Chapter Eight
Dear Lord,
Ang saya ng unang araw ko dito sa kumbento, I mean magising ka ba naman kasama ang mga nag gwagwapuhang mga seminarista, hahai salamat talaga sa blessings Lord! Nakakaiiyak grabe, tears of joy! Pero joke lang po, yung totoo hindi ko inexpect na ito na, ito ang bunga ng kalokohan namin ng kambal ko, siya ang mas bagay na nandito eh, siya ang dapat maraming baguhin sa sarili niya, pero nararapat lang din ito sa akin Lord, marami narin kasi akong pagkakamaling nagawa sa iyo. Hindi naman kasi kami perfect at kung meron mang perfect ikaw yun eh, salamat ha kasi even if I'm imperfect, I am forgiven and blessed by you.
Yung totoo, miss na miss ko na ang kapatid ko, pero alam ko may purpose din itong pagpapanggap ko, pasensiya kana Lord kung puro kalandian ang iniisip ko, joke lang po talaga iyon ha! Trip ko lang po iyon, para masaya lang. Sana huwag niyo akong parusahan, at ilayo niyo sa kapahamakan ang mga mahal ko sa buhay. Miss ko narin ang matalik kong kaibigan na si Aiyah, siguro masaya narin siya kasi nakuha niya ang course sa kolehiyo na pinaka asam asam niya at iyon ang music.
Lord alam kong magiging makabuluhan ang pananatili ko dito at balang araw maiintindihan ko rin ang mga bagay bagay na nakapaligid sa akin, mga karanasang aking tatahakin, alam kong marami akong marerealize dito, ah hindi lang dito, pati narin sa mga taong makakasalamuha ko. Sana marami akong maging kaibigan, maging kakilala dito sa kumbento, ah hindi lang dito pati narin sa labas. Lord maraming salamat sa lahat ng biyayang iyong ipinagkaloob. I love you Lord.
Amik
Natapos ko naring maisulat yung saloobin ko sa unang pahina ng tatlong daan animnaput limang kabanata ng buhay ko. Ang aga aga ko pa para magising, alas tres palang pero heto para akong isang hawla, dilat na dilat parin ang mata ko. Hindi ako makatulog eh, dala narin siguro ng excitement. I am fond of writing kasi, bata palang ako naging kaibigan ko na ang mga words. Mahilig ako sa pag cocompose ng kanta,mahilig ako sa pagsusulat ng mga sanaysay, isa akong makatang mas gugustuhin pang e-express ang sarili kaysa sa e-impress ang iilan. Minsan nga ang mga tulang ginagawa ko, ginagawa ko ring kanta, nilalapatan ng musika at hayun inaapload ko sa soundcloud account ko at ung iba sa Youtube channel ko.
Tulog na tulog na iyong ibang kasamahan ko. Grabe, pinagitnaan talaga ako ng mga macho gwapito haha! Si Chaning sa kanan ko at si Grammittis sa kaliwa Gosh! Malulunod na ata ako sa saya, grabeng blessings ito Lord. Hahai ang gwapo! Para narin akong nasa langit nito. Napagod din kasi kami kahapon sa tour namin sa kumbento, malaki kasi eh at pinakita samin kung saan yung mga classroom namin, as usual sa loob parin ng kumbento. Ang lakas makahilik ni Marratia, si Grammit naman balot na balot sa kumot, wala namang lamok eh. Ang dami rami pang pagkain, tataba ata ako sa blessings ni Lord dito. Mababait pa yung mga kusinera namin at mga staff ng kumbento, edi wow! hehe
Naging kagaanan ko ng loob si Grammit, Chaning, si Marratia at ang iba hindi ko pa lubusang kilala kasi naman medyo may hiya factor pa din ako. Nga pala, nakilala narin namin ang mga paring magiging adviser namin sa kumbento. May naging close ako kaagad at iyon ay si Father See. Sayang ang kapogian ni Father, pero tinawag siya ni Lord eh kaya wala na tayong magagawa, at saka napaka fulfilling kaya kapag naging pari ka. Pagsisilbihan mo si Lord habang buhay.
Sabi sakin ni Father See, nung una palang niya akong nakita, akala niya babae ako, hayun sapul, ang dami nang nakakahalata pero patuloy lang ang pagpapanggap kong ito. Ikwenento rin ni Father ang buhay niya noong siya ay nagsisimula palang. Nakakalungkot ang kwento niya. Inabandona kasi siya, iniwan siya ng kanyang mga magulang at nang may Madre ang nakapansin sa kanya na nakahandusay sa daan, agad siya nitong tinulungan. Pinangako niya sa sarili na balang araw tutulungan niya ang mga batang nasa lansangan, mga nagdarahop sa buhay. Parang nakakarelate ako sa kanya, pero kabaliktaran nga lang kami, nasa akin na ang lahat pero parang hindi ako masaya, parang may kulang. Mapalad parin ako kasi mahal na mahal ako ni Mom at Dad kahit na business minded silang dalawa., kahit na wala silang oras para sa amin, kahit na madalang lang kaming nag-uusap. Alam ko na may hatred ng kaunti ang kapatid ko sa kina Mom and Dad, kasi naman siya yung palaging pinapagalitan, ipinagtatanggol ako ni kambal kapag pinapagilatan ako nina Mom and Dad.
Maalala ko nga nung naglasing si Kuya for the first time, pinagbintangan kasi siya sa school na nag dru-drugs at may naglagay ng coccaine at marijuana sa bag niya. Galit na galit sina Mom and Dad sa kanya nun. Tinanong ko si Kuya, ang sabi niya wala raw siayang ka ide-ideya kung sino ang naglagay nun sa bag niya at hindi siya nag dru-drugs, kilalang kilala ko ang kapatid ko, iyon ang first time na nakita ko siyang umiiyak .Nagmakaawa siya sa akin na kausapin ko si Mom and Dad para malinis ang pangalan niya. Ginawa ko pero hindi ako pinakinggan ni Mom and Dad. Pinatawag na nga siya nun ng principal eh, nalaman ng buong school, kaya hayun pinalipat kami sa St. Luke Academy. Pero matagal nayun at naka move on na kami sa nangyari, at kung sino man ang may gawa nun, siguro binabagabag na siya ng konsensiya hanggang ngayon.
Meanwhile..... Change topic muna tayo, sa brighter side naman tayo..
Nakita ko narin ang ibang boys sa kwarto namin na nagbibihis, gosh ang mamacho nila, samantalang ang iba stick lang haha! Nakapamanglait ko naman, eh totoo naman eh! Bata pa ako, rated spg, PATNUBAY ng aking mga magulang este ni Lord ang kailangan haha!
Sa kanan, tinitignan ko kung paano matulog ang labidabs ko, grabi may anghel ata na nahulog galing sa langit, ang gwapo niya, as in super, pero na turn off ako, agad ko kasing napansin ang tumutulo niyang laway, yuck ew haha! Kaya lumapit ako sa kanya at pinunasan ang laway niya. Napakamantika niyang matulog at ang amo ng mukha niya. Gusto ko tuloy siyang ... Haha! Secret, syempre gusto ko siyang bugbugin ng pagmamahal kung pwede lang, sino kaya ang first kiss nitong nakagwapong nilalang na ito? Siguro marami na siyang naging syota, pero feeling ko torpe si Chaning, wala kasi akong alam sa buhay niya eh, ayaw sabihin ni kambal, napaka killjoy kasi nun eh, ako daw ang dapat makaalam kung ano ba talaga si Chaning. Ano bayan, unang araw ko palang dito may kasalanan na agad ako kay Lord, eh kasi naman eh, kung ganito ba naman ka attractive ang makakasama mo araw araw, hahai haha! Ano ba ito, juice colored!
"Hui! Anong ginagawa mo Anik?" tanong ng lalaking nasa kaliwa ko, patay! Nakita niya ako na nakaupo sa higaan ni Chaning, oh no! Oh my!
Tinignan ko si Grammit sa tinutulugan niya, nginitian ko siya, gising pala ang mokong na ito huh, ? Panira ka ng moment brad! hmmm...
"Tumulo kasi laway niya kaya pinunasan ko" ang tanging nasambit ng aking bibig.
"Pinunasan?" tumayo siya mula sa kanyang higaan at nilapitan ako.... Tinutukso tukso niya ako, "Eiit, pinunasan daw" nakasiwalat sa aking mga mata ang kanyang half naked na katawan, gosh! Nakakasilaw! Ang gifted ng abs haha! kaloka Hahai Lord, keep me away from temptation please haha!
"Oo, pinu-pinunasan ko, a--a---ano namang masama dun brad?" sambat ko sa kanya. Kinakabahan ako sa kanya, nakakatense naman kasi itong si Grammit, parang tutusukin niya ata ang puso ko gamit ang kanyang mapupungay pero hayop sa bangis na mga mata... Gwapo din siya period.
"Ang sabihin mo may pagnanasa ka kay Chaning!' utal niya. Aba aba, meron talaga hindi mo lang alam! Haha biro ko sa aking isipan...
"Gusto mong suntukin kita brad! Lalakeng lalake ako,di porket may abs ka(sabay tingin at point sa abs niya, ahaha langit na ito!) pwede mo na akong husgahan agad, gusto mo ipakita ko rin yung abs ko sa iyo?" sambit ko, aakto na sana ako na maghuhubad kuno ng tshirt nang biglang may pumasok sa kwarto namin.....
PATAY! NGANGA!
Nganga much ang reaksiyon ng taong pumasok sa kwarto namin, alam niyo ba kung sino? Maski ako nga eh, nganga rin sa eksenang ginawa namin ni Grammit.
Ako at saka si Grammit, gosh! Mapagkakamalan na talaga akong bakla nito, patay talaga!
Nakakahiya, magkalapit lang kasi ang mukha namin ni Grammit, tapos naka hubad pa siya ng pang itaas at ako aaktong maghuhubad na nakita mismo ni.....
"ANO TO HA? Mga bakla ba kayo?" tanong ng aming pinakamamahal na formator....
Napatawa ang aking isipan sa sinabi niya, sabi na nga ba... Haha!
"KUNG GAGAWA RIN LANG NAMAN KAYO NG EKSENANG GANYAN, HUWAG DITO, SA LABAS KAYO!" galit na sabi ni kuya.... Patay talaga... Syempre Kami neto...
Nagpaliwanag agad si Grammit sa formator namin...
"Kung a--ano man po----po ang na---na---kita niyo wala po iyong ibig na ipahiwatig" pagdadahilan niya
Dahil sa lakas ng boses ni kuya formator, nagising tuloy ang mga anghel na mahimbing na natutulog , pero mas unang nagising si Chaning, kasunod nito ay ang aking iba pang kasamahan. Hahai grabe na ito!
Nagpaliwanag din ako sa formator namin..
"Kuya kung ano man ang nakita mo, walang ibig sabihin iyon, I mean wala talaga" pagtatangol ko saaming dalawa ni Grammit, "Ito kasing si Grammit oh" sabay siko sa abs ni Grammit.
"Ang ingay naman, natutulog pa yung tao eh!" pagrereklamo ni Chaning, na kabago bago lang nagising, "Anong oras na ba ha? God morning Nik, Grammit, at kuya formator" bati niya...
"Nagising narin ang sleeping beauty..." utal ni Grammit....
'TALAGA LANG HA! KAYONG LAHAT GUMISING KAYO!" binulabog ni kuya formator ang higaan ng aking mga kasamaan, huhu baka ipahiya niya kami.... Naku po Lord huwag naman sana, wala kaming ginagawang masama...were innocent, were guilty beyond reasonable doubt
"KAYONG DALAWA (Sabay titig saming dalawa ni Grammit) PUMUNTA KAYO NGAYON MISMO SA OPISINA KO, DUN KAYO MAGPALIWANAG!" sambat ni Kuya Hymeno.
"At sa mga kagigising lang, maghanda kayo, pagkatapos nating magdasal, maglilinis pa kayo, maghahanda ng agahan at papasok sa klase, hindi madali ang buhay dito sa kumbento, kailangan nating magtulong tulong sa mga gawain, kung ayaw niyong gawin, maari na kayong mag back out.... Bukas ang pintuan ng tahanang ito sa inyong paglayo... Time check 3:45 am...4:30 maghanda sa prayer natin, huwag aanga anga! Gising na!" dagdag niya.... Hindi ko sukat akalain na may pagka harsh pala itong si Kuya... Pero kahit na galit siya, este galit ang tono ng boses niya, ang cute cute niya parin.... Crush ko na siya period...
Kahit tinatamad pang gumising ang iilan, kailangan naming sundin ang lahat ng sasabihin ng mga tao dito sa kumbento. Rules are rules. Maala ko, no cellphone, no laptop, no iphone, no gadgets pagpasok ko sa kumbento, pero mabuti nalang at napagkamalang calculator ang cellphone kong maliit. Hindi naman kasi halata eh. Yun ang gagamitin kong para ma comunicate ko ang kapatid ko...
Sumunod naman kami sa sinabi niya. Kinakabahan ako baka ito na ang mitya ng pagpapaalam ko bilang isang seminarista. Unang araw ko pa nga lang may sabit na ako kaagad, kaloka!
Sa opisina....
Ang ganda ng opisina ni Kuya Hymeno, nababalot kasi ng crafts ang opisina niya. Napakamakulay, feeling ko nakapasok ako sa loob ng isang exhibit. Napapalibutan din ito ng paintings, pero ni wala akong makitang imahe ni Mama Mary, Jesus, at mga santo sa opisinang iyon, bakit kaya?
"Upo kayong dalawa" paanyaya niya at umupo naman kaming dalawa...
Seryosong seryoso si Kuya nang hinarap niya kami... "NOW, EXPLAIN." sambit niya...
"Mag explain ka raw Anik..." bulong ni Grammit...
"Ano kaba, tayong dalawa noh!" sambit ko pabalik kay Grammit.
"Ano ba? Magpapaliwanag ba kayo o magtatalo, kung ayaw niyong paalisin ko kayo rito sa kumbento, magpaliwanag kayo ng maayos.." utal ni Kuya. Galit na talaga siya promise...
"Ah, uhm.... Ga----ga-----nito po---po ka---kasi yun.... " pagpapaliwanag ko...
Inexplain ko lahat sa formator namin, naintindihan at pinaniwalaan naman niya ako, nmabuti nalang at hindi naging isang napakalaking isyu ang nangyari, ito kasong si Grammit eh, abnormal! Hindi ako bakla noh dahil babae ako hehe.
"Mabuti nalang at binigyan pa tayo ng chance na magpaliwanag ni kuya, kung hindi papalisin niya tayo rito, ikaw kasi eh, ang sama ng isipan mo.." pagsisisi ko kay Grammit, haha sisihin ba naman siya sa nangyari? Ang sama ko hehe. Pero yung totoo may kasalanan rin ako, kung hindi ko pinunasan ang laway ni Chaning, wala sanang gulo haha, pero minor lang naman iyon eh haha! Pandamay taga yang si Chaning! I want emancipation from him, haha ang taray ko. I want emancipation, period! Haha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro