Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 72 - Ang pagkikita

Lulan ng kotse nila, bumiyahe si  Dean at Dei papunta sa Malolos, Bulacan.  Doon sila nakakita ng property para tayuan ng Restaurant Business.

Dei:  Bakit dito? 

Dean:  Eh kasi yung gustong ifranchise ni Tatay na restaurant isang restaurant  garden, at gusto nilang maging isang Event Place ito kasi katabi ng Barasoain Church.

Dei:  Sabagay, ok yon.  Sino ba itong kameeting niya dapat.

Dean:  Lester Panganiban ang Franchise Manager ng nasabing Restaurant. Rosario's Garden Restaurant ang pangalan ng resto nila.

Dei:  Masarap ba talaga doon?  Kilala ba yang restaurant na yan?

Dean: Oo masarap, malakas ang Branch nito sa Tagaytay at Quezon City. Ang pinakabagong Branch nasa Los Baños, Laguna dinarayo ng mga naga-outing.

Dei:  Magoocular pa lang naman hindi ba? 

Dean:  Oo, pero ang alam ko sa birthday mo doon sa Tagaytay Branch nagpareserve si Tatay eh para matikman mo raw. At balita ko, pwera dito sa atin magba-branch out sila sa Quezon, ilalagay sa isang beach resort na nabili nang mayari.

Dei:  Ay sayang, sana yon na lang ang ifranchise natin.

Dean:  Sabihin mo kay Tatay, malay mo magawan niya ng paraan.

Dumating sila doon, bandang alas diyes ng umaga.  Pumarada si Dean sa tabi ng isang magarang sasakyan.  May tinawagan at mayamaya pa, nakita ni Dean na palabas ng simbahan si RJ at palapit sa  kotseng sinasakyan nila.

Dean:  Oh bumaba ka na, nandyan na yung kausap mo.

Kinuha ni Dei ang bag niya at bumaba.  Lumapit si Dean kay RJ.

RJ:  Oh sabi ni Lester ang gusto daw ni Tatay Ted ako ang pumunta eh bakit ikaw ang nandito?

Dean:  Kasi Driver lang din ako eh at hindi makakapunta si Tatay kaya siya na lang ang pinapunta.

Humakbang si Dei palapit sa kanila napatigil ng umalis si Dean sa harap ng kausap nito.  Nagulat din si RJ, huminto.

Dean:  Oh, tutunganga na lang ba kayo dyan?  Hay naku, aalis na ako babalikan ko pa siya Tatay may kausap pa yong iba eh.  Bro, bahala ka na dyan sa kapatid ko ha.  Natawa si RJ, tumayo sa tabi ng naiiling na si Dei.  Sumilip sa bintana ng kotse...

Dei:  Sabihin mo kay Tatay lagot siya sa akin paguwi ko.

Tawa ng tawa si Dean at tuluyan ng umalis.  Humarap si RJ sa kanya... medyo awkward ang pakiramdam nilang pareho.

RJ:  Ano ba ang tagal nating hindi nagkita ah.

Niyakap niya si Dei, yumakap din naman ito sa kanya. 

RJ:  Mabuti pa sumakay ka na bago pa tayo mapansin ng mga tao dito.

Pinagbuksan siya ng pinto ni RJ at mabilis naman siyang sumakas.  Natawa si Dei, naalala niya ang mga ninja moves nila noon.

RJ:  Oh bakit ka natatawa?

Dei:  parang Ninjan Moves eh.

Natawa na din si RJ.

Dei:  So, ikaw ang mayari ng Rosario's Garden Restaurant?

RJ:  Yung nasa Tagaytay akin pero yung nasa QC at Laguna Family Corporation.  May nakita kaming location dito malaki, dyan lang sa pangatlong lote mula dito sa simbahan.

Dei:  Sige nga puntahan na natin.

Isang bakanteng lote ang ipinakita ni RJ. Medyo nalinis na ito at malaki nga.

Dei:  Mukhang ok nga since malapit sa Barasoain, malamang na madadayo ng mga pumupunta sa simbahan lalo na kapag nalaman na ikaw ang may-ari.

RJ:  So, ikaw ang magnenegosyo?

Dei:  Hindi, sila Tatay, ako, ang pera ko nasa isang negosyo na eh.  Pero if ever I can I wanted to buy a beach property, somewhere in Quezon maybe.  Pero, mukhang ok nga itong location na ito.  You can put up the Garden Restaurant tapos maglagay ng event place na may collapsible sliding walls para pwedeng for 50 at for 100 to 150 guests).

RJ:  Yan din ang gustong mangyari ni Tatay Teddy, I mean Tatay mo.  Si Coleen daw ang magmamanage eh.

Dei:  Matagal na ngang gusto ni Coleen yon.  One of her dreams. Ikutin natin ang vicinity. Para malaman natin kung may kakumpetensya.

Nagikot nga sila at panay lang ang bigay nila ng mga opinion.

RJ:  Walang malaking restaurant at event place dito. Bihira din ang fine dining at ang pinaka malapit na event place dito yung nandon sa may school medyo malayo pa sa Church kaya talagang magiging accessible yung property pag nagkataon.  Ano sa palagay mo?

Dei:  Oo nga, mukha namang okay, walang kakumpetensiya at malapit sa Church. Kailangan lang maging maganda yung lugar.  

RJ:  May ipinadesign ako, gusto mong makita?

Dei:  Sige.

RJ:  Mabuti pa punta tayo sa isang restaurant para maipakita ko sa yo at tsaka nagugutom na din ako eh.

Dei:  Mabuti pa nga, pansin ko parang nangangayayat ka eh.

RJ:  Kakaisip sa yo... I mean maraming iniisip eh.

Napangiti si Dei.  Pero tahimik lang na tumingin sa kalsada.   Napakamot si RJ sa batok. Binuksan na lang ang radyo para makinig sila ng music habang bumibyahe.

Dinala ni RJ si Dei sa isang restaurant na medyo malayo sa city.  Medyo secluded ang lugar na yon ng Cafe de Blas. Parehong nakasuot ng shades sila RJ at Dei ng bumaba ng kotse.  Nakilala naman agad ito ng gwardiya at lumapit sa kanila.

Gwardiya:  Good afternoon Sir, buti po napadaan ulit kayo.

Ngumiti si RJ. Sinenyasan ang gwardya na tumayo sa kabilang gilid ni Dei.  Hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei habang naglalakad. Pagpasok sa restaurant, bumati ang mga staff at ngumiti at kumaway sila ni Dei.  Hinatid sila ng gwardiya sa pinakadulong lamesa.

Lumapit ang Manager ng Restaurant at inabutan sila ng menu.

RJ: everything is for sharing ha.  We will have Bacon Ceasar Salad,  Chicken Wrap, Nachos, Penne Carbonara  and two strawberry smoothies.  Ok na yon?  pahingi muna kami ng iced cold water please.

Dei:  Ang dami na nga non eh.

RJ:  Sabi mo pumapayat ako eh di magpapataba.

Dei:  Eh di dapat hindi for sharing.

RJ:  Huwag naman, baka naman sumobra.  Wait, kailan ka pa dumating?

Dei:  Kahapon lang.  hindi alam sa bahay na uuwi ako.  Ginulat ko sila kaya siguro gumaganta yung mga yon eh.  Hindi nila sinabi na ikaw ang kausap ko.

RJ:  Palagay ko nga gumaganti, kasi ang alam ko si Lester ang pupunta. Tapos kagabi sabi ni Tatay Teddy, sorry, ng Tatay mo ako daw ang gusto niyang makausap kaya tinawagan ko si Lester at pinadala ko na lang ang design sa bahay.

Dei:  sabi ko na eh, malamang idea ni Coleen.

Natawa silang pareho.

Dei:  so, kamusta ka?  Career mo?

RJ:  Ok naman, it was hard from the start pero nalampasan naman.  Stable na ang career ko, nakaapat na successful movies nga ako habang wala ka.  Sayang, hindi mo napanood. 

Dei:  Napanood ko lahat.  Papalampasin ko ba yon.

Ngumiti si RJ. Hinawakan ang kamay ni Dei na nasa ibabaw ng lamesa. Nagulat si Dei pero hindi naman inalis ang kamay niya.  Tumingin ng derecho kay RJ.

Dei:  HHWCC?

ang lakas ng tawa ni RJ, naalala pa ni Dei ang Holding hands while Chicka-chicka.

RJ:  It is really great to see you. Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito yung tagos hanggang bone marrow.

Natawa din si Dei.

RJ:  Ikaw kamusta?  Career?  Work?  Lovelife?

Dei:  Career, certified writer na ako!  Nag second reprinting na ang 1st book ko tapos nilaunch ang second book ko at ila-launch siya sa Sunday next week sa Mega Trade Hall.

RJ:  Yah, I got your invites, sorry didn't make it may tinatapos akong movie non eh.  I really wanted to be there, minsan mo lang ako naalala, hindi pa ako nakapunta.

Dei:  Ok lang, alam ko namang busy ka tsaka sinabi sa akin ni Mr. T.

RJ:  Thanks pala sa copy ng book na binigay mo.  Bumili ako pinamigay ko sa mga kapatid at pinsan ko. But I never bought one for myself, ayokong basahin eh mami-miss kasi kita.

Dei:  So, hindi mo pa nababasa?

RJ:  I read the dedication page, that's sweet of you.  Akala ko ginugoodtime ako ni Rodjun at Kris yun pala totoong dinedicate mo sa akin pareho.  It means a lot to me.

Dei:  I'm glad you read kahit yung dedication man lang.

RJ:  Binabasa ko na kaya, nandon nga sa kotse eh dala-dala ko pa sa mga shoot or tour ko. Lagi nga akong asar talo kapag nakikita nilang binabasa ko eh.

Dei:  Pwede ka sa Sunday?  Punta ka sa book launching.

RJ:  Wouldn't miss it for the world.  I have a favor to ask...

Dei:  Ano yon?

RJ:  Pwede bang ikaw ang date ko sa book launching ng friend ko. Wala akong ibang pwedeng idate eh.

Natawa si Dei. 

Dei:  Work naman, katatapos lang ng From LS with Love so hindi ko pa alam what's next. Lovelife?  ano yon?  Ikaw, kamusta lovelife?  Kamusta si Koreen?

RJ: Lovelife? pano ba ispell yon? Hindi ko din alam yon eh.  Nandito ka pa, wala na kami ni Koreen.  Actually, she broke up with me that day na sinaktan ka niya.

Dei:  Huh?  Bakit hindi mo sinabi para kinausap ko siya.

RJ:  Kahit sinabi ko sa yo, kahit kinausap mo siya.  It can't change anything kasi she already new how I felt that day, kahit na ako hindi ko pa din alam.  Mabuti nga nakaalis ka na nung pumutok yung balita tungkol sa amin ni Koreen. At least hindi kita nahila pababa.  Pero Koreen did clear everything kaya natapos din ang mga pagtawag nila sa akin ng manloloko.

Dei:  RJ, I'm sorry. 

RJ:  Alam ko at alam mo naman ang totoo. Nothing to be sorry about.

Dei:  I stopped checking my accounts after I left, nagcheck lang ako after siguro 2 months na akong nandon. 

RJ:  Mabuti naman at least wala ka ng nabasa.

Dei:  I knew kasi si Coleen at Kath itinatawag sa akin. Must be hard for you.

RJ:  Don't worry about it ang importante sa akin yung hindi ka nila nasaktan.

Pinisil ni RJ ang kamay niya, hinawakan ni Dei ng kabilang kamay niya ang kamay ni RJ.  Tinignan niya ito at ngumiti. Biglang nagsalita ang waiter...

Waiter:  Excuse me Sir, Mam.  Here's your order.

RJ:  Kuya naman eh, wront timing ka.

Natawa si Dei... iniusog niya ang kamay sa gilid ng lamesa. Iniusog naman ni RJ ang upuan niya para mapalapit kay Dei at hindi na binitiwan ang kamay nito.

Pagalis ng waiter... tinignan ni Dei si RJ.

Dei:  Ahm, pwedeng pahiram muna ng kamay ko kasi nagugutom na ako eh.

RJ: Ayoko nga... o sige susubuan na lang kita para makakain ka.

Dei:  RJ naman eh!

Natawa si RJ, hinaplos ang pisngi ni Dei at binitawan ang kamay nito... 

RJ:  I miss this... I miss your smile and I missed you.

Dei;  Kumain ka na gutom lang yan.

Masaya silang kumain habang nagkukwentuhan. Sa isip ni RJ, "I really hope you are staying for good."  Si Dei naman... " I will make sure, na hindi mo na ako mamimiss."















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro