Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 82 - Visiting

(ctto of the pictures on this chapter)

Dumaan ang mga araw masaya naman si Dei at RJ, halos anim na na buwan ng umeere ang The Stories of the Heart  at maganda ang pagtanggap ng mga manonood dito.  Pati ang relasyon naman nila, maayos din naman at kita sa kanila na talagang masaya sila.

Isang araw, tumawag ang isang malapit na kaibigan ni Dei since high school para makipagkita sa kanya.   Pumayag naman siya, nagpaalam pa siya kay RJ tungkol dito at pumayag naman ito.  Sa isang Ramen house sila nagkitakita ng mga kaibigan.

Limang kaibigang babae ang dinatnan ni Dei doon.  Masaya siyang bumati sa mga ito, umorder sila ng pagkain at nagkwentuhan habang kumakain.  Biglang dumating si Miggy.  Nagulat man hindi nagpahalata si Dei pero napansin ng kaibigang si Kat ang pagtahimik nito.  Hanggang matapos kumain, sandali itong nakipagkwentuhan at nagtext na kay Direk Pat na sunduin na siya.  Bago pa dumating si Direk Pat humiling ng picture  ang mga kaibigan niya, nagpaunlak naman si Dei.  Kinuhanan sila ng waiter habang nakaupo, hindi naman magkatabi sa upuan si Dei at Miggy pero ng ipost ito ng kaibigan ni Dei. Binigyan pa rin ng hindi magandang implikasyon ng ilan ang litrato.  May nagretweet at nag comment na, "Dei, kasama ang ex sa isang dinner with friends, bakit?"

Yun ang nabasa ni RJ ng minsan nasa bahay siya at naglalaro sila ng video game ni Rodjun.

Rodjun:  Para namang sira yang nagtweet niyan eh, bakit hindi ba pwedeng maging magkaibigan ang magex?

RJ:  Malay ko eh wala naman akong ex na naging kaibigan ko eh.

Rodjun:  Don't tell me papatulan mo yan at magiisip ka din ng hindi maganda?  Ang babaw mo oy!

RJ:  Wala naman akong sinabing ganon.

Rodjun:  Wala nga pero yang noo mo nakakunot na naman.  Huwag mong sabihing nagseselos ka?

RJ:  Hindi, pero hindi sinabi ni Dei na kasama si Miggy sa dinner na yan.

Rodjun:  Precisely, bakit sinabi ba niya lahat ng pangalan ng kasama?

RJ:  Hindi sabi lang niya kasama si Kat at ibang old friends nila.

Rodjun:  Meaning insignificant naman kasi dahil mga simpleng kaibigan lang naman sila.  Para sa kanya Miggy is no big deal anymore so bakit pa niya sasabihin.

RJ:  siguro nga.

Pero ng mga sumunod na araw, hindi nagtetext si RJ kay Dei, ilang araw na din siyang hindi inihahatid at dinadalaw nito sa condo at nagiisip na si Dei.

Alam ni Dei ang pagkaseloso ni RJ.  Unang reaksyon lang yung nagtatampo, nagagalit pero kapag napaliwanagan ito magiging ok na.  Pero sa bawat pagkakataon ipinapakita  nito ang pagseselos kaya kinakabahan siya sa hindi nito pagkibo. Wala naman siyang maisip na pwedeng dahilan kung hindi ang dinner na dumating si Miggy.

KInasabaduhan pagkatapos ng show, may photoshoot si RJ para sa isang magazine kaya nagpaalam ito na mauuna ng umalis tatawag na lang daw kapag nakauwi na ng Laguna.  Si Dei naman nagplano na.  Kung ayaw siyang puntahan at kausapin ni RJ siya ang pupunta at kakausap dito.  Tinawagan niya si Sheena at Rodjun para samahan siya.

Habang nasa byahe papunta ng Sta. Rosa...

Rodjun:  So, ibig mong sabihin one week ka na niyang hindi dinadalaw o inihahatid man lang pero walang sinabi sa yo?

Dei:  Wala nga kaya kinakabahan ako eh.  Although sa totoo lang wala naman talaga akong maisip na kasalanan ko.  Pero may palagay ako na this has something to do with that picture ng dinner namin ng mga friends ko where Miggy arrived ng wala akong kaalam-alam na imbitado pala siya.

Sheena:  I saw that picture, wala naman akong makitang dapat niyang ikagalit, ang layo ni Miggy sa yo.  Yung mga bashers lang kasi kung ano-anong iniimplicate eh.

Rodjun:  Yun din ang sabi ko sa kanya pero honestly kumunot nga ang noo niya when he saw that at ang sabi hindi mo  daw sinabi na kasama si Miggy.

Dei:  How will I eh ako nga hindi ko alam. Common friends namin ni Kat si Miggy at yung iba pang kasama ko non but it didn't occurred to me na isinama pala nila. Hindi din ako nakaimik kasi ayoko namang isipin nila na big deal ang pagdating ni Miggy.  So, yun pala ang sentimyento ng bestfriend mo RB.

Rodjun:  Malamang...

Sheena:  Hay naku mga lalaki talaga kapag nagseselos wala sa lugar.  Pero in fairness to them  it just means they love us that much.

Dei:  Sana lang magustuhan niya ang gagawin ko ngayon.

Rodjun:  I think he will, knowing na masusurprise mo at mapapasaya ang Lola at Daddy niya.

Makalipas ng dalawang oras  narating nila ang bahay ni RJ.  Si Rodjun hawak ang ipod ni Dei at kukuhanan siya ng video si Sheena naman hawak ang cellphone ni Dei at kukuhanan siya ng pictures.

Nagdoorbell si Dei, ilang minuto lang may nagbukas  ng gate at pinapasok siya.  Nagulat si Daddy Richard ng makita siya.

Dei:  Good Afternoon  po Tito!

Nagmano siya dito.

Daddy Richard:  Susmaryosep kang bata ka! Bakit hindi ka nagpasabing darating ka?

Dei:  Wala po naisipan ko lang, gusto ko din po kayong isurprise eh.  

Lumabas ng kwarto ang Lola ni RJ at nagulat ito.  Nagmano naman si Dei.  Pati na si April hindi makapaniwala at nagulat na nandon siya.  Natuwa si Dei sa reaksyon ng mga ito.

Masaya ang naging pagbisita ni Dei sa bahay ni RJ.  Inilibot siya ni Daddy Richard sa buong bahay.  Nakipagkwentuhan siya sa Daddy at Lola ni RJ.  Ipinakita nila ang mga litrato ni RJ noong bata pa ito.  Masaya silang nagtawanan at nagkwentuhan.  Nagpaalam si April na maglululuto, sinabi ni Dei na tutulungan niya ito. Kinuhanan siya ng ilang litrato ni Sheena at patuloy na nagvivideo si Rodjun ng mga pinaggagawa ni Dei.

Nandong buksan ang ref at kunwaring naghanap ng maluluto at nagkunyaring nagwawalis.  Natatawang nanonood sil Daddy Richard at ang Lola ni RJ kay Dei. 

Lola:  Ano nga ba ang naisip mo at dumalaw ka?

Dei:  Kasi Lola si RJ isang linggo na akong hindi dinadalaw eh, kahiit ihatid sa condo, hindi ako hinahatid.  Nagtatampo ho yata, ewan ko kung bakit.

Lola:  Ganon ba?  Hoy, Ricardo yung anak mo kausapin mo.  Sa isang relasyon dapat pinaguusapan maliit man o malaking bagay.  Hindi pinatatagal at lalong gumugulo sa dami ng iniisip at haka-haka.

Daddy Richard:  Hayaan ho ninyo at kakausapin ko.

Nanood lang sila Rodjun aat Sheena at nakipagkwentuhan sa kanila habang nagluluto si April at Dei ng pasta na memeryendahin nila. Nakakita ng lefft over na adobong manok, hinimay ni  Dei ang mga laman nito, nilagyan ng chopped white onions, pickle relish at mayonaise. Konting paminta. Gumawa siya ng sandwicches gamit ang gardenia bread at lettuce na nakita sa ref.   Nang matapos magluto ng carbonara si April at Dei sabay-sabay silang kumain.

Hindi alam ni Dei, nagtext na si Daddy Richard kay RJ. "Dumating dito sa bahay si Dei and we are all having a great time with her. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ng Lola mo.  If I were you uuwi na ako at wag mong hayaang mawalan ng saysay ang effort ng girlfriend mo."

Nagulat si RJ ng mabasa ang message ng ama.  Pagtingin niya may message si Sheena.  Pagbukas niya. picture nga ni Dei kasama ang Daddy at Lola niya. Tinawagan niya si Rodjun.

RJ: Nasan ka bro?  Magkasama ba kayo ni Sheena?

Rodjun:  Ano sa palagay mo?  Bilisan  mo na bago pa magyayang umuwi si Dei.

RJ:  Do me a favor, keep her there.  Am on my way.

Pagend call niya, nakangiti siya tumingin kay Mama T. 

Mama T:  Oh bakit?

RJ:  May bisita ako sa bahay Ma, bilisan mo!

Mama T:  Sino?

RJ:  May iba pa ba?

Mama T:  Si Dei?  Naku bilisan nga natin.

Nalibang si Dei, Sheena at Rodjun sa pakikipagkwentuhan sa pamilya ni RJ.  Nagpicture taking sila at lumabas sa garden nagulat si Dei dahil madilim na pala.

Dei:  Ay, madilim na pala. Ano uwi na tayo?

Lola:  Dito na kayo maghapunan Hija, nagluto ako ng sinigang na mayamaya na maasim at maraming kangkong.

Dei:  Wow, Lola favorite ko po yon ah.  

Lola:  Alam ko nabasa ko sa isang article sa magazine.

Napangiti si Dei, bahagyang niyakap ang Lola ni RJ.  Yumakap din ito kay Dei.  Yun ang tagpong dinatnan ni RJ.  Bumukas ang gate, napatingin silang lahat.

RJ:  Hindi ko alam na may bisita ka palang artista Lola.

Lumapit si  RJ, nagmano sa Lola at Daddy niya, bumeso kay Sheena at naghigh five kay Rodjun.  Bumati si Mama T sa lahat ng nandon at nagbeso kay Dei.  Tumayo si RJ sa tabi ni Dei.  Hinawakan ang bewang ni Dei at hinalikan sa pisngi.

Dei:  Hello there!

RJ: What are you doing here?  This is a lovely surprise.

Dei:  Busy ka kasi masyado, ni hindi ka makadaan sa condo kaya ako na ang dumalaw dito.

Daddy Richard:  Nandito ka na din lang mabuti pa maghapunan na tayo.

Sabay-sabay na nga silanng dumulog sa hapunan. May sinigang na mayamaya. pritong liempo at manok.   Maasaya silang kumain, pinagmamasdan ni RJ si Dei habang kausap ang pamilya. Masaya siya na at  ease si Dei kasama ang mga itto.  Matapos kumain nagpaalam si RJ na magbibihis  lang.  Pagbalik niya  nasa garden na sila Dei, Sheena at  Rodjjun.  Nanonood naman ng TV sa salas ang Daddy niya at nasa kusina ang  lola niya at si April.

Pinuntahan ni RJ si Dei at ang mga kaibigan.  Natahimik  sila  ng  dumating si RJ.

RJ:  Oh bakit natahimik kayo?  Siguro ako ang pinaagguusapan ninyo.

Dei:  Hindi ah.

Rodjun:  Pinaguusapan namin ang susunod na bahay na susugurin namin.

Nagtawanan  sila.  Tumingin si RJ kay Rodjun at nakuha naman agad ni Rodjun ang gustong  mangyari ni RJ.

Rodjun:  Sheena halika, ipapakita ko  sa yo  kung saan kami naglalaro ng video  games ni RJ.

Hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei.  

RJ:  Thanks for visiting, ang saya ng Lola ko eh.

Dei:  Maliit na bagay. Besides nagpunta ako kasi magpapaalam ako. Change of plan, babalik na ako sa US.

RJ:  It's still Miggy no?

Hindi umimik si Dei, yumuko lang.

RJ:  So, tama pala ang hinala ko?  It is still Miggy... bakit nung bang nagdinner kayo with friends kasabay ng pagbalik ng memories bumalik din ang feelings?  YOU REKINDLED OLD FLAMES GANON???  SO ANO YUNG MGA PINAGSASABI MO SA AKIN?   THEY WERE TRUE WHILE YOU ARE SAYING THEM GANON? NGAYON ITS DIFFERENT? WOW YOU FOOLED ME BIG TIME REALLY. MAY PATAMANG PANAHON, TAMANG PANAHON KA PA?

Napasilip sa bintana ang mga tao sa loob ng bahay ng marinig na sumigaw si RJ.

Dei:  So, naghihinala ka pala talaga.  Pinaghihinalaaan mo ang simpleng dinner na yon?  Is that the reason why ni hindi mo ako makuhang ihatid o dalawin man lang? So ganon lang, magdududa ka, mananahimik tapos iipunin mo lang lahat sa loob mo hanggang magkapatong patong lahat ng doubts mo and what wait for you to explode and drop the bomb on me and say we're done? Ganon ba yon?  Sa pagkakaalam ko relationships should be based on trust. You communicate with each other, you make each other understand and compromise.

RJ:   We are even  then,  you just dropped the bomb on me, just now.

Dei:  No I didn't!  You just assumed I did.

Natawa si Daddy Richard.

Daddy:  Mukhang nakahanap ng katapat ang binata ko.

Rodjun:  Mukha nga ho.

Dei:  Ganon ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa yo?  Let me remind you, ako ang unang may crush  sa yo. Minahal kita kahit mali na mahalin ka, minahal kita kahit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama at minahal kita kahit napakaraming nagsasabing hindi ako bagay sa yo.  Kahit pa kapalit ng kasikatan ko mas pinili kong mahalin ka kaya umalis ako para kahit papano mabawasan ang problema mo  at patuloy kitang minahal kahit malayo sa yo sa paraaang kaya ko.

RJ:  Then why are you going back sa US?  Bakit iiwan mo na naman ako.

Dei:  Sino bang nagsabing iiwan kita?  Nagpapaalam ako sa yo para malaman ko kung pwede kang sumama magbakasyon. Sa dami ng telenobelang ginawa mo feeling mo pati buhay mo telenobela na din!

Sabay ngumiti si Dei.

RJ: Ganon?  Gino-good time mo lang ako ha?!

lumaki ang ngiti ni Dei, umangat angat pa ang kilay sabay tumawa ng malakas. Bigla siyang niyakap ni RJ at kiniliti sa tagiliran.

DeI:  Mahal, ayoko na. suko na ko. Tama na!

Pinahid ni  RJ ang luha sa mata... pinagmasdan ni Dei ang mukha nito.

RJ:  Pinakaba mo ako... tinakot mo ako. Don't ever do that to me again.  Baka atakihin ako sa puso kahit wala akong sakit.

Dei:  Sorry, kasi ikaw eh.  Hindi mo man lang ako tinanong, nagisip ka lang agad ng nagisip dyan. That serves you right for doubting my love for you!

Niyakap ni RJ si Dei.

RJ:  I'm sorry, I think I was thinking of that cliche' phrase "first love never dies".

Dei:  Una, hindi ko talaga alam na kasama sa dinner na yon si Miggy.  Pangalawa may girlfriend na si  Miggy at kahit wala pa I will never go back to him because I was the one who broke up with him.  Pangatlo, always remember mas una kitang minahal RJ. 

RJ: Una mo lang akong minahal, Dei.  But believe me when I say mas mahal kita at mas  malalim ang pagmaamahal ko sa yo.

Tinitigan ni RJ si Dei, hinaplos niya ang pisngi ng kasintahan at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha aat hinagkan  ang  labi nito ng buong pasuyo.  Tinugon ni Dei ang halik na iyon at makalipas ang ilang  segundo inilayo ang mukha at isiniksik ang mukha sa dibdib ni RJ at bumulong...

Dei:  why do I feel that someone is watching?

RJ:  because they are all watching.  Look!

tumingin si Dei sa bintana at nakita ang pamilya ni RJ at nanukso ang mga ito.  Natawa na lang sila Dei at RJ at pumasok na sa loob ng bahay.





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro