog lang ng kubyertos na tumatama sa pinggan naming dalawa ang tanging maingay. Hanggang sa mukhang hindi na siya nakatiis pa at tuluyan na siyang nagsalita.
“Ganito pala ang pakiramdam.”
Natigil ako sa pagkain saka siya tinitigan sa mga mata niya. “Pakiramdam na ano?”
“Na may kasabay kumain. Nasanay na kasi akong mag-isang kumakain dito sa apartment ko mula ng lumipat ako rito. At ang katotohanan na ikaw ang unang nakasabay ko sa pagkain dito ay naghatid ng saya sa puso ko.”
Mas lalo lang akong natigilan dahil sa sinabi niya. Wala akong maapuhap na salita para isagot sa kan‘ya. Nanatili lamang akong nakatitig sa kan‘ya hanggang sa tipid na lang akong ngumiti. Ngunit mukhang naghihintay talaga siya ng isasagot ko, nagawa niya pang hulihin ang mga mata ko kaya wala akong pamimilian kung hindi ang magsalita na lang. Dahil baka mapanis lang ang laway ko kung hindi ko gagawin iyon.
“Why don‘t you ask Isabelle to come over? After all, you were still friends with her, right?” kaswal kong tanong.
“Matapos ng nangyari sa pagitan nating tatlo, hindi na niya ako muling kinausap pa.” Nakagat ko na lang ang aking labi, akala ko sa akin niya lang ginawa ang treartment na ‘yon. “Hindi ko naman siya masisisi. Wala ako sa lugar para ipilit ang sarili kong kausapin niya. Lalo na‘t alam ko sa sarili ko na kahit magkaayos pa kaming dalawa, ibang babae talaga ang tinitibok na ng puso ko at hindi na siya.”
Hindi niya pinutol ang eye contact naming dalawa kaya alam kong sincered siya sa lahat ng mga sinabi niya. Napapitlag na lang ako nang abutin niya ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa, saka iyon pinisil. Muntik ko pang mabitawan ang kutsara na hawak ko sa isa kong kamay dahil sa ginawa niya.
“Bukas.. bukas ng umaga ay hihintayin kitang pumunta rito, Lare. Hindi lang para kunin ang blouse mo. Kun‘di para maging patunay lang iyon na tuluyan mo nang tatanggapin ang pagmamahal ko sa ’yo, Lare.”
Nabigla ako dahil sa naging pahayag niya. Namilog ang aking mga mata at tila nanigas ang buo kong katawan. “Pero Ky...”
“Maghihintay ako kahit anong oras ka pa dumating. Maghihintay ako sa ‘yo. Sana mamaya kapag nagdesisyon ka, hayaan mong isantabi mo muna si Isa. Piliin mong pakiramdaman kung anong sinisigaw ng isipan at puso mo. Dahil hindi ko matatanggap na ang magiging dahilan mo ay dahil lang sa gusto ako ni Isabelle. Mas lalo lamang kitang hindi titigilan sa lagay na ‘yon, Lare. Hanggang sa mapagod ka na sa pagtakbo sa akin at tuluyan mo nang ibigay ang puso mo.”
Hindi rin naman ako maayos na nakatulog kinagabihan. Kaya heto at tirik na ang araw sa labas ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Palaisipan pa rin kasi sa akin ang lahat ng mga sinabi ni Kyler.
Handa nga ba akong tanggapin siya at papasukin sa buhay ko? Gayong ang lahat ng ito ay hindi naman totoo?
Kung hahayaan ko siyang makapasok sa buhay ko, para ko rin hinayaan ang sarili kong masaktan sa huling pagkakataon. Hindi dahil sa panloloko, kung hindi dahil sa katotohanan na si Kyler ay isa lamang sa karakter na binuo ko.
Kagat ang labi kong napatayo sa kama. Kahit anong bulong at udyok ko sa sarili na ‘wag pupunta sa bahay nila Kyler, namalayan ko pa rin ang sarili ko na nakabihis na, nakapagpaalam na sa mag-asawa at ngayon nga ay naglalakad na.
Maya-maya lang ay napatigil ako nang bigla ay sumakit ang puso ko. Tila maraming kamay ang sumasakal do‘n. Hindi ako makahinga at pakiramdam ko ay bigla na lang nanlambot ang buong katawan ko. Kaya tuluyan kong nabitawan ang purse na hawak ko at napaluhod sa gilid ng kalsada.
Ang kaninang mga tao sa harapan ko na kasabayan ko sa paglalakad ay isa-isang naglaho. Nag-umpisa na rin magdilim ang paningin ko. Kasunod niyon ay may iba‘t ibang ingay akong narinig. Tunog ng ambulansiya, nagsisigawang mga tao, at ang iba ay hindi ko na matukoy kung saan nanggagaling.
Para akong mababaliw. Kulang na lang ay maputol ang ugat sa ulo ko dahil sa mga matitinis na tinig na iyon. Kahit anong pagtakip ang gawin ko sa tenga ko ay naririnig ko pa rin ang mga iyon.
Hanggang sa paunti-unti ay nawawala na rin ang mga ingay na iyon. Akala ko ay magiging payapa na ang pakiramdam ko, ngunit hindi.
Dahil nakita ko na lang sa vision ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki. Nakatalikod ito mula sa akin pero kahit gano‘n ay nakikilala ko pa rin siya. Nasa isa siyang mataas na gusali. At ang ingay na naririnig ko kanina ay nanggagaling sa mga taong nasa ibaba ng gusali na iyon na saksi sa balak gawin ng lalaki, pilit pinipigilan siya. At sa vision ko ay tuluyan siyang magpapatiwakal kaya may darating na ambulansiya.
Kapareho iyon nang alaalang magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan. Kaya kahit nanghihina na ang katawan ko, pinilit ko pa ring tumayo.
Kailangan ko siyang iligtas, bagay na hindi ko nagawa sa totoong mundo ko.
Naagaw ang atensiyon ko ng isang kulay blue na gate, ang apartment ni Kyler.
“Sorry,” mahina kong naibulong. “But he is more than important for me.”
Tuluyan na akong tumalikod at tumakbo.
I can‘t afford to lose him, again... I can‘t afford losing the guy who owned the same face with my brother – Jerald.
Just wait for me. I‘ll save you. The thing that I did not able to do with my own brother.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro