Chapter Three
Finally dumating narin ang pinakahinihintay kong interview, at ma memeet ko narin sa wakas ang mga posibleng maging housemate ko sa loob kumbento. Pero, mas na e-excite ako na makita si Chaning and I want to know the secret behind his coldness. Isang buwan ko lang naman pinaghandaan ang lahat ng ito, isang buwan na napuno ng tawanan naming dalawa ni Polystichum. Hindi lang ako nag enjoy sa company niya, marami rin akong natutunan sa mga bagay bagay.
Masayang masaya kaming dalawa ni Anik dahil nakatapos narin kami ng highschool. So meaning here comes me na magpapangap bilang kapatid ko.Talking about my twin brother, naging maayos ang naging plano naming dalawa, at napagkamalan akong si Anik ng Mom at Dad ko. There are a lot of changes in me, like my hairstyle is just like Justin Beibers at hindi lang iyan, pina work out ako ni Polystichum para naman daw merong ma build na muscles sa magkabilang braso ko, and we succeeded. Tungkol naman sa boses ko, wala namang problema, hindi kasi super girl ang boses ko at sanay na sanay ako na ginagaya ang kapatid ko. I'm not wearing any binder either, kasi naman, hindi ako gifted, sabi ko nga diba NBSB ako, ipinagmamalaki ko na flat chested ako, haha!
Besides, Polystichum taught me everything, dati narin kasi siyang lalake na naging beki lang dahil sa isang nakakatraumang karanasan, and I can't blame him este her for that.
"Paano bayan sissy, God Bless sa journey mo diyan sa kumbento, o ano? Nakapasa kaba dun sa interview?" tanong ni kambal sa akin habang nag ska skype kaming dalawa.
Matapos ang interview, para akong nabunutan ng tinik. I coudn't believe na iyon ang itatanong ng mga pari sa akin. It was just like hearing sa isang kaso tapos ako yung biktima nakung saan tatadtarin ka ng kwestiyon ng abugado at kapag hindi mo nasagot ay lagot ka. Natawa rin ako sa ibang personal questions like "Are you still a virgin?" "Do you have a girlfriend?" haha, whatta!
"Grabi brad ha, ang kulit ng mga tanong ng mga paring yun, but you know what, sana naging lalake nalang ako noh, I think I'm going to be in nik" confident na sabi ko kay kambal.
"Char! As in sissy? Siguraduhin mo lang na makakapasok ka, dahil kung hindi, para mo naring inabanduna ang first love mo! God bless sa inyong dalawa ni Chaning" he said while talking to me in a web cam. Sabi ko nga sa kanya diba skype skype kami pag may time at I'm glad to hear from him na nagpapaka feeling scientist siya sa Europe, hindi ko inadress na sa Europe ang punta niya, total magaling din naman kaming magtago. Finake ko pa yung passport ko para magmukhang ako yung mag a-out of country.
Moreover, pagkatapos kong maka chat ang kapatid ko, naalala ko tuloy ang mga nakilala ko sa Pastoral Center na pinuntahan ko. Hinatid pa ako ni Mom at Dad gamit ang fortuner namin.
Flashback....
"Anak, we know that you can do it!" utal ng Mommy ko.
"We have faith in you son, naway ito na ang silbing stairway mo tungo sa pagbabago" natawa ako sa sinabi ni Dad. So ako I smiled only at him while he's saying those nakakatawa words. Hindi ko makalimutan ang sinabi niyang "STAIRWAY SA PAGBABAGO", hindi naman ako si kambal eh, pero I think this journey would be great, as in great just like Alexander the great.
Nang makapasok na ako sa pastoral center, una kinakabahan ako kasi baka mabisto akong babae, at naalala ko ang sinabi sakin ni Polystichum. Walk like a man, talk like a man, sway like a man.
Kaya hayun, tinupad ko ang sinabi niya, I am wearing a polo shirt na stripes ang style na kulay blue at yellow. Naka maong ako with matching rubber shoes na ang brand ay Vans, feeling ko ang gwapo gwapo ko kasi lahat ng nasa pastoral center na lalake at may ibang babae, tinitignan ako. Oh my! Sana hindi nila mahalata ang pinaka tago tago kong sikreto.
Napansin ko na nakaupo sa mga monoblock chairs yung mga aspirants, so ako umupo rin, ano ba naman toh? Wala ba silang usherretes man lang diyan para e guide ako? Self service ata dito sa center eh, sariling kayod para makaupo, para may makausap. I even looked for Chaning pero feeling ko wala siya o baka naman na late lang siya.
Nabigla nalang ako nang may aksidenteng nakabanngga sa akin habang uupo na sana sa inatasan sa aming upuan.
"Aray ko naman! Hindi kasi nag iingat eh!" paglingon na paglingon ko sa nakabangga sa akin, nagulat ako. My God! Si Chaning!
"Pare! Akala ko hindi kana matutuloy dito?" tanong niya saken. Gusto ko sanang kiligin pero hindi pwede, lalake kasi ako, note lalake. Pero pusong mamon, mwehehe.
"Hehe" tinawanan ko lamang siya, natawa rin naman siya dahil nabigla din siya na makita ako sa pastoral center, sa pagkakaalam kasi niya, hindi tinanggap ni Anik ang offer. Kung tutuusin, napilitan lamang ito, at ngayon ay nagpapanggap ako na siya.
"Oh, by the way brad, I heard that your sisters already in Europe, so paano ba yan, wala kanang side kick niyan, pero don't you worry andito naman ako eh" sambit niya. Oh my! Tinapik niya ako sa balikat, nakakakilig naman! Jusko! Daig ko pa ang naka jackpot sa lotto ui " Uhm, sige brad ha, see ya later, I think I will be the next na iinterbyuhin" utal niya sa akin and then he bid goodbye. Nakakainis naman, bakit sa pagkakataong yun pa ko pa makakausap ang unrequited crush ko na si Chaning. Haaaay! Ang gwapo niya talaga, hehe pasensiya na Lord, hahai nakalimutan ko nga pala na may purpose ako at bakit ako nakapasok sa isang kasinungalingang to, sana hindi ako mabisto.
Nang matapos ang interview ni Chaning, kinausap niya muna ako bago siya umalis kasama ang kanyang Daddy na naghatid sa kanya. Malalaman daw niya ang resulta ng interview next week, habang ako kinakabahan na dahil ako na ang susunod na tatawagin, by batch kasi, nagkataon lang na nasa huling batch ako kaseh late akong dumating.
"Alam mo para kang babae" utal ng katabi ko na kakakilala ko lang, he's name is Grammitis. Dahil wala akong magawa kanina, naging F.C ako sa iba pang contestants, hehe contestant sa pagiging isang seminarista. Ang unique ng pangalan niya. He's a way taller than me, black beauty siya, gwapo, matangos ilong, pang model ang dating. Sayang na sayang to kapag nag proceed ng pagpapari, pero I think parang seryoso siya na makapasok sa seminaryo.
"Hehe, marami na kayong nagsasabi niyan, actually I have a twin sister" at ipinakita ko sa kanya ang larawan ko na nakaimpit sa wallet ko na pang lalake, sana hindi niya mahalata, twin sister? Haha, ako lang naman ang nasa picture eh, mahaba lang yung buhok.
"Kambal mo to? Kamukhang kamukha mo ah?" tumango lang ako sa mga sinasabi niya. "Uhm yup, were identical twins, magkamukhang magkamukha kami ni kambal", at dun na akong nag simulang mag share ng buhay ko sa kanya, masarap kausap si Grammitis, hindi kasi siya katulad ng ibang lalake diyan na pa mysterious effect. Madaldal pala siya, at nag kwento din siya tungkol sa buhay niya. Sa lahat nang naging ka FC ko sa pastoral center, si Grammitis lang yung masasabi kong naging unang friend ko. Sana nga lang at matanggap kaming dalawa sa loob ng kumbento.
Nag kwentuhan din kami kung paano kami tinawag ni Lord, at nakakatawa ang sinabi ko sa kanya, ang sabi ko kasi ganito, nung nag pupupo ako at hindi lumalabas yung tae ko sa bowl,na feeling ko parang magkakaalmuranas ako, nagdasal ako na sana maging magaan ang pagpupupo ko, sakit ko kasi yun eh, nahihirapan akong magbawas, mabuti nalang at sinagip ako ni Lord sa pagkakataong iyon, nakakatawa ano? Parang pinag tripan ko lang pero totoong nangyari sakin yun, at mabuti nalang at naagapan ng doktor ang sakit ko, dahil kung hindi, ang dumi ko ang siyang magiging sanhi ng pagkakalason ng buong katawan ko, at dahil dun ipinangako ko sa aking sarili na balang araw pagsisilbihan ko ang taong sumagip ng aking beloved buhay.
"Haha! Grabi naman yang experyens na yan!" tinawanan ako ni Grammitis sa mga isinuwalat ko. Ewan ko ba kung bakit hindi niya mapigilang mapatawa sa storya ko, eh nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.
"Oh, ikaw naman ngayon ang mag share" mag she-share na sana si Grammit kaya lang habang nagsasalita siya, tinawag ang pangalan niya.
"Grammitis Makabughat"
"Ah, pasensiya kana nik ha, but ako na ang susunod, saka nalang natin ipagpatuloy ang chikahan natin pagkatapos, hingin ko number mo ah paglabas ko" utal niya at pinagmasdan ko siyang pumapalayo sa kinauupuan ko.
Ano kaya yung mga questions sa interview? Pwede bang hindi ko naalng sagutin yun? Ah bahala na, pero sana matanggap ako, wow grabi toh, ano kaya ang magiging reaction nina Mommy at Daddy kapag nalaman nila ang totoo? Ah bahala na!
Pagkatapos ni Grammit, binigay ko yung cell number ko sa kanya.
"Tol, tawag tawag din pag may time ha o kaya text text, o kaya sa kakao talk, libre lang kasi dun eh" sambit ko.
Napatulala lang siya sa sinabi ko "Anong pinagsasabi mong kakao talk? Wala akong ganun noh! Mahirap lang kami, at sira sira patong cellphone ko, text text nalang brad ha! Sana makapasa tayo!" utal niya.
Nag sanggang dikit kami at tuluyan narin siyang nagpaalam sa akin. May iba rin naman akong nakasalamuhang contestant na nakatabi ko ng pag-upo, as usual naging FC na naman ako, dahil sa pagiging madaldal ko hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako.
"Anik Gandanglahi"
Dahil sa katangahan ko, inulit ulit pa nung lalaking announcer ang pangalan ko.
"I repeat, Anik Gandanglahi"
"Whoa, talaga, sana makapasa ka rin brad Botrychium!" utal ko sa nakakilala ko na siya namang katabi ko.
Tinignan ako ni Botry "Tinatawag kana ata nik!"
"Last nato, Anik Gandanglahi!" sigaw nung announcer.
"Hehe, pasensiya kana tol, nasobrahan ata ang pagiging madaldal ko, tinatawag na pala ako, hihi" sambit ko sa kanya at itinaas ko ang kaliwang kamay ko sa announcer.
Pinalapit niya ako sa kanya.
"Next time bro, maging attentive ka naman sa lahat ng bagay, tignan mo oh, ang dami rami pang nakapila sa interview, anyway goodluck!" ani nung machong lalakeng announcer, ang taray! sinungitan pa ako, sayang, gwapo pa naman sana. Pero sayang yung moment namin kanina ni Chaning. Hahai, sana maulit yun, maulit sa loob ng kumbento, wahaha, ang landi ko, sorry Lord!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro