Chapter Nine
Dear Lord,
Nakakainis naman si kambal, ilang beses na akong nagmimiscol sa kanya hindi man lang niya sinasagot mga tawag ko, huhu. Nung break time namin hindi rin kami pinahintulutan na mag-internet. Grabi sobrang higpit. Gusto ko pa naman sana siyang e-chat sa fb gamit ang cp ko, kaso wala talaga siya.
By the way, nakakatawa, kasi hindi ko na nilalapitan si Chaning matapos ang pangyayari noon sa kwarto.I want emancipation right?Kaya hayun, ayokong maglandi haha. Kilig kilig lang muna sa ngayon. Pinagbawalan nga kami na huwag ring lalapit sa mga babae eh. Eh babae naman ako eh, sana walang makaalam haha!
Prayer, study, make assignments, cleaning, singing, devotion, worship ilan lamang iyan sa mga bagay na ginagawa namin sa kumbento. Kailangan naming sanayin ang aming mga sarili na ilayo muna ang sarili sa social media, teknolohiya at iba pang makamundong bagay. Pero hindi ko mapigilan sarili ko Lord eh, kung kasalanan mang kontakin ang aking sariling kapatid, nakahanda ako sa parusa niyo, miss na miss ko na siya eh.
Lord, sana lumevel up ako, sana hindi lang novice kundi Pre-Collegian ang aabutin nitong pagpapanggap ko, sana hanggang pag graduate ko haha! Hindi naman masamang mangarap hindi ba? kaya lulubus-lubusin ko na. I pre-pray ko rin ang family ko, si kambal at mga kaibigan ko, at ang mga tao sa mundo.
Marami akong narealize Lord ngayon Lord, thank you!
Amik
"Ui Nik, ano yang sinusulat mo?" may isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin. Pagtingin ko sa kanya, agad kong isinarado ang aking beloved diary.
Kasasabi ko pa nga lang ng emancipation, tapos ikaw tong lalapit lapit sa akin...
"Iniiwasan mo ba ako? Diba best buds tayo?" dagdag pa niya. Hindi ako makapagsalita kasi naman, ang gwapo niya, samantalang ako, nevermind lang haha...
"Hindi kita iniiwasan pre, nakinig kaba kahapon sa sinabi ni Father See? too much familiarity will bring into contempt... Ayoko namang palagi nalang tayong magkasama, baka mapagkamalan na naman akong bakla at ayokong dumating ang panahon na dahil sa kilala na natin ang isat-isa, mag away tayo, at gagawin mong bala ang ugali ko para siraan ako sa ibang tao, naiintindihan mo ba ako bro?" paliwanag ko sa kanya habang iniaakbay ang kanang braso ko sa leeg niya, madalas nilang ginagawa yun ni kuya eh, pero hindi ako nananching ha, haha!
"That's my bro! Pero nakakahalata na kasi ako sayo eh, iniiwasan mo ako, nalaman ko rin kay Grammit ang nangyari sa inyo sa kwarto noong isang araw, ikaw ha ang others mo, hindi kaman lang nag share.." hinawi ni Chaning ang kamay ko sa braso niya. Ui, ang cute niya palang magtampo.
Ang gwapo niya kahit nagtatampo effect siya, hahai! Nginitian ko lamang siya habang nag-eemo. "Nagtatampo ka bro?" tanong ko sa kanya habang ako nakangiti.
"Slight, ikaw kasi eh, pero na touch ako sa ginawa mo ha, pinunasan mo yung laway ko, haha kahit nakakatawa sobrang nakakatouch, ang sweet mo talaga brad, kaya mahal na mahal kita eh!" sambit niya.Oh my God! Ano yun ulit Chaning? Mahal mo ako? Ano yun ulit? Hahai langit na talaga ito!
"MAHAL DIN KITA...." bulalas ko. Oh my! Kalimutan mong sinabi ko yun brad okay? Bura, erase, delete, wag nang e CTRL Z ulit ha.
"Ano?" tanong niya.... Haha! Pakipot pa itong si Chaning eh, alam kong narinig mong sinabi kong mahal kita. Ano bayan, bingi! crush ko lang, mahal na agad?hindi ito PBB teens okay? I want emancipation from the very start haha! At ano na naman ito?
"Ah a---ano, ah ang sa---sa sabi ko, everything I do, I do it for you..." pasubali ko, haha! Kinilig ako sa sinabi niya.
"Ah, akala ko kung ano na, by the way, ano yung sinusulat mo kanina ha? Brad nag da diary kaba?" tanong niya sa akin habang pinagtatawanan ako.
"Hindi ito diary ha (sabay turo sa kanya ng notebook ko), listahan ng mga utang to okay?" haha, what an excuse, pagtawanan niyo rin ako please. Hindi lang ako malandi, sinungaling pa, Lord patawad talaga.
"Utang? Are you joking me? Ang sabihin mo diary mo yan! Kilala na kita, mahilig karing magsulat gaya ni Amik!" utal niya. No wonder, close talaga sila ni Kuya.
"Nga pala matanong ko lang Chaning..." chinange topic ko para maalis yung diary sa isipan niya....
"O ano? Diary mo nga?" sambit niya.
"Listahan nga ng utang! Ang kulit mo..." sagot ko habang pinapalo ko siya ng diary ko.
"Ui kayo, nagdedate na naman ba kayong dalawa diyan?" may biglang sumulpot sa moment naming dalawa ni Chaning, alam niyo ba kung sino?
Si Grammit na naman, may dala siyang gitara. Nga pala break time namin, mamayang alas sais, mag pre-pray ulit kami.
"Hindi no, ganito talaga kami ni Chaning, super close, inggit kalang!" sumbat ko sa kanya na may dalang pagsusungit. Ang taray ko hehe,
Tumabi siya kung saan ako nakaupo. Grabe te! Pinagitnaan na naman ako ng mga matitipunong kalalakihan na kahit kailan,ako hanggang tingin nalang haha!
"Saan na nga pala yung iba Gram?" tanong ko sa kanya.
"Andun sa Chapel, nagprapractice ang iba ng pag pa-piano, kumakanta at sayaw, ang iba nag chikahan lang...naingayan ako eh kaya pumunta ako dito sa rooftop.. Gusto mong kantahan ko kayo?" sambit niya... Singer pala itong si Grammit? Obvious naman eh, may dalang gitara.
"Ayokong marinig ang boses mo Gram, baka bumagyo lang haha! Joke!" biro ni Chaning sa kanya.
"Hindi ako sintunado ha, baka nga pag narinig niyo Golden voice ko, masabi niyo may anghel sa lupa ang lumanding para haranahin kayo?.." utal ni Grammit.
Sumambat ako sa usapan...
"Feeling rin pala itong si Grammit eh, ang hangin, tara bumaba na nga tayo Channy boy" utos ko kay Chaning, pero biro lang din...haha! Baka ma offend si Gram
"Ang KJ niyo naman!" aakto na sana kami na aalis pero bumalik kaming dalawa ni Chaning sa aming kinauupuan.
"Ikaw naman, hindi ka naman mabiro, o sige na nga, pag bibigyan kana namin! Kanta kana dali"
"Oo nga, pagbigyan nalang as a sign of respect...." dagdag ni Chaning
"Hala, grabi ka naman Channy..." utal ni Gram
"Joke nga eh, ikaw talaga pre, sige kanta na!" sagot ni
Nagsimula na si Gram sa pagtugtog ng gitara, habang nag plu plucking siya, ang gwapo gwapo niya sa paningin ko....
'This is dedicated to God, Jesus and the Holy Spirit" sabi niya.... Napangiti ako, ano kay kakantahin niya? Sana alam ko?
"You know me in and out and lovely
are Your thoughts about me
How great is mercy"
Paang pamiyar sakin yung kinanta niya.. Saan ko nga bayan narinig....
"You chose me though I am unworthy
All that is within me cries You are holy"
Ah,alam ko na, kanta yan ni Sarah Reeves eh, favorite yan ni Aiyah eh.
Sinabayan ko si Grammit sa pagkanta, pero pang lalake ang boses na ginamit ko ha...
"Even when I'm walking through the valley of death
Even when I'm broken and nothing is left
You lead me on
You lead me on"
"Grabi na a ot of place ako sa inyo ha, hindi ko alam yung kanta, pakikinggan ko nalang hehe" sambat ni Chaning...
"So I'll pour my tears in the ocean
And I'll leave my pain by the shore
With Your mighty wave You'll sweep
them away till they are no more"
Yehey ang ganda ng kanta.....
"Guys, painapatawag na tayo sa ibaba, mag pre-pray na tayo...."utos ng kasamahan naming seminarista, hindi namin namalayan ang oras, gabi na pala.... Hehe.
"You hide me in Your wings and carry
all my fears and worries, You lift the lowly
You wrap me in your arms of safety
When the battles raging,You're fighting for me"
Kahit na pababa na kami, hinding hindi ko makakalimtan ang kantang "Mighty Wave"
"So I'll pour my tears in the ocean
And I'll leave my pain by the shore
With Your mighty wave You'll sweep
them away till they are no more"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro