Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

Flashback....

"Salamat at iniligtas mo ang buhay ko, ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ng lalakeng malapit nang masagasaan ng isang pampasaherong bus.

"Kung magpapakamatay ka rin lang naman, sana hinayaan na kita, pero pasalamat ka sa akin at mabait ako, sa susunod tumingin ka sa tinatawiran mo, hindi yung padalos dalos kalang!" sagot nung babae.

"Ang sungit mo naman, ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ng lalake sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay.

"Ako si N... Just call me N..." sagot nung babae na aaktong aalis na.

"A----sandali lang Miss, a---a----aako ko nga pala si Amalek..." pagpapakilala ng lalake habang hinahabol ang babae.

"Ok" sabi ng babae.

"Uhm Miss, pwede ko ba hingin ang number mo?" tanung ng lalake.

"Number 1"

"Haha, what I mean is cellphone number mo..."

"Sorry but I am not fond of texting..."

"Grabi ka naman Miss, halaka may kung anong insekto sa buhok mo yuck!"

"Nasaan huhu! Alis... ugh.... alis kayo sa buhok ko mga insekto kayo.... Teka parang wala naman ah, niloloko mo lang ata ako eh, wag mo akong binibiro magaling akong mag boxing, gusto mo matikman ang kamao ko?" banta ng babae....

"Hehehehe, ikaw naman hindi ka naman mabiro, biro lang naman, masyado ka namang seryoso sa buhay mo..."

"Ok..."

"Ang tipid mo talagang magsalita"

Tinignan ng babae ang lalake at hinarap ito.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin ha?" tanong ng babae

"Ako, gusto ku lang namang makipagkaibigan sa iyo, pwede ba yun? Ang sungit sungit talaga hahai..."

"Ok"

"So magkaibigan na tayo?"

"Oo nga sabi, bakit hindi ka makaintindi?"

"Sorry miss sungit, bakit nga pala N lang ang pangalan mo?"

"Hanggang saan mo ba ako balak sundan?"

"Nakikita mo ba to" dagdag ng babae, sabay turo sa isang bahay na kulay asul. "Dito ako nagboboard, ngayong alam mo na kung saan ako nakatira, pwede bang huwag mo na akong sundan."

"Hehe, okay, sige as you wish." ngiting sabi ng lalake habang pumapalayo na at nagpapaalam kay N.

End of flashback...

"Panahon na siguro para malaman nila ang totoo..." utal ng isang magandang babae na naninigarilyo.

"Huwag muna ngayon, kapag nagkataon wala na tayong alas sa kanila, mabuti naman at nakausap ko yung isa, alam mo sobrang takot na takot siya sa akin, kapag nagkita kayo, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?" tanong ni Cyathea sa babaeng naninigarilyo.

"Tama ka nga, mabuti nalang at na track natin kung saan ang punta niya, what a plan, akala siguro nila walang nakakakaalam, pero heto tayo, stalking them, threating them, I know this has to stop someday, hayaan mo muna ako sa plano ko..." sagot ng babaeng naninigarilyo.

"Alam mo nang makita ko yung isa, parang hindi siya pinalaki ng matino ng mga magulang niya, akalain mo sinagot sagot pa ako, wala siyang manners, hayaan mo when I got to know him more, I want to poison him with realities, at kapag nangyari iyon, tiyak ikagugulantang nila iyon, pero sabi mo nga hindi ba, hahayaan nalang kita sa magiging plano mo..." utal ni Cyathea.

Limang taon narin ang nakalipas ng muling magbalik si N sa Espanya, gusto niya nang kalimutan ang mapait niyang nakaraan. Marami na siyang mga mahihirap na pinagdaanan sa buhay. Pero nang maalala niya na may kailangan pa siyang balikan, hindi siya nag atubiling bumalik para tapusin ang kanyang mga unfinished businesses. Mula Espanya, babalik ulit siya ng Pilipinas. Babalikan niya ang lugar kung saan una siyang namulat, umibig,nasaktan at lumuha. Ngayon isa na siyang milyonarya, at nagmamay ari ng limpak limpak na ektarya ng lupain sa hilagang Mindanao. Ngunit ano nga ba ang pakay niya sa kanyang pagbabalik sa Pinas?

"Balang araw, makakamtan ko rin ang para sakin, nabigo man ako noon, ngunit hindi na ngayon, akala siguro nila pwede na nilang apak apakan ang pagkatao ko, pwes nagkakamali sila, heto ako at nagbalik, hindi para mang gulo, kundi ipatikim din sa kanila ang hirap na dinanas ko, tawagin mo na akong walang puso, pero kapag ang tao nasasaktan, asahan mo may pagbabago riyan..." utal ni N.

"Hahai, people are so cruel nowadays, ganyan talaga ang buhay N, minsan ikaw yung luhaan, ikaw yung talunan, minsan naman ikaw yung panalo, pero sa kabila nito, marami kang natututunan... Pero sana man lang hindi galit at poot ang mangibabaw sa paghihiganti mo, kasi baka malay mo bukas babalik din ang lahat ng ginawa mo..." sagot ni Cyathea kay N.

Flashback....

"Kapag sinuwerte ka nga naman oo, magkaklase pala tayo miss." tanong ng lalake sa kanya.

"Eh ano naman ngayon?" pagsusungit ng babae.

"Ang sungit mo talaga, pero kahit na sinusungitan mo ako ang ganda ganda mo parin." utal ng lalake habang nakangiting tinitignan ang babae.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap dumating ang matalik na kaibigan ni N na si Ariannah .Mula first year college naging magkaklase na si N at si Ariannah.

"At sino naman ito, boyfriend mo? Infairness sis magaling kang pumili huh?" utal ng kanyang kaibigan. "Hi ako nga pala si Ariannah, ano pangalan mo?"

"Hindi ko siya Boyfriend, kaibigan ko lang siya, nagkataon lang na kaklase din natin siya..."

"Ah ganun ba... Welcome to St. Lukes University"

Nginitian lang ng binata si Ariannah.

Pinagmamasdan naman yang lumalakad papunta sa kanyang sariling bangko si N.

"Pasensiya kana sa kaibigan kong si N ha, may pagka maldita kasi yun eh, masungit at suplada, hindi ko nga alam kung bakit nagtagal ako sa kanya..." paliwanag niya sa lalake

"Ganun ba, okay lang yun, maganda naman siya kahit may pagka maldita siya, siguro may dahilan kung bakit siya ganun..." sagot ng lalake.

"O hayan na pala instructor natin, pasok na tayo lek"

9 months later...

"Mahal Kita N"

Na speechless ang dalaga sa sinabi ng binata.

"Mahal din Kita Amelek"

Hindi makapaniwala si N na dahil sa pagpupumilit ni Amelek na suyuin ito ay napasagot siya ng oo sa binata. Isang dream come true naman sa binata ang mapasagot si N, ibang iba kasi si N sa mga babaeng nakita o nakasalamuha niya sa paligid. Hindi lang ang kapogian nito ang nagustuhan ng dalaga kundi pati narin ang kanyang ugali. Hindi niya maintindihan kung bakit sa lahat lahat pa ng lalake ay si Amelek pa. Ito na marahil ang tawag ng pag-ibig.

End of Flashback..

"Hanggang ngayon ba naalala mo parin siya?" tanong ni Cyathea kay N.

"Syempre naman, walang taong nakakalimot Thea, pero napatawad ko na silang lahat, pinatawad ko narin ang sarili ko sa mga pagkakamaling naidulot ng nakaraan..." utal ni N.

"Ano ang balak mo dun sa isa, magpapakilala kaba sa kanya o ikukubli mo ang iyong tunay na katauhan?" tanong ni Cyathea kay N.

"Alam mo gusto kong sila mismong dalawa ang makaalam, ayaw kong magpadalos dalos ng desisyon, kapag nalaman nila tiyak wala na tayong bala sa kanila, may nagbalita nga sa akin, ah, nakalimutan ko, saka ko nalang sasabihin sayo .... Gusto ko nang matulog, just continue in monitoring them....." utos ni N kay Cyathea.

Pag akyat ni Cyathea sa staircase ng kanyang mansion, ngumiti siya na para bang mapapagtagumpayan niya ang kanyang plano. Pagdating niya sa kanyang silid, humiga siya sa kanyang kama at naalala na naman ang isang nakapait na nakaraan.... Habang naninigarilyo, ipinikit lang niya ang kanyang mga mata at inalala ang kahapon...

Flashback....

"Amalek, Amalek!" tawag ng isang babaeng hinihingal sa pag takbo.

"Oh, bakit N? Di ba sabi ko na sayo, tantanan mo na ako! Let it go! Huwag kang gumawa ng eksena dito" sambat ng lalake sa kanya.

"Hayaan mo naman akong makapagpaliwanag, binigyan naman kita ng chance ah, pero ano to? Napaka unfair mo, ginamit mo ang weakness ko para makaganti ka sa akin, ano masaya ka naba na nakikita akong nasasaktan?" utal ng babae habang umiiyak.

"Wala na akong pakialam sayo, don't ruin my life, just let go and be happy, at huwag na huwag mong aawayin si Ariannah, wala siyang kasalanan dito, ako ang sisihin mo huwag siya!..." sambat ng lalake.

"Ganoon na lang ba kadali sayo na kalimutan ako? Bakit ang best friend ko pa, ano masaya na kayo? Pinagkaisahan niyo ako, ang sakit! Sobrang sakit! ginawa niyo lang akong tanga, ano? Masaya ba kayong may nakikitang nasasaktan? Hayan! Isaksak mo yan sa baga mo!" sabay abot ng babae sa lalake ng isang......

Pumikit ng marihin ang babae, napasandal ang kanyang ulo sa isang magarang unan na may nmakukulay na embroidery at may initials na J at saka S. Kumatok sa pintuan si Cyathea at pinapasok siya ni N.

"N, heto na ang gamot mo. Hanggang ngayon ba may hinanakit ka pa rin sa kanya N?" tanong ni Cyathea sa kanya.

Ibinuka ulit ng babaeng nakasigarilyo ang kanyang mata...

"If only an eraser could take  away all the pain." tugon niya....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro