Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Dear Lord,

Grabe, ilang linggo naring hindi nagpaparamdam ang kuya ko. Baka busy siya, o kaya naman wala talaga siyang time para sa akin, hahai nakakalungkot naman. Kumusta na kaya siya sa roundtrip niya? Baka nagka gf nayun dun, o baka nagkasakit siya? Huhu huwag naman sana Lord, protektahan niyo siya ha.

Ako? Kumusta naman ang buhay ko dito sa kumbento? As usual ganun pa din Lord, I am slowly but surely growing spiritually with you. Marami rami naring task ang iniiwan saamin ng mga adviser naming pari. As always cute parin ang formator naming si Kuya Hymenophyllum. Alam mo Lord, ganun na ba talaga ako ka gwapo? Nakakainis kasi kanina may mga babaeng kinilig sa akin, like duh! Anong meron? Hindi ako lalake ui! Babae ako, huwag na huwag nila akong pagnasahan.

Nakipagselfie pa, nahiya tuloy ako sa iba ko pang kasamahan. Eh di hamak naman na mas gwapo yung iba, bakit ako pa? Pero anyway Lord, change topic muna tayo, uhm parang gusto ko na atang mag stay dito habang buhay. Pero alam ko rin na walang sekretong hindi nabubunyag, pero huwag muna ngayon Lord ha, alam mo may narealize ako Lord, friendly pala ako hihi, akalain mo yung kapwa ko seminarista na si Blechnum naging best buddy ko na. Tubong Mindanao si Blechnum at hindi ko minsan maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Napakatahimik niya kasing tao noon, mysterious din gaya ni Chaning kaya hayun tinanong ko siya kung ano ang problema niya. Hindi pala siya silent type eh, bulakbol din siya kaya siya pumasok ng kumbento at gusto niyang magbago. Yung totoo, na realize ko na God's love changes us. Not only if we change God loves us but simply because he first loves us. Amazing ka talaga Lord........

"Anik nag unsa ka diri?" tanong ni Mr. Arabo

Gosh sorry talaarawan slash reflection notebook, may asungot eh, next time ulit... Hindi ko na tuloy naisulat ang pangalan ko sa last... dali dali kong isinirado ang aking pinakamamahal na talaarawan at tinignan ng seryoso si bebe boy. Simula noong magkakilala kami, nagakagaanan ko ng loob si Blechnum at napagkasunduan namin na tatawagin ko siyang bebe boy. Mas matanda kasi ako sa kanya ng dalawang taon eh.

"Ako? Ha anong sinabi mo bebe boy?" tanong ko.

"Ang sabi ko kung anong ginagawa mo rito?" pag uulit niya...

"Ah ganun pala yun, nag un---u---u, ano ulit yun?" tanong ko

"Nag unsa ka diri, meaning anong ginagawa mo rito..." sagot niya...

"Ah, nag unsa ko diri, uhm wala to Blechnum, reflect reflect din sa buhay pag may time..." akala ko kung sino si Blechnum lang pala. Saan nga ba ako ngayon? Nakahiga ako sa kama ko.

"Alam mo para ka talagang babae, kanina pa kita hinahanap eh, ikaw daw yung praying partner ko, ok lang ba sayo?" tanong niya...

"HINDI..." sagot ko...

"Ang bitter mo naman, isusumbong kita kay Father Yee!" sagot niya....

"Kasi naman eh, hindi ko maintihan ang ibang sinasabi mo, magtagalog ka nalang please, nauutal ako sa lenggwahe niyo bro." sambit ko.

"Hahahaha, sorry nagud bai!"

"Oh hayan ka na naman!"

"Pumayag kana please na maging praying partner ko.... Please!"

"Ito naman hindi mabiro, yes na yes bro!"

Tumayo ako sa aking higaan at napagdesisyunan na ilagay ang talaarawan ko sa aking locker... Napansin kong tinignan ako ni Blechnum na kanina pa umuupo sa kama ni Chaning my loves, at inilock ko ito.

"May reflection notebook ka pala ha, ako rin meron pero ako lang dapat ang makabasa nun.." utal niya...

Kaya nga eh, dapat lang na e private lang dapat ang reflection notebook. Pero sa panahon ngayon, nabibilang nalang yung mga taong kagaya namin, Mga senti people haha!

"Syempre naman, personal yun eh at ikaw lang at si Lord ang dapat makaalam, pwera nalang kung may pababasahin ka nun hindi ba?" sagot ko, pero habang tumingin ako sa kinauupuan niya, napansin ko kaagad ang lungkot sa kanyang mga mata "Kung maka emo ka naman diyan wagas! Anong problema mo bebe boy?" .. Kung ipapa describe niyo siya sa akin, para siyang isang arabo, ang ganda ng mata niya at ang kapal ng labi niya, pero hindi masyadong makapal ha. Brownish din yung buhok niya, at syempre gwapo, kaibigan ko yan eh. Hehe, tinapik ko siya sa kanyang braso...

"Pag-ibig na naman ba yan brad? Ano ulit yung expression niyo... Gu---gu---gu---gug.... Ano ulit yun?" tanong ko sa kanya habang nagpapacute sa harap niya... Ang emo ng lolo niyo, haha! Bigyan ng bebot si bebe boy! Haha..

"GUGMA PA MORE.... Hahai Ganun na nga...." sagot niya... Hayun malungkot parin ang pagmumukha niya! Nagets ko kaagad problema niya, ingatan kasi ang puso at isipan mga tol! Haha.

"Aysus! Umiibig ka na pala bebe boy, kaya siguro napaka gloomy mong tignan nung interview pa natin kasi broken hearted ka? GUGMA PA MORE! Haha aw hehe" sagot ko habang tinawanan siya.

"Hindi ganun kadali ang mag moving on brad..hahai gugma" sagot niya, haha! Aw pasensiya kana ha, hindi pa kasi ako umiibig eh, hindi ako makarelate sa iyo, sorry! Crush crush lang muna trip ko ngayon.

"Napansin mo pala ako nung interview? Sabi ko na nga ba eh, ang gwapo ko...gwapo kay ko diha!" pagmamayabang niya tsk...

"Syempre pansin na pansin ano, yuck! Anong gwapo pinagsasabi mo? Gwapo ba yung nakasimangot? ikaw ang pinaka malungkot na nilalang na nakita ko nung interview, ayaw nga kitang lapitan eh kasi baka sumabog ka, so gloomy! nakaka bawas ng pogi points yan bro!" sagot ko sa kanya...

"Me ganun? Suko kay ka diha! " utal niya...

"Oo, kaya ngumiti kana!" utal ko.. Sabay hawak ko sa mukha niya at inistrech istrech ang bibig niya.

"A---aray! Alam mo, totoo siguro yung haka haka ng mga kasamahan natin..." sambit niya...

"Anong pinagsasabi neto? Na ano?" sagot ko

"Na BAYOT KA haha...." utal niya habang pinagtatawanan ako.... Hindi ako bobo kaya nagets ko yung bisaya word na bayot... Pandamage ka talaga bebe boy.

Ano raw? Are you joking me bebe boy? Natulala ako sa sinabi niya at sinampal siya sa mukha, pero mahina lang ha hihi....

"Kasi naman oh, tignan mo nga ang ginagawa mo sa akin, para kang babae umasta, tapos nung nakita kita sa kama mo, na nakahiga parang ang babae mong kumilos, mantika pa matulog at parang super model kapag nawala yung kumot mo, lakas mong maka pose brad haha bayot kaayo ka bro... Brad atin atin lang to ha, hindi ko isisiwalat sa iba, bakla ka ano?" tanong niya.....

"Hahahahahaha! Baliw karin pala bebe boy eh! Gusto mo samahan kita sa mental? Tara pamental kita, hindi ako bakla okay! Hindi ako BAYOT! No way" sabay pakita ko sa kanya ng muscles ko, pero yung totoo, ang payat ko, kaya no effect din yung pagpapakita ko ng muscles, mwehehe.

Kung tatanungin niyo ako kung bakit kami lang ang nag momoment ni Blechnum dito sa room namin, ang iba kasi nasa ibaba, busy sa pagmemeryenda.

"Hindi ako baliw, wala pako nabuang, gasulti rako sa kamatuoran (sinasabi ko lang ang buong katotohanan). Bakla ka ano?" tanong niya ulit.

"Sige ka kapag hindi ka tumigil, ipapakulong kita sa mga magulang ko!" banta ko sa kanya.

"Ano naman ang kaso ko?" tanong niya.

"Acts of lasciviousness!" utal ko....

"Hahahahaha! Masyado mo namang sineryoso sinabi ko brad, joke lang po,sorry nagud! joke ra gani!" ayaw nag maoy diha!" sabay pout niya ng lips niya. "At saka huwag mo nang sabihin sa mga magulang mo, huwag mo akong isusumbong ha, di porket mayaman kayo mag "hinilas" naka haha!" sagot niya.

Ano raw? Ano yung hilas?

Napaka unfair naman, Bisaya siya at hindi ko minsan maintindhan ang pinagsasabi niya.

"Eh ikaw pa ata itong mas bakla sa ating dalawa eh"

Pinisil pisil ko ang magkabila niyang cheeks at sinabi ang mga katagang ito "HAKUNA MATATA!"

"Ano ba ang sakit" sagot niya....

"Ang cute cute mo talaga bebe boy, Alam ko ang nararamdaman mo bro (pero yung totoo wala pa akong ka expe-experience sa pag-ibig thing na yan haha kaya feeling love guru muna ako ngayon nyahaha) ,I feel you brad.." tugon ko sa kanya, pero nahawi ang ngiti sa mukha ko kasi naman nakakahawa ang kaemohan niya. Pero nag smile ako ulit at sucess! Napangiti ko siya atlast!

"Alam mo bro...."

"Ano"

"Love is all about acceptance" seryosong sabi ko sa kanya.

"May pinaghuhugutan lang? Haha ikaw talaga Anik!" sagot niya ng nakatawa...

"Yehey nag smile na siya! Ipagbunyi!" tumayo ako at sumayaw sayaw at kumanta kanta sa harapan niya. Para akong baliw haha!

Syempre dahil Lovatic ako, kinanta ko ang isa sa pinakapaborito kong kanta ni Demi Lovato..

"Even if the stars and moon collide, I never want you back into my life, you can take your words and all your lies, oh oh oh, I really don't care!"

Napaka masculine ng boses ko, hindi ko medyo abot yung part na 'OH, OH, OH' , at napaka sintunado kong pakinggan kaya naman tinawanan ako ng malakas ni bebe boy.

"Haha, nakakatawa ka talaga brad!"

"Alam mo ang mga babae, hindi iniiyakan yan, pero huwag nating kalimutang respetuhin, sus! Kagwapo mong bata and then your so emotion? Fill in the blanks! " utal ko nyahaha! Don't mind my grammar, I just want to have fun.

"Hahahahahaha!"

Habang nagtatawanan kami ni Blechnum, narinig namin ang bell ng Kapilya. It's time for us to go down and offer our prayers.

"Tara na nga, at mag pre-pray pa tayo!" utal ko habang tinitignan si bebe boy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro