Chapter Four
After Graduation
"She can't talk to you right now, busy yun kaya huwag mong didistorbuhin! Maliwanag ba!" ilang beses narin akong miniscolan ni Aiyah, hindi ko sinasagot, kinukumusta niya ang kalagayan ng kapatid ko, este ako, mwehehe, and just like how Anik treated Aiyah, tinarayan ko lamang siya gamit ang husky and musculine voice ko. Feeling ko lalakeng lalake na talaga ako.
Wala ring nakakahalatang kaklase ko na ako si Amik, grabeng transformation ang ginawa sa akin ni Polystichum, nakakataba ng puso. May mangilan ngilan ring mga babae ang nabighani sa kagandahan este kagwapuhan ko, ganito pala ang feeling ng isang lalake? Wahaha!
"Hi tol! Kumusta?" inakbayan ako bigla ni, hihi hulaan niyo?
"Chaning tol, ok lang naman ako tol" hindi ako makagalaw dahil sa pag akbay niya sa akin. Naglalakad kami patungong graduate school, kukuha kasi kami ng mga pepeles eh. Biniro ko siya habang naglalakad kami na naka akbay siya sa balikat ko.
"Tol, nananching kaba? Bakla ka noh?" tanong ko.
Tinawanan niya ako ng malakas, at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Gusto kong kiligin ulit pero baka mahalata niya na ako si Amik kaya nagpigil lang ako.
"Chansingin mo pagmumukha mo, para namang hindi kana nasanay sakin niyan brad!" sambit niya. Sorry ha, wala akong ka alam alam na ang lambing niyo pala sa isa't isa ng kambal ko, mga bading siguro to, kaya hindi niya ako magawang pansinin, bwahahaha! Mamaya pag nag skype ako tatadtarin ko ng kutsilyo este tanong ang big utol ko sa mga kagagahan nila ni Chaning my labidabs ko. Sana hindi lang isang simpleng akbay ang ginawa niya kanina, sana niyakap niya ako, wahahaha! Ang landi ko! Yucks! Remember! Kailangan kong makapasok ng seminaryo, tapos heto pa ako, kalandian lang ang nasa isip, haha! Lord Patawad mwehehe.
Pagdating naming dalawa sa graduate school, nabigla kaming dalawa ni Chaning ng sinalubong kami sa loob ng masigabong palakpakan at kantsyawan.
"Anong meron?" tinignan ko lamang ang nakapaskil sa white board ng laboratory room. Grabeh ang effort naman ng mga ka blocmates namin. Alam niyo ba kung ano ang nakapaskil sa tarpaulin?
Napanganga lang kaming dalawa ni Chaning.
"CONGRATULATIONS ANIK AND CHANING FOR PASSING THE SEMINARY INTERVIEW"
Hahahahaha! Grabeh nato! Nakakatawa naman ang effort nila, feeling ko tuloy lumalagablab sa apoy ang tibok ang puso ko nang sabay pa nilang sinabi sa amin ang mga katagang:
"Congrats mga future pari!" hahahahaha! Nakakatawa talaga! Grabeh hindi ako maka move on. Tears of joy! Whoooh!
"Hindi ako nananaginip, totoo to!" sinampal sampal ko ang mukha ko sa tapat ng salamin ng banyo.
Bigla nalang may pumasok na babae sa loob at na shock sa pagmumukha ko. Abnormal kasi, nakalimutan ko, lalake na pala ako ngayon. Haha!
"Ano bayan!" sambit niya, at lumabas siya nang makita niya ang lalakeng katulad ko na nag eemo sa banyo ng mga babae. Bahala siya! Ang sensitive naman nun.
Kaya hayun, lumabas ako ng banyo , at dahil wala ang kapatid ko na pakners in crime ko sa kalokohan, ako nalang ang gagawa ng ikasasaya ko. Pumasok ako sa loob ng banyo ng mga lalake, gusto kong mamboso, wahahaha! Para naman pagpasok ko sa loob ng seminaryo, pagtatawanan ko lahat ng kalokohan ko kasi for sure walang ganito dun. Kaya trip trip lang muna ang peg ni Amik the Great.
Pagpasok ko sa loob, naamoy ko kaagad ang baho ng ihi ng mga kalalakihan. Grabi talaga! Pang global warming yung effect sa akin, siguro ang gwagwapo ng umiihi dito? Very disgusting smell, pero hindi nila ako mapipigilan sa plano ko. Mamboboso ako, sa ayaw ninyo't sa gusto! Bwahaha!
Pagkaraan ng ilang minuto may mga kalalakihan nang pumasok sa loob ng banyo, so ako, pa kyeme kyeme na iihi kuno pero yung totoo, haha! Alam niyo naman ang plano ko diba, kaya hindi ko nalang ulit sasabihin, baka masuka pa kayo sa trippings kung ito.
Binukas ko ang zipper ng pantalon ko, pa as if na iihi pero hindi, at sa magkabilang gilid may mga kalalakihang umiihi rin. Ano nga ba ang diskarteng gagawin ko para maisagawa ang maitim kong plano, haha! Kaya hayun pasimple akong sumilip silip sa kanila, gusto ko na hindi nila ako makitang nakatingin sa kanila, pero ang ending mwehehe! Yes! Nakakita ako! Ganun pala yun? Mwehehe, pero joke lang! Nahiya ako sa ginawa ko, kaya napagpasyahan ko na lang lumabas ng banyo kasi hindi ko matiis yung baho eh at isa pa nakokonsensiya ako sa ginagawa ko, ang salbahe ko, someday makakakita rin ako, pero huwag muna ngayon, haha! Ui na dirty minded sila bigla? Bwahaha!
Sobra akong nabaliw sa ginawa ko, tinatawanan ang sarili na para bang wala nang bukas. Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo, may biglang humarang sa dinaraanan ko, dalawang kalalakihan, matitipuno pero malake ang tiyan.
"Hi po Sir, gusto po daw kayong makausap ng Mommy niyo" bati nung isang body guard ko. Hahay buhay, pati ba naman sa banyo sinundan ako? Buti nalang at hindi nila ako nakita kanina na pumasok sa loob ng banyo ng mga babae. Hindi ko close ang mga bodyguards naming dalawa ni Kuya, sobrang higpit din nila eh, nahawa kina Mom and Dad. Kapag nag story telling kasi ako sa kanila, iniiechapwera lang nila ako. Pinagbabawalan kasi nina Mommy na maging close kami sa mga tagabantay namin, ang O.A talaga!
"Talagang sinundan niyo pa talaga ako dito? Grabe naman!, hay! Kainis!" utal ko habag nagdadabog na sumusunod sa ruta ng dalawang bodyguards ko. Ipinasakay nila ako sa sasakyan naming Ford at pagdating na pagdating ng bahay binungad ako ng isang masigarbong party sa bahay. Anong meron? Tungkol na naman siguro ito sa interview, necessary ba talagang maging ganito ka bonggacious? Ang taray ng mga magulang ko. An bahay ay punong puno ng mga bisita, hindi ko alam kung sino sino sila.
Confetti, disco, foods, wala lang party hat, tarp, pool party: ilan lamang yan sa highlights ng party ng Mom at Dad ko para sa akin. Grabeh, inimbita pa talaga ni Mommy mga ka business partners niya. Kinongrats nila akong lahat.
Agad ko namang sinabi iyon sa kakambal kong si Anik na nagpapakasaya sa Madrid.
"Hoy! Ang O.A nila dito ha, akalain mo yun, nakapasa lang ako dun sa seminary interview, pinagpyestahan ang pagpasa ko, bilib na talaga ako kina Mommy at Daddy kuya!" sambit ko habang nag-oonline chat kami ng kapatid ko.
"Wow! Talaga, so kumusta naman ang buhay mo diyan twinnie? Haha, hows Chaning by the way?" tanong ni Kuya habang kumakain ng Deer Heart sa harap ng webcam.
Haha! Sasabihin ko ba sa kanya na inakbayan ako ng labidabs ko?
Habang kumakain parin siya, bigla akong napatawa.
"Hoy! Ako ba ang tinatawanan mo?" tanong niya. Tumigil ako at sumagot sa kanya.
"Ikaw kuya ha, hindi mo sinasabi sakin na may something sa inyo ni Chaning, ganun pala siya maka akbay sayo? Kuya matanong kulang ha, are you Gay?" tanong ko kay kuya.
"Hahahahaha! Nagpapatawa kaba sissy? Hindi ako bading, ganun lang talaga makalambing sakin si Chaning, bakit inakbayan ka niya noh? Edi naka jackpot ka twinnie! Ayaw mo nun? Araw araw mo na siyang makakasama sa kumbento, araw araw mo pang ma fefeel yung akbay niya, haha! Grab the oopurtunity sis! " biro ng kapatid ko.
Baliw talaga! Hindi naman pala talaga ganun ka cold si Chaning eh. Nagkataon lang talaga na naging magkapayo sila ng twin brother ko. Walang paki sa mundo kasi ang kuya eh, hindi siya seryoso sa mga bagay bagay, kaya hayun naging pilyo
At may biglang kumatok ng pintuan.
"Kuya, e-ooff ko muna to ha, may kumakatok kasi ng pintuan eh, baka mamaya mabisto tayo!" and then I shut down my laptop at bigla nalang pumasok sa silid ng aking kwarto ang yaya naming pakialamera. Humarap ako sa kanya.
"Hindi kaba marunong magsabi na papasok ka? Pipi ka ba?" pagtataray kong sambit sa yayang pakialamera.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay at siya tinaasan rin ako ng kilay, aba aba, baka nakakalimutan niya, pwede ko siyang paalisin anumang oras dito sa pamamahay namin?
"Bakit ka ganyan makatingin? Ang sabi ko hindi kaba marunong ng manners?" tanong ko ulit. Inikot ikutan niya ako na para bang gusto niya akong usisain, mabuti nalang at nakahilata sa ibabaw ng laptop ko ang brief ng kuya ko, at ang mga boxer shorts niya sa ibabaw ng kama niya.
"Kung hindi lang siguro diyan sa buhok mo at pinagpatong patong na damit mo, mapagkakamalan kitang si Amik" sambit niya, ano na naman kayang pinasasabi neto? Patay! Sana hindi niya mahalata na ako talaga si Amik. Humarap ulit siya sa akin at binigyan ko siya ng isang horrid look na pang lalake talaga.
"And then?" sambit ko.
"Sana mali ang akala ko, pero sana nagkakamali lang ako, dahil kapag nalaman ko na may ginagawa na naman kayong kalokohan ng kapatid mo, hindi ako mag aatubiling magsumbong sa mga magulang niyo" tinarayan niya ako at nag walk out. Gusto ko siyang pukpukin ng libro sa ulo niya. Kainis talaga ang matandang yun! Sana hindi niya mabuko ang sikreto namin ng kakambal ko.
In on ko ulit yung laptop ko at naghintay sandali na mag load yung windows. I click skype but then offline na ang kapatid ko at instead nag leave nalang siya ng personal message sa akin.
"Mik, ipagpatuloy mo lang yang pagpapanggap mo, galingan mo sis ha, alagaan mo si Chaning para sa akin, at huwag na huwag kang gagawa nang mga bagay na ikapapahamak nating dalawa, i love you twin and I miss you" napangiti ako sa message niya, hindi ko ito nereplyan. Wala lang, ang drama niya eh. Na miss ko tuloy ang kalokohan naming dalawa.
Talking about the party ng mga magulang ko para sa akin, hindi ako nag enjoy kasi naman akala ko sa akin yung party, kasi nga diba nakapasa ako sa interview namin. Sa mga magulang ko pala yun, about business business thing na naman. Nakakainis, puro business nalang iniisip nina Mommy, I never heard them saying something about me going to Europe kuno. Wala na silang inatupag kundi ang mga career nila. Simula bata pa kami , ang nagpalaki na sa amin ay ang mga yaya. May narinig din ako na may mga kapatid daw kami, hindi ko alam kung sa labas. But my Mom and Dad never mentioned about it, they never treated as as son and daughter, they treated us like a puppet. Mayaman kami, yes pero parang may kulang talaga. And the only way to make us happy ng twin brother ko ay ang makita kami na isang pamilya, out muna ang business matters. Sana marealize nina Mom at Dad yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro