Chapter 73 - Paano Magsimula?
Dahil maraming aatendan na meeting sa condo niya sa Quezon City nagstay si Dei ng week na yon. Lunes yon, natawagan na niya si Direk Pat at susurpresahin niya ang mga nasa studio. Inayos nya ang mga pasalubong na dala para sa mga kaibigan doon at tinungo ang studio bandang alas dos ng hapon lulan ng Van kasama si Manong Driver at si Dean. Iba na ang Van niya kaya walang nakakilala ng dumating ito. Pero ng bumaba si Dean sa Van, nagtilian ang mga nandon na taong hindi nakapasok sa studio. Nagsisigawan ang mga ito ng "welcome home Dei" Humarap naman sa kanila si Dei at kumaway. Mabilis naman itong umakyat at natuwa ang ilang staff na nakakita sa kanya, dumeretso siya sa host room at naupo doon para hintaying matapos ang show tutal 15 minutes na lang. Mabilis na nakarating kay Ms. Jenny na dumating si Dei, kaya ng closing na at nagaannounce sila ng winner, bigla itong sumenyas sa kanila.
Vic: Teka may sinasabi si Jenny. May bisita daw tayo... tignan natin kung sino sa split screen. Ipinakita ang isang kamera na papasok sa host room at nagulat si Dei ng ifocus siya ng camera.
Vic: Dei!
Biglang tumakbo si RJ papunta sa host room.
Joey: oh ayon na si RJ hindi na napigilan.
Tumayo si Dei ng makita si RJ sa pinto ng host room, nagpabebe wave at ngumiti. Labas ang dimples ni RJ ng ipakita ito sa screen.
Joey: Sunggaban mo na RJ!
Nagtawanan sila, at lumapit naman si RJ para yakapin si Dei at hindi na ito nakatanggi ng hilahin ni RJ papunta sa stage.
Lumapit siya sa mga host at niyakap ang mga ito isa-isa. Tuwangtuwa silang lahat ng makita si Dei.
Tito: Oh bumati ka muna.
Dei: Magandang hapon po mga Dabarkad's. Masaya akong nakita ko kayo, namiss ko'to!
Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat ng audience, hindi magkamayaw sa pagkuha ng mga litrato.
Joey: O mukhang may aabangan na naman kayo.
Dei: Dumalaw lang ho ako. Pasensya na sa itsura ko, eto naman kasi si RJ eh.
Pauleen: Ok lang ang ganda mo pa rin no!
Nagmake face si Dei. Nagtawanan sila.
RJ: Nandito ka na din lang, may lauching po si Dei ng 2nd book niya, this sunday. Mama T, yung libro ko please. Inabot nito kay RJ ang dalawang libro.
Vic: O sige na Dei, iannounce mo na yan... sinimulan na ni RJ eh.
Pia: Mas excited pa sa yo eh.
Dei: Naku, salamat po. Yun nga po, may Book Launching/Reading po ako para sa second book ko, entitled, "My Dreams Journey" sa Sunday sa Megatrade Hall at 4pm. May book signing din po you can bring your copy of Scribbled Thoughts. Kung wala pa po kayong kopya you can also buy it from there. Ipakita niyo lang po ang copy ninyo and you can go in.
RJ: Mag book reading na din tayo.
Dei: Oh ayan po, may special request pa si RJ, so come join us this Sunday sa Mega Trade Hall at 4pm. Thank you po!
Nagpalakpakan ang lahat.
Joey: Nandito ka na din lang, magtrabaho ka na Dei.
Nagtawanan sila... tumingin si Dei sa idiot board at ngumiti.
Dei: Abangan po ninyo kaming muli bukas at sama-sama tayong magsaya at mamigay ng papremyo dito sa inyong paboritong kasama sa pananghalian ang Lunch Surprise!!!
Tumugtog ang theme song ng show, kumakanta at umiindak-indak ang mga hosts hanggang mawala ito sa ere. Naghihiyawan ang mga tao sa studio. RichDee! RichDee!
Dei: Pahintay lang po ako nasa dressing room mga pasalubong ninyo.
Naiwan sila ni RJ sa stage at nagpose para sa mga fans na nandon.
Dei: Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap.
May nagtanong kung babalik na ba siya sa lunch surprise.
Dei: Hindi ko pa po alam eh, ang totoo po dumalaw lang po ako. Pero sana po suportahan ninyo ang libro ko, it will be out sa National Bookstore at Powerbooks Outlets starting Sunday. Kung may panahon po kayo, magkita kita po tayo sa Megatrade Hall sa Sunday 4pm. Thank you po!
Kumaway sila at nagflying kiss sa audience at tumalikod na papunta sa host room nandon naghihintay ang lahat. Inilagay ni Dean sa tabi ni Dei ang isang malaking canvas bag na puno ng chocolates. Ipinatong ni Dean sa lamesa.
Dei: Ayan, kuha na lang po kayo kung anong gusto ninyong chocolate. Yung matitira para sa staff. Pasensya na po kayo sa mga pasalubong ko ha.
Inabutan niya ng tigiisang Miss Dior Perfume sila Pia, Pauleen, Patricia, Ruby at Aicelle. Gio Armani naman para kila Jimmy, Ryan, Anjo.
Dean: ito paki abot na lang kila Anne, tapos yang isang bag sa mga Bae's
Jimmy: Wow naman, ang bango nito.
Ryan: Thanks Dei!
Dei: Ay kuya ryan paki bigay ito kay ate juday tapos kuha ka na lang ng chocolates para sa kids.
Nakangiting nanonood lang si RJ. Iniabot ni Dei kay Vic ang isang paper bag ng Giorgio Armani Prive na paper bag, Hermes kay Joey at Tom Ford kay Tito Sen.
Joey: Sosyal ang pasalubong ah.
Dei: Hakot na niyan lang ng occassion Tito!
Nagtawanan sila. Nanukso si Joey.
Joey: Oh bakit si RJ walang pasalubong?
Dei: Ay nakalimutan ko eh.
RJ: Ok lang no, yung bumalik ka sapat na.
Vic: yun naman!
Matapos makuha mga pasalubong nagkanya-kanya ng alis ang mga ito at iisa lang ang sinasabi... see you tomorrow. Natatawa na lang si Dei. Iniabot din nila ang pasalubong niya kay Ms. Jenny, Ms. Malou at Mr. T sa opisina nito.
Mr. T: Thank you dito, pati naman ako may pasalubong eh. Upo muna kayo. Nandito na lang din kayo, let me tell you... Gina Alajar wants to direct a movie for you. And we are fixing up a project for you which will be aired on prime time. Parang Drama Anthology, every story runs for a week and I think Dei will like this because the stories are written by your own fans sa wattpad. Think about it, okay?
Dei: I will... thanks po talaga sa tiwala ninyo Tito.
Mr. T: Ewan ko ba sa yo, ikaw lang ang walang kabilib bilib sa sarili mo eh. Iwan mo kay Jenny yung kopya mo ng Libro mo and the details of the Book Launching para maiannounce.
RJ: I'll take care of it Tito, I'll promote it during JFA
Mr. T: Ok good. Kamusta kayo?
Dei: Kami po?
RJ: Tito talaga, this is only the second time we saw each other since she arrived. Pero ok naman po.
Mr. T: Well, since hindi na hectic ang sched mo am sure you will have a lot of time together. At kapag pumayag kayong gawin yung mga projects na sinabi ko, mas lalo na.
RJ: Tito talaga.
Dei: Ehem, may hindi ba ako alam?
RJ: nanunukso lang yan si Tito. Halika na nga, ihahatid na kita.
Natatawa si Mr. T. Paglabas nila, kinausap ni RJ si Dean habang kausap ni Dei ang mga Bae's at sila Anne.
RJ: Sabi ni Dean wala na daw kayong lakad, lunch tayo? I'm craving for Japanese Food eh.
Dei: Pano si Mama T?
Mama T: Sasabay na ako kila Dean. Sige na lumakad na kayo.
Dei: Ma, yung pasalubong mo nandyan kay Dean. Kasama yung kila Dad, Ryzza, Lola at April, yung isang bag. Pakibigay na lang ha.
Mama T: Thank you! Oh RJ ingat sa pagmamaneho ha.
Habang daan...
RJ: Nagabala ka pa para kila Daddy eh and dami mo na ngang pinasalubungan.
Dei: Maliit na bagay, simple things lang naman yung mga pasalubong ko eh.
RJ: Talaga ha, titignan ko mamaya.
Dei: Eh huwag na kasi, yaan mo na yon. Minsan lang naman eh. Kahit papano mapasaya ko naman sila.
RJ: You are too generous.
Dei: Sabi nga share your blessings. Isa pa kuripot ka na nga alangan namang pati ako ganon din.
RJ: Oy hindi ako kuripot ah. Wala naman kasing kailangang pagkagastusan eh.
Nagpark si RJ sa gilid ng Astoria sa Ortigas sa tapat ng Minamisaki Japanese Restaurant. Pinagbuksan siya ni RJ ng pintuan ng kotse at inalalayang bumaba. Nasa isip ni Dei, "somethings really doesn't change, gentleman pa rin siya."
Pinagbuksan siya ng pinto at dumerecho sila sa isang couched table sa pinakaloob ng restaurant. Paglapit ng waiter, umorder si RJ.
Dei: This place is nice, mukha marami ka ng time para maglakwatsa ah.
RJ: Si Daddy na kasi ang Manager ko although Leysam is still my Handler. You would be happy to know na madalas sa bahay ako nagdidinner or they go to the Resto para magkakasama kaming magdinner. Every two months, we go and relax either sa Tagaytay or sa Laguna. Basta I spend a lot of time with my family.
Dei: That's good then. What else is new?
RJ: Hindi exclusive ang contract ko with GMA, althou hindi naman ako naggue-guest sa ibang network but I make movies na hindi under ng GMA and they agreed na wala ng love team.
Dei: And how are you coping up with that?
RJ: Mas okay kasi, walang dapat isipin na love team eh, mas nakakakilos ako ng ayon sa gusto ko.
Tumahimik si Dei... naisip ni RJ ang sinabi niya.
RJ: I requested for no love teams kasi sabi ko sa kanila baka hindi nila magugustuhan ang magiging kapareha ko sa mga movies eh papano kung yon ang gusto ko, ayoko na ng problema. I think everyone knows who I was referring to.
Dei: So, papano yung inooffer ni Mr. T na Drama Anthology? Are you taking it?
RJ: Oo naman... tagal ko na ngang hinihintay yon eh.
Dei: Pero love team pa rin yon eh...
RJ: Only love team for reel or real that I will be at ease to work with is you at alam ng lahat na hinihintay lang talaga kita.
Napatingin si Dei kay RJ... pilit niyang inaalam kung totoo ba ang sinasabi nito.
RJ: Why are you looking at me that way? Hindi ka pa rin ba naniniwala? Wala naman ako sa harap ng camera, iniisip mo pa rin ba na umaarte lang ako?
Lumungkot ang mata ni RJ pero pilit na ngumiti.
RJ: Ok lang that's the dilemna of being an actor I guess. People are not sure if it is real or still an act. For the record thou, what I told you before you left, totoo yon. Kaya siguro ayaw mong marining yon noon kasi hindi ka naniniwala pero ako nung makuha ko yung text mo, I believed. Kaya nga siguro ako nakapaghintay kasi naniwala ako eh.
Dei: RJ, am not saying na...
RJ: Ok lang naiintindihan ko... o eto na pala yung food eh. Kain na tayo, I am starving.
Tahimik na kumain si RJ... wala ng nagawa si Dei kung hindi kumain na lang. Pareho ang nasa isip nila... "Papano nga ba kami magsisimula?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro