4. GOOD KISSER
4:
GOOD KISSER
Sabi ng iba, may dalawang linya kung saan ang isa ay ang mundong ginagawalan natin. At ang kabilang linya ay ang mundo kung saan ginawa ng imahinasyon nating mga tao.
Nang panahong nagdesisyon akong magsulat at maging manunulat, planado na sa utak ko ang mga senaryong mangyayari.
Ni ultimo hitsura, pag-uugali, kilos at kung anong magiging papel ng bawat karakter sa kuwento ko ay plantasado na.
Minsan na akong napagod sa pagsusulat. Naranasan ang mental block. Ngunit hindi sumuko. Dahil ito ang naging daan ko para buuin ang mundo kung saan perpekto ito sa paningin ko.
Ang blangkong papel ay unti-unting napunan. Ang kuwentong sinimulan ay tuluyang natuldukan. Ganito ang eksena ng isang manunulat.
Minsang pinangarap ko na rin na makapasok sa mundo na ginawa ko para sa mga karakter ko sa isang kuwento na na-isalibro. Ngunit hindi ko naman akalain na isang araw, mapapadpad ako sa mundo nila at matutuklasan na gaya nating mga tao ay humihinga rin sila. Ang kaibahan lang, planado na ang takbo ng buhay nila. Alam ko na kung paano mamamatay ang ibang karakter. Kung magkakaroon ba ng happy ending, kasi nga, ako ang nagsulat. Ako ang bumuo sa kanila.
Mulat na mulat na ang mga mata ko dahil kanina pa ako gising. Lampas isang oras na nga siguro akong nakatingin lang sa kisame. Akala ko kasi pagmulat ng mata ko, makakabalik na akong muli sa mundo ko. But unfortunately, nandito pa rin ako.
Kinakain ako ng malalim na pag-iisip. Maraming katanungan ang pilit nagsusumiksik sa utak ko. Katulad na lang na bakit ako nakapasok sa mundo na sa libro lang binuo? Bakit kailangan kong makita ang mga karakter ko? May misyon ba akong dapat gampanan, bukod sa isulat sila?
Wala sa sariling nasabunutan ko na lang ang aking sarili. Kasi kahit ako ay walang masagot sa tila misteryosong pangyayaring ito. At alam ko kung sino ang makakasagot sa akin — ang matandang iyon na nakausap ko sa sementeryo.
Frustrated akong napabangon sa kama at nag-indian seat. Gustuhin ko man makita at makausap ang matandang iyon at napaka-impossible. Pwera na lang kung kagaya ko, pati siya ay nasa mundong ito. Could it be? Nandito rin kaya ang matandang iyon? May kinalaman ba siya o maski ang sinabi niya kaya ako napadpad dito?
Maya-maya lang ay tila nangilabot ako. Tumaas ang balaho ko sa batok at ramdam ko ang paninigas ng aking tiyan nang may marinig na isang tinig sa tenga ko.
“Red...”
Nanlalaki ang mga mata kong napabangon sa kama at inilibot ang tingin sa apat na sulok ng kuwarto.
“Red,” muli ay tawag ng tinig na iyon sa pangalan ko.
Napalunok ako at pilit pinatatag ang sarili. Kinuha ko mula sa aking gilid ang isang walis tambo, pang-dipensa sa aking sarili.
Alam ko sa sarili na hindi isa man sa pamilyang Calista ang tumawag sa akin. Dahil kung gusto nila akong isturbuhin sa aking pagtulog ay dapat kanina pa sila kumatok sa pinto ko. Lalo na‘t rinig ko ang pagsara‘t-pagbukas ng pinto sa kabilang kuwarto. Kung saan natutulog si Isabelle.
“Sino ka? Magpakita ka sa akin,” lakas-loob kong pagsagot sa pagtawag niya sa pangalan ko. Saka mas hinigpitan ko ang paghawak sa walis tambo.
“The person who can help you in this world."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tanging boses lang talaga ang naririnig ko. Wala akong makitang bakas ng isang tao.
“A-anong ibig mong sabihin?” kahit papaano ay tumapang na ang boses ko. Kung totoong matutulungan niya ako sa mundong ito, kailangan kong makasigurado.
“I can read your mind, Red. There is nothing in this word but only me who you can trust.”
“Paano? At bakit ako maniniwala sa ’yo? Ni hindi nga kita makita.”
“Nakita mo na ako, Red.”
Kaagad pumasok sa isipan ko ang matanda sa sementeryo. Pero napa-impossible na ang boses na bumubulong sa akin at ang matandang iyon ay iisa. Lalo na at napakalambing at tila ang bata pa ng boses ng bumubulong sa akin ngayon.
“I can‘t explain it to you, Red. Not now. Pero kung gusto mo talagang makaalis dito ay maniniwala ka sa akin. Lalo na at alam kong gusto mong malaman ang buong katotohanan kung bakit ka napadpad sa mundong ito.”
Tama siya. I have no choice but to trust her. “If I tell you that I trust you, are you going to tell me now the reason?”
“Not here, Red.” Pagkasabi niya no‘n ay nabigla na lang ako nang may mga letrang tila isinusulat sa hangin. Nakaangat ang mga letrang iyon at kahit may bahid ng takot akong nakakapa sa dibdib ko ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na basahin kada salitang nakalutang sa hangin.
Magkita tayo sa batis. Ang sakop na property ng mga Fernsby. Iyon ang nakalutang na mga salita. Matapos ko iyong mabasa ay tila bula iyong naglaho pati na rin ang boses kanina.
Nasapo ko na lang ang dibdib ko at nanghihinang napaupo sa study table. Ngayon ko naramdaman ang panghihina ng tuhod ko.
Mas lalo ko lang ginusto na tuluyan ng malaman ang dahilan kung bakit ako napadpad dito. Sa wakas at magkakaroon na ng kasagutan ang bawat tanong sa aking isipan.
Kahit nanlalambot pa rin ang tuhod ko ay pinili ko pa ring tumayo nang maayos at naglakad papuntang banyo. Naging mabilis lang ang pagligo ko at isinuot ang damit na nakita ko sa study table. Mukhang pinatong iyon ni Isabelle do‘n na tulog pa ako. Hindi ko akalaing makakatulog ako nang mahimbing sa mundong ito, gayong hindi ako makatulog noon kapag nakiki-sleep over ako kila Tita Lincoln.
Wala akong naabutang tao pagpunta ko sa kusina. Napakatahimik ng buong paligid. Tila pinagkakatiwalaan na talaga ako ng pamilyang Calista. Iniwan nila sa akin ang kanilang bahay, na ni hindi inisip kong masama ba akong tao at may balak lamasin lahat ng ari-arian nila na puwede kong makuha rito sa bahay nila.
Naagaw ang atensiyon ko ng isang note na nakadikit sa pinto ng ref. Maganda ang pagkakasulat no‘n at nang basahin ko ay galing pala iyon kay Isabelle.
Good morning, Lare.
Hindi na kita ginising pa at mukhang mahimbing ang tulog mo. Nagpunta si papa sa bukirin namin para mag-ani. Si mama naman kasama si Kuya Julius at si ate Rita ay nagsimba sa bayan. Si Marga ay nasa kaklase neto. Habang kami ni Karina ay papuntang palengke dahil wala ng stock ng pagkain diyan sa bahay. Hindi ko kasi natanong ang cellphone number mo kaya heto, sinulat ko na lang ang akin. 09286675276. Tawagan or i-text mo ako kung may kailangan ka sa akin.
Isabelle.
Napangiti ako dahil sa simpleng mensahe na ito para bang pinaparamdam na sa akin ni Isabelle na isa na talaga ako sa pamilya. Ayoko mang tanggapin pero tila sila ang pumuna ng kasabikan ko sa mga magulang ko. Ito palang ang pangalawang araw na nandito ako sa mundo nila pero kahit papaano ay naging masaya ako at hindi ko alam kung kaya ko ba silang bitawang gayong marami ring mga taong naghihintay sa akin sa totoong mundo ko.
Pinunasan ko ang pumatak na luha sa aking pisngi at kinuha ang sticky note na iyon at inilagay sa bulsa ko, saka na ako tuluyang lumabas ng bahay. Isinasara ko na ang gate papalabas nang bigla ay may narinig akong boses.
“Ikaw siguro ‘yong Lare na binabanggit sa akin ni Isa.”
Nilingon ko ang boses na iyon para lang makita ang isang matandang babae na nasa late 50‘s na. Sa pagtingin ko palang sa kan‘ya ay alam ko na kaagad ang mangyayari sa kan‘ya sa istoryang ito. At sa unang pagkakataon, ngayon pa talaga ako kinabahan sa kahihitnan ng buhay niya. Na dapat ay naramdaman ko nang isinusulat ko palang ang TTOH.
“O-opo. A-ako po si Lare. Fredlare. Good morning po.” Pinili ko pa ring maging magalang sa harapan niya kahit nabubulol na ako.
“Totoo nga talagang magkamukha kayo ni Isa. Para kayong kambal talagang dalawa. Nga pala, saan ang punta mo, hija?”
Dahil sa itinanong niya ay naalala kong hindi ko nga pala alam kung saan ang papuntang batis. Kahit naman kasi kasama iyon sa kuwento ko ay hindi ko alam kung saan iyon banda rito. Lalo na‘t mas detalyado ang lugar dito kesa sa description ko sa libro.
“Sa batis po sana. ‘Yong sakop ng pagmamay-ari ng mga Fernsby. Alam niyo po ba kung saan iyon?”
“Ah, oo, hija.” Pagtango neto saka ito lumingon sa kabilang bahagi ng street at nagturo. “Nakikita mo ba ang tindahang malaking iyon?” Napatango naman ako sa tanong niya nang ituro niya ang malaking tindahan na may pulang gate. “May daan sa likuran niyan papuntang batis. ‘Yan ang shortcut papunta ro‘n. Kausapin mo lang ang may-ari ng bahay na iyan at papadaanin ka na niya. Sabihin mo lang na kilala ka ni Isa.”
Nang matapos magpasalamat sa kan‘ya ay naglakad na rin ako papuntang malaking tindahan na iyon. Ilang layo lang naman ang lalakarin at nang matapat do‘n ay kumatok ako ng tatlong beses sa pulang gate bago may isang babaeng lumabas mula ro‘n. Bagong gising at mukhang naabala ko pa ata sa pagtulog.
“Good morning po,” magalang kong pagbati sa kan‘ya.
Ang salubong niyang kilay ay unti-unting naglaho. Napalitan na iyon ng pagtataka. Hindi pa rin maalis sa mukha ko ang tingin niya habang binubuksan ang tarangkahan ng bahay nila.
“Sino ka, hija? Bakit kamukha mo si Isa?”
Kilala talaga sa Baryo Street si Isabelle. Napakabuting tao kasi neto. Friendly at hindi mahiyain. Madali niyang makagaanan ng loob ang mga taong nakakausap.
“Uhm, kaibigan po ako ni Isa.”
“Sigurado ka bang kaibigan ka lang ni Isabelle? Aba‘t magkamukhang-mukha kayo, hija. Sa buhok at kulay lang ng balat kayo nagkaiba.”
Tipid naman akong napangiti sa sinabi niya. “Marami nga po ang nakapagsabi.”
“Oh, siya, ano bang sadya mo at naparito ka?”
“Makikiraan lang po sana ako. Pupunta kasi akong batis.”
“Ah gano‘n ba? Sige, pasok ka.” Pag-aya niya. Hinintay niya lamang akong makapasok bago niya ulit isinara ang tarangkahan.
Sinundan ko lang siya hanggang sa maglakad siya sa mukhang garden nila at pagpasok namin sa tila talahiban ay hindi ko naiwasang mapanganga dahil sa ganda ng batis. Nasisinagan ng araw ang tubig kaya tila iyon crystal dahil sa sobrang linaw. Naiangat ko rin ang tingin sa falls dahil do‘n nanggagaling ang tubig, ibinabagsak papuntang batis.
“Maiwan na kita, hija.”
Pati rito ay nagpasalamat din ako bago tinungo ang isang balete na ayon sa matanda kanina ay do‘n nakikipagkita sa akin.
Pinili kong maupo sa batong malaking nakaharap sa balete para do‘n maghintay. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin nagpapakita ang matanda.
“Lola?” Hindi ko na naiwasang tawagin siya.
Gano‘n na lang ang pagkabigla ko at muntik pa akong mapatayo nang makita ang mukha niya sa puno ng balete. Mala-3D ang imahe niya na tila nanunuod ako sa sinehan.
“Sisimulan ko na bang sabihin ang magiging misyon mo sa mundong ito, Red?”
“Opo, Lola. Bakit po ba ako napunta rito?”
Umayos ako ng upo at nag-focus sa kaharap kahit gulong-gulo ako kung bakit nakikita ko siya sa isang balete. At tanging mukha lang niya ang nando‘n.
“Dahil gusto kong makita mo kung paano kadali para sa ‘yo ang kitlin ang buhay ng mga taong akala mo ay nilikha mo lamang sa libro.”
Hindi ko naiwasang mapalunok. Tila natuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya.
“Pero totoo namang gawa-gawa ko lamang sila, Lola.”
“Ngunit nakita at nasaksihan mong humihinga at gumagalaw sila, hindi ba?”
Napatango ako. “Opo. At base ang mga kilos nila sa kung paano ko ito isinulat.”
“At kung tinatanong mo kung bakit ka napadpad dito ay dahil ikaw mismo ang nagbukas ng lagusan papunta sa mundong ito, Red. Ikaw mismo ang bumuhay sa kanila.”
Habang tumatagal ay pakiramdan ko mas lalong nagiging magulo ang lahat. Mas lalong dumarami ang tumatakbong katanungan sa utak ko.
“But I don‘t even remember that I did something for them to be real.”
“Iyon ang akala mo, Red.”
“So.. Can you tell me now how to stop this? How can I go back to my own world?”
Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kan‘yang labi. At ang sunod na sinabi niya ay ang naging dahilan kung bakit naging eratiko ang pagpintig ng puso ko.
“By kissing the protagonist of the story.”
Magtatanong pa lamang sana ako ulit nang makarinig ng pagkaluskos kung saan. Naagaw no‘n ang atensiyon ko kaya nang ibalik ko ang tingin kay Lola ay wala na ang imahe niya sa balete. Bigla akong napatayo at inilibot ang tingin ko ngunit wala na talaga siya. Nagawa ko pang ikutin ang balete pero wala na talaga ang matanda.
Bagsak ang balikat ko na maglalakad na sana pabalik sa pinagdaanan ko nang may kakaiba akong narinig. May isang tinig na kumakanta kaya ang ginawa ko ay sinundan ko iyon. Ngunit nagkamali ata ako ng ginawa. Dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na tila nabato sa kinatatayuan nang makita ang isang adonis na umaahon sa batis.
Makailang beses akong napalunok nang makita ang pagbagsak ng butil ng tubig sa buhok niya papunta sa leeg niya, sa matitipuno niyang dibdib, hanggang sa —
“Isabelle?” Gulat na tanong niya na naging dahilan kaya nabalik sa mukha niya ang tingin ko. Nakarehistro sa mukha niya ang pagkalito. Mabilis akong napatalikod sa kan‘ya dahil bigla kong na-realize ang ginawa ko. Narinig ko pa ang tila pagbagsak niya sa tubig kaya nakagat ko na lang ang labi ko.
“Alam kong hindi ka si Isa. But can you give that towel to me?” tukoy neto sa kulay itim na tuwalya na nakasampay sa matulis na bato na nasa tabi ko.
Mabilis ko iyong kinuha. Ipinikit ang mga mata ko at nagawang pang takpan gamit ang isa kong kamay saka ako pumihit ulit hawak pa rin ang tuwalya.
“I promise, I can‘t see anything,” depensa ko sa sarili kahit wala pa siyang sinasabi. Nakaani tuloy iyon ng tawa mula sa kan‘ya.
Nakapikit na ako ngayon pero tila gusto ko pang lalong pumikit dahil sa boses niya. Ang sarap sa pandinig ang pagtawa niya Lalaking-lalaki ang boses.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang pagsakop ng malaking kamay niya sa kamay ko. Mabilis lang na naglapat ang balat naming dalawa pero hindi ko maintindihan sa sarili ay kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa simpleng pagdaiti ng kamay naming dalawa.
“Okay. I‘ll just pretend that I didn‘t see how you check me out.”
I know he is teasing me. At alam kong alam niya na nagkaroon ng epekto sa akin ang sinabi niya dahil biglang kumalat ang init sa mukha ko.
“Wag kang mahiya. Alam ko namang maraming nagkakagusto sa akin. Are you one of them?”
Dahil sa itinanong niya ay tuluyan ko nang tinanggal ang kamay ko sa pagkakatakip sa aking mga mata at iminulat ko na iyon. Medyo nag-adjust pa ng kaunti ang mata ko dahil pinilit ko iyong buksan. Nagpapasalamat na lang ako at may takip na ang pang-ibabang parte ng katawan niya. Atleast, hindi ako minus point sa langit kung sakali.
“Gwapong-gwapo ka talaga sa sarili mo e, noh? Ofcourse not.”
“Why? Don‘t you find me attractive?”
Pilit kong pinagtatakpan ang ngiti ko sa pamamagitan ng pagsimangot nang bigla niyang i-flex ang muscle sa bicep niya.
“Bakit? Ang kagwapuhan ba ay nasa muscle na ngayon, ha?" pagtataray ko.
Napailing-iling naman siya sa sinabi ko. “Okay, I‘ll change the topic. So, what are you doing here? Who are you? And why do you look like Isabelle?”
“Ang daming tanong, ha,” pagbibiro ko. “Una..” Itinaas ko pa ang isa kong daliri. “Nagpapalipas lang ako ng oras dito. Gusto kong tumambay kasi ang ganda ng batis. Pangalawa..” itinaas ko pa ang isa ko pang daliri. “Pagsasamahin ko na lang ang sagot sa huling tanong. I‘m Fredlare. I don‘t know how to explain why we are both sharing a one face. Pero naniniwala ako na sadyang may kamukha talaga tayo sa mundo kahit hindi natin kadugo. Nasagot ko naman na siguro lahat ng katanungan mo, ‘di ba?”
“Fredlare,” pagbigkas niya sa pangalan ko. May kung ano sa tinig niya ang kumikiliti sa tiyan ko. Tila ba ngayon ko lang nagustuhan ang pangalan ko nang siya ang magbigkas neto. “I‘m Kyler. Kyler Rivero.”
Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Ngunit natulala ako dahil sa laki ng palad niya at ang maugat netong kamay. Pero hindi rin iyon ang dahilan kung bakit ayoko pang abutin ang kamay niya, dahil may nagsusumiksik na bagay sa isipan ko na kailangan kong gawin. At hindi ako nagdalawang-isip na isakatuparan ‘yon.
Kinuha ko ang kamay niya para lang hilain. Mukhang nabigla siya sa ginawa ko kaya wala siyang nagawa kung hindi ang mapasunod. Tumingkayad ako saka inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at tinawid ang pagitan ng labi naming dalawa. Pinili kong ipikit ang mga mata ko para lang hindi makita ang reaksyon ng mukha niya.
He is not responding to my kisses. Ako lang ang tanging gumagalaw ng labi ko. Pero ayos lang iyon. Basta ang mahalaga ay sa pamamagitan neto ay makakabalik na ako sa mundo ko.
Ngunit dumaan ang ilang minuto na ramdam ko pa rin ang singaw ng katawan niya kaya napilitan akong imulat ang aking mga mata para lang masalubong ang naguguluhan niyang magagandang pares na mga mata. Pati ang kilay niya ay salubong na.
Wala sa sariling nai-distansiya ko sa kan‘ya ang sarili ko at kinapa-kapa ang kabuuan ng katawan ko. Mula sa mukha hanggang sa braso ko.
“Bakit hindi pa rin ako naglalaho sa mundong ‘to?” bulong lang iyon, sapat para ako lang ang makarinig. “Ang sabi ni Lola, makakabalik ako sa mundo ko kapag nagawa kong halikan ang protagonist ng kuwento. At si Kyler ang magiging lading man dito ni Isabelle, so.. why?”
Maya-maya lang ay napaangat ako ng tingin nang makitang kumilos si Kyler. Naglakad siya at pinunan ang distansiya sa pagitan naming dalawa. At gano‘n na lang ang pagkagulat ko nang bigla siyang dumukwang, hinila ang batok ko at muling naghinang ang mga labi naming dalawa.
Pero ngayon ako naman ang nagulat. Naibuka ko ang bibig ko at ginawa iyong dahilan ni Kyler para maipasok ang dila niya sa bibig ko. Ginalugad niya ang bibig ko at tila naging mapaghanap ang halik niya. Mabilis, tila takot siyang masayang ang oras.
Kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata at ipinaikot ang dalawa kong kamay sa batok niya at mas lalo siyang hinila papalapit sa akin. Magkadikit na magkadikit na ang dibdib niya at hinaharap ko. Kaya sa oras na ito, alam kong dinig niya ang mabilis na pagpintig ng puso ko.
Napaungol ako nang bigla niyang kagatin ang pang-ibaba kong labi at ipinulupot niya ang braso sa beywang ko.
Ngunit ang kaninang masarap at nakakahalinang halik niya na naghatid ng init sa akin ay tila napalitan ng lamig. Saka ko naramdaman na may tumampal sa bibig ko.
“Red, bangon na. Aba‘t alas diyes na, gurl.”
Bigla ay naimulat ko ang mga mata ko dahil sa boses ni Laisa. Napabalikwas ng bangon at dis-oriented na inilibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto naming dalawa.
Nandito na ako.. nakabalik na ulit ako sa mundo ko.
Wala sa sariling naiangat ko ang kamay ko at nasapo ang labi kong tila maga pa rin dulot ng paghahalikan naming dalawa.
Then I giggle when I realized that he is such a.. good kisser.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro