Chapter Twelve
Sa totoo lang kinakabahan ako para kay kambal. Natatakot ako na may masamang mangyari sa kanya. Kapag sinabi ko naman sa kanya ang totoo, maguguluhan lang siya. Nasa kumbento pa naman yun kaya mananahimik muna ako ngayon.
Flashback...
"Sino ka?"tanong ko sa babaeng hindi ko kilala na bigla nalang umupo sa harapan ng table ko.
" Alam ko ang sikreto mo at ng kapatid mo, kung ayaw mong mapahamak siya sundin mo ang lahat ng ipinag-uutos ko, maliwanag ba?" sambat ng babae.
Aba aba ang taray nito ah.
"Haha! Tinatakot mo ba ako Miss? Alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Huwag na huwag mo akong tatakutin! At saka sino kabang babae ka, bigla ka nalang sumusulpot, eh hindi kita kilala, kung maka feeling close ka sa akin wagas!" sambit ko.
"I'm Cyathea, and I know everything about you and your dirty little secret!"
Ano raw? Baliw pala itong babaeng ito eh, so, may stalker na pala ako ngayon? Weird.
"Alam mo Miss, Hindi ka nakakatawa, ano ba kailangan mo? Pera? Pwes bibigyan kita!" Utal ko na aakmang aalis na sa table ko, ka bad trip ang babae eh, I don't know her at kung makaasta para nang kung sino.
Then may bigla siyang pinarinig sa akin, isang tawag, boses ni Kambak ang naririnig ko.
"I have a number to your Mom and anytime pwede kong isiwalat sa Mommy mo ang sikreto niyo!"
What the! Paano niya nalaman ang sikreto namin?
Face to face na kami ng babae at natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Tinignan niya ako with a horrid look.
"Teka lang, bakit mo ko kilala at ang kapatid ko? Hindi kita kilala!" tumindig ako sa aking kinauupuan habang umaakmang paalis na sa kanyang harapan ng bigla ko nalang narinig ang boses ni kambal sa cellphone na hawak hawak ng babae.
Dali dali akong humarap sa babae at matitinag sa aking pagmumukha ang takot at kaba na kung ano ang motibo ng babaeng nagpapakita ngayon sa aking harapan.
"O bakit parang naging interesado ka na yata sa akin ngayon, anumang oras mula ngayon, marami akong pwedeng gawin sa kapatid mo, kaya kung ako sayo umupo ka dito sa harapan ko at makinig sa mga sasabihin ko", sambit ng babae.
Hindi ko alam pero natatakot ako sa mga maaring mangyari sa kapatid ko kaya naging sunod sunuran ako sa kanya.
End of flashback
Hindi maaring malaman ng kapatid ko na nagkita kami ng babaeng yun. Ayokong mapahamak si kambal. Ayokong may mangyaring masama sa kanya. Mahal na mahal ko pa naman yun. Nakatitig lang ako sa laptop ko, nagbabakasakaling maka Skype ang kapatid ko. Ngayon ko lang din napagtanto na isang buwan na nga pala akong hindi nagpaparamdam sa kanya. Sorry kambal.
Nakita ko na offline ang kapatid ko, rest day nila ngayon at marami narin siyang mga mensaheng ipinadala sa akin tungkol sa buhay seminarista niya. Nakakatawa ang iba at ang iba naman madrama.
Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya kung bakit hindi na ako nagpaparamdam sa kanya at dahil hindi ko na siya natiis, nag leave nalang ako ng mensahe sa chatbox niya sa Skype.
Aaminin ko, hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang araw ng pagkikita namin ni Cyathea. Bigla nalang siyang susulpot na parang isang snatcher at tatakutin ang aking himlay.
Pagkaraan ng ilang minuto, napansin ko na offline talaga ang kapatid ko kaya napagdesisyunan Kong e-off nalang ang laptop. Sana sa simpleng mensaheng ipinadala ko sa kanya ay nasiyahan siya at sana huwag niyang isipin na kinalimutan ko na siya.
Nga pala, binigyan din ako ni Cyathea ng mga babala at anumang ipinaguutos niya ay susundin ko dahil kung hindi at malilintikan kaming dalawa ng kapatid ko.
May mga bodyguard ding nakabantay sa labas ng aking tinitirhan, at kahit saan ako pumunta, umaaligid sila upang e monitor ako. Pahamak talaga, imbes na kumawala na ako sa mga magulang ko, bodyguard na naman. Hahay, nakakarma na siguro ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano, pinaparusahan na kaya ako ng Panginoon? Pero alam kong hindi rin magtatagal ito.
Sa ngayon kailangan kong malaman kung ano ang motibo ni Cyathea sa lahat ng ito. Kailangan ko ring maging matalino sa mga gagawin ko para hindi kami mapahamak ni kambal.
Sa kabilang dako, nag iisip rin ako ng paraan kung paano ako makakahanap ng tulong. Plano kung humingi ng tulong sa kapatid ko pero hindi ko alam kong paano.
Susubukan ko nalang sabihin kay kambal na may nakadiskubre na ng sikreto namin. Pero paano?
Meanwhile sa kumbento...
"Alam niyo miss na miss ko na ang kapatid ko sobra." sambit ni Anik sa kanyang kapwa seminarista. Abala kasi sila sa pagpaplano sa gagawing Eucharistic convention sa Cebu. Aatend sila upang matunghayan ito at magseserve sa Panginoon.
Nagdedecorate sila ng kapilya dahil may misa na naman bukas.
"Ako nga eh, miss na miss ko na ang Nanay ko." sambat ni Trillomanes.
"Nanay kaya o girlfriend mo? Haha!" Utal ni Channing
At biglang kinanchawan ng mga kasamahan niya sa kumbento si Trillomanes.
"Eeeiiit!"
"Pumapag-ibig si Trillomanes, eeiit!" sambat ko.
"Mga bully talaga kayo!" ani ni Trillomanes
"Nga pala guys, ano ang feeling kapag nagka girlfriend?" sambit Chaning
At tinawanan lang ng mga kasamahan niya si Anik.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman eh, curious lang ako" utal niya.
"Masarap..." sumagot si Psilotum
"Ha, anong masarap ang sinasabi mo diyan?" tanong ni Anik kay Psilotum.
"Haha, what I mean is, masarap magmahal at alam mong mahal ka rin..." sagot niya sa dalaga.
"Akala ko naman kung ano na, nakakaloka ka talaga Psilotum.."
At biglang sumabat si Chaning .. "Bakit naging interesado ka yata sa mga babae bro?", tanong niya.
"Curious nga diba?"
"Curious kaya?" sambat ni Chaning
Ilang oras ang makalipas, may napansin akong isang babae na nakaupo sa upuan ng simbahan, namumugto ang kanyang mga mata kaya hininto ko muna ang pagdedecorate na ginagawa ko sa lamesa kasama si Psilotum. Ang iba nagdedecorate sa iba pang parte ng simbahan.
Nilapitan ko ang babae at nagtitigan kami, "Hello Miss, ok kalang ba?" tanong ko sa kanya
Iniyuko niya lang ang kanyang ulo at biglang umiyak ng marihin.
"Ui miss, teka, huwag kang umiyak, kasi kung iiyak ka lalake eyebags mo.."
"Ahuhuhu...."
"Oi bro anong nangyayari diyan?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro