Chapter 76 - In love
Simula ng araw na yon, araw-araw nagtetext si RJ kay Dei. Katulad nito...
RJ: Good morning Sunshine!
Dei: Good morning! :-)
RJ: Ngiti mo lang buo na ang araw ko. Magbreakfast ka ha. I had mine mahirap na baka mangayayat ako eh ayaw mo.
Dei: Sinabi ko bang ayaw ko? Bagay naman sa yo huwag lang masyado.
RJ: Kunyari ka pa namimiss mo lang pisilin ang burger ko eh :-P papunta ako ng gym then derecho sa studio. Anong plano mo today?
Dei: Would probably run a little then am staying home, dumating na yung mga books I need to sign them. Will watch the show habang pumipirma at naglalalunch. Then pupunta ako sa condo to bring the books and meet with Ate Pat after the show. Then siguro dinner out with Pat lang later.
RJ: Daan ako later after ng show before I go home. Let me know pag nandon ka na. Want me to bring anything?
Dei: Ikaw lang sapat na. ;)
RJ: Wag kang ganyan funny ako. later!
Kaya araw-araw inaabangan ni Dei ang text nito. Kabisado na siya ng mga tao sa bahay nila. Natataranta siya kapag may text si RJ at mainit ang ulo niya kapag wala. Minsan biniro siya ni Coleen.
Coleen: nagaabang ka na naman ng text ni RJ. Kayo na ba?
Dei: Magkatext lang eh kami na agad.
Coleen: well sister, you act as if you are.
Kinalinguhan, araw ng book launching. Dumating si RJ sa Condo ni Dei bandang alas tres. Humalik ito sa pisngi ni Dei pagpasok ng Condo.
RJ: Pat kumpleto na ba lang ng kailangang dalhin?
Direk Pat: Yup, naisakay na namin ni Dean sa Van.
RJ: May tao na ba sa megatrade?
Direk Pat: Oo nagset-up na doon kanina. Maaga pa nandon na ang organizer ng Book Launching eh.
RJ: Tumawag na sila Daddy nandon na sila. Let's go!
Hinawakan niya sa kamay si Dei, nagulat si RJ, nanlalamig ito.
RJ: Hey, ang lamig ng kamay mo ah. Are you alright?
Direk Pat: Kagabi pa yan eh. Inaatake na naman ng pagka nega niya.
Dei: RJ baka walang pumunta, walang bumili. Iba naman kase dito sa Manila. Papano kung sa states gusto nila pano kung dito hindi.
RJ: Ang phenomenal star mabobokya? Malabo yon.
Dei: I was a phenomenal star two years ago, I was famous two years ago, I have millions of fans two years ago. That was in the past pano kung insignificant na pala ako?
RJ: I loved you two years ago and I still love you to date. Palagay ko mas maraming tao ang kapareho ko so please... let's go!
Napangiti si Direk Pat... natunganga si Dei. Tumingin kay Direk Pat na parang nagtatanong, "did he just said, he loved me two years ago?"
Dei: Ok, here goes nothing!
Pagdating nila sa Megatrade hall, parang wala pa ngang tao eh 3:30 na. Sa maliit na waiting room sila dumerecho. Nandon na sila Ms. Jenny, Daddy Richard, Mama T ang pamilya ni Dei. Bumati silang dalawa sa mga ito.
Dei: Tay, bakit parang walang tao?
Nanay MaryAnn: Eh wala pa namang tao.
Mayamaya pumasok ang head ng organizer. Pinalabas na ang mga guests sa VIP sits. Naiwan si Dei at RJ sa waiting room.
Hinalikan ni RJ ang dalawang kamay niya, nirub at tinignan siya ng derecho.
RJ: Believe me when I say, this is going to be a success.
Tumango si Dei.
RJ: Now, show me that smile.
Eksaktong alas kwatro bumukas ang collapsible divider wall at nakita ng mga nasa VIP table na puno ng tao ang 500 sitting capacity ng Megatrade Hall 1, 2, at 3. Bumati ang organizer na nakatayo sa maliit na stage. Ilang sandali pa sumilip si Direk Pat.
Direk Pat: Dei, you are on in 5 minutes.
RJ: Pat, huwag mong ipapaannounce na nandito ako ha. This is Dei's day. I am just here to support her ok?
Direk Pat: Got that!
Mayamaya...
Emcee: Without much further introduction here is the one that we've all been waiting for... Ms. Dei Mendoza!
Nagulat ang lahat na unang lumabas si RJ, nagtilian ang mga fans. Inaalalayan nito si Dei papunta sa stage. Tapos naupo na ito sa harap kasama ng iba pang VIP guests.
Naupo si Dei at ang Emcee sa couch sa ibabaw ng stage.
Emcee: Hi Dei! Welcome back!
Dei: Hello po! Magandang hapon po sa inyong lahat. Ginulat niyo naman ako eh. I was told that the book launch will be at Megatrade Hall 1, so I am really surprised na mukhang pinuno ninyo up until hall 3. Salamat po talaga.
Emcee: Let's talk about your new book. I understand this is your second book?
Dei: Yes this is my second book but the first story book po. Because the first book is a compilation of literary works. So, eto po ang unang story talaga na isinulat ko that got published.
Emcee: Let's take a look at it...
Hinila ni Dei ang isang clothe na nakatakip sa wall na nasa likod nila at tumambad sa mga nandoon ang malaking poster ng libro niya. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga fans.
Dei: The title is "My Dreams Journey" - this is based on my own story. How I entered showbiz, how I stayed and up until the day I left. So, kung gusto po ninyong malaman, how I felt and kung gusto ninyong malaman the story behind Yaya Dee. That is what this book is all about.
Emcee: So ang character dito ikaw mismo?
Dei: Hindi po, the characters are Charm, a simple, introvert woman who went out off her comfort zone to find her place in this world.
Emcee: Love story din ba ito? May love interest ba dito si Charm?
Dei: Opo, si Siegfred Bryant, isang prominent hollywood actor who lost himself on fame and wanting to find his worth and discover true love.
Emcee: Is there any lesson in this book that people can learn?
Dei: Yes, the book tends to teach us that no matter how small and simple you think you are, you are important and you can be somebody if you put your heart in it. That each one of us has the ability to touch other peoples lives and that there is more to fame - and that is you can find genuine happiness in the simplest kind of way.
Emcee: I get the chance to look at the book a while back. May dedication page ito. To whom did you dedicate this book. Can you read the page to us please.
Dei: This book is dedicated to every soul that believed in me, supported me and loved me. So, this book is for all of you.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga fans.
Emcee: There is a very intriguing page that caught my eye though... it says, In a perfect world ours could have been a great love story.
Dei: That's the inspiration of the story po.
Emcee: Pwede ba naming malaman kung sino si RJ?
Dei: I think you all know who he is, so let's just say, your guess is as good as mine.
Tumayo si RJ at kumaway. Natawa si Dei. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat.
Emcee: Any last words, before we start the book signing.
Dei: I would like to thank some people for coming. Ang family ko po, thanks so much for always being there. To my friends Kath, Ann. To Ms. Malou, Ms. Jenny, Leysam, Kristofer, Rodjun, Sheena. Oh di ba star studded ang book launch ko. Thanks guys, I know how busy you guys are so thanks so much. Eto ayaw po niya magpabati kasi driver ko lang daw siya today pero babatiin ko na din. RJ, thanks for the boost of confidence and the Good Vibes. At sa inyo pong lahat, maraming salamat po!
Bumaba si Dei para lumapit sa mga nasa VIP section. Mabilis namang nakaalalay si RJ. Nagbeso siya sa mga ito at nakiupo. The whole time na magkatabi sila ni RJ, hindi binibitawan ni RJ ang kamay nila. Nag meryenda sila ng mga pica-pica at frozen lemonade na hinatid sa table nila. Nagpicture taking sandali at binigyan ni Dei ng kopya ng libro niya at isa-isa ng nagpaalam. RJ was extra caring, kung hindi nakaalalay sa braso, nakahawak sa kamay o kaya sa bewang ni Dei.
Nang mag-book signing si Dei, nakiupo din si RJ sa tabi ni Dei, iniaabot ang mga librong pinapipimahan sa kanya. Pinadederecho na sa labas ang lahat ng nakapagpapirma na para lumuwag naman yung lugar at makapasok ang bagong dating. RJ, was very attentive, nanghingi ng tissue para punasan ang pawis ni Dei habang nagbo-book signing. Nandyang nagpakuha pa ng frozen lemonade at bottled water para kay Dei. Si Leysam, Daddy Richard at ang organizer walang sawang panay lang ang kuha ng litrato nilang dalawa. Nang matapos ang book signing nagpasalamat sa lahat si Dei at kumaway lang sa mga nandoon si RJ at inalalayan na papunta sa waiting room si Dei.
Nagdinner sila kasama ang mga organizer sa Discovery Suites at hanggang doon naicover ni Nelson Canlas. Doon na sila nainterview nito.
Nelson: Dei, Congratulations! Sabi ng organizer nasold out ang dala ninyong signed 500 copies at kinailangang maglagay ng booth ng National Bookstore doon dahil marami pa ang naghahanap. What can you say about that?
Dei: Masayang masaya po ako, nasurprise po ako. Hindi ko po inasahan ang dami ng taong yon. I have thought na insignificant na ako at baka wala namang gustong magbasa ng sinulat ko. Kaya maraming salamat po talaga. Sa mga naghahanap pa po ng libro I am happy to annouce that my publisher just called and said they will do a reprint of my book.
Nelson: RJ, what can you say about the book launch.
RJ: I enjoyed it, masaya ako na marami ang sumuporta at bumili ng libro ni Dei. Although I already expected that. Bago pa ho kami dumating marami ng taong nandon, pumila at nagabang na magsimula ang book launch kaya alam ko na kahit nawala si Dei nandyan pa rin ang mga taong nagmamahal sa kanya at binabantayan ang mga gagawin pa niya. She is still the phenomenal star.
Nelson: I was surprise na hindi ka tinawag sa stage.
RJ: Book launching po yon ni Dei, I was there to support her kahit alam kong hindi niya kailangan. Sabi ko nga driver/bodyguard lang ako today.
Nelson: Dei, how does it feel having RJ around.
RJ: It became more fun po and nakakawala ng kaba kasi imagine isang Richard Reyes naniniwala sa kakayahan ko bilang writer.
Nelson: I heard as much as you can, hindi ka nagtatrabaho ng Sunday RJ, eh Sunday ngayon.
RJ: Totoo po yon besides the Sunday show, I make it to a point that the rest of my time is spent for my personal endeavors.
Nelson: So can we conclude that you being with Dei today is purely personal.
RJ: Opo kuya and I want to keep my personal life somewhat private.
Napangiti si Dei, hiwakan ni RJ ang kamay niya.
Napangiti si Nelson pero hindi na niya ipinakita pa ang paghawak ni RJ sa kamay ni Dei. Nelson is one person na naniniwala that people like them no matter how famous should be given some privacy.
Hinatid ni RJ si Dei sa Condo nito. Pagdating sa tapat ng pinto ng Condo kinuha niya ang susi kay Dei at pinagbuksan niya ng pinto.
Dei: You want to come in for some tea and I have cheesecake?
RJ: I would love to kaya lang baka pagod ka na eh.
Dei: Napagod ka din naman eh. Come in and rest for a while. Magpasundo ka na lang kaya kay Leysam later.
Pumasok na sila sa Unit.
Dei: Get comfortable, magbibihis lang ako.
Hinubad ni RJ ang polo shirt, sapatos at medyas at hinila palabas ang undershirt na suot. Paglabas ni Dei ng kwarto naka shorts at spaghetty strap blouse na lang ito. Sinundan ito ni RJ ng tingin papunta sa kusina. Nagtimpla ito ng tea at nagslice ng dalawang slice na cheesecake at nilagay sa dalawang platito. Inilagay sa isang tray. Naglagay ng dalawang baso pinuno ng yelo at nilagyan ng tubig. Lumapit si RJ para bitbitin ang tray ng pagkain.
RJ: Where do you want to bring this?
Dei: On the bed.
Pahapyaw na tinignan ni Dei ang reaksyon ni RJ sa sinabi niya, nakita niya na napalunok ito. Natawa siya. Binitbit niya ang tubig at sinundan ito sa kwarto. Ibinaba ni RJ ang tray sa bandang paanan ng kama.
Dei: Sit down... dito na lang tayo ha, so we can watch TV, palabas yung Fast and Furious oh.
Bukas nga ang TV mahina naman ang volume natatawa na lang si RJ, ang nasa isip... "itong mahal ko para-paraan lang eh ayaw pang sabihin na gusto lang niya akong makasama and I like this feeling kanina pa kami magkasama pero I can't get enough of it too."
Naupo si Dei sa kabilang side ng kama at sumandal sa headboard. Ganon din ang ginawa ni RJ sa kabilang side naman. Hinila ni Dei palapit sa kanila ang tray ng pagkain. Iniabot ang isang platito ng cheesecake kay RJ. Kinuha ang sa kanya at sumandal sa headboard. Tahimik silang kumain. Parehong nakatingin sa TV pero wala don yong isip nila.
Dei: Do you remember what you told me kanina?
RJ: Alin don?
Dei: Yung ano, yung 2 years ago.
RJ: That I love you 2 years ago and I love you still to date... oo naman. Naniniwala ka ba?
Dei: Saan?
RJ: Sa sinabi ko...
Dei: Oo naman. And you were extra caring today... Thanks ha!
Rj: Lagi naman akong extra caring kapag ikaw kasama ko, kahit noon. Ikaw din, you were treating me super nice. Althou hindi lang natin naoobvious. Mabuti pa yung ibang tao nakita yon tayo hindi natin nakita. My dad, si Mama T sinabi nila sa akin but I dismissed the idea kasi alam ko magiging dahilan yon para iwan mo ako eh. I didn't realized eventually iiwan mo din pala ako.
Ibinaba ni Dei ang platito niya. Ipinagsalikop ang kamay sa ibabaw ng tuhod niya.
Dei: Sorry I had to leave, nasasaktan na kasi ako eh kung hindi ako aalis baka madurog ako and end up hating you instead of loving you.
RJ: Sorry I was so insensitive, too densed to notice. But I did understand and ayoko din naman na pasukin ang isang bagay na magulo na. I knew I had to clean my slate.
Ibinaba ni RJ ang platito niya, uminom ng tea. Hinawakan ang kamay ni Dei, napatingin sa kamay nila si Dei.
RJ: Minahal kita noon, nong saktan ka ni Koreen. I knew then how much. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at alam ko mamahalin kita kahit hindi mo pa ibalik ang pagmamahal na yon. Gusto ko lang makita kang masaya... gusto ko lang ibigay sa yo yung genuine happiness na hinahanap mo.
Humilig sa balikat ni RJ si Dei, nagsimulang tumulo ang luha, mayamaya humihikbi na.
RJ: Hey, sabi ko gusto ko makita kang masaya eh bakit ka umiiyak. Tahan na.
Niyakap niya si Dei... hinaplos ang buhok at likod nito para kalmahin ito.
Dei: Masaya naman ako, sobrang saya nga kaya naiiyak ako eh. Minahal kita noon kahit alam kong mali at masasaktan ako pero hindi ko napigilan ang puso ko na mahalin ka. Kaya kahit alam kong walang katugon ang pagmamahal ko minahal pa rin kita. At mahal pa rin kita hanggang ngayon J... salamat sa paghihintay ha. Akala ko napagod ka na eh.
RJ: Aaminin ko may mga araw na napapagod ako, nagaalala na baka wala naman pala akong hinihintay. Those days nagpupunta ako sa inyo, kinakausap ko ang Nanay mo, nagpapakwento ako how you were noon kapag may crush ka, nawawala ang takot ko kasi naiisip ko ganon ka noong magkasama pa tayo. Kinakausap ko din si Rodjun, at inuulit ulit niya sa akin na idescribe how you looked at me kapag hindi ako nakatingin sa yo. How you were so vocal of saying na magaling akong sumayaw, na proud ka sa akin kasi ang galing kong umarte. O kaya si Mama T, lagi niyang sinasabi na totoo ka sa lahat ng sinasabi mo kaya alam niya na totoong mahal mo ako. Pero you have to promise me na hindi mo na ako iiwan ha? Hindi ka na aalis ulit.
Dei: Hindi na po, at kung aalis man ako, I will make sure na kasama kita kahit saan ako magpunta.
Humarap si Dei kay RJ at marahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito pumikit si RJ bago pa man maglapat ang labi nila. She kissed him tenderly with much love and sincerity. After 10 seconds inilayo ni Dei ang labi niya at nagmulat ng mata nakita niyang pulangpula ang tenga ni RJ. Napangiti siya.
RJ: what was that for?
Dei: Bayad ko sa pagiging driver at bodyguard mo today.
RJ: Mahal, may lakad ka ba bukas? saan tayo pupunta? Pwede bang maningil ng advance payment?
Kinurot ni Dei si RJ sa tagiliran at malakas na tumawa. Humiga si RJ kasabay ng paghila niya kay Dei para mapahiga ito.
Dei: Huy, akala ko ba uuwi ka?
Dinukot ni RJ ang cellphone niya sa bulsa, nagtext kay Daddy Richard at pinatay ang cellphone niya.
RJ: Sinong nagsabi na uuwi ako, you invited me in. So wala kang choice but to let me stay. Maniningil pa ako ng advance payment eh.
Tawa ng tawa si Dei, but she did kissed him back when he started kissing her. Bumulong si Dei.
RJ: Mahal can you sing for me?
Kumanta naman si RJ hanggang makatulog sa dibdib niya si Dei. Magaan ang pakiramdam niya alam ni RJ na masayang masaya siya... bago tuluyang makatulog...umusal siya ng dasal... "thank you Lord at tinupad mo ang hiling ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro