Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3: ASTONISHED


3:
ASTONISHED

Halos walang kurap kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng street na 'to. Nawala na ang atensiyon ko sa dalawang tao kanina.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kahit gulong-gulo na ako sa nangyayari. Nagawa ko pang kurutin ang balat ng braso ko.

"Ouch." Nasaktan ako, so it means.. totoo ito at hindi lamang panaginip?

Napatingin akong muli sa babae kanina. Si Isabelle. Ang karakter na binuo ko sa aking istorya, the lading lady of The Taste of Tragedy, to be exact.

Hindi lang ang ngiti niya, ang mata niyang naghuhumiyaw ng sobrang paghanga sa kaharap niya ang siyang nakakuha talaga ng atensiyon ko. It's because we both have the same face. Ang kaibahan lang ay ang skin color naming dalawa. Maputi ako samantalang morena ang kulay niya.

Ang tindig, pananamit niya, ang ngiting iyon, ang eksenang ito ay pawang isinulat ko lamang base sa imahinasyon ko. Kaya bakit? Bakit nagkatotoo sila at ngayon nga ay kasama na akong gumagalaw sa mundo nila?

Bigla ay parang may bumulong na hangin sa aking tainga.

"Magbubukas na ang portal papunta sa sarili mong libro, hija."

Ramdam ko ang panghihina na ng aking tuhod pero pinanatili ko ang pagbalanse sa aking katawan. Kasi kung hindi ko gagawin 'yon ay pakiramdam ko mabubuwal ako mula sa pagkakatayo.

Wala sa sariling natawa ako dahil sa alaala ng matandang iyon, ang mga sinabi niya sa akin. Napaka-impossibleng magkaroon ng portal papunta sa isang libro. Sa kuwentong gawa lamang. Dahil ang mga ganoong senaryo ay pawang kathang isip lamang. O 'di kaya ay napapanuod ko lang sa korean dramas.

Maya-maya lang ay nakita ko ang paglapit sa akin ng isang babae. Makikita ang pagkalito sa kan'yang maamong mukha. At alam ko na kaagad kong bakit.

"T-teka, miss.. Bakit magkamukha kayo ng ate ko?"

Tama nga ang hinala ko.

Siya si Karina, ang bunsong kapatid ni Isabelle.

Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya sa bahay nila. "Ate Isa!" tawag pansin niya sa kan'yang ate na ngayon ay mukhang namamaalam na sa manliligaw neto.

Tumakbo naman si Isabelle sa kinaroroonan namin dahil sa pagtawag sa kan'ya ni Karina. Katulad ng huli ay gano'n din ang naging reaskyon niya.

Hindi ko na siya napigilan pa nang itaas niya ang isang kamay at haplusin ang mukha ko.

"N-nananalamin ba ako? Bakit tayo magkamukha?"

Kahit ako ay gulong-gulo pa rin. Ang tangi na lamang naiisip ko, heto at kaharap ko si Isabelle. I describe her in my novel based on how I look like. Well ofcourse, except of our skin color and hairstyle. Pero parehong-pareho kami ng body type, tangkad at ng mukha. Kahit sinong makakakita sa amin ay iisiping magkambal kaming dalawa.

Hindi ko ito naisip nang isinusulat ko. Medyo nabigla pa nga ang mga mambabasa ng TTOT sa webtoon na magkamukha pala ang bidang babae at ang nagsulat no'n. Noong una ay balak sana iyong baguhin ni Laisa noong dina-drawing niya palang, pero hindi ako pumayag. Because I want my character to look like me. Para maipaalala ko sa sarili ko na inspired ang story na ito sa lahat ng sakit na naranasan ko pagdating sa pag-ibig.

"Look, I don't know how to explain this. I don't know where to start." Hindi ako makahanap ng tamang salita na sasabihin kay Isabelle. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na ginawa ko lang siya.

Ang weird naman siguro kung sasabihin ko sa kan'ya na naka-plano na ang buhay niya base sa kuwentong ginawa ko. I know I'll sound a crazy girl for them.

"Alam ko na!" pagkuha ni Karina sa atensiyon naming dalawa ni Isabelle. Lumapit ito sa akin at naglakad nang makailang beses sa harapan ko. "Siguro nagpa-plastic surgery ka, noh?"

Mabilis kong iwinagayway ang kamay ko para depensahan ang sarili ko. Natural ang beauty ko. At ang babaeng nasa mundong ito ang totoong carbon copy ko, dahil ako ang orihinal na nagmamay-ari ng mukhang 'to.

Mabilis akong nag-isip ng dahilan at napangiti sa likod ng isip ko nang tila may bombilya sa tutok ng ulo ko ang umilaw. "A-ano.. 'Di ba kasi ang sabi nila, sa mundong ito, mayro'n tayong kamukha. Kaya nga nang malaman ko na may kamukha ako sa lugar na 'to, hindi ako nagdalawang-isip na pumunta rito para makita ka, Isabelle. You see? I'm an only child. Kaya pinahanap talaga kita at inalam ang tungkol sa 'yo. And luckily, here I am, already found you."

Ramdam kong may pag-aalinlangan pa rin silang dalawa. Hindi pa rin sila lubusang naniniwala sa paliwanag ako. Lalo na si Karina.

"Umalis ka sa inyo ng wala ka man lang ni isang dala? Kahit damit?"

"Yes, that's the case." kibit-balikat ko. "Naglayas kasi ako sa amin. I still want my privacy. So, I can't tell you exactly why. I'm just hoping that you will believe me. And ask you for a favor if I can stay here with you, guys."

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ngumiti na si Isabelle. Pati ang ngiti ko ay kuhang-kuha niya rin. Ang dalawang dimples ko ay mayro'n din siya. Ganito pala ang pakiramdam na alam mo sa sarili mong nag-iisang anak na babae ka lang ng magulang mo pero may kamukha ka na hindi mo naman kadugo. Masarap pala sa pakiramdam. Sa ngiti niyang iyon tila guminhawa ang pakiramdam ko.

Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit kapag may problema si Laisa ay pinapangiti niya ako para mawala ang stress niya. She's really true in her words. Totoo pala talaga na gumiginhawa ang pakiramdam niya kapag nakikita niya akong nakangiti, kasi iyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Wag mo na lang pansinin ang kapatid ko. Sad'yang may trust issues lang talaga siya." Napanguso naman si Karina dahil sa sinabi niya. "Anyway, what's your name?"

"Fredlare. Fredlare Alcanta," sagot ko saka inilahad ang kamay ko para sa pakikipagkamay na kaagad naman niyang inabot.

"You have a unique name. Can I call you Lare?"

"Sure. It sounds nice. Wala pang tumatawag niyan sa akin."

"Tara pasok ka sa bahay namin, Lare," pag-aya niya sa akin. Inalalayan pa niya ako kaya nauna na sa amin si Karina papasok sa bahay nila.

Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa bakuran ng kanilang bahay. Ganitong-ganito rin ang pagkakaguhit ni Laisa. Maraming bulaklak dahil mahilig ang mama ni Isabelle na magtanim. May konting espasyo dahil do'n nila ipinaparke ang gingamit nilang bicycle.

Sa kuwento kasing TTOT, inilarawan ko ro'n ang simple at payak na pamumuhay ng mga tao rito sa Baryo Street. Tanging bicycle ang ginagamit na transportasyon ng mga tao rito, kagaya ng Japan at dating pamumuhay sa Pilipinas. Kakaunti lang ang nagmamay-ari ng mamahaling sasakyan, at sa kuwentong ito, isa na ro'n si Kardo Fernsby. Nag-iisang anak ni Relish Fernsby at Imogen Fernsby at apo ni Doñ Ichero Fernsby.

Sa daloy ng kuwentong ito ay nabighani ng isang Isabelle Calista ang isang Kardo Fernsby. At sa araw ngang ito na napadpad ako sa kuwento, mag-iisang taon na buhat ng manligaw ang lalaki kay Isabelle.

"Ito ang magsisilbi mong kuwarto, Lare. Dati itong kuwarto ni Jerald," banggit neto sa kanilang bunsong lalaki.

May limang anak sila Robert at Gennie Calista. Si Julius, ang panganay. Si Isabelle na pangalawa sa kanila. Sunod dito ay si Marga. Si Jerald at ang bunso ay si Karina.

"Thank you."

Sinusundan ko bawat hakbang na gagawin niya. Pati ang pagbukas niya ng isang aparador na gawa sa accacia. Mula ro'n ay kumuha siya ng damit na siyang ipapahiram niya siguro sa akin. Pagkatapos ay do'n palang siya lumingon sa gawi ko sabay bigay sa akin ng mga kinuha niyang damit.

"Mga damit ko 'yan. Nagtataka ka siguro kung bakit nandirito sa kuwarto 'yan ni Jerald. Dito kasi ako naglalagi simula ng pumanaw siya."

Dahil sa sinabi niya ay napayuko ako. "I'm sorry to hear that."

"It's okay. Limang taon na rin naman nang mamatay siya. Tanggap na namin kahit masakit pa rin. Oh siya, maiwan na kita rito, Lare. Sa kabila lang ang kuwarto ko. Tawagin mo ako kung kailangan mo ako."

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tingnan si Isabelle. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto netong kuwarto, senyales na nakaalis na siya. At do'n palang ako nakahinga saka ko itinaas ang ulo ko para ilibot ang tingin sa kabuuan netong kuwarto.

Isa, hanggang sa naging sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko. Dahil ang kuwarto na ito ay pamilyar sa akin. Ang kuwartong ito na si Jack ang nagmamay-ari.

Noong panahong isinulat ko ang TTOT, hindi pa ako noon lubusang nakaka-moveon sa pagkamatay ni Jack. Kaya siya ang naging basehan ko sa magiging papel at karakter ni Jerald sa kuwentong ito.

Namatay din siya at sa mismong harapan iyon ni Isabelle nangyari. Pero magkaibang sitwasyon ng pagkamatay. Dahil binaril si Jerald ng mga taong galit sa kan'ya. Pinili niyang protektahan ang ate niya, gaya ng pagprotekta sa akin ni Jack. Kaya ibinuwis niya ang buhay para rito.

Ngunit hindi kagaya ko, nandiyan ang mga kapatid at magulang ni Isabelle para sa kan'ya, para damayan siya. Samantalang ako mag-isang tumayo sa sarili kong mga paa.

Hindi rin nakatulong sa akin na marinig ang pamilyar na kanta na paborito naming dalawa ni Jack. It's an ost, a kdrama ost.

I'm missing you

Tumayo na ako habang tila naging background song ko ang kantang iyon. Mas lalo lang pinapabigat ng kantang iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Waiting for you

Yes! I'm still waiting for, Jack. I'm still waiting for a day that the scenario of Jack in that stretcher isn't really happened. That maybe.. just maybe, this is just a dream. That later, I'll wake up and he is still alive, teasing me.

nae mami geudaereul hyanghae

Jack, my baby bro, your ate still missing you.



Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iyak ko ay nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako buhat ng pagkatok sa pinto.

"Lare, si Isabelle 'to, gising ka na. Kakain na tayo."

Dahil sa narinig ko ay napasilip ako sa bintang bukas ng bahagya. Kinakain na nga ng kadiliman ang ulap. Mukhang gabi na talaga.

"Sige. Susunod na lang ako."

Nang marinig ko ang yabag niya papalayo ay do'n palang ako tumayo. Bitbit ang kanina pang ibinigay na damit sa akin ni Isabelle. Hindi pa rin kasi ako nakakapagpalit magpahanggang ngayon.

Pumasok ako sa pinto na nakita ko sa loob ng kuwarto na 'to. Alam kong pinto iyon papasok sa banyo. Napahugot pa ako nang makailang beses nang tuluyang makaharap sa salamin. I looked like a mess. Sobrang mugto ang mata ko, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Yumuko na ako at binuksan ang gripo saka naghilamos ng mukha. Pagtingin ko muli sa salamin ay mukhang ayos naman na ako. Hindi na halata ang mugto ng mata ko kanina.

Pagkatapos ay nagbihis na ako. Pinalitan ko ang damit ko gamit ang ibinigay ni Isabelle. It was an oversized shirt. Lampas tuhod ko pero isinuot ko pa rin ang pajama. Pati na rin ang underwear na mukhang bago pa at hindi pa nagagamit. Saka ko sinuklay gamit ang kamay ko ang aking maiksing buhok. Hindi tulad ng mahabang buhok ni Isabelle. Her hair is a natural wavy at curly ang ibaba.

Nang makuntento sa hitsura ko ay lumabas na rin ako ng banyo. Nakakahiya at baka ako na lang ang hinihintay nila. Tinahak ko ang dinaanan namin kanina at ang daang naalala kong nakita ko kanina na papunta sa kitchen nila. Nando'n na silang lahat. Nakaupo pero may hinihintay.

Hindi pa sila nagsisimulang kumain kaya siguro rinig ko ang pagmamaktol ni Karina.

"Kain na tayo, ate Isa. Gutom na ako."

"Hintayin natin si Lare, Karina."

Hindi ko naiwasang mapangiti nang makitang napanguso si Karina. Sa ilang taon na nahiwalay ako sa mga magulang ko, ngayon ko na lang naramdaman na tila may humahalukay sa tiyan ko at parang may mainit na yumayakap sa buong katawan ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman na may mga taong naghihintay sa akin sa pagdulog sa hapag.

"She's here," Rinig kong ani Julius, nasa tabi neto ang fiancée na si Rita. Lahat ng nakakita sa akin maliban kila Karina at Isabelle ay nanlalaki ang mga mata. Marahil ay hindi sila makapaniwala na may carbon copy ang anak nilang si Isabelle.

"Omygod!" naibulalas ni Mrs. Calista, bakas sa mukha ang pagkagulat. Naitaas pa neto ang kamay para takpan ang bibig niyang nakabuka. "Kamukhang-kamukha ka nga ni Isabelle, hija." Saka ito tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan niya pa ang dalawa kong kamay at pinisil ang pisngi ko. Napangiwi ako dahil medyo napalakas ang pagpisil niya sa pisngi ko.

"Ma, tama na 'yan. She's real, okay? And you make her uncomfortable," si Marga na nakapameywang na ngayon. Nasa likod na ito ngayon ni Mrs. Calista, pilit inilalayo sa akin.

"Masisisi niyo ba ako, ha? Ako ang nagpanganak kay Isabelle kaya hindi ako makapaniwala na may kamukha ang ate niyo. Kung iba lang ay iisipin kong kakambal niya itong si Fredlare."

"Hindi rin po ako makapaniwala, Mrs. Calista," magalang kong sabi.

Bahagya niya naman akong tinapik sa balikat. "Ano ka ba naman, hija. Just call me tita, okay?"

Napatulala naman ako dahil sa sinabi ni Mrs. Calista.

"Welcome to our family, Fredlare," si Julius na ngayon ay nakangiti na. Nakatayo na silang lahat at nakangiti na rin sa akin.

Hindi ko na napigilan pa at napaiyak ako. This is too much for me. Nagiging emotional ako ngayon.

"Aww. Look at this girl." Namalayan ko na lang na hinila ako ni Mrs. Calista at niyakap nang mahigpit. "Don't cry, hija, okay?"

"Okay po, Tita."

Lumayo na rin siya sa akin nang maging okay na ako. Saka na niya ako inayang kumain.

"Ayoko sa drama, ha. Kumain na tayo," ngayon ay rinig kong sabi ni Mr. Calista, ang haligi ng tahanan. Kanina ay tahimik lamang siya.

Noong una ay hindi ko akalain na makakapasok sa mundo na nasa libro ko lang.

Ngayon naman, hindi ko akalaing mahahanap ulit ang pagkalinga at pagmamahal sa pamilyang karakter ko lamang dapat.

I was really astonished on how the fate play, huh?

--

Song: I'm Missing You
Artist: Sunjae

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro