Chapter Two
One day ago
"Paano ba kumilos ang lalake? Paano ba manamit ang lalake? Paano ba umasta ang lalake kapag may babae?" ilan lamang iyan sa mga katanungan ng kapatid ko while I'm leading her to the staircase of being a Man. Mahirap, pero kailangan naming panindigan ang pagpapanggap na gagawin niya at gagawin ko.
Maraming plans si Mommy sa kanya at isa na dun ang round trip niya sa Europe. Malapit narin ang graduation namin, malapit narin siayng magpanggap na lalake.
"Heto nalang, sabihin mo na lang kay Mommy na ikaw ang mag-aasikaso sa passport mo para nakapangalan sakin ang round trip mo, hindi na niya mahahalata yun, at sabihin mo rin na you must live independently as a woman" sambit ko.
My sister stared at me "Oh talaga? paano kung e check niya yung passport ko?" tanong niya.
"Edi magpagawa ka nang fake na passport diyan sa tabi tabi, alam mo sis para paraan lang yan! hehe" sagot ko sa kanya.
"Alam ko,Alam ko brad! sa tingin mo? hindi kaya ako este mabubuko sa plano nating toh? I mean, wow! Grabeh na talaga to, to the next level na ata tong break the rules plan natin utol, baka mamaya malaman ni Chaning na hindi ako ikaw, anong gagawin ko?" tanong niya.
"Haha! alam mo ang advance mo talagang mag-isip, hindi pa nga natin sinusubukan susuko ka na agad? Ah basta, kapag nagkaroon ka nang problema dito sa Pinas, e email mo lang ako, at saka diba yan ang gusto mo, ang pagsilbihan si Lord? Ayaw mo namang mag madre, edi dream come true mo na yan! At saka makakasama mo pa yung ultimate unrequited love mo na si Chaning. O diba, para ka naring nanalo ng jackpot prize sa lotto? Wetwew! Kinikilig na ako para sa inyo!" sambit ko sa kapatid ko habang kinikiliti siya sa tagiliran niya.
"Shunga! Yung totoo, kinakabahan ako, pero bahala na si batman este bahala na si Lord sa mangyayare utol! Basta ha, kapag nagka problema ako, skype skype tayo pag may time, at huwag mong kalimutan na mag flood likes sa mga pictures ko sa facebook, basahin mo rin yung mga kagagahan ko sa tumblr ko kapag nalulungkot ka ha! Masaya yun" sagot niya habang sinasakal sakal ko nang pabiro yung leeg niya.
"Ikaw talaga!" ani ko.
"Ano ba utol, huwag mo nga akong sinasakal.." sambit ni Amik
"Hi Amik and Anik! What's up? Ang sweet niyo namang dalawa, pwede ko ba kayong distorbohin? siguro kung naging mag dyowa kayo, ang kadiri niyong tignan, magsakalan ba naman sa harap ng publiko?" isang pamilyar na boses ang nangumusta este nambwisit saming dalawa ni Amik.
"Oh hey there Aiyah! Walang basagan ng trip, di sakalin mo rin ang sarili mo para may magawa ka naman sa buhay mo at saka anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Ang suplado ng dating ko haha, pero I don't like her. Aiyah is my sisters close friend since elementery. They're inseparable, minsan nga nagseselos ako sa kanya kasi lahat ng atensiyon ng sis ko nakatuon sa kanya. Wala lang, selos selos din pag may time ang peg, nakakainis kasi eh, bigla nalang sumusulpot at aagawin yung kapatid ko.
Tinignan lamang ako ni Aiyah, she's a hardcore girly. Magkaibang magkaiba silang dalawa ng kapatid ko. My sis is not a bi, biro biro lang niya yung nagkakagusto siya sa mga babae, para masabihan siya na tibo at para hindi siya maligawan ng mga lalake. Kahit na boyish ang kapatid ko, maraming umaaligid sa kanya na mga kalalakihan and I hate it! Alam ko rin na obsessed na obsessed siya sa kaklase kong si Chaning. Minsan, tinatawanan ko siya kapag nakikita ko na kinikilig siya habang pinagmamasdan si Chaning na naglalaro ng volleyball sa open field ng university na pinasukan naming dalawa. Were treated as royals in school kasi nga mayaman, but we acted just like normal people around. May bodyguard parin kami hanggang ngayon, at nakakainis isipin na walang tiwala samin yung mga magulang namin.
Habang nasa malayo, tinitignan lang kami ng mga bodyguards namin na nagsasakalan kanina, pero promise hindi na mauulit yun hehe baka kasi maging totoo, love na love ko pa naman ang kapatid ko.
"Hoy Aiyah! kung may balak kang hilahin na naman bigla ang kapatid ko para makipag usap sayo, puwes huwag mo kaming guluhin, nag momoment kami dahil mamimiss ko siya, pupunta na siya ng Europe!" sambit ko sa kanya.
"Haha, grabe ka naman nik, puwes hindi ako naparito para agawin siya" ngumiti siya ng bahagya sa kapatid ko, samantalang ngumiti din pabalik sa kanya ang kapatid ko. Tinignan ko lamang sila at bumaling na ulit sa akin ang tingin ni Aiyah. " Alam ko narin na pupunta siya ng Europe, no need to tell me that, mas may alam ako sa kapatid mo kaysa sayo, at kahit na sabihin pa nating magkamukha kayo, alam na alam ko ang differences ninyong dalawa" utal niya.
"Whatever Aiyah!" ani ko sa kanya.
"Hihiramin ko lang sandali ang kapatid mo" hahai sabi na nga ba.
Kinausap niya ang kapatid ko.Akala ko dadalhin niya ito sa malayo, pero nasa likuran ko lang pala sila, may ibinubulong siya kay Amik pero hindi ko marinig.
"Paano bayan sissy, mamimiss kita, huwag mong kalimutan ang pasalubong ko ha" ani niya rito habang kinakausap ang kapatid ko.
Ang O.A, after graduation pa ang flight niya este flight ko, pero si Amik, sa kumbento nayan maninilbihan. Ano kaya ang mangyayari noh kapag nalaman ni Aiyah ang balak naming dalawa? Nakupo huwag naman sana.
Pinagmasdan akong muli ni Aiyah habang nag ble-bleeh siya sa akin, at tuluyan narin siyang pumalayo saming dalawa, para naman daw makapag usap kami ng masinsinan ng kapatid ko.
Nginitian lang ako ni Amik at pinaupo ko ulit siya. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na nasa Showcase room kami kung saan nagprapractice ang mga studyanteng may talento sa pagsasayaw at kabilang na kami ng kambal ko dun. Naka jogging pants kaming dalawa at pareho pa ng kulay ng upper shirt na kulay yellow. Sometimes, magkapareho kami ng trip na susuotin para maguluhan ang mga taong titingin samin.
"Anong pinag usapan niyo mik?" tanong ko sa kakambal ko.
"Ah yun ba? Uhm just girly things, kahit di naman ako girly" sagot niya.
"Does she know about our plan?" tinanong ko na naman siya ulit.
"Exactly NO, wala siyang alam coz sabi mo, it must be the two of us lang ang nakakaalam, right?" sagot niya.
"Good" utal ko.
Pakatapos naming mag deal ng kapatid ko at pagkatapos ng lahat ng klase namin, back to our plan again kaming dalawa.
Paano ko nga ba gagawing lalake ang kapatid ko na hindi mahahalata ng iilan? I called my kasabwat which is a make up artist and a designer. Binayaran ko siya ng malaki para pagwapuhin at pamachuhin ang kakambal ko. It's odd for my sister at first, but I know she can act like me for a long year, haha! Good luck nalang talaga sa kanya! Sana makapasa siya dun sa interview at makapasok ng tuluyan sa kumbento.
Habang abalang abala si Anik sa plano nilang magkapatid, si Amik naman ay sabik na sabik na sa kanyang pagbabagong anyo.
Hindi ko alam kong anong gulo tong pinasukan ko, pero kailangan kong gawin to para sa kapatid ko. I don't want to go to Europe either. It's disgusting! I don't like my Mom and Dad's plans for us, kulang nalang ay ipatiwakal nalang nila kami masunod lang ang gusto nila, so me and my twin brother just got decided to break the rules, mas mabuti natong ganito, so I can act like a man. This is my ultimate dream before, at ngayon nagkatotoo na.
When I heard kuya's side of story, una natawa ako, ako kasi ang papupuntahin niya ng seminaryo. I mean, nakakakonsyensiya if I live with a lie, but he doesn't want to go that's why I gave in with his plan and I don't want to abandoned my first love which is Chaning and I really want to know what is the life being a so called "SEMINARISTA". Balita ko sa mga kaklase ko, ang gwagwapo daw ng mga lalakeng nakakapasok dun, mga baliw talaga. Sana nga at makapasa ako at makapasok sa interview.
Nga pala, hindi na bago samin ni Anik ang salitang "travel". Marami na kaming napuntahan na lugar sa loob at sa labas ng bansa. May mga relatives din kami sa America at nakatambay kami saglit sa Europe. Pero gaya ng sinabi ko, we are all equipped with bodyguards, hindi ko masyadong na enjoy noon ang trip namin sa Europe. Pero masaya narin kaysa sa wala. Geatful rin naman ako sa mga nagyayari sa buhay namin eh, kaya lang hayun, yes we have millions, we have a big house but we have no home. Simula kasi nung matanggap si Daddy bilang president ng textile industry, sobrang busy na niya, hindi lang iyon, marami rin kaming negosyong ipinapatakbo. My mom as a Jewelry maker naman, mahilig siyang mag explore gaya ng kapatid kong si Anik, but Anik is much more interested in exploring life, invent things, write, make a poetry than making jewels.
Sino nga ba si Chaning sa buhay ko? Well, he's my first love. I don't know why, but everytime I look at him inspired na inspired ako sa kanya at hinding hindi ko makakalimutan noong times na sinagip niya ang buhay ko sa kapahamakan when we were still young. Siya ang hero ko.
Business partners ang mga magulang ko at mga magulang ni Chaning, but everytime na magkakaroon ng business party ang mga magulang namin, nakikita ko si Chaning, but he is acting cold with everyone. I don't know why and I'm not acting like a psycho obsessed sa isang lalake here, I just want to know why he acts like one. I want to befriend him but it's him who push people away, ang hindi ko lang ma gets, kung paano sila naging close ng kakambal ko. Ang others others pa ng kapatid ko, ayaw niyang e share sakin ang autobiography ng labidabs ko, palibhasa lalake.
"So ikaw pala ang twin sister ni Master Anik, hi I'm Polystichum and you are?" tanong nang baklang mag me-make over daw sa akin.
Nga pala, theres no bodyguards na umaaligid sakin ngayon, tumakas kasi ako sa school eh, nag cutting class ako, para lang dito. Susubukan ko muna ang make over na sinabi sakin ni brother Anik. Kahit na alam kong next next pa yung interview, mas mabuti natong laging handa.
"I'm Amik" inabot ko ang kamay ko sa kamay niya habang ini he head to foot niya ako. Grabi naman toh, sana nga lang at magmukha talaga akong boylet neto pagkatapos, ang laki laki pa naman ng talent fee ng baklang ito.
"Kahit saang anggulo kitang tignan, magkaparehong magkapareho talaga kayo ni Anik, but sad to say...." utal niya.
Anong sad to say ang pinagsasabi neto?
Hinawakan niya ang blonde hair ko. "I have to cut this one!"
Akala ko kung ano na, buhok ko lang pala ang inuusisa niya.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita...
"It's sad to say na hindi ka gifted ng hinaharap " tinuro niya bigla sa dibdib ko gamit ang kanyang hintuturo.
"Nang iinsulto kaba? NBSB to ui!" ani ko sa kanya. Necessary ba talagang ipamukha niya sa akin na hindi ako gifted ng hinaharap? Ouch! It hurts.
Tinawanan niya lang ako habang tinatakip ko ang magkabilang kamay ko sa dibdib ko kahit na may T'shirt akong sinusuot. Bastos na baklang to, kung makainsulto sakin wagas, pero totoo naman eh NBSB ako.
"Oh, what did you say? NBSB? Diba No Boyfriend Since Birth ang meaning nun?" he gave me a stupid grin and a stupid look.
"Eh slow ka rin pala eh, NBSB? Hindi mo alam?" sagot ko sa kanya.
"Magtatanong ba ako kung alam ko ang sagot kambal tuko ni Amik?" aba aba at tinarayan pa ako ng baklang toh.
I gave him aw her a weird look, tinarayan ko rin siya, at tinaas yung kaliwang kilay ko. I make him aw her making backward steps habang kinakausap ko siya.
"N stands for NO, B stands for BOOBS, S stands for SINCE, and the last B stands for BIRTH! " paliwanag ko sa kanya.
"Hahahahahaha! Nakakatawa karin pala tulad ng twin brother mo! No Boobs Since Birth? Haha, ok lang yan sissy" tinapik niya ang balikat ko at pinagtawanan lang ako sa sinabi ko. Totoo naman eh, kahit ilan pang carbs at fats ang kainin ko, hindi ummunlad ang hinaharap ko, pero ok lang yun, atleast lumalake lang siya kapag binilhan ako ng twin brother ko ng over sa foam na brassiere, ang sweet niya hindi ba? Haha!
Mabuti nalang at naging close kami ng baklang mag me-make over sa akin.
"I hope we can be friends" sabi niya sa akin.
"Why not?" at binigyan ko siya ng warm welcome na hug.
"Nana nanching kaba sakin? Sige ka baka maging lalake ako neto" biro niyang sabi habang hinahug ko siya.
Hinawi ko na ang sarili ko sa isang quick hug na ibinigay ko sa kanya, hindi siya mapagkakamalang bakla sa unang tingin pero kapag nagsalita na siya, naku parang babae, may sakit kasi siya, nasobrahan ang X chromosome niya pero hindi naman siya hermaphrodite. Sabi niya isa siyang Christian at hindi siya pumapatol sa kapwa lalake.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro