Chapter Six
"Hindi pa ito ang pre collegian years niyo, may one year pa kayo dito as a novice and you will be wearing your clerical attires if we have trips na required na suotin yun. By the way I'm your formator, just call me Kuya Hymenophyllum, understand?"
Nagsimula rin sa wakas ang unang araw namin sa kumbento. Hindi ko talaga inexpect ang mga mangyayari.
Habang busy ang aming formator sa gitna ng klase, nakipagkilala ako sa katabi kong seminarista. "Ui ano pangalan mo?"Nginitian niya ako "I'm Marratia and you are?" hininaan lang niya yung boses niya, ganun din ang ginawa ko "I'm Anik" sabay pakikipag kamay.
Ang gara naman ng pangalan ng formator namin. He is cute, matangkad, macho pero mukhang suplado, gusto ko siyang maging kaibigan Nga pala, bibigyan kami ng one year as a novice dito sa kumbento, susuruin pa kasi kung karapat dapat kaming maka tuntong ng pre collegian years at may chance pa na lumabas yung iba. Hindi ko alam kung makakatagal ako, baka kasi dito ako mabubuko, pero huwag naman sana.
Kung tatanungin niyo ako sa comfort ko dito sa kumbento, para akong isang boarder. Ang gagwapo ng mga boardmates ko, nakakaiyak! Huhu parang umuulan nga ng lalake eh. It's raining men, hallelujah, its raining men! Amen! Haha .
Tama nga ang sinabi nila, hindi lahat ng gwapo nag aartista, ang iba seminarista haha! At isa na ako sa pinaka maganda este pinaka gwapong papasok ng kumbento, ang feeling ko noh?
"Ui ikaw? Bakit ang lalim ng iniisip mo? Namimiss mo na siguro ang girlfriend mo noh? Lumabas kana kasi!" sambat ng formator namin at nagtawanan ang lahat ng kaklase ko.
Haha! Para lang din akong tanga, nakatunganga lang kasi ako habang nilalaro ang ballpen ko. Akala siguro ni Kuya Hymeno hindi ako nakikinig sa mga pinagsasasabi niya kanina pa. Ano bayan, napagdiskitahan tuloy ako.
Makisabay na nga sa trip nila...
"Oo miss na miss ko na siya, hiniwalayan ko siya dahil lang dito, pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko kasama si Lord, kung kami edi kami, kung hindi edi hindi, diba kuya?" sagot ko kay Kuya with intonation pa yun ha na feeling nawalan kahit hindi naman haha! . Napatawa lang si Kuya sa sagot ko, wala eh, wala akong maisip na matinong sagot, aw matino naman yun hindi ba?
Nagtawanan ulit ang mga kapwa ko seminarista, "wahaha!"
Yung totoo hindi ako pwedeng magka girlfriend dahil lalake ang gusto ko okay. Pero hindi ko alam, baka baug ako, baka mag asawa ako, o baka itinadhana talaga ni Lord sakin ang single blessedness, hindi ko alam, basta explore explore lang muna ako ngayon sa buhay. God has bigger plans for me, ayoko siyang pangunahan.
"Eiit!" sambat nung katabi ko
"Pag-ibig pa more!" sambat nung isa...
Napatanong tuloy ang formator namin...
"Dahil nagkaroon ako ng amnesia nung interview niyo, sino sino ba sa inyo ang may mga syota dito? Bawal ang sinungaling ha.." haha! What a question, siguro marami ditong nagka experyens na ng ganun, kasi ako wala pa, hindi ako makarelate.
Bawal daw singungaling kaya hayun hindi ko itinaas ang kamay ko. Hindi ko pa masyadong kilala ang mga kasamahan ko kasi naman first day palang namin ito, hindi rin ako nagkaroon ng time na kilalanin ang iba pa kasi naman tinamaan ako ng hiya, at ayokong sabihan nila akong FC, FEELING CLOSE, baka mamaya may makabuko sa akin na babae ako, huwag naman sana.
Nang nagmasid masid ako sa mga kaklase ko, nakita kong itinaas ni Grammitis ang kamay niya, charot ang barako may syota na pala? , ang silent niya kasi eh, akala ko wala, haha! So wala na akong kapag-a pagasa nito? mwehehe biro lang. Si Chaning naman ay nasa likuran nakaupo, ano bato pilit kaming ipinaglalayo ng tadhana, hahai, oo nga noh? Baka ma temptate lang ako, haha! Ang baliw ko talaga mag-isip. Nginitian niya lang ako nang makita niyang tinitignan ko siya, nakakakilig! Gosh! OMG!
Pero agad ko namang hinawi ang ulo ko para hindi na niya ako matitigan at nagtaka ang aming cute na formator, tinignan niya ulit ako....
"Hmmm, ikaw bakit hindi mo itinaas ang kamay mo? Kala ko ba nagkagirlfriend ka?" tanong niya with matching suplado face....
"Naghiwalay na kami...there was never an us" pagdadrama kong sagot.... Haha!
"Oo nga naman may point ka..." sambat niya
"Wahahaha!" nagtawanan ulit ang mga kaklase kong walang ginawa kundi ang pagdiskitahan ako.
Hinawi narin niya ang tingin niya sa akin, juice colored! Parang aatakihin ako sa puso. Sana nga maging close kami ni Kuya, mwehehe.
"Advice ko lang sa inyo, normal lang naman ang umibig, kasi dumaan rin naman ako sa stage nayan, pero paalalahanan ko lang kayo, if you really wanted to be a priest someday, fix your heart, your mind, your soul, body, your organ systems to Jesus alone, if its your call then go for it, if not, our doors are very open for you to go pero sana marami din kayong matutunan sa pamamalagi ninyo sandali dito sa kumbento."
Haha baliw rin pala itong formator namin eh, "organ systems", tama nga naman siya. Marami rami sigro akong matututunan dito, balita ko ang aga daw naming gumising at panay yung dasal namin at maraming pagkain, whoa! Ang saya saya, pero hindi naman yun ang punta ko dito eh, sabi nga diba, God's love changes us, yung kakambal ko na lang sana ang pinapasok ko dito, kaso nandito na ako eh.
"Now I want you all to introduce yourself in front, describe yourself, what is your expectations, what brings you here, at kung ano ano pa ang gusto niyong e share, bahala kayo, freestyle nato..." sambit ng aming cute na formator.
Nakakakaba pero yung upuan ko ang pinakaunang nakatapat sa formator namin, gosh! Tinignan niya ulit ako. "Ikaw nang maunang magpakilala , para kang babae ah?" tanong niya sa akin. Lord wag naman sana niya akong mabisto. "Introduce yourself here in front"
Nakakakaba man, pero tumayo ako, ang gwapo ko kaya, dapat hindi nila lahat mahalata na girl ang nasa harapan nila. "Uhm, hi classmates!", binati ko agad sila ng ngiti. Syempre nagpa cute ako sa kanila, pero hindi in a girly way but in a manly way. Hehe,,
"Hello din sayo classmate" sambat ni Chaning sa likod.
Gosh, bakit kailangan pa niyang magpapansin sakin? Yucks ang assuming ko naman. Naka smile siya habang kinakawayan ako, nakakakilig naman oo!
"Magkakilala ba kayo?" tanong ng formator sa akin.
"Yup, he's my best buddy in school" sagot ko sa kanya.
"Ah kaya pala... Sige pakilala kana' utal ni Kuya.
Nginitian ako ni Chaning mula sa malayo, at nginitian ko siya pabalik. Hahai, heaven na ata ito pero magpapakilala muna ang gwapong nasa harapon niyo.
"Hi sa inyo (sabay smile), ako nga pala si Anik Gandanglahi, certified lalake (sabay pakita ng muscles sa braso wala akong magawa eh hihihi) ..." ang una kong bati...
"Wahahahaha!" tinawanan ulit ako ng mga kaklase ko.
"Certified lalake huh? Hmmm let's see" utal ni Kuya Hymeno.
"Ah, uhm, yung totoo, pumasok ako ng kumbento para, uhm... para makawala sa magulang ko pero hindi lang naman ako nandito para dun eh...." seryosong seryoso ang mga kaklase ko sa pakikinig sakin, seryoso din ako kaya ayokong magsinungaling, patong patong na ang kasalanan ko kay Lord hehe.
"Pumasok ako, kasi ever since bata pa ako I want to serve God with all my heart..." dag dag ko at napatanong ang formator namin "Bakit mo nga pala nasabing para makawala ka sa mga magulang mo, bakit ampon ka ba? Minamaltrato kaba nila?" buti nalang at naitanong niya, napangiti ako sa tanong niya, hindi naman ako ampon eh, at mas lalong hindi ako minamaltrato, I just want emancipation from my parents, hehe yes may chance na rin akong e-explain ang side ko sa mga taong hindi ko pa lubusang kilala pero malay mo maging close ako sa kanilang lahat sa pananatili ko dito, sana maka survive ako.
"Ah kasi, since bata palang ako, naging busy na ang mga magulang ko sa pagpapatakbo ng negosyo..." utal ko at may biglang sumambat na kaklase ko...
"Rich kid!" ani niya haha baliw talaga..
"Ilibre mo naman kami pag may time!" utal nung isa
"Manahimok nga kayo!" usisa ni Kuya Hymeno, parang galit ata yung tono pero joke lang pala "Chillax, ok sige ipagpatuloy mo..."
"Uhm, ni minsan hindi nila tinanong sa amin kung ano ang gusto namin, palagi nalang sila ang nasusunod, kaya hayun naging pilyo ako paglaki, actually I have a twin sister and she really look exactly like me, kambal kami sa kalokohan, kadramahan, kaechosan, minsan napagkakamalan akong siya at minsan napagkakamalan siyang ako... (kahit alam kong ako lang ang dinidiscribe ko nyahaha)." dagdag ko at may sumambat na naman.
"Ireto mo naman kami sa kanya" biro nung isa kong kasamahan at nagtawanan ulit ang mga kaklase ko.
"Oo nga.... Itong si Diplazium oh, no girlfriend since birth haha!" biro nung isa at napatawa ako sa kanila "kayo talaga...."
Napatawa rin si Kuya Hymeno sa kalokohan ng klase.
Biglang natahimik na naman at nagpatuloy ako sa aking pagpapakilala " Hehe, pumunta ako dito para baguhin ang sarili ko, para naman malaman ko ang purpose ng buhay ko at alam ko na tutulungan ako ni Lord para ma realize ko ang lahat ng iyon, sana maging close tayong lahat dito...at narealize ko na totoo nga ang sinabi nila....."
"Na ano?" sambat ng buong klase...
"NA HINDI LAHAT NG GWAPO NAG AARTISTA ANG IBA SEMINARISTA.... " utal ko at napatawa ko silang lahat... Dinagdagan ko pa ng "Nakakabading naman kayo eh, ang gagwapo niyo...." sabay smile.
"Hahahahaha youre the man! Tama ka sa sinabi mo" utal ng kapwa ko seminarista.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro