6. CHOICE
6:
CHOICE
“Who‘s Jack?”
Tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa itananong na iyon ni Isabelle. Ngayon ko lang napagtanto na mas‘yado akong nagpadala sa emosyon ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko lalo na‘t nakikita ko ngayon ang hitsura ng kapatid ko. Inisip ko na kung makikita ko muli siya, maluwag sa pusong makakapagpaalam ako sa kan‘ya. Hindi tulad noong namatay siya.
Kaagad kong pinunasan ang namasa kong pisngi saka pekeng umubo. Apologetic din akong tumingin kay Jerald na ngayon ay gulong-gulo na ang histura.
“Pasensiya na,” ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Paghingi ng dispensa kay Jerald. “Ah ano kasi. Just like what I‘ve said when we first met,” pagbaling ko kay Isabelle na ngayon ay naglalakad na papunta sa kabilang side ng kama ko. “Only child lang ako ng parents ko. At si Jack ang nagsilbi kong kaibigan at the same time, baby bro. Nadala lang ako sa emosyon dahil kamukha siya ni Jerald.
“Where‘s he? Bakit hindi ka niya ata dinadalaw,” si Jerald naman ngayon ang nagtanong.
Malungkot akong napangiti. “Patay na siya.” Tila may bumara na kung ano sa lalamunan ko nang bigkasin ang mga salitang iyon. Mabigat pa rin ang dibdib ko na para bang kahapon lang nangyari ang insidenteng iyon.
“Oh! We are sorry to hear that, Lare.” si Isabelle na ngayon ay hinawakan na ang kamay ko. “Pinag-alala mo kami. Pinag-alala mo ako. Mabuti na lang at ligtas ka na,” dugtong niya pa sabay ngiti.
Bakit tila may pakiramdam ako na hindi na siya sa akin sincere ngayon? Na sinasabi niyang nag-aalala siya ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya? Ano ba talagang nangyari pagkagising ko at pag-alis ko sa mundo na ito? Ang tangi ko lang namang ginawa ay ang baguhin ang tadhanang nakasulat sa libro.
May kabayaran ba bawat pagbago ko sa kapalaran nila? Ang sabi ng matanda, ang buhay ko ang kapalit sa pagsulat muli ng TTOH ngunit bakit may pakiramdam ako na iba ang hihinging kapalit ng tadhana?
“Nagpapasalamat ako kay Kyler dahil iniligtas niya ang buhay ko. Thank you,” mababakas ang sinseridad sa boses ko nang bumaling ako kay Kyler. Tipid siyang ngumiti saka pa nag-thumb up.
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Isabelle ay nakita ko pa ang pag-irap niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil mabilis din siyang nakabawi at ubod ng tamis akong nginitian.
“Maiwan ka na muna namin, hija. Ang sabi ng doctor ay mas mainam kong magpahinga ka muna. Para manumbalik ang lakas mo,” ang siyang bilin sa akin ni Aling Norna.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko na hindi sang-ayon si Kyler sa ideyang iyon pero si Isabelle na mismo ang humila sa kan‘ya palabas. Ni hindi niya na rin nagawa pang magpaalam sa akin. Habang si Jerald naman ay lumingon pa sa akin ng isang beses saka na tuluyang isinara ang pinto.
Napahugot ako nang malalim na buntong hininga saka nasapo ang dibdib kong tila tinutusok pa rin ng maraming karayom. Akala ko luluwag na ang bigat sa dibdib ko kapag nakita ko na si Jerald. Pero mas lalo lang atang naging masakit para sa akin ang pagkikita naming dalawa. Lalo na at alam ko sa sarili ko na hindi siya ang kapatid ko dahil matagal na itong namayapa.
Pinilit ko ang sarili kong tumayo at hawakan ang dextrose ko para makasilip sa bintana netong hospital room ko. Mukha kasing nasa private room ako.
Saktong pagbukas ko ng kurtina ay ang pagbagsak ng malakas na ulan. No‘ng natulog ako sa realworld ay umuulan, hindi ko akalaing pati sa mundong ito.
Nangalumbaba ako sa pasamano saka pinagmasdan ang mga taong nakikita ko sa ibaba. Kitang-kita na rin ang unti-unting pagbasa ng paligid. Ni ultimo mga bulaklak sa labas ay tila nadiligan.
Sinundan ko ang bawat pigura ng mga taong nagsisipagtakbuhan. Ang iba sa kanila ay mukhang hindi inaasahan ang pagbagsak ng malakas na ulan dahil walang dalang payong ang mga ito. Ang iba pa ay nakikipayong na lang sa mga taong may dala. Ang iba ay ginawang pansanga ang bag nila. Pero ang iba ay mas piniling magpabasa na lang at pilit in-enjoy ang buhos ng ulan.
Bigla ay naisip ko, katulad kaya ng ulan, kailan matatapos itong misteryosong pagpasok ko sa libro? Katulad kaya ng ulan, kailan kaya tuluyang hihinto ang sakit na nadarama ko? Kailan ko tuluyang matatanggap ang pagkawala ng kapatid ko at tuluyang yakapin ang sakit?
Tulad kaya ng ibinubuhos ng ulan, gano‘n na rin kaya kadami ang mga luhang aking nasayang? Nang dahil lang sa pagmamahal sa mga maling tao?
Ano nga ba ang binabalak sa akin ng matandang iyon? Bakit kailangan niya akong ipadala sa mundong ito gayong marami na akong masasakit na naranasan sa mundo ko? Hindi pa ba iyon sapat para masabi kong hindi gano‘n kadali para sa akin ang pumatay ng mga karakter ko sa kuwento?
Huminga ako nang malalim saka tuluyan nang isinara ang kurtina at saka na ako naglakad pabalik sa kama ko. Nang tuluyan na akong makahiga ay saka naman bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Napalingon ako ro‘n para lang masalubong ang mga mata ni Isabelle. Wala talaga akong mabasa sa mga mata niya. Pati ang pagkilos niya ay tila nagbago na.
Nang maisara na niya ang pinto ay tuluyan na siyang naglakad palapit sa gawi ko. At gano‘n na lang ang pagtataka ko nang mabilis na tumibok ang puso ko. Bakit tila nakaramdam ako ngayon ng kaba at takot para sa babaeng karakter ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
“Nawala ka ng mahigit isang buwan, Lare,” panimula niya. She crossed her legs when she sitted beside me.
Kapareho ng sinabi niya ang sinabi sa akin ni Kyler kanina. Gano‘n na ba talaga katagal ang takbo ng oras dito sa ilang oras lang na paglalagi ko sa mundo ko?
“Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para sa akin na mawala ka. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kagaan ang loob ko sa ‘yo gayong hindi naman kita kapatid, Lare. Ikaw ang hinahanap ko sa panahong nangungulilala ako at tila nabagsakan ng langit at lupa ng mawala si mama.”
Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Tila nagpantig ang tenga ko at nagpaulit-ulit na sirang plaka ang pagsabi niyang namawala na si Mrs. Calista.
“A-anong ibig mong sabihin sa nawala?”
Natawa naman siya ng peke saka ko palang do‘n nakita ang pagbagsak ng kan‘yang luha. “She died because of a car accident. Na-hit and run siya, Lare. Kaya ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mas pinili mong ibuwis ang buhay mo kay Tita Norna kesa ang iligtas si mama na siyang buong puso kang tinanggap. Lare, why didn‘t you show up when I needed you the most?”
Tila ako napagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko kesa sa nararamdaman ko kanina. Paanong nangyaring namatay si Mrs. Calista, samantalang si Aling Norna ang siyang unang namatay sa kuwento? I even include my name to my story just to protect her and saved her. Sa kan‘ya ako naka-focus kasi siya ang una kong kailangang iligtas mula sa kapahamakan. Kaya bakit? Bakit naiba ang daloy ng kuwento? Bakit si Mrs. Calista ang namatay sa car accident?
Wala akong maapuhap na salita para mapagaan ang nararamdaman ni Isabelle, gayong nasasaktan din ako sa pangyayaring ito. Bakit naging ganito ang resulta ng pagbago ko sa simpleng senaryo sa kuwento?
“I-Isabelle.”
“No!” Pagtaas niya ng isa niyang kamay para pigilan ako sa pagsasalita. “Don‘t say anything, Lare. I did not come her just for you to pity me. I just want to give you a warning.” Tumayo na ito at naging mabangis ang maamo niyang mukha. “Si Kyler ang dumamay sa akin sa panahong down na down ako. Siya ang nandiyan sa akin sa panahong makipaghiwalay sa akin si Kardo at nang mamatay si mama. Kaya hindi ako makakapayag na sa simpleng pagbabalik mo lang ay mawala pati ang taong pinapahalagahan ko. He‘s mine, Lare. And you can‘t steal him away from me.”
“Isa, wala akong balak na gawin iyon,” dipensa ko sa aking sarili. Totoo naman iyon lalo na‘t hindi naman ako parte ng kuwento. Oo, isinama ko ang sarili ko sa kuwento para lang mailigtas si Aling Norna. Pero hindi ang maki-love triangle sa kanilang dalawa ni Kyler.
“Mas maganda ng nagkakalinawan tayo, Lare. Kung ayaw mong tuluyang masira ang friendship nating dalawa. ‘Wag mong babalakin na agawin mula sa akin ang taong mahal ko.”
Kahit hindi ako nakatayo ngayon ay pakiramdam ko tila mabubuwal ako dahil sa panghihina ng tuhod ko. Dapat masaya ako dahil finally, nasa stage na ang kuwento kung saan may nararamdaman na ang bidang babae sa bidang lalaki. Hindi na ito manhid sa mga pinapakita ni Kyler. Pero bakit nasasaktan ako gayong ako naman ang gumawa sa kanila at bumuo netong istorya?
Wala na akong nasabi pa kay Isabelle nang tuluyan na siyang umalis. Iniwan sa akin ang lahat ng alalahaning iyon.
Tama pa ba na hinayaan ko ang sarili kong halikan si Kyler? Gayong iyon lamang ang tanging paraan para makabalik ako sa mundo ko at mabago ang daloy ng kuwento.
Sa tanong na iyon ay tuluyan kong nasabunutan ang sarili kong buhok. Dahil sa ginawa ko ay do‘n ko palang napag-alaman na humaba na ang buhok ko. Magkatulad na kami ngayon ni Isabelle ng buhok. Curly na rin ang ibaba neto at lampas balikat na ang haba. Talaga nga sigurong matagal akong nawala. Kaya pati ang paghaba ng buhok ko ay naiba.
Ibinaba ko na sa lapida na nasa harapan ko ang hawak kong bulaklak. Matapos kong ma-discharge sa hospital ay kaagad akong dumalaw sa puntod ni Mrs. Calista.
Isang araw ko lang siya nakasama pero ang gaan kaagad ng loob ko sa kan‘ya. Dahil siguro sa kan‘ya ko naman binase ang histura ni mama. Na sa kuwentong ito, siya ang magulang ko. Sila ang pamilya ko.
Ramdam na ramdam ko ang tila paglamutak ng invisible na kamay sa puso ko. Hindi ko akalaing mararamdamang muli ang sakit na naramdaman ko noong panahong namatay si Jack, sa mundong ito.
Kahit hindi na kami magkasundo ngayon ni mama, I can‘t imagine that one day, she will leave me, permanently.
Hindi ko na alam kung pang-ilang buntong hininga na ang nagawa ko. Kamuntikan pa ngang mamatay ang sindi ng kandila na itinirik ko sa kan‘yang puntod. May mga fresh flowers din na nakalagay dito, senyales na may nauna pa sa akin ang dumalaw na sa kan‘ya.
“Lare?”
Bigla ay napatayo ako saka pumihit paharap kay Kyler na ilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Bahagya ko pang sinilip ang puntod ni Mrs. Calista saka medyo umurong ng konti.
Kailangan kong iwasan ngayon si Kyler. Hindi maganda kung magtatagpo pa ang landas naming dalawa. Bukod sa makakasagabal lang ako sa development nila ni Isabelle, iniisip ko rin na hindi ako parte ng mundo na ‘to. Dahil isang araw, lilisanin ko rin ito at babalik sa totoong mundo ko.
“Lare?”
Napapitlag ako nang bigkasin niya ulit ang pangalan ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang tila may iba‘t ibang emosyon na maririnig sa boses niya at makikita sa mga mata niya. May pagsuyo na maririnig sa boses niya at pangungulila naman ang mababakas sa mga itim na itim niyang mga mata.
Napalunok ako nang magsimula niyang punan ang distansiya naming dalawa. Ngunit kada lakad niya ay siya namang pag-atras ko. Sandali siyang tumigil at mababakas ang sakit sa mukha niya. Ngunit kaagad din iyong napalitan ng determinasyon. Kaya mas lalong bumilis ang paglakad niya hanggang sa namilog na lang ang mga mata ko nang hindi na ako nakaatras pa dahil tuluyan na niya akong nahawakan sa braso.
Mabilis ang naging galaw niyang hinigit ako papalapit sa kan‘ya at niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa buhok ko. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya na tila nabunutan siya ng tinik sa kan‘yang dibdib.
“K-kyler,” sa wakas ay nabigkas ko na rin ang pangalan niya. Ginamit ko ang natitira kong lakas kahit na tila bibigay na ang tuhod ko para lang mabigyan ng distansiya ang pagitan naming dalawa.
Bahagya ko lamang siyang naitulak. At muli ay lumapit siya sa akin ng bahagya saka sinapo ang pisngi ko at nagawa niya pa iyong panggigilan.
“Ano ba! Masakit!” pagpalo ko sa kamay niya.
“Tinitingnan ko lang kung totoo ka na ba talaga. ‘Wag ka na ulit maglalaho, ha?”
Dahil sa tanong niya ay tuluyang napakunot ang noo ko. “Alam mong naglaho ako?”
Walang pag-aalinlangan na tumango siya sa itinanong ko na ikinasinghap ko. It means...
“Mahirap mang paniwalaan para sa akin at para siguro sa iba. Pero oo, alam ko, Lare. Alam kong hindi ka taga rito sa amin. Alam kong may mundong hindi sakop ng mundo namin kung saan do‘n ka totoong nanggaling.”
Hindi ko namalayang pigil ko na pala ang paghinga ko at nang sabihin niyang, “Lare, huminga ka.” Do‘n ko palang nagawang huminga at humugot ng hangin.
“But how?”
Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Hanggang sa naglakad na siya ng tuluyan habang magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. Wala na akong nagawa pa at nagpatianod na lang.
Hanggang sa pareho kaming dinala ng paa namin sa isang puno ng accacia. Bakit may pakiramdam ako na pamilyar sa akin ang punong ito? Na napadpad na ako dati rito? Pati ang pusong nakaukit do‘n ay kumuha ng atensiyon ko.
Inalalayan ako ni Kyler hanggang sa pag-upo ko sa malaking ugat ng puno niyon saka siya tumabi sa akin. Sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ang huni lang ng ibon ang maririnig at ang hampas ng hangin sa mukha ko ang mararamdaman bago niya tuluyang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Noong unang kita ko palang sa ’yo, may iba na akong naramdaman.”
Dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong napalingon sa gawi niya. At sa paglingon kong iyon ay muli niyang kinuha ang kamay ko, hinawakan ‘yon nang mahigpit at pinisil ang palad ko. Tila bolta-bolateng kuryente ang dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko.
“Yes, it‘s true that you look like Isabelle. But there‘s something that telling me that I already saw you for a long time. I just don‘t know where exactly and what is that time. But Lare, you‘re the first person that makes my heart beat faster by only looking at your eyes.”
Akala ko ako lang ang nakaramdam ng pakiramdam na iyon. Noong una ay ayoko ring tanggapin na para bang kilala ko na siya, hindi lang ng katawan ko, kun‘di pati na rin ng puso ko. Ayaw lang tanggapin iyon ng sistema ko kasi paano iyong mangyayari gayong fictional character ko lamang siya?
“I-I don‘t know what to say, Ky.”
“You don‘t have to,” pag-alo niya sa akin. “Just listen to me.” Mabilis naman akong napatango kaya napangiti na siya. “You got me interested with you. Pero nang bigla kang naglaho, mas lalo lang akong naguluhan sa nararamdaman ko. Akala ko simpleng atraksyon lang ang nararamdaman ko. Na maibabaling ko rin ito sa iba. Kaya naman, nang mamatay si Tita ay nandiyan ako sa tabi ni Isabelle. Hoping that she will get my interest since the fact that she was my first love. Pero, Lare, hindi ko naramdaman sa kan‘ya ang naramdaman ko sa ‘yo.”
“What exactly do you feel towards me, Ky?” matapang kong tanong.
“I don‘t really know how to explain it. The only thing I know is that I want to find you. That I want to find every single answer if I‘m with you. So yes, I search for you and luckily, I found you.”
May tila humaplos sa puso ko dahil sa isinagot niya. It seems like that I‘ve been waiting for this kind of words. But not for everyone I know, but I feel like, I just want to find that words from him.
Ngunit ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila naglaho nang may isang babaeng tumigil sa harapan naming dalawa. Hilam na ng luha ang mukha niya. Mababakas din ang galit sa maamo niyang mukha.
Kaagad akong napatayo at dahil nga hawak pa rin ni Kyler ang kamay ko ay pati siya nahila ko na rin sa pagtayo. At kaagad dumapo ang tingin ni Isabelle sa magkahawak pa rin naming mga kamay. Pinipilit kong bitawan ang kamay ni Kyler, pero mas lalo lang humihigpit ang hawak niya.
“Do you know the feeling that he includes me on his options but never been his choice?” mababakas ang sakit sa mukha niya sa bawat salita na ibinabato niya sa ‘kin.
Sinubukan ko siyang hawakan pero mabilis siyang umilag. Nagsisimula na rin akong maiyak dahil nakikita ko ang sarili ko sa kan‘ya noong mga panahong hindi ako pinili ni Ryle. Na iniwan niya ako at mas pinili ang babae niya.
“Why? Why did you do this to me, Lare? Ang alam ko, kaibigan kita. Maluwag sa puso kong pinatira kita sa bahay namin kahit isang araw lang. My family also welcome you. So, why, huh? Why do you need to betray me? And steal my man to me?”
“Isa, stop it. Hindi ako naging sa ’yo.”
Ngunit mas lalo lang lumala ang sitwasiyon naming tatlo dahil sa isinagot ni Kyler. Kitang-kita ko na ngayon sa mga mata ni Isabelle ang labis niyang pagkamuhi sa akin.
“What do you expect, Ky? Syempre, I‘ll jump into conclusion the way you treated me. The way you cared me. But it seems that I‘m just your rebound, huh?”
Lakas-loob na binitawan ko ang kamay ni Kyler saka humakbang palapit kay Isabelle. Nahawakan ko na siya sa braso pero mabilis siyang pumiksi mula sa hawak ko. At ang sunod na ginawa niya ang hindi ko napaghandaan. Naramdaman ko na lang ang pagpihit ng mukha ko nang malakas niyang sampalin ang pisngi ko. Napapikit ako hindi dahil sa sakit no‘n kun‘di dahil naramdaman ko na ngayon kung paano ko nasampal ang babae ni Ryle. Ngayon, sa sitwasyon naming tatlo ay tila ako ang nanira ng relasyon.
Namalayan ko na lang na namagitan sa aming dalawa si Kyler, dahil nagsimula nang magwala si Isabelle. Kitang-kita ko ngayon kung paano niya sinalag bawat kalmot at suntok ni Isabelle na dapat ay para sa akin.
Nagpapasalamat na lang ako nang tuluyan na iyong matapos.
“I hate you, Lare. I really hate you!” sigaw ni Isabelle mula sa likuran ni Kyler.
Naging alerto ako nang marinig ko ang kaluskos ng paa niya na wari ay naglakad na siya papalayo sa aming dalawa. Inangat ko ang kamay ko at sinapo ang pisngi ni Kyler. Gamit ang nagsusumamo kong mga mata ay nagsalita na ako.
“Ky, please, follow her. Get her back.”
Mabilis siyang napailing sa sinabi ko na tila hindi sang-ayon sa ideya ko.
“Don‘t let me go, Lare.”
“I won‘t.” aniko na sinabayan pa ng pagngiti. “J-just follow her.. as a friend. Please?”
Naipikit ko na lang ang mga mata ko nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin. Saka ko na lang naramdaman ang paghalik niya sa noo ko at tuluyan na niyang nilisan ang lugar na ito.
Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko at tinanaw ang pagtakbo ni Kyler. Nasapo ko ang dibdib ko nang tila mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko.
Tila mas masakit pa ang tanawin na ito sa lahat ng pinagdaanan ko sa mga ex ko. At bakit? Bakit tila pamilyar sa akin ang damdamin na ito? Na lumalayo siya at pinipiling habulin ang ibang babae.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko at natawa na lang ako na para bang nawala na ako sa aking sarili.
It‘s true. I‘m his choice but I'll still choose the decision where it will be the reason for them to be together. Eventhough I feel that it will cause me so much pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro