2. REAL
2:
FICTIONAL CHARACTERS BECOME REAL
Napabuga na lang ako nang marahas dahil wala pa ring panibagong plot na pumapasok sa utak ko. Isang buwan na akong hiatus simula nang second book signing ko. Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong nobela na naisusulat.
Ni ultimo description lang at kahit maliit na detalye ay para bang pinagkakaitan ako ng utak ko. Nakakapanibago dahil noon, sa tuwing nakaharap ako sa aking laptop ay kaagad rumaragasa ang mga naiisip kong scene na mangyayari sa kuwento. Kaya sa loob ng isang oras ay nakakatatlo or nakakaapat kaagad akong chapters.
Hindi tulad ngayon. Tapos mabilis pa akong ma-distract. Samantalang noon ay inspired na inspired akong magsulat at naka-set pa ang schedule kung anong oras ko isusulat ang next chapter ng story ko.
Pero sa kaso ko ngayon? Ni hindi ko na nasusunod ang schedule time ko. Sinubukan ko na rin mag-outline na hindi ko naman dating ginagawa pero wala pa ring nangyayari.
Kaya kahit labag sa loob ko ay nagdeklara muna akong magiging hiatus. Ang sabi ko sa post ko ay hanggang dalawang linggo lang akong mawawala pero mahigit isang buwan na. At nahihiya na akong buksan ang wattpad account pati social media accounts ko dahil alam kong bubumbahin lang nila ako ng tanong kesyo kailan ako babalik. Kaya pinili kong 'wag magbukas lalo na't hindi ko pa alam kung kailan talaga ako makakabalik.
Ilang beses na rin akong nakatanggap ng mga mensahe galing sa editor ng Chapters of Bookfare. Bukod sa gusto nilang magkaroon ng second batch para sa releasing ng The Taste of Tragedy, nagtatanong na rin sila kung kailan ang balik ko at balak nilang mag-sched for live interview sa facebook. Together with my co-authors.
Matagal na nila akong kinakausap sa bagay na magpalit ako pansamantala ng genre. From Tragic story to Erotic Romance na kaagad kong inayawan. Bukod sa hindi ako komportable sa genre na iyon, iniisip ko rin ang mga readers ko na wala pa sa legal age.
Kasi aminin man natin o sa hindi, may iba talaga riyan na kahit may warning ka na, babasahin pa rin nila. May mga pasaway talagang readers pero ‘yong iba naman sa sobrang suportado ka, kahit na genre na ‘di na akmang basahin para sa kanila ay binabasa pa rin nila.
This past few weeks medyo ginigisa na ako ng editor namin. Kulang na lang ay palitan ko na ang simcard ko para hindi na nila ako ma-text. But that's too unprofessional for me.
Napahugot akong muli ng malalim na buntong hininga saka ko pinatong ang baba ko sa isa kong palad at tinitigan ang blangko ko pa ring microsoft word. Ni isang salita ay wala pa akong nata-type.
“Red, nabalitaan mo na ba?” maya-maya ay rinig kong tanong ni Laisa. Katulad ko ay nakaharap din ito sa sariling laptop. Mukhang may pinapagawa nanamang bagong design ang boss niya.
“Ang alin?" walang-ganang tanong ko pabalik.
“Magkakaroon daw ng collaboration between wattpad and webtoon.” Mababakas ang kasiyahan sa mukha niya. Nagawa pa nga niya akong yugyugin sa balikat.
“May collaboration naman na between the two of us. So, what‘s new?”
Si Laisa kasi ang ka-collab ko sa paggawa ng story ko. Ako nagsusulat at siya naman ang nagda-drawing at pinopost niya iyon sa webtoon. Syempre, with my consent. Maganda naman kasi ang gano‘n, hindi mo na kailangan ng mahabaang paliwanag. Sa paggalaw palang ng mga characters sa drawing ni Laisa ay alam mo na kaagad kung anong ginagawa nila. Kailangan lang talaga ng mahabang usapan sa kuwento. Dahil do‘n tatakbo ang istorya.
Kaya nga medyo may kahabaan ang mga isinusulat ko kasi pina-practice ko na ang sarili ko na maraming dialogue sa pagitan ng mga characters ko.
Noong una, ginawang hobby lang ito ni Laisa. Hanggang sa pareho kaming ma-discover. Nakaabot pa nga istorya ko, worldwide dahil sa tulong ng webtoon. Hindi lang oppurtunity sa mga artist and writers ang ibinibigay ng webtoon. This platform also gives fee or the artist are being paid off. Kaya nga itong bestfriend ko tuwang-tuwa kapag ka sumusuweldo na. Kaya ginawa niya ring sideline ang pagda-drawing niya.
“Ano ka ba. Syempre, oppurtunity sa akin ‘to para maraming makilalang writers and authors. Malay mo open sila for collaboration.”
“Bakit? Sawa ka na ba sa ‘kin?” Pagtaas ko ng kilay. “Gusto mo na akong palitan porke‘t wala na akong maisulat na bago.”
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. “Chill, Red! Syempre magpapaka-practical na ako. Do‘n ako sa writer na kung saan, kikita ako.”
“Aba‘t!” Pinanlakihan ko siya ng mata, sabay kuha ko ng unan at mabilis iyong inihagis sa kan‘ya. Pero sadyang mabilis lang talaga ang reflexes niya kaya kaagad siyang nakaiwas at nakatakbo dala ang laptop niya.
Nagawa pa netong dumungaw sa hamba ng pintuan. “Don‘t push yourself to write, Red. If they are really your readers, they can wait for you. Or you can take more time to rest. Relax. Watch a movie or we can date outside. You know? Like we used to do. So, cheer up! Call my name if ever you need a help,” ani Laisa saka pa neto itinaas ang kamay at ginawa ang sign for cheering up people, like me ofcourse.
Tuluyan na itong umalis sa hamba ng pintuan. Sa tingin ko ay sa kitchen ang tungo niya. Stress reliever kasi ni Laisa ang pagkain. Matagal ko na siyang pinagbawalan sa bagay na iyon pero sadyang hindi niya raw mapigilan lalo na‘t ang boss niya ang dahilan kung bakit siya stress na stress. Hinayaan ko na tutal naman at every weekends or kapag may vacant sa schedule niya ay iyon ang ginagamit niya para makapunta ng gym.
Ibinalik ko na lang muli ang atensiyon ko sa laptop ko saka na iyon pinatay at isinara. Tumayo at umunat. Mukhang kailangan ko nga talaga ng sariwang hangin at alam ko kung saan ako nagiging payapa, bukod sa pagsusulat.
Dumiretso na ako sa cr na nasa loob lang netong kuwarto namin. Pagkapasok ay itinukod ko ang magkabila kong kamay sa sink. Matagal kong tinitigan ang sarili bago ko napagpasyahan na maghilamos ng mukha. Pagkatapos masabunan iyon gamit ang kojik na paborito namin ni Laisa ay makailang beses ko pang binanlawan ng tubig ang mukha ko bago nakontento. Saka ko kinapa sa gilid ko ang rack kung saan nakalagay ang maliit kong bimpo, pamunas ng mukha ko.
Ngunit kaagad nangunot ang noo ko nang iba ang makapa ko. Hindi ako p‘wedeng magkamali, kamay ng tao ang nahawakan ko.
“Laisa? Ikaw ba ‘yan?”
Ngunit lumipas ang ilang minuto at wala akong narinig na sagot mula sa kan‘ya.
Kahit masakit ang biglang pagmulat ko ng mata dahil sa tubig ay hinayaan ko lang iyon at hindi na pinansin pa. Dumapo kaagad sa rack na pinaglalagyan ko ng bimpo ko ang aking tingin. Pero walang Laisa akong nakita ro‘n, maski sa kahit saang sulok ng banyo.
Marahas na lang akong napahugot ng buntong hininga. Marahil ay guni-guni ko lamang iyon. Pinili ko na lang na kunin na ang bimpo ko saka pinunasan ang mukha ko. Pero may pagkakataon pa rin na napapasulyap ako sa rack na iyon saka mapapailing. Nang matapos ay tuluyan na akong lumabas ng banyo at pintay ang ilaw ro‘n.
I scanned the clothes that I‘m wearing right now. It‘s a wide-leg jeans that I paired up with a black croptop. Maraming inggit sa akin dahil kahit petite ang katawan ko, still, bumabagay pa rin sa akin ang mga ganitong style. Hindi na ako nagpalit pa at kinuha lang ang sling bag ko at sunglasses, saka na lumabas ng kuwarto.
Naabutan ko pa na abalang-abala sa laptop niya si Laisa. Sa tabi ng laptop neto ay may isang malaking potato chips. Mas‘yado iyong unhealty sa kan‘ya lalo na‘t marami siyang dapat tapusin ngayon. Kaya bago ako umalis ay ginawan ko muna siya ng tuna sandwich at juice. Alam kong hindi ko siya maaabala ngayon. Kahit na mag-ingay pa ako rito at mag-pole dancing ay hindi niya mapapansin ang presensiya ko. Ganito siya ka-focus sa ginagawa.
Matapos ko siyang mapaghanda ng makakain niya at matapon ang kinakain niyang potato chips ay lumabas na ako ng apartment naming dalawa. Pumara ng tricycle na nakita ko pagkalabas at nagpadiretso sa isang flower shop kung saan suki na talaga ako.
Bukod sa nauna kong bestfriend who betrayed me, si Laisa palang ang naging kaibigan kong babae. Siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Female version kasi siya ni Ryle. Tulad ng huli ay hindi niya rin ako sinukuan.
She told me before when the first time that our eyes met, she already knew that I'm broken inside even that I'm smiling at them. She knew that I‘m just giving them a fake smile. So, she promise to herself that she will do everything just to see my genuine smile. That day, she prove to me that I can put down my defenses when it comes to her.
“Ma‘am, nandito na po tayo,” rinig kong imporma sa akin ni Manong driver.
Dis-oriented ko pang inilibot ang tingin ko sa flower shop. Pakiramdam ko kasi ay may naiba rito. Saka ko lang napagtanto na mukhang dumami ang mga ibinebenta nilang mga bulaklak. Maraming naidagdag na nagpaganda lalo sa shop.
“Manong, magkano po?”
“30 na lang, ‘neng.”
“Grabe ka naman, manong. Malapit lang naman po ang pinaghatiran niyo sa akin. 25 lang ang binabayad ko kapag nagpapahatid sa iba. Tumubo naman kayo masyado ng limang peso.” Medyo sinilip ko pa ang harapan ng tricycle niya at napangisi. “Ni wala nga po kayong plate number. Katunayan lang ‘yan na hindi ka nagbabayad ng tax.”
Napakamot-kamot naman siya sa ulo. “Oo na. Sige na. 25 na lang, ineng.”
Doon na ako napangiti at kinuha mula sa sling bag ko ang itinabi kong 25 pesos at saka iyon inabot sa kan‘ya. Kumaway pa ako nang papaalis na ang tricycle. Nang hindi ko na matanaw si Manong ay pumasok na ako sa flower shop ni Tita Lincoln.
“Hulaan ko. Tumawad ka nanaman noh, Red?” Bungad na tanong sa akin ni Tita Lincoln pagpasok ko sa flower shop niya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil abala ito sa paglalagay at pag-aayos ng mga paso ng bulaklak niya sa loob ng shop.
“Kailangan kong maging matipid e,” kibit-balikat kong depensa sa sarili. Nang tuluyan na siyang humarap sa akin ay kinuha ko ang kamay niya at nagmano.
Si Tita Lincoln kasi ang kapatid ni mama. Mas close ako sa kan‘ya at siya ang unang tao na tumanggap sa akin bilang manunulat. Tutol kasi ang mga magulang ko sa pinasok ko. Lalo na at naging full time writer ako. Minsan lang ako suma-sideline kapag bet ko ang racket at kapag pasok sa banga ang pasahod.
Siya rin ang tumanggap sa akin nang mga panahong lumayas ako sa amin. Dumating na kasi ako sa punto na nasakal na ako sa mga magulang ko. Nagawa rin ni Tita Lincoln na ipasok ako rito sa flower shop niya para may maipantustos ako sa aking pang-araw-araw. At nang subukan akong kunin ulit ng mga magulang ko ay hindi nagdalawang-isip si Tita Lincoln na mamagitan at ipaglaban ako. Kaya malaki ang pasasalamat at respeto ko sa kan‘ya.
“Bibisitahin mo ba ulit si Jack?” si Tita Lincoln na ngayon ay lumapit na sa boquet of flowers na mukhang kanina niya pa naayos. Mukhang hinihintay na lang niya talaga akong dumating.
“Opo, tita. Medyo nawawala kasi ang will ko sa pagsusulat. Baka sakaling mahanap ko iyon kapag dinalaw ko siya.”
“Baka naman magsawa na niyan sa ‘yo si Jack. Aba‘t araw-araw mo na lang ata siyang dinadalaw.”
“Palagi ko kasi siyang nami-miss, Tita.”
Tinapik naman niya ang balikat ko. “Red, nangyari na ang nangyari. Kung naririto lang si Jack baka nagtalo na kayong dalawa. Don‘t blame yourself iha, okay? Walang may gusto sa nangyari.”
Kahit ilang beses na iyong pinapaalala sa akin ni Tita Lincoln ay hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili. Isa kasi ito sa dahilan kung bakit nagkaroon ng gap sa pagitan ko at ng aking mga magulang.
Matapos makuha ang totoong pakay ko sa flower shop ni Tita ay muli akong sumakay ng tricycle papunta kay Jack. Hindi katulad ng nauna kong sinakyan, ngayon ay hindi na ako humingi pa ng tawad. Diretso bayad kaagad pagkasabi ng kung magkano.
Makailang beses pa akong napabuntong-hininga habang tinitingnan ang malawak na lupaing ito. Halatang hindi pinapabayaan ng mga tagalinis dito na marumihan ang lugar. Kitang-kita rin ang mga bulaklak sa labas na bagong dilig pa at pagpasok sa loob ay halos naka-trim na ang mga damo.
Napapikit ako nang umihip ang sariwang hangin. Ang sarap talagang bumalik sa lugar na ‘to. Lalo na‘t ito ang madalas na lugar na pinupuntahan ko kapag gusto ko ng tahimik at mapayapang lugar. Minsan hindi ko na nga namamalayan na habang naririto ako ay nakakapag-type na pala ako sa phone ko nang magiging susunod kong update sa wattpad.
Kaagad akong napansin ni manong security guard. Kapag ganitong oras, siya palagi ang nakatoka na magbantay. May kapalitan naman siya ngunit pabandang hapon pa iyon.
“Good morning, Ma‘am Red. Napaaga po yata kayo.”
“Oo, manong. Na-miss ko kasi siya.” Tukoy ko kay Jack.
“Sige po ma‘am Red at hindi na kita iistorbuhin pa. Tawagin niyo lang po ako kung sakaling kakailanganin niyo ang tulong ko, Ma‘am.”
“Sige po.” Nagpaalam na rin kami sa isa‘t isa at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Binusog ko ang aking mga mata sa tanawin ng lugar na ito. Nakakatuwang mas lalo pa itong gumaganda paglipas ng panahon, ‘di tulad ng ibang lugar na hinayaan ng paglipasan ng panahon. Maganda rin pagmasdan ang mga bagong umuusbong na bulaklak.
Tuluyan na akong napahinto sa paglalakad nang marating ko na ang kinaroroonan ni Jack. Lumuhod ako saka kinuha ang kandila at posporo sa aking sling bag saka iyon itinirik sa harap ng kan‘yang lapida.
“Hi, bro! Nandito nanaman ako. Hindi ka naman siguro nagsasawa sa pagmumukha ng ate mo, ‘di ba?” tanong ko kahit na alam kong wala namang sasagot sa akin.
Humangin nang malakas na animo ay sinasagot ako ni Jack. Niyakap ng malamig na hangin ang katawan ko lalo na‘t kita ang pusod ko dahil croptop lang naman ang suot ko.
Inalis ko muna ang mga natuyong bulaklak na ako rin naman ang nagdala rito kahapon, saka iyon pinalitan ng bagong bulaklak na dala ko ngayon.
“Mukhang hindi ka nila dinadalaw, bro. ‘Wag kang magkaro‘n ng hinanakit sa kanila, ha? ‘Wag mo kaming gayahin na hanggang ngayon ay hindi pa rin okay ang pagitan sa aming tatlo. Kung nasa‘n ka man ngayon, sana nahanap mo ang kapayapaan na hindi mo naranasan noong nabubuhay ka pa. Bro, miss na miss na kita.”
Inayos ko ang pagkakaupo ko saka ipinatong ko ang dalawang braso ko sa aking tuhod.
Ngayon palang ay nai-imagine ko nang nakakunot ang noo ni Jack. Salubong ang kilay at ang nakapameywang niyang postura. Lalo na at nagda-drama na naman ako ngayon.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nakaraan. Ang huling sandaling nakausap ko siya, na nakasama ko ang kapatid ko.
“Baby bro, ang sakit ng puson ko. Bili mo ako ng fries and burger, please!”
Mula sa paglalaro niya ng mobile legends ay nabaling ang tingin niya sa ‘kin. Nakakunot ang noo at salubong na salubong ang kilay. Kung hindi lang siya magagalit ay kanina ko pa pinanggigilan ang matambok niyang pisngi.
“Anong connect ng pagsakit ng puson mo, ate? Sa pagpapabili mo ng fries?”
Napasimangot naman ako dahil sa tanong niya. Sasagutin ko pa lang sana siya nang maunahan na niya ako. “Ah kasi kayo nireregla, kami hindi. E kayo kaya ang matuli, noh? Tapos sabihin din namin na bilhan niyo kami ng fries at burger tutal tinuli naman kami.”
Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na talaga napigilan na batuhin siya ng unan na mabilis naman niyang naiwasan. Mukhang ang dugo sa puson ko ay unti-unti nang lumilipat papunta sa ulo ko.
“Pucha! Kung ayaw mo akong bilhan edi ‘wag! ‘Yan na lang ML mo ang gawin mong ate, ha? Tutal at mas mahal mo naman ata ‘yan kesa sa akin e.” At sumabog na nga ako nang tuluyan.
Napatayo naman siya bigla saka pakamot-kamot na binitawan ang phone niya. “Ito na nga, ate. Bibilhan na nga kita. Sasamahan ko na rin ng brand ng sanitary napkin mo.”
“Good.” Do‘n palang ako napangiti at mas lalong namaluktot sa paghiga.
Pero bago pa siya makaalis ay dumungaw pa siya sa hamba ng pintuan sabay tanong na, “Ate? Ikaw ba si bill?”
“Bill? Anong kalokohan nanaman ‘yan, Jack?”
“Ikaw nga si Bill. Billi mo ko niyan. Billi mo ko noon.”
“Jack Crisostomo Alcantara!” sigaw ko kaya tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto.
Alas-diyes na ng gabi, pero heto ako, nagmumukmok sa salas ng kuwarto namin. Mugto na ang mga mata ko dahil sa walang humpay kong pag-iyak. Mabuti na lang at day off ngayon ng mga maids namin. Ang parents naman namin ay naka-overtime sa hospital. At ang baby bro ko? Alam kong tulog mantika ‘yon kaya hindi magigising.
Pero ‘yon ang akala ko. Dahil nagulat na lang ako nang biglang may tumapik sa balikat ko mula sa likuran. Lilingunin ko palang sana kung sino pero pinigilan na ng isang kamay niya ang ulo ko at siya na mismo ang pumunta sa akin at naupo sa tabi ko.
“Baby bro, break na kami ni John. N-niloko nila ako ni Cathy,” parang batang sumbong ko sa kan‘ya.
“Sabi ko naman kasi sa ‘yo na don‘t date that jerk. He is a playboy, ate,” sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
“So, it‘s my fault huh, Jack? Bakit ang labas ay parang kasalanan ko pa? Kasalanan ko ba kung tumibok ang puso ko para sa kan‘ya?” Mas lalo lang lumakas ang hagulgol ko. Nagawa ko pang hampas-hampasin ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sumisikip iyon at nahihirapan ako huminga.
“Ssh, stop crying na, ate. He doesn‘t deserve your tears in the first place. And stop doing that.” Hinuli niya ang kamay ko saka iyon inilagay sa gilid ko. Bahagya siyang lumapit sa akin saka hinila ako papasandal sa balikat niya. “You can cry on my shoulder and on my shirt, too, ate. Ngayon lang ‘yan, ha? Mahal ang bili riyan ni Viela,” pagtukoy niya sa girlfriend.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumapit ako sa t-shirt na suot niya at nilabas ang balde-balde ko pang luha habang ramdam ko ang pagtapik niya sa aking likuran.
Magmula noon ay naging sandalan ko na si Jack. Palagi siyang gumagawa ng paraan para hindi ko na maalala pa si John. Nagawa niya ring mapapayag ang parents namin na mag-transfer ako ng school, lalo na‘t ayoko nang nasa iisang lugar lang kami ng mga taong nanakit sa akin.
Sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot sa akin ni John, nagawa ko pa ring magpatuloy. At dahil iyon sa tulong ng kapatid ko. Marami siyang na-introduce sa akin na mga bagay na pwede kong gawin para makalimutan nang tuluyan ang nakaraan.
Mas‘yado akong na-busy sa pagbuo muli ng nadurog kong puso kaya hindi ko na napansin ang pagbabago sa kapatid ko. Pumayat siya kumpara noon, lumalalim na rin ang eyebags niya at hindi ko napansin ng araw na iyon na may kakaiba sa ngiti niya. Kung sana napansin ko lang na hindi umabot sa tenga ang ngiti niya, baka sakaling napigilan ko pa ang binabalak niyang gawin.
Lumabas lang ako sandali sa condo ni Jack na binili ng parents namin as a gift para sa kan‘ya. Nagmaktol pa nga ako at nainggit kay Jack pero kalaunan ay naging ayos din ako. At minsang nakikituloy pa sa condo niya.
Natagalan ako dahil kung saan-saang store pa ako napadpad. And when I came back? May mga pulis at ambulansiya na sa ibaba ng building ng condo ng kapatid ko. And what shocked me more is when I saw in that stretcher the familiar hand, wearing that bracelet, covering with blood.
“Bata pa nga ‘yan si Jack. Mabait na bata kaya hindi ko akalaing magsusuicide.”
“Nakakatakot na talaga ang mga teenager ngayon.”
Dahil sa narinig ko ay hindi ko na naiwasang tumakbo sa ambulansiya na iyon. Sinubukan nila akong pigilan pero nagpumilit akong sumama at sinabi kong ate niya ako.
Dead on arrival na ang kapatid ko nang maisugod siya sa hospital. Nakatulala lang ako hanggang sa dumating ang mga magulang namin. Nang malaman nilang magkasama lang kami sa condo ay nakatamo ako ng sampal mula kay mama. Kesyo kasalanan ko raw kung bakit namatay ang kapatid ko. Bakit hindi ko ito pinigilang gayong nasa tabi lamang ako neto?
I got devastated that time. Walang umalo sa akin at dumamay. Walang nanatili sa tabi ko noong mga panahong iyon. Dahil ang kaisa-kaisang taong handang dumamay sa akin ay tuluyang namaalam sa mundong ito.
Then I realized.. habang tinutulungan niya akong makabangon ay siya rin pala itong may pilit nilalabanan. At hindi ko man lang siya no‘n nadamayan.
He saved me.. but sadly, I didn‘t able to saved him and that was more painful rather than breaking up with someone.
Napatingala ako sa ulap saka pinunasan ang luhang tumulo na. Tumayo na ako saka pinagpagan ang suot kong jeans.
“Bro, alis na ako, ha? May gagawin pa kasi ako. I love you.”
Huling sulyap pa at tuluyan na akong naglakad paalis ro‘n. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ang boses ng isang matanda.
“Magbubukas na ang portal papunta sa sarili mong libro, hija.”
Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa matandang ilang layo lang ang distansiya mula sa akin. Nakasuot ito ng itim na belo at may suot na nakakatakot na ngiti.
“A-ano pong ibig mong sabihin, Lola?”
Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Tumayo rin pati buhok ko sa batok.
“Kung sakali mang makakalabas ka pa, basahin mo lang ang susunod na pahina at makakabalik kang muli sa mundo nila.”
Hindi ko na talaga maintindihan ang ipinupunto ni Lola. Magtatanong pa sana ako ulit nang humangin nang malakas. Napapikit ako dahil parang may pumasok na buhangin sa mata ko.
Makailang beses ko pang kinusot iyon bago tuluyang luminaw ang paningin ko. At wala na ang matandang iyon sa dati niyang puwesto. Sinubukan ko siyang hanapin pero wala ni bakas ng anino niya rito sa sementaryo. Weird.
Alas diyes na rin akong nakauwi sa apartment. Tulog na si Laisa nang abutan ko siya sa sarili niyang kama. Nagawa ko pang tumambay sa mall nang ilang oras. Nanuod ng sine, kumain at pagmasdan ang bawat taong naglalakad sa mall. And luckily, may pumasok ng plot sa isip ko. Kaya nagmamadali akong umuwi ngayon. Binuksan ang laptop ko at nagsimulang magtipa. Kasama sa istoryang ginagawa ko ang matanda kanina.
Nakatatlong chapters din ako bago ko naramdaman ang pagsakit ng mata ko. Nang tingnan ko ang oras sa laptop ay 11:30 na pala. Kaya pinatay ko na ang laptop at binunot iyon sa sasaksakan.
Umunat muna ako ng konti saka na tuluyang nahiga sa kama at mabilis na nakatulog.
Naalimpungatan lang ako dahil sa sobrang liwanag.
“Laisa, switch off the light, please,” bulong ko na nakapikit pa rin. Pero wala man lang akong natanggap na sagot. Kaya kahit ayoko ay binuksan ko ang isang mata ko.
Nakakapagtaka lang na galing ang liwanag sa lalagyan ko ng mga libro. Hinayaan ko lang niya iyon saka na muling ipinikit ang aking mga mata.
Ilang oras pa ang dumaan at muli akong naalimpungatan. Sobrang lamig, kakaiba ang lamig na ito. Tila natural na hangin.
“Laisa, paki-off ng aircon. Nilalamig ako.”
But then I realized.. wala nga pala kaming aircon. Wala rin electricfan dahil malamig naman kapag gabi sa kuwarto. Kaya naimulat ko bigla ang aking mata at napabalikwas ng bangon. Ngunit nagkamali ata ako ng naging galaw. Naramdaman ko na lang kasi na natumba ako at ang mismong ilong ko ang tumama sa bato.
Bato? Do‘n na talaga ako tuluyang nagtaka. Lalo na at tila buhangin ang pinagbagsakan ko.
“Isabelle, nasa labas ang manliligaw mong si Kardo.”
Isabelle? Kardo? Bakit may naririnig akong mga boses? At bakit tila pamilyar sa akin ang pangalan na nabanggit? Nananaginip ba ako?
Para makumpira ay tumayo na ako saka unang nakita ng aking mga mata ang isang babaeng morena na nagkukumahog na lumabas ng bakuran nila. Kaagad na sinalubong siya ng lalaking kakababa lamang ng sports car.
Lumakas ang tibok ng puso ko.
Isabelle?
Kardo?
At ang pamilyar na eksenang ito?
Nanlalaki ang matang inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng street na ito.
At hindi ako puwedeng magkamali.
This is the exact street na iginuhit ni Laisa mula sa story kong, 'The Taste of Tragedy.'
Pati ang pamilyar na mukha ng dalawang taong ‘di kalayuan sa puwesto ko ay alam kong iginuhit din ni Laisa.
What is the meaning of this?
Did my fictional characters become real?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro