Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 83 - Nagkabukingan na

Naging mas open ang relasyon ni RJ at Dei.  Wala ng itinatago pa ang dalawa sa isa't isa. Lalo na si RJ.  He learned his lesson, kung mahilig at magaling siyang mambully... mas malala ang girlfriend niya sa kanya. Inabot ng isang taon ang The Heart Stories at tinapos lang ito para bigyang daan ang paggawa ni RJ at Dei ng pelikula.  Nangungulit na kasi si Direk Gina Alajar ng GMA.   Isa itong heavy drama ang title "Walang Hanggang Pagibig".  Kwento ni Berna, isang mahirap na dumaan sa napakaraming problema.  Ngunit ang walang hanggang pagibig niya sa Diyos, sa pamilya, sa kapwa at sa lalaking minamahal ang nagligtas at nakatulong sa kanya.

Si RJ mas lalong naging sweet kay Dei, sinusundo at hinahatid nito si Dei sa kahit saan ito magpunta.  Kasabay ng paggawa ni RJ at Dei ng pelikula.  Inalok naman si Rodjun at Sheena ng MSE na gawin ang pelikulang si "Kikay meets Torpe".  Nang araw na yon ang alam ni RJ nasa opisina ng MSE si Dei dahil may meeting ito sa MSE at sabay na silang pumunta ni Sheena.

May meeting sana siya sa restaurant niya pero nacancel kaya ng mabored nagpasyang pumunta na lang ng maaga sa opisina ng MSE para sunduin si Dei.  Pagdating niya doon nasa conference room pa sila Dei.  Nagsabi siya na sa Pantry na lang maghihintay.  Dinalhan siya ng kape ng secretary.

RJ:  Thank you!  Paki sabi na lang kay Dei ha.

Secretary:  Yes Sir!

Mayamaya, may pumasok na ilang empleyado para magmeryenda bumati ang mga ito kay RJ at humiling na magpapicture.  Pinagbigyan naman niya ito.

Pumasok ang Liason Officer ng kumpanya.

Liason Officer:  Ivy, kanina pa kita hinahanap.  Nasaan na yung ipinadadala ni Ms. Dei sa banko?

Ivy:  Ay, oo nga.  Eto na...  oy Carrie hinihintay pala ni Ms. Dei yung updated na print out ng  "Kikay meets Torpe".

RJ:  Excuse me ladies, are you talking about the Ms. Dei Mendoza?

Carrie:  Opo Sir, nandiyan po kasi sila for  script reading with Sheena and Rodjun.

RJ:  Kasali ba si Dei sa movie nila?

Carrie:  Hindi po Sir, Ms. Dei is one of the owners of MSE 

Nagulat si RJ pero hindi nagpahalata.

RJ:  Ah oo nga pala,  ano ba ang buong pangalan ng  MSE Films?

Carrie:  Mendoza, Sotto, Ejercito Entertainment and Films. Inc. po Sir

RJ:  Yah oo nga, now I remember.

Carrie:  Sige Sir, una na po muna ako.  May meeting po ba kayo kay Ms. Dei.

RJ:  No, am here to pick her up.  Alam mo na boyfriend goals

Carrie:  Hindi nga Sir?  Talaga?  OMG! I'm a fan!

Ngumiti si RJ at sinenyasan ito na huwag maingay.  Tumango naman si Carrie at umalis na. Pero halatang kinikilig at natuwa sa nalaman niya.

Naiwang nagiisip si RJ.  Kaya pala sabi niya noon bago umalis kahit maliit o malaking project tanggapin ko  lalo na kapag makakatulong sa iba.  Dahil gusto niyang tanggapin ko ang mga project nito. "This must be what she meant when she said walang iwanan.  Umalis siya pero she made sure na kung ano man ang maging epekto ng pagalis niya may gagawin pa rin akong mga projects."

Hindi nakatiis si RJ pumunta sa conference room. Nagulat sila Dei, Vico, Danica, Jake at Direk Mike ng bumukas ang pinto.  Napatayo si Dei...

RJ:  Hi Direk! Sorry, pwede bang makiseat-in?

Direk Mike:  Oo naman.

Umupo si RJ sa tabi ni Dei, humalik sa pisngi ni Dei.  Ngumiti lang si Dei at walang imik na naupo ulit.

Danica:  So, if everything else is fine with both of you sa script and story line. We will finalize the contract and we will do the contract signing by the end of this week. 

Sheena:  Yah sa akin ok na, I think its really cute. Thanks!

Rodjun:  Ok naman, I think its a fun story.

Dei:  If there are prior engagements for the next two months please send us your schedule para maayos yung shooting schedules in accordance to your current schedule para hindi tayo magkaproblema.

Rodjun: Ok Ms. M 

Vico:  Dei, yung final casting list may mga suggestions  ka ba?

Dei:  I think Ms. Carmi Martin will be the best sosyal at mataray na Nanay ni Sheena, parang mas magkamukha sila kaysa ni Tita Dexter mas bagay sa kanya yung Kikay Mommy.

DIrek Mike: May point ka don parang Ms. Dexter is too serious to be Kikay.

Danica:  how about Rodjun's father?  

Dei:  Not sure  if you can get them, but my first choice would be Albert Martinez.  They have the same features pati pagkilos.  If not, the likes of Tonton Gutierrez or Jestoni Alarcon.

Danica:  Sige, I will keep you posted. Basta temporary schedule for cast meet and greet is next weekend.

Jake:  We'll give you the final location sched din next week. Yung bahay nila at school ok na. Yung duration na lang ang hinihintay nila.  Kung may additional location let me know.

Tahimik lang na nakikinig si RJ.  Nagulat ito ng biglang magsalita si Direk Mike.

Direk Mike:  Richard pwede ka bang magguest sa movie na 'to?

RJ: Oo naman, kahit ano pa yan, basta para kay bestfriend go!

Halos isang oras pang tumagal ang meeting nila.  Nang matapos sabay-sabay din sila halos na umalis. Naiwan sa lobby  RJ, Rodjun at Direk Mike habang kinukuha nila Dei at Sheena ang gamit ni Dei.

Direk Mike:  So, now you know who's behind MSE Films? Any regret doing movies for them?

RJ: None, pero mas naintindihan ko lang ngayon why they are making movies like the ones they did and why those actors. Naintindihan ko na kung bakit sabi niya noon dapat kahit hindi lead role kung makakatulong sa iba tanggapin ko.

Direk Mike:  Yah, the company's mission is first and foremost promote and help underrated actors and actresses showcase their talents as a lead role.

Dei:  Palagay mo Sheens, magagalit siya sa nalaman niya?

Sheena: Hindi naman siguro, besides kung magalit siya eh di ipaliwanag mo lang why.  Don't worry we will back you up.

Magkakasabay na  nagdinner sila RJ, Dei, Rodjun at Sheena.  Masaya naman sila at panay ang pasalamat nila Rodjun and Sheena kay Dei. 

Dei:  Huy, ano ba?  You don't have to thank me, a project was presented to me hiningan lang nila ako ng suggestions I just suggested both of you because I believe you have the chemistry.   They asked you to audition and I think they saw what I saw, kayo ang may gawa non hindi ako.

Rodjun: Basta, thank you pa din and don't worry we will make sure na hindi ka mapapahiya.

Sheena: Oo nga, we will work hard for this. 

Dei:  I hope this movie will pave your way para makita ng ibang movie outfit ang galing ninyo. 

RJ:  Let's drink to that!

Pagkatapos magdinner inihatid na ni RJ si Dei sa condo nito.   Naupo si RJ  sa couch habang nasa kwarto si Dei at nagbibihis. Hinubad niya ang sapatos at medyas  at nahiga sa couch. Nakashorts at t-shirt na lang si Dei paglabas ng kwarto.  Dumerecho sa kusina at kumuha ng dalawang tasa ng tea.  Naupo si RJ sa couch paglapit ni Dei. Naupo si Dei sa tabi niya.

Tahimik silang uminom.

Dei:  Mahal, yung tungkol sa MSE.

RJ:  Hindi mo kailangang mag-explain. Business yon, at magandang business.  I think what you're doing is noble.  The company is obviously giving great but not so popular actors a chance. Ngayon, naiintindihan ko na what you meant when you said, you got my back. Alam ko in a way pinasok mo yon para kung ano man ang kahinatnan ng pagalis mo may fall back ako. Thank you Dei.  Isa pa, mukha namang nakakatulong ka, simula ng manalo sa awards ang Grandparents marami ng nagalok ng pelikula kay Tita Vangie at Tito Jonee pati na sa ibang artista na bumida sa mga pelikula ninyo.

Niyakap ni RJ si Dei, ng oras na yon, alam ni RJ kung gaano kalaki at kalalim ang pagmamahal sa kanya ni Dei.  Masayang dumaan ang isang taon sa relasyon nila RJ at Dei.  Malalim at matibay ang pondasyon ng relasyon nilang dalawa at kahit hindi pa rin sila derechong umaamin marami ang naniniwalang magkasintahan sila.

Minsan may concert ang paboritong banda ni Dei at may nagregalo kay Dei ng tickets dito isinama niya si RJ na manood. Sinabi ni Dei kay RJ na manonood ang mga kaibigan niya pati na si Miggy.

Dei:  Baka magkita-kita tayo doon Mahal.

RJ:  Okay lang yon. Alangan namang hindi mo sila pansinin eh mga kaibigan mo yon.

Dei: Ok lang talaga?

RJ:  Oo nga.

Dei:  Mahal gusto mo sabihin ko na sa kanila yung tungkol sa atin para alam mo na, wala ng kung ano-anong iniisip pa.

RJ:  Nasa iyo kung gusto mo ba eh,  Although I am sure your friends are not stupid para hindi mahalata yon  kapag nakasama natin sila.

Masayang masaya si Dei ng araw na yon, excited siyang manoond ng concert ng iniidolong banda.  Natatawa na lang si RJ sa pagpa-fangirling ng kasintahan.  Punong-puno ang venue at marami din iba pang artista ang nanoon ng naturang concert.  Nagkita nga sila Dei at ang mga kaibigan niya sa loob. Nagbeso si RJ sa mga ito, kilala naman na niya kasi ang mga malalapit na kaibigan ni Dei, ilang beses na din niyang nakasama sa mga gathering ang mga ito.  Ipinakilala ni Dei si RJ kay Miggy.  Nakipagkamay naman si RJ dito. 

Masaya silang lahat at enjoy na enjoy sa panonood ng biglang tugtugin at kantahin ng banda ang paboritong kanta ni Dei.  Walang sabi-sabing ipinasan at isinakay ni RJ si Dei sa balikat niya. Nagpiyesta sa pagkuha ng litrato ang mga fans na nasa paligid nila.  Kinilig sa ginawa ni RJ at ang pangyayaring yon ang naging matibay na basehan ng lahat ng mga fans para maniwalang may relasyon nga ang dalawa.  Lalo na ang mga kaibigan ni Dei. 

Pagkatapos ng concert, kinorner si Dei ng mga kaibigan at pilit pinapaamin. Pero hindi pa nakakapagsalita si Dei ng biglang hawakan ni RJ ang kamay niya at nagsalita...

RJ: Mahal, nandyan na yung Van, let's go!

Nagtilian ang mga ito, natawa na lang si RJ at Dei at tuluyan ng umalis matapos magpaalam sa mga ito.

May nagpost sa twitter at nabulabog na naman ang social media.  Kanya-kanya ng mga komento.  Pati na sa Lunch Surprise tinukso sila ng mga co-hosts tungkol dito. Pero nanatiling tahimik ang dalawa sabay ngumingiti lang.














Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro